Chapter 3

2149 Words
Kyle Enrico Salvador ─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Buong araw kong hindi nakita si Junjun pero alam kong nasa paligid lang siya. Sabi nga niya, nandoon siya sa lugar kung nasaan ako... within a certain distance. At kung ano ang distance na yon? Malay ko. Itatanong ko sa kanya mamaya. Nag-chat din ako sa TL ko na hindi ako papasok kasi masakit pa rin ang ulo ko. Alam naman niya na nawalan ako ng malay kahapon. Tanggal angas talaga pag naaalala ko ang nangyari sa pantry. Weak. Ginawa ko lang ang mga bagay na lagi kong ginagawa pag walang pasok. Natulog ako magdamag at nang magising ako, alas-onse na ng gabi. Dahil nakaramdam ako ng gutom, sa convenience store ang bagsak ko. Wala rin kasi akong stock sa bahay. Di ako makapaghintay na sumahod. Pagkatapos kumain, bumalik ako ng bahay para matulog ulit. Yun lang naman talaga ang ginagawa ko. At saka gabi na, di naman ako nakakapag-gala. Muli na naman akong nagising nang may narinig akong ingay sa bahay. Narinig ko ang tunog ng TV, kasabay noon ang pagtawa ng isang lalaki. Nandito na siya. Kinuha ko muna ang cellphone ko para tignan ang oras. 9 AM na pala. Pagkatapos kong maghilamos, lumabas na rin ako sa kwarto. Nadatnan ko si Junjun na nakaupo sa sofa at nakataas pa ang isang paa. Naka-focus lang siya sa TV kaya di niya namalayan na lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para mag-init ng tubig pang-kape. "Kyle! Good morning!" ang masiglang bati sa akin ni Junjun nang mapansin niya ako sa kusina. Kumaway pa siya ng kaunti at ngumiti sa akin. Tumango lang ako at binalik ang paningin sa electric kettle na nakasalang. "Anong almusal?" Muntik na akong madulas mula sa kinatatayuan ko nang biglang sumulpot si Junjun sa tabi ko. "s**t!" Napapikit ako sa galit. "Di ba sabi ko sayo, wag kang lalapit sa akin?!" Pagdilat ko, wala nang Junjun sa tabi ko. Sa halip ay nakita kong bumalik siya sa kinauupuan niya sa sofa. Tinaas niya ang dalawang kamay niya sa gilid ng ulo niya at nag-sorry. Sinamaan ko siya ng tingin bago nilipat ang atensyon ko sa kumukulong electric kettle na ngayon ay sumisipol na. Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay pumunta ako sa sala at umupo sa pang-isahang sofa na malayo kay Junjun. May dala rin akong tinapay na walang palaman. Baka Gardenia yan. Nanonood yung gago ng Tagalized movie na hindi ko malaman ang title. Comedy ata yon kaya naririnig ko ang pagtawa ni Junjun. "Paano mo nabuksan ang TV?" tanong ko dito habang nakabaling ang atensyon ko sa cellphone ko. Ang daming chat ni Alan. Nakiki-usisa lang sa nangyari sa akin kahapon. Pinatay ko ang phone ko at humigop na lang ng kape. Mamaya ko na siya re-reply-an. "Ah, kaya ko kasi magpagalaw ng ilang stuff. And I can control some electronics too. Pero di naman lahat." sagot ng multo. "Talaga bang ikaw yung multo na usap-usapan sa office namin? Yung nagta-type sa keyboard kahit walang tao?" "Hmmm.. I'm not sure. Marami kasing multo sa building na yon kaya di ako sigurado." aniya habang ang mukha ay parang nag-iisip. "The employees there also call them Junjun." dagdag niya. Humigop ako ng kape at nakita kong parang natatakam si Junjun sa iniinom ko. Nagugutom ba ang mga multo? "Talaga bang matagal ka na doon? Bakit ngayon lang kita... nakita..." Nawiwirdohan akong itanong yon kasi parang gusto ko talaga makakita ng multo. Nadale tuloy ako ng To see is to believe ko. "Alam ko matagal na ako doon. I don't know exactly when, though. Saka, ngayon lang din naman kita nakita." ang sagot ng lalaking multo na patuloy sa panonood ng TV. "Bago pa lang ako dyan sa kumpanya na yan." Hmmm lang ang sagot ng gago at patuloy na nanood ng TV. Hindi na kami nag-usap pagkatapos non. Pagkatapos kong mag-almusal ay iniwan ko na si Junjun sa sala. Bumalik ako ng kwarto ko at binuksan ang laptop. Kailangan matapos ko na kaagad itong spirit contract o kung ano man to. Di ako komportable na may multo akong kinakausap. Nag-search ako sa internet kung paano tumatawid sa kabilang buhay ang mga espirito. Syempre hindi ko naman alam kung totoo ba ang mga nababasa ko. Sino bang tao na nakatawid na sa kabilang buhay at nagsulat ng blog article para don? Nilista ko yung iba na may sense at di pinansin yung mga sa tingin ko ay kalokohan lang. Nag-search din ako ng mga obituary online at baka makita ko doon si Junjun. Mahirap talagang maghanap kung walang pangalan. Umasa na lang ako sa mga obituary na may picture at nagbabakasali na nandon ang mukha ni Junjun. Sa tantya ko, mukhang recently lang namatay si Junjun. Hindi naman kasi siya mukhang sundalong Hapon o Kastila na namayapa na. Hindi rin makaluma yung suot niya kaya imposibleng 80s or 90s siya namatay. Tinignan ko din kung kailan natayo yung building ng kumpanya namin. 2007. Medyo bago pa kaya mas lumakas ang kutob ko na nito lang namatay si Junjun. Kung ano ikinamatay? Yung ang di ko alam. Wala talagang matandaan ang gagong si Junjun sa nakaraang buhay niya kaya nahihirapan ako ngayong mag-deduct. Pero sabi sa nabasa ko, nagmamanifest sa espirito kung ano ang ikinamatay nito. Kung nalunod ito, baka basa ang katawan nito at putikan ang damit. O kaya merong marka sa leeg nito kung namatay ito dahil sa pagbibigti. Lahat ng iyon wala kay Junjun. Gaya nga ng sabi ko, mukha siyang ordinaryong tao. Nag-isip ako ng nga cause of death na di naman mukhang marahas. Pwede din kasing namatay siya ng payapa mula sa isang malubhang sakit. Sa ngayon yun ang most possible reason ng pagkamatay nito. Ang action plan ko ay malaman kung paano namatay si Junjun, at kung sino ang pumatay sa kanya, kung meron man. Pangalawa, kailangan kong i-fulfill ang unfinished business ng gago dito sa mundo para payapa siyang makatawid. Sa tingin ko ito ang magpalalaya kay Junjun dito sa mundo ng mga nabubuhay. Tinignan ko ang listahan na sinulat ko sa notebook ko. Sana lang ay mapabilis na ang pagtawid ni Junjun sa kabila. Hindi lang ang kaluluwa niya ang mananahimik, pati rin ang buhay ko. Nagb-browse ako sa internet nang biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ng caller at masayang sinagot ang tawag. "Hi, ma!" bati ko. "'Nak! Kamusta ka na? Sabi ni Alan may sakit ka raw? Ano na ang pakiramdam mo?" May halong pag-aalala ang boses ni mama mula sa telepono. Na-guilty tuloy ako. Ayokong pinag-aalala sina mama at papa kaya di ako nagkkwento ng mga bad news. Susuntukin ko talaga ang nguso ni Alan pag nakita ko. Kababata ko si Alan mula sa probinsya. Close ang pamilya namin kaya nakakausap niya rin si mama. Naging magkaklase kami mula elemntary at high school sa probinsya at sabay na pumunta ng Maynila para mag-college. Siya rin yung nag-refer sa akin dito sa kumpanya kasi tatlong taon na siyang nagta-trabaho dito. May usapan din kaming hati kami sa referral bonus kapag na regularize ako sa trabaho. 5k din yon, no. Malapit lang din yung office namin ngayon kung saan ako nagta-trabaho dati. Business district kasi ang lugar kaya tabi-tabi ang mga BPO companies. "Naku, ma. Wag mo pansinin yong si Alan. Okay na ako. Saka nakapagpahinga na ako ng maayos. Bukas nga ay papasok na ulit ako." Gusto kong i-assure si mama na okay lang ako. Kasi okay lang naman talaga ko. Minus lang na nakikipag-usap ako sa isang multo na ngayon ay nanonood ng TV sa sala ko. Ayokong nag-aalala sila sa akin, at gusto ko chill lang sila doon sa probinsya. "Sigurado ka anak, ha? Kung di mo pa kaya ay wag ka munang pumasok. Magpatingin ka din sa doktor." bilin ni mama. "Yes, ma. Ikaw din ma, gamitin mo yung binigay ko sayong HMO. Magpa-check up ka rin sa doktor tungkol diyan sa p*******t ng likod mo. Ako ang nag-aalala sa'yo e." Meron kasing free HMO ang mga empleyado sa kumpanya at libre ang isang dependent kaya naman naisip ko na ibigay yon kay mama. Nung ika-3 months ko sa trabaho, nakuha ko na yung card at pinadala sa probinsya. Sabi ni papa, hindi pa daw niya nagagamit yung card kaya naman pinaalalahanan ko na siya. Nag-usap pa kami ni mama ng kung anu-ano. Isang oras din kaming nag-usap. Pagkatapos non ay nagpaalam na ako kay mama at pinatay ang phone. Paglabas ko ng kwarto ay wala na si Junjun sa sala. Tinignan ko rin sa kusina at baka pinapagana yung electric kettle, pero wala rin. Kibit-balikat na lang akong bumalik ng sala at binuksan ang TV. Buti naman at may konsensya pa ang gago na patayin ang TV kanina. Alam ko naman na nasa tabi-tabi lang yan si Junjun. Mas maigi pa nga na umalis na lang siya ng tuluyan. Pwede ba magkamilagro at bigla na lang siyang makatawid ng kabilang buhay? Bakit ba nasangkot ako sa ganito? Normal lang akong mamamayan at empleyado. Wala rin akong third-eye. Bakit kailangang ako pa? Kung gaano ka-misteryo ang pangyayaring ito, ganoon din ka-misteryoso si Junjun. Paano ako tutulungan ang taong di rin alam kung paano siya tutulungan? Napatawa ako ng bahagya. Tao? Multo si Junjun, hoy. "Anong nakakatawa?" Napatalon ako sa upuan nang marinig ang boses na iyon malapit sa tenga ko. "PVTANGINA MO JUNJUN!" Kinagabihan ay naghanda na ako ng hapunan. Simpleng kare-kare ang ulam ko na syempre ay hindi ako ang nagluto. Bumili ako sa karinderya malapit sa bahay ko. "Your house feels cozy. I like it." komento ni Junjun habang nakaupo sa unahan ko at pinapanood akong kumain. Kung sana isa siyang multo na hindi ko nakikita, walang problema kahit titigan niya ako magdamag. Kaya nga lang, heto at nakikita at nakakausap ko pa siya. "Wala naman akong pake kung di mo gusto." Nagkibit-balikat ako habang diretso lang sa pagkain. Buti na lang at malinis tignan si Junjun kahit espirito siya. Kung nagkataon na duguan siya, isang taon akong mawawalan ng gana kumain. Tumawa ito ng bahagya at nilagay ang baba nito sa palad ng kaliwa niyang kamay na ngayon ay nakapatong sa mesa. Nakatingin lang siya sa akin. "It's a bit small, but it's fine. And buti napapagana ko yung TV dito." dagdag niya. "It's small kasi hindi ito gaya nung office building na pinagmumultuhan mo. Normal na bahay 'to" Mas lalong natawa ang mokong sa sinabi ko. Napaka-choosy niya para sa isang multo. Iniba ni Junjun ang pagkakapwesto ng kamay niya sa lamesa. Ngayon ay nakapatong na ang baba nito sa palad ng dalawa niyang kamay na para bang nagf-flower pose. Alam niyo yung mas creepy? Although nakangiti siya, wala talagang buhay ang mga mata nito. Tila hindi nagre-reflect ang liwanag sa mga mata niya. Patay na patay. Kung hindi lang talaga maayos tignan itong si Junjun, kanina pa ako nagtatakbo palabas. Tahimik lang na nagmamasid sa akin si Junjun habang kumakain ako. Di ko na lang siya pinapansin. I'm your own business ika nga. Palihim ko siyang tinignan at mukhang di naman niya ako napapansin dahil doon lang sa pagkain ko siya nakatingin. Kung titigman mabuti, parang naglalaway pa nga ito. "Gusto mo?" Inalok ko siya ng isang kutsarang kanin at ulam. Kung pwede lang magningning ang kanyang mga mata, sigurado akong kanina pa ako nabulag. May halong pagka-excite sa mukha niya sa kabila ng mga patay niyang mata. He leaned towards me at akmang isusubo yung kutsarang tinutok ko sa kanya. "Can I?" paalam niya. "Of course not." sabay subo ko nung pagkain sa kutsara. Bumalik naman sa pagkakasandal si Junjun sa upuan nito at pinagkrus ang mga braso. Halata mong badtrip. "Bakit ba parang lagi mong gustong kumain? Nagugutom ba ang mga multo?" Naku-curious talaga ako kasi para siyang bata na hindi pinakain ng isang linggo kung makatakam siya sa pagkain. Alam ko kasi walang pisikal na katawan ang mga multo kaya imposible na magutom sila. Nataon lang na nahahawakan ko at nahahawakan ako ni Junjun marahil ay dahil sa spirit contract. Pero nagsimula kaya siyang magutom dahil doon? "I don't know. But seeing you eat so well, gusto ko na din kumain." "Hindi ba kayong mga multo, kinakain niyo yung mga pagkain na inaalay sa altar? Kaya mo ba yon?" Naalala ko tuwing All Souls Day, yung mama ko ay nag-iiwan ng pagkain sa puntod ng namayapang lolo. Sabi niya alay daw yon sa kanya para may makain daw siya sa langit. Kaya kahit natatakam ako, hindi ko ginagalaw yung mga pagkain na yon. Pero minsan naabutan ko may batang hamog na nagnakaw nung alay kay lolo. Napatawa ng malakas ang gago at walang pagaalinlangang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Nope. We like to eat..." mababang boses ang bulong ni Junjun at saka saglit na dumapo ang tingin sa ibaba ko, "human essence." "Fvck you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD