Chapter 4

1725 Words
Kyle Enrico Salvador ─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── "Wag kang lalapit sa akin, baka mabigwasan kita." Kinuha ko ang isang pakete ng instant pancit kanton sa harap ko. At dinagdagan ko pa ng isa. At isa pa. At isa pa. At isa ulit. "Tama na yan. Baka magkasakit ka sa kidney," ang mahinang boses sa di kalayuan. Nasa grocery store ako ngayon at ang asungot na si Junjun. Kanina lang kasi ay pumasok na ang sahod ko sa card ko. Buti na lang at nag-text sa akin si Alan ng MSN, kung 'di ay di ko mapapansin. Nakabuntot sa akin ang gago na nagpumilit sumama sa akin dito sa loob. Ang sabi ko ay sa labas na lang siyang maghintay. Napakadaldal kasi nito at naalibadbaran akong kausapin. Kahit naman sabihin kong hindi, sasama at sasama pa rin naman siya. Sino bang niloloko ko? Nagsuot ako ng wireless earphones para kapag kinausap ko siya, hindi naman ako magmukhang tanga na parang nakikipag-usap sa hangin. Hindi naman dahil sa gusto ko siyang kausapin. Baka kasi may maalala siya sa nakaraang buhay niya at para masabi niya sa akin kaagad. Ipinagpalagay kong may amnesia itong si gago. Sabi sa nabasa ko, makakatulong daw yung pagpunta sa mga lugar na madalas puntahan para ma-trigger yung memory nila. Di ko alam kung fake news to, pero wala namang masama kung susubukan. Sa grocery store ko pinili magsimula kasi bukod sa kailangan ko mag-grocery, sa tingin ko ay maganda na dalhin siya sa mga public place kagaya nito dahil baka sakaling napadaan siya dito nung buhay pa ito. Pinili ko itong grocery store na ito malapit sa office kasi baka taga dito rin si Junjun sa malapit since sa office siya nagmumulto. Sabi sa nabasa ko, namamalagi daw ang mga multo kung saan sila namatay. Ewan ko talaga dito sa mga nababasa ko. Susundin ko na lang. Kaninang umaga nga, naabutan ko na may mainit na tubig na'ng nakasalang sa electric kettle ko. Tinanong ko si Junjun kung siya ba may gawa noon. Um-oo naman siya at sinabing para mabilis daw akong mag-almusal at nang makapunta na kami sa labas. Hindi ko pinansin si Junjun at patuloy lang sa pamimili. Hangga't di siya nakaka-alala, wala namang reason para kausapin ko siya sa labas ng bahay. Nakakahiya kasi. Halos mapuno na rin ang cart ko sa pinamili pero may mga bagay pa akong kailangang bilhin. Medyo maingay sa paligid dahil sa mga bagong dating na customer. Malakas silang nag-uusap na akala mo ay pina-reserve nila ang buong lugar. "Dito ka lang, bantayan mo ang cart. May kukunin lang ako doon." mahina kong sabi kay Junjun na ngayon ay nakaupo sa sahig. Tumango naman siya at parang nakabusangot pa. Anong binubusa-busangot nito? Pumunta ako sa isang aisle na medyo makipot kaya di ko na lang dinala yung cart. Kumuha ako ng ilang mga kailangan ko doon pero biglang nakarinig ako ng sigaw. Mukhang galing yon sa aisle na pinag-iwanan ko kay Junjun. Hindi naman sa kinakabahan ako para sa kanya pero dali-dali akong pumunta sa pwesto niya. "Aaaaaahhhh!!" Narinig kong may tumili na naman kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad. "Multo!!!" ang tili ng isang babae. Naabutan kong may ilang mga nakakalat na grocery items sa lapag at yung babae naman ay nakasalampak sa sahig habang nakatingin sa isang shelf. Naaktuhan ko si Junjun na tinulak gamit ang isa niyang daliri ang isang lata na nakapatong doon na mas lalong ikinatili ng babae. Tawa lang nang tawa si Junjun habang nakikitang namumutla na sa takot yung babae. Anong trip nitong gago na to? Di lang siya nakuntento doon, pinalipad niya yung katabing lata nang hindi ito hinahawakan at saka tinapon ito doon mismo sa mukha ng lalaki. Sa lakas ng pagkakatama ay nagdugo ang ulo nito at saka nahimatay. "Junjun!" Tumawag ako ng tulong para magamot na rin yung kawawang lalaki. Dinala ito sa pinakamalapit na clinic malapit sa grocery store. Ako pa yung nag-volunteer na magbayad ng medical fees nung lalaki kasi nagi-guilty ako kasi responsibilidad ko si Junjun. Bumalik ako ng grocery store para kunin at bayaran yung mga pinamili ko. Nakabuntot pa sa akin ang gago, pag labas ko, wala na ito. Ano bang nakain ng multo na to at ginawa niya yon? Nasasapian din ba ng masamang espirito ang mga multo? Posible ba yon? Pagpasok ko ng bahay ay nilagay ko muna sa mesa yung mga grocery at saka umupo sa sala. "Magpakita ka." ang tawag ko. "Kung hindi ka magpapakita, wag ka nang magpakita sa akin habang-buhay," malalim ang boses ko habang pinagbabantaan yung gago. Pero sa totoo lang, medyo natatakot ako na baka ibang multo ang magpakita sa akin at hindi si Junjun. Okay na sa akin si Junjun, wag lang yung ibang mas nakakatakot na multo. Naramdaman ko naman na may umihip na malakas na hangin kasabay ng pagsulpot ni Junjun. Nakaupo siya sa pang-isahang sofa na medyo malayo sa akin. "I'm here." "Bakit mo ginawa yon?" Sa sahig nakatingin si Junjun na para bang nandoon ang kausap niya. Ilang sandali pa bago siya sumagot. "I saw that guy putting a pack of noodles in his jacket. He's a shoplifter, Kyle. Bagay lang yon sa kanya." Napamasahe ako sa sentido ko ng marinig yung rason niya. Ano naman ang pake niya doon. Multo siya, at di siya dapat nakikialam pa sa problema ng mga tao. Kung shoplifter nga yung lalaki, edi dapat sinabi niya sa akin para ako na ang nagsumbong sa management. Hindi pa niya dapat saktan yung tao? "Anong uri ng espirito ka ba, ha? Masamang espirito ka ba?" galit na tanong ko. Napaangat ang tingin ni Junjun sa akin at nanlaki ang mata, "Masamang espirito? Sa gwapo kong to, magiging masamang espirito ako?" Pinagkrus pa nito ang mga braso niya na akala mo ay na-offend. "Ang kapal ng apog mo. Sabihin mo lang sa akin kung masamang espirito ka para mapalayas kita. Ayokong makasalubong si satanas pag sinundo ka." Nakita kong pinagalaw ni Junjun yung isang throw pillow nang hindi ito hinahawakan at literal na binato sa akin yon. Binato ko sa kanya pabalik yung unan, pero as expected, tumagos lang sa kanya. Hindi ako pwedeng hindi makaganti. "Wala sa'yo ang batas. Multo ka na, kaya hayaan mo na lang sa mga tao yung problema nila. And the fact na kaya mong manakit ng tao, masasabi kong masamang espirito ka!" "I'm not! Tinuruan ko lang ng lesson yung lalaki. Hindi ko naman siya pinuruhan!" "Alam mo, buti at namatay ka na. Nung buhay ka siguro ay pakialamero ka." Napatigil sa aktong pagbato ng throw pillow si Junjun nang marinig niya ang sinabi ko. A**hole. You're an a**hole, Kyle. Nag-iba ang hilatsa ng mukha niya at mas lalo akong nakaramdam ng lamig sa paligid. "Ewan ko sa'yo Kyle! Matutulog na lang ako!" Padabog na umalis si Junjun sa sala at tumagos sa pader palabas. Sinong tinakot niya? At anong matutulog? Natutulog ba ang mga multo? "Go! Wag ka na'ng bumalik dito!" Ilang oras pagkatapos ng away namin, hindi pa rin bumabalik si Junjun sa loob. Palihim kong sinilip ang gago sa labas. Ilang beses ko na'ng nakita si Junjun na nakahiga sa garden ko sa maliliit na d**o. Parang nags-sun bathing ito at nakaunan pa ang isang braso niya sa ilalim ng ulo. Tinotopak lang yon. Hinayaan ko na siya sa buhay niya at bumalik sa sala. Kinuha ko na lang yung cellphone ko at nagscroll sa f*******:. Nakita kong nag-share ng Memory from 4 years ago yung isa kong f*******: friend. Marian dela Vega. Ex-girlfriend ko pala 'to. We broke up in good terms 3 years ago. College sweathearts kami. We hit it off instantly nung una pa lang kaming nagkasabay sa college registration. Naging kami nung graduation namin sa college kasi sabi niya study first muna. But over the years, medyo hindi naging maganda ang pagsasama namin dahil sa mga magulang niya. Her family is the best example of matapobreng mayaman. Tutol sila sa relasyon namin dahil hindi ako galing sa mayamang pamilya. Noong una, nagagawa pa namin mag-date ng palihim. Tinutulungan ko din siyang tumakas minsan sa bahay nila para magkapagkita kami. Siguro napagod na lang kami sa ganoong set up kaya sa huli, naghiwalay din kami. Ni-like ko lang yung post at nag-scroll ulit. Ni-like ko lang, mga pare. Wala na kong nararamdaman sa kanya. Hindi ba pwede yon? Biglang napatigil ako sa pags-scroll. Parang may imaheng nahagip ang mga mata ko kanina. Parang si... Nag-scroll ako pabalik doon sa post ni Marian. Binuksan ko ang isang picture doon sa Memory niya. Group picture yon na kinuha sa isang hiking spot. Limang magkakaibigan ang naka-akbay sa isa't isa. Nasa gitna si Marian at naka-peace sign ang isang kamay nito. Pero hindi yan ang mahalaga. Sa likod ng grupo ay may ibang turista din ang nakunan sa camera. Mga photo bomber kumbaga. Sa isang sulok ng litrato ay makikita ang isang lalaki na nakasuot ng black t-shirt at navy blue cap na nakasuot ng patalikod sa ulo nito. Sa kanang kamay ay hawak niya ang kanyang cellphone. Ang mukha naman niya ay nakatingin sa unahan na parang may kausap dahil nakabuka ang bibig nito na parang nagsasalita. Malabo man ang kuha pero naaaninag ko ang buhay sa mga mata niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Nahagip ng camera nina Marian si Junjun! Dali-dali akong tumayo mula sa sofa at nagpunta sa garden para tawagin si Junjun. Pero walang ni-isang nilalang ang nasa garden. Wala siya sa madalas na hinihigaan niya. Lumabas pa ako ng gate para tignan kung nakatambay sa labas si Junjun. "Junjun!" sigaw ko. Pumasok ako sa bahay para tignan kung nandoon ba siya. Minsan kase prankster yung gago na yon. Tinignan ko da kwarto ko at baka doon nagtatago, pero wala. Nilibot ko na ang buong bahay pero hindi ko siya makita. Hinayaan ko muna siya dahil parang kabute talaga yon na bigla-bigla sumusulpot. Kinuha ko ang cellphone ko at sinave yung picture na pinost ni Marian. Saka ko nag-search kung saan yung hiking spot na pinuntahan nila 4 years ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD