Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Nagising ako dahil may kung anong nakapulupot sa akin.
Pagmulat ko, mukha kaagad ni Junjun ang tumambad sa akin. Nakapikit ito na parang natutulog. Nakasiksik ito sa taas ng dibdib ko, at yung isang braso niya ay naka-yakap sa bewang ko. Ginawa naman niyang unan yung isang braso ko, at gaya ng pwesto niya, nakahawak din ang braso ko sa bewang niya.
Napabalikwas ako nang ma-realize ang pwesto namin ngayon.
Magkayakap kaming natutulog.
Tinanggal ko ang kamay ko sa bewang niya. Hindi ko maipagkakaila na maliit ang bewang nito at tila kasya sa mga kamay ko.
Shit. Anong pinagsasasabi ko?
Tinanggal ko din ang braso niya na nasa bewang pero binalik niya lang ito sa dati nitong pwesto. Iniisip ko tuloy kung nagtutulug-tulugan ba to.
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Wala naman, para lang talaga siyang isang buhay na tao. Di mo aakalain na multo ito. Napansin ko din na mahaba pala ang mga pilik mata niya. Meron din itong bangs na humaharang sa mga mata niya at hinawi ko iyon.
Hindi naman ito ang unang beses kong nahawakan ang mukha ni Junjun. Malambot at makinis ito na parang bata. Kutis mayaman kumbaga. Dinako ko ang daliri ko sa ilong niya, pababa sa labi niya.
Shit.
Parang napaso sa apoy ang daliri ko nang ma-realize ko kung anong ginagawa ko.
"Hmmm~ Good morning pogi~"
Halos mapatalon ako nang biglang nagsalita si Junjun. Binuksan niya ang mata niya at tumitig sa akin. Tinulak ko siya palayo sa akin dahilan para gumulong ito sa kabilang side ng kama.
"Like what you see?" ang sabi ni Junjun na inayos ang pwesto para makatagilid siya habang inaalalayan ng isang kamay nito ang ulo niya. "Libre hawak naman. Mamaya may bayad na yan."
Inirapan ko ang gago at sinipa paalis ng kama. Tawa lang ito ng tawa.
"Anong pinagsasasabi mo? Bumangon ka na nga!"
Bumangon na ako para mag-ayos. Balak ko kasing mag-grocery ngayon dahil wala na akong stocks na mapagkakasya hanggang sa makasahod ulit ako.
Paglabas ko ng sala nakita ko si Junjun na nakaupo sa sofa at nakatitig sa pinapanood niyang cartoon sa TV. Yung sisiw naman niya ay nakahiga sa tabi niya. Inuwi nga pala namin yung sisiw mula sa probinsya. Gusto daw kasing palakihin ito ni Junjun. Chikie yung pinangalan ng ungas sa kaawa-awang sisiw na blue.
Gumawa na ako ng almusal, kape at tinapay na masarap kahit walang palaman. Nung inalok ko naman yung isa, ayaw pa nito dahil plain daw. Arte.
Pagkatapos non ay nagpunta na kaming grocery store. Ito din yung pinuntahan namin noon. Naalala ko tuloy yung ginawang kalokohan ni Junjun na nauwi sa pag-aaway namin.
"What's so funny?" narinig kong tanong ng mokong. "And your smile is creepy."
Di ko namalayan na nangiti pala ako mag-isa. Agad kong iniba ang ekspresyon ko at patuloy na tinulak yung cart ko.
Napadaan kami sa mga shelf ng gatas at nagturo na naman ang gago. Gusto ba naman ng Enfakid?
"Ano ka ba? Sanggol ka ba?" mahinang tanong ko sa kanya habang tinulak palayo doon sa gatas ang cart. Medyo may mga tao kasi at baka may makarinig sa amin. Nalimutan ko pa magdala ng earphones.
"But I'm your baby!" naka-pout na sabi ng mokong.
Di ko napigilang ibato yung nahawakan kong balot ng Milo sa direksyon ni Junjun. Syempre hindi siya natamaan. At syempre nagtinginan sa akin yung mga tao.
"A-ah di na-shoot sa cart." palusot ko sa sarili ko at sinigurado kong narinig din yon ng ibang tao. Di ko naman balak bumili ng Milo pero nilagay ko na lang sa cart ko. Tinulak ko na ang cart para pumunta sa ibang aisle. Pero bago yon, tinapunan ko si Junjun ng masamang tingin.
Konti lang naman ang bibilhin ko ngayon kasi budgeted lang talaga ang pera ko. Si Junjun naman, panay turo ng kung anu-ano. Karamihan mga sweets e hindi naman ako mahilig don. Pero tumawad naman siya na chichirya na lang ang ipapabili niya.
"Baby, gusto ko yooon~"
"Wow! That looks yummy. Can you buy me that, baby?"
"Thanks, baby!"
Kanina pa ganto ang mga pinagsasasabi ng hayop na si Junjun. Hindi naman ako maka-react kasi madaming tao at baka kung anong magawa ko sa ungas na to. Napadaan kami sa cold drinks section at napansin ko ang repleksyon ko sa salamin na nasa taas. Namumula ang mukha ko na di maipinta. Malamang ay namumula ako sa sobrang galit dahil sa gago na to.
Pagkatapos mamili ay dumaan kaming department store dahil kelangan daw namin magsuot ng formal attire next week dahil bibisita yung mga client namin at ibang higher ups. Puro tshirt at casual outfits lang kasi ang meron ako kaya naisip ko na bumili na lang. At yung budget ko talaga sa pagkain ay dito ko nilaan. Biro lang. Nagdadalawang-isip talaga akong bumili kasi isang beses ko lang naman gagamitin. Di naman formal yung mga daily pormahan ko.
Simpleng black button-up collared long-sleeved shirt lang at saka itim na slacks na pasok sa budget ang pinili ko. Bago ako magbayad ay inisip ko pang mabuti kung bibilhin ko ba talaga yon. Nanghihinayang kasi ako sa pera. Naisip ko na sukatin muna ito sa fitting room, at kung bagay sa akin, saka ako magde-decide kung bibilhin ko ba o hindi.
Hinubad ko na ang mga dapat hubarin saka isinuot yung mga damit na bibilhin ko. Nasa likod ko ang wall mirror, at pag harap ko doon, nakita ko si Junjun na nakangiti.
"What the f—"
Di ko na natapos magmura dahil tinakpan ni Junjun ang bibig ko.
"What? Ang ingay mo, may tao sa cubicle beside you." ang sabi niya. Tinanggal ni Junjun yung kamay niya sa bibig ko pero nilingkis naman niya iyon sa bewang ko.
"Ano ba? Gago ka ba?" ang pabulong at pagalit kong tanong.
Tinignan ko ulit siya mula sa salamin. Di ko alam na nakikita ko rin pala siya sa reflection.
Doon ko lang napansin na nag-iba pala ang suot ni Junjun. Lagi kasi itong naka jacket na navy blue at white tshirt. Pero ngayon, halos makalimutan kong huminga habang tinitignan ang kaanyuan niya.
Pareho kami ng damit. Nakatupi hanggang sa siko nito ang manggas ng itim na dress shirt. Naka-loob ang laylayan nito sa itim na pantalon na saktong-sakto ang pagkakayakap sa maliit na bewang at mahabang binti ni Junjun.
Thump.
Thump.
"You like it, baby?" ang tanong niya at naramdaman kong hinihimas niya ang tagiliran ko. "But I like yours better."
Tinayuan ako ng balahibo nang bumulong sa akin ang gago.
Thump.
Thump.
"J-Junjun, tantanan mo nga ko!" Pinilit kong makawala mula sa pagkakahawak nito. Hinayaan naman niya ako at tumawa lang siya. "Di ka nakakatuwa."
Napakaliit ng fitting room para pagkasyahin ang dalawang mama. Kahit na itulak ko siya, magkalapit pa rin kami. At alam kong malamig si Junjun pero bakit pinagpapawisan ako?
"Joke lang. Pero bagay sa'yo, bilhin mo na." Parang bulong ng demonyong sabi ni Junjun. "You look good, I like it."
"Bibilhin ko kung anong gusto kong bilhin."
"But you'll buy it because I told you that you look good in it." kantyaw ng gago.
"Asa ka. Lumabas ka na nga, magpapalit ako ng damit." Tinulak ko si Junjun sa pinto ng fitting room.
"Ano naman? We're both guys—“
"Pag bilang ko ng tatlo, dapat wala ka na dito kundi ipagtatatapon ko lahat ng pinabili mo pati si Chikie." ang mariin kong pagbabanta.
Mabilis pa sa alas-singko'ng tumagos si Junjun sa pader para lumabas.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na ang mokong pero mainit pa rin ang pakiramdam ko. Naalala ko pa rin ang anyo ni Junjun, ang mga matang nakatitig, at ang kamay na nakahawak sa akin.
Thump.
Thump.
Heto na naman to.
Napakapit ako sa dibdib ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Parang... parang bumibilis ang t***k ng puso ko.
Nagmadali na akong nagbihis at tiniklop ng maayos ang mga damit na bibilhin ko. Bago lumabas ay siniguro kong kalmado na ako.
Binayaran ko na sa counter yung mga damit at nakita ko si Junjun na nakaupo doon sa likod ng counter suot pa rin yung all-black na damit habang nakhalulipkip at nakangiti na parang loko.
Inirapan ko ang gago. Pero dahil ako lang ang nakakakita sa hayop na yon, yung irap ko ay tila nadirekta doon sa cashier. Nakita ko ang pagkabigla niya at medyo natigilan pa sa pagbibilang ng sukli ko.
"A-Ano miss. Hindi kita inirapan. May ano kasi ako... ano, makati yung likod ng mata ko. May infection kaya ganto. Haha." Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa kahihiyan. Yung gago naman ay tawa ng tawa.
Nag-sorry ulit ako doon sa walang kamalay-malay na cashier. Naghulog pa ako ng isang daan doon sa lata ng Bantay Bata na nasa counter para naman magka-plus points kay ateng cashier kahit papaano. Para makatulong na rin. Plus points sa langit.
Pagbalik namin sa bahay ay sinalansan ko muna yung pinamili ko. Yung damit naman ay nilagay ko muna sa labahan dahil hindi ko pa naman gagamitin. Saka ako nagpunta ng kusina para ihanda yung gagamitin ko sa pagluluto.
"How's my look Chikie? Nagustuhan mo ba ang new outfit ng daddy mo?" narinig kong sabi ni Junjun mula sa sala. Mukhang nakikipaglaro ito sa sisiw. Nagpabili kasi ito ng feeds sa akin para daw lumaki itong malusog.
"Your other dad looks pogi too. Yeah? Aww, sweet naman ng Chikie ko." Sumisiyap-siyap lang ang sisiw na parang nakikipag usap talaga kay Junjun. Hindi ko alam kung nakikita niya rin ito. Pero narinig ko nakakakita daw ng mga espirito ang mga manok.
At anong other dad? Ako ba yung tinutukoy niya? Napailing na lang ako habang patuloy na hinihiwa sangkap sa lulutuin ko. Bicol express ang balak kong lutuin. Nagpaturo ako ng recipe kay mama nung lumuwas ako para makapagluto ako nito kapag nami-miss ko ang luto niya.
"Jun? Kumakain ka ba ng maanghang?" tanong ko. Medyo malakas ang boses ko in case di niya ako marinig sa kusina.
"Yes, Kyle."
Sa sobrang bigla, nadulas ang kutsilyong hawak ko at dumaplis ito sa daliri ko. Walang pasabi kasing sumulpot itong si Junjun sa kasina at naupo sa taas ng kitchen counter sa tabi ko.
"s**t!" bulalas ko.
Tumulo na yung dugo mula sa sugat. At bago pa ako makapuntang lababo para hugasan ito, hinila ni Junjun ang kamay ko kung saan nandoon ang sugatang daliri ko. Hindi ko na siya napigilan nang bigla niya itong isubo sa kanyang bibig at sipsipin.
Hindi ako makagalaw. Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa daliri ko na naglaho sa loob ng mga labi ni Junjun. Wala akong maramdaman kundi lamig. Hindi rin basa gaya ng laway. Malamig lang talaga.
Pagkatapos ng ilang saglit, na pakiramdam ko ay ilang taon, tinanggal ni Junjun ang daliri ko mula sa bibig niya. Nagbalik din ako sa sarili ko at mabilis na hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya para hugasan ang daliri ko sa gripo.
Thump.
Thump.
Thump.
"S-Sorry Kyle. Nag-panic lang ako at yun yung unang pumasok sa isip ko..."
Hindi ko ito pinansin. Pinakinggan ko lang ang rumaragasang tubig na dumadaloy sa kamay ko. Kailangan kong ma-distract. Parang sirang plakang paulit-ulit na nagp-play sa utak ko yung tagpo kanina.
Thump.
Thump.
Tangina.