Chapter 14

1640 Words
Kyle Enrico Salvador ─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Isang umaga, naisipan kong mag-jogging dahil nararamdaman kong nagiging out of shape na ako kakakain ng mga pinapabili ni Junjun. 4:45 ng umaga lumabas na ako ng bahay suot ang gym shorts at drifit shirt. Tanging ang sisiw lang ang naabutan ko sa sala kanina. Wala si Junjun paggising ko. Habang tumatakbo ako, iniisip ko kung nasaan na ba yon. Baka kasi bumalik yon ng bahay tapos makita niya na wala ako. Saka wala pang almusal. Ano kaya ang magandang lutuin? Mahilig kasi sa matatamis yong si Junjun. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa park malapit sa bahay. Dahil napaka-aga pa, wala pang gaanong tao sa paligid. May iilan na nag-jogging rin pero kaunti lang. Maganda itong pag-jogging-an dahil malawak ito at may oval din. May mga benches naman sa paligid na pwedeng upuan in case mapagod ka. Nag-warm up muna ako para hindi mabigla ang katawan ko. Sinasabayan ko yung beat ng music na tumutugtog sa earphones ko. Random playlist ito sa Spotify kaya naman hindi ako pamilyar sa ilang kanta. Saglit akong tumigil sa pagwa-warm up para tignan sa phone ko yung title ng nagp-play ngayon. Ang catchy kasi tapos maganda rin yung melody. Nakita ko ang pangalan ng group, mine:us. Ngayon ko lang narinig 'tong group na 'to. Ni-like ko yung kanta at saka muling bumalik sa pagwa-warm up. Nasa ika-limang lap na ako sa pagjo-jogging pero hindi ko pa rin nakikita si Junjun. Nag-aalala ako na baka nasa bahay na iyon tapos wala siyang maabutan. Naisip ko na huminto muna sa pagtakbo at maupo para magpahinga. May lalaking nakaupo sa isang dulo ng pinakamalapit na bench sa kinatatayuan ko. Doon na lang din ako umupo dahil public space naman 'to at saka wala namang nagsasabi na bawal. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang notepad. Ililista ko lang yung mga bibilhin ko pag-uwi. Tiyak kasi na magre-request ng kung anu-ano yong si Junjun pagdating ko. Simula nung araw na nakaramdam ako ng thump thump thump sa dibdib ko tuwing kasama ko si Junjun, parang natakot na ako sa mangyayari. Bakit ganon? Normal lang ba yung nararamdaman ko? O baka gawa lang 'to ng stress? "Uhh... excuse me po?" Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig kong nagsalita yung lalaki na nakaupo sa tabi ko. Hindi ko sigurado kong ako ba yung kausap niya kaya naman tinignan ko muna siya kung sa akin siya nakatingin. Mahirap na, baka mapahiya. Nakita ko na nakatingin ang lalaki sa akin. Ngayon ko lang napansin na medyo kakaiba ang usot nito. Naka-sumbrero ito at face mask na itim. Halatang hindi ito nandito para mag-jogging sa oras na to. Kaduda-duda. Naramdaman siguro ng lalaki ang pag-aalinlangan ko. "Ano... Hindi ako masamang tao. Pramis." tinaas ng lalaki yung kanang kamay niya tanda ng pangangako. Binaba pa niya yung face mask niya para makita ko ang mukha niya. "Na-lowbat na kasi yung cellphone ko, e may kailangan akong tawagan para magpasundo..." Sa tingin ko ay mas bata sa akin 'tong lalaki. Mga nasa 20 or 22 siguro. Payat ang pangangatawan nito na proportional sa kanyang height. Maamo rin ang mukha nito, mukha nga itong isang model e. Medyo umusog pa palapit sa akin yung lalaki. Nagulat naman ako kaya umusog ako palayo sa kanya. "Manghihiram sana ako ng phone para makitawag. Pramis hindi talaga ako masamang tao. Heto oh," inabot sa akin ng lalaki yung patay niyang cellphone at isang maliit na coin purse. "Hawakan mo pa yang phone at wallet ko para sure na hindi ko itatakbo yung phone mo." Naririnig ko naman ang pagkadesperado sa boses niya para patunayan na mabuti siyang tao. Mukha talagang kailangan niya makitawag. "A-Ah... Hindi, okay lang," binalik ko sa kanya yung mga gamit na inabot sa akin. "Ito oh, unli call yan." Binigay ko sa kanya yung cellphone ko. Hindi ko napansin na nasa Spotify pala yung screen, at nakita ko ang pagkabigla nung lalaki nang makita ito. "Thank you! Wow! Nakikinig ka nito?" Hinarap niya sa akin yung screen kung saan makikita yung Spotify na nag-pplay ng kanta. Ito yung kanta na napakinggan ko kanina na ni-like ko. Yung kanta nung... mine:us ba yun? "Sakto lang. Maganda naman yung kanta." napakamot ako sa ulo ko dahil di ko alam kung anong kinalaman nito. Baka siguro gusto lang makipag-chikahan ng lalaki. Napatakip ng bibig yung lalaki na parang hindi ito makapaniwala. Parang maiiyak din ito sa hindi ko malamang dahilan. "Thank you!!!" Nagulat ako dahil bigla akong niyakap nung lalaki. Dahil nabigla ako, naitulak ko siya palayo. Agad din namang nag-sorry yung lalaki. "Sorry po. Nadala lang ng bugso ng damdamin." Nagtataka talaga ako sa mga kinikilos nitong lalaki. Parang gusto ko na ngang kunin yung phone ko e. Nag-dial na yung lalaki at saka hinitay ma-connect yung tawag. Saglit lang silang nag-usap ng tao sa kabilang linya. Mukhang nag-tatanong ang kausap nito dahil panay "oo" lang ang naririnig ko. Sinabi rin ng lalaki yung lokasyon kung nasaan siya. Binaba niya yung tawag at binura yung call logs niya sa cellphone ko bago ito binalik sa akin. "Maraming salamat po, kuya. Napakabait niyo." "Walang anuman." ang tipid kong sagot. "Taga-dito po ba kayo?" "Oo, dyan lang sa malapit." "Athlete po ba kayo?" tinignan ng lalaki yung suot kong sports outfit. "Pero mukha din kayong artista." Natawa naman ako sa sinabi nitong bata. "Nangbola ka pa. Hindi ako atleta o artista. Normal citizen lang ako." "Naku, sa gwapo niyong yan? Akala ko nga po jowa niyo yung babae na yon." tinuro ng lalaki yung isang babaeng di ko kilala na nag-eexercise sa di kalayuan. Agad ko namang binaba ang nagtuturong kamay nito dahil baka may makakita. "Huy ano ka ba. Wag ka magturo. Saka wala akong jowa no." "Ano pong secret sa pagiging single?" Akala ko ay tinutukso lang ako nitong lalaki pero nakita ko na seryoso ang mukha niya. "Nakakapagod kasi minsan magmahal..." Hindi ako nakasagot dahil agad naman siyang nagsalita. Napalitan ng lungkot ang kaninang energetic niyang mukha. "Nakakatakot isipin paano kung wala na siya bukas sa tabi mo." Bigla akong natamaan sa sinabi niya kasi nakaka-relate ako. Takot. Ganito ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko na balang araw, mawawala rin si Junjun dito sa tabi ko. Mahal ko ba siya? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung kailangan ko bang sumagot. Buti na lang ay patuloy na nagsalita ang lalaki. "I guess, we just have to be grateful sa bawat sandali na kasama pa natin sila. Then live our life while looking at them from afar." Kuhang-kuha ng lalaking ito ang laman ng isip ko. Iniisip ko tuloy kung pareho kami ng sitwasyon ngayon. "Paano kung hindi mo na talaga siya makikita... habang-buhay?" Bakas ang pagtataka ng lalaki sa tanong ko, pero bago pa man siya makasagot, may isang boses ang tumawag: "Hanzo!" Sabay kaming napatingin sa lalaking bagong dating. "C-Caelan? Bakit nandito ka? Nasaan si Tim?" "At bakit mo hinahanap yon?" May halong pagkainis ang boses ng bagong dating. Napatingin pa ito sa akin saglit bago tinuon muli ang paningin sa lalaking nasa tabi ko... na nagngangalang Hanzo (?) "Eh siya yung tinawag ko dito e!" "Wag mo na'ng hanapin ang wala. Let's go." Hinila niya yung Hanzo patayo. Kinakabahan ako dahil mukhang manununtok itong bagong dating. Napakalaking mama pa naman. "Woy! Teka lang naman!" Nagpumiglas yung Hanzo mula sa pagkakapit nung isang lalaki bago tumingin ulit sa akin. "Thank you nga po pala sa pagpapahiram ng phone, kuya. Ano po palang pangalan niyo?" "Walang anuman. I'm Kyle." Nilahad ko ang palad ko para makipag-kamay. Sana maging okay siya kung ano man ang pinagdadaanan niya. Pinigilan ng malaking lalaki yung kamay ni Hanzo na siya namang kinagulat ko. "Thanks Kyle." saka siya mahigpit na nakipag-kamay sa akin. Pakiramdam ko malalasog ang mga buto ko. Mabuti na lang at binitawan niya agad. "We have to go." "O-okay...?" Nagtataka kung bakit parang mainit agad ang dugo ng lalaking to sa akin. "Sorry, Kyle." Nahihiyang ngumiti si Hanzo at napakamot pa ito sa ulo na parang hindi alam ang sasabihin. "Si Caelan nga pala—" "I'm his hus—“ "Manager! Manager ko siya, haha." Hindi ko narinig kung anong sinabi nung Caelan kasi biglang sumingit si Hanzo. Ano ba 'tong problema ng dalawang 'to? Umalis na rin silang dalawa. Narinig ko pa nga na parang nagbabangayan sila habang naglalakad palayo. Nagsimula na rin ako maglakad pa-uwi dahil sumisikat na rin ang araw. Pinagmasdan ko ang paligid at at habang papalapit ako sa playground sa kabilang parte ng park, nahagip ng paningin ko ang isang lalaking naka-upo sa swing. Si... "Junjun!" Mabuti na lang at wala pang tao sa paligid. Tumingin ito sa akin at agad namang lumapad ang ngiti nito sa labi. Kumuha ito ng pwersa para pagalawin ang swing at saka binato ang sarili sa akin. "Kyle!" Tiyak kong kahit sino matatakot kapag nakita na gumagalaw mag-isa yung swing. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon habang pinag-mamasdan ang masayang mukha ni Junjun. "I've been waiting for you." ang sabi niya sa akin. "Salamat." Nagpapasalamat ako sa bawat sandaling kasama kita. "Ano yon?" ang nagtataka niyang tanong. "Wala. Sabi ko tara, nagugutom na ako." Pero hindi pa ako handang mawala ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD