Chapter 15

1619 Words
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Sundan natin ang araw ng pinakagwapong (di umano) multo at kung anu-ano ang mga pinagkakaabalahan niya. Tahimik na nakaupo si Junjun sa sofa ni Kyle. Alas-10 na ng gabi at wala ring mapapanood sa TV, kaya minarapat na lang nito na maupo na lang at makipaglaro sa sisiw na si Chikie. Hindi man niya ito mahawakan, tila naririnig naman siya nito dahil hinahanap-hanap ng munting sisiw ang boses ni Junjun tuwing nagsasalita ito. May pasok si Kyle ngayon at kasalukuyang naghahanda. Ngayon kasi ang araw ng pagbabalik nito sa trabaho mula sa mahabang bakasyon. Nakaramdam rin ng konting excitement si Junjun dahil makikita ulit nito ang mga kaibigan sa building. Napukaw ang atensyon ni Junjun nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Kyle. Iniluwa nito ng bagong ligong binata na medyo basa pa ang buhok. May itim na tote bag itong nakasukbit sa kanang balikat habang ang kaliwang kamay naman nito ay hawak ang cellphone. Nakasuot ito ng black na pullover hoodie na pinaresan ng itim na jogger pants at puting Converse. Naamoy din ng multo ang normal na pabango nito na gusto niya laging nalalanghap. Namamangha si Junjun sa ayos ni Kyle. Napakasarap nito sa mata kahit na ano pa man ang suot nito. Matangkad kasi ito at matipuno ang katawan at kapansin-pansin din ang mahahaba at tuwid nitong mga binti. "Papasok na ko. Sasama ka ba?" Bumalik sa sarili si Junjun nang marinig niya ang boses ng binata. "Of course! Let's go!" ang masiglang sagot ng multo. Pagkatapos siguraduhin na may sapat na pagkain at inumin ang sisiw na blue, umalis na ang dalawa para pumunta ng office. Mabilis maglakad si Kyle habang si Junjun naman ay tahimik lang na nakasunod. Sa ilang araw na nakasama ni Junjun si Kyle, alam niya na talagang mabuting tao ito. Nagpapasalamat siya dahil si Kyle ang nagkaroon ng kakayahan na makita siya. Bago kasi dumating ang binata sa buhay (?) niya, tanging mga kapwa kaluluwa lang na naninirahan sa building ang kausap niya. Masaya naman sila kausap, pero limitado lang ang napag-uusapan nila dahil gaya niya, wala din silang maalala sa mga nakaraang buhay nila. Hindi rin sila nakakalabas sa lugar na iyon. Pawang mga pangyayari lang sa loob ng office building ang napagku-kwentuhan nila. Pagkatapak pa lang ni Junjun sa loob ng building, mas naging masigla ito. Excited itong makipag-kwentuhan muli sa mga multo dahil sa dami ng istorya na baon niya. Gusto niyang i-share yung mga experience niya sa mga naging gala nila ni Kyle. Tiyak nito na kaiinggitan siya ng lahat. "Kyle, I have to go somewhere. See you in a bit!" ang nagmamadaling pagpapa-alam nito sa binata. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Kyle. Kumaway si Junjun at saka dali-daling nagtungo sa lugar kung saan alam niyang nakatambay ang mga multo. "I'm back!" Kung naririnig lang ng mga nabubuhay ang boses ni Junjun, tyak na nabulahaw na ang buong building. Masigla niyang binati ang mga multo na tila nagtitipon sa isang lugar. "Junjun 8! Kamusta ka na?!" Nagulat si Junjun 3 nang makita ang pagbabalik ng kaibigan. Akala kasi nito ay tuluyan na itong nawala. Hindi kasi ito nagpaalam na aalis kaya di nila alam kung ano ba ang nangyari rito. Junjun 8 ang palayaw ni Junjun—si Junjun na kaibigan ni Kyle. May mga numbers ang nickname nila dahil lahat ng multo sa building na iyon, babae man o lalaki, ay Junjun ang pangalan. Tinatayang nasa 15 ang lahat ng multo na nakatira rito. Nako-corny-han nga siya sa ganitong systema kaya naman Junjun lang ang binigay na pangalan nito kay Kyle. Pero wala siyang magagawa. Ito ang napagkasunduan ng mga naunang multo sa kanya. "Kagagaling ko lang po sa isang trip with my friend." ang magalang na sagot ni Junjun. Base kase sa kaanyuan, isa si Junjun sa mga mas bata sa kanilang grupo. Ang iba ay mukha na'ng may katandaan na. "Aba naman! Talagang umaasenso ka na ah!" Naramdaman ni Junjun ang pag-akbay sa kanya ng kaibigan na si Junjun 7, isang lalaking multo na nauna sa kanya manirahan sa building. Isa siya sa mga naging kasundo niya sa lugar na iyon. Kung ibabatay sa panlabas na kaanyuan, mukhang magka-edad lang silang dalawa. "Of course! I found the right one for me." ang pagmamayabang ni Junjun. "He's very cool, at napakabait pa." "Ikwento mo naman samin ang adventure niyo sis! Dali! Ano, daks ba?" ang usisa ni Junjun 2. Isa siya sa mga tinuturing na ate ni Junjun. Mahilig itong mag-share ng lovelife tips pero hindi niya alam kung saan nanggagaling yon. Dito rin natutunan ni Junjun ang mga kabalastugang lumalabas sa bibig nito. Kumbaga, si Junjun 2 ang halos 'nagpalaki' sa kanya kaya naman namana niya ang ibang ugali nito. "Ate!" Kung pwede lang ay mamula si Junjun sa sobrang hiya matapos marinig ang sinabi ni Junjun 2. Naisip niya na ganito pala ang nararamdaman ni Kyle kapag tinutukso niya ito. "Ano ka ba? Oks lang yan. Di niya malalaman na pinagchi-chismisan natin siya." ang hirit ni Junjun 2. "Ikaw talaga Junjun 2, kaya nahahawa sayo itong si bunso e." ani Junjun 7. Paakbay na hinila niya palapit si Junjun na parang isang bata na inaalo. "Hmp! KJ!" humalukipkip si Junjun 2 na para pang nagmamaktol. Gantong-ganto ang gawain ni Junjun sa tuwing hindi siya pinapansin ni Kyle. Natawa na lang tuloy ang multo sa sarili niya. "Pero, ano? Kamusta sa labas? Maganda ba? Magkwento ka naman." sabik na tanong ni Junjun 7. Ikinuwento ni Junjun ang ilang magagandang pangyayari sa labas. Mula sa pagh-hike nila, pati na ang pagluwas ng probinsya. Ibinahagi rin niya ang karanasan nang madiskubre niya na kaya niyang malasahan at makain ng mga pagkain na binibigay sa kanya ni Kyle. Kinuwento rin niya kung gaano kabait si Kyle sa pagbili ng pagkain para sa kanya. Ultimo sisiw ay binilhan siya nito. Hindi lang yon, pinagluluto rin siya ng kaibigan at pinapatabi sa pagtulog sa iisang kama. Naaaliw naman makinig ang mga kaibigang multo nito na ngayon ay nakapalibot at interesanteng nakikinig sa mga kwento niya. Pansin din nila ang pagguhit ng matamis na ngiti sa labi ni Junjun sa tuwing mababanggit niya si Kyle. Ibang-iba ito sa tahimik na Junjun 8 na kilala nila noon. Sa katunayan, panay Kyle dito, Kyle doon ang bukambibig ni Junjun magdamag. Rinig na rinig sa boses nito ang labis na paghanga para sa lalaki. Mistula itong bata na nagkukuwento tungkol sa paborito niya superhero. "Nako ha, ang bunso namin, parang may nagugustuhan na." ang pagpaparinig ni Junjun 2. Pabiro pa nitong siniko-siko ang tagiliran ng kaibigan. "A-Ano? Hindi no. Kyle's just amazing, that's why!" Nauutal-utal pa si Junjun sa pagdepensa sa sarili. Para sa kanya, isang cool na tao si Kyle. Humahanga siya rito dahil mabait ito at maaalalahanin. Sa tuwing kasama niya ito ay hindi niya pansin ang malayong kaibahan nila. Si Kyle na mainit ang mga palad, at siya naman na tanging lamig lang ang kayang ibigay. "Sus! Junjun 7, ang anak natin, binata na. Huhuhu." Pabirong nagda-drama si Junjun 2 at pinunasan pa ang pekeng luha nito. Nagtawanan naman ang ibang multo sa kanyang pag-arte. "Si ate, napaka-drama." Mahinang tumawa si Junjun. Inakbayan nito ang ate na para bang pinapatahan ito sa pag-iyak. Alam niyang nanunukso lang ang mga ito pero hindi mapigilan ni Junjun ang malungkot sa sitwasyon niya. Gusto niya si Kyle bilang isang mabuting kaibigan at mabait na tao. Sari-saring what ifs ang pumapasok sa isip niya ngayon. What if buhay ako? What if buhay ako at nagkita kami ni Kyle? What is buhay ako at nagkita kami ni Kyle at naging magkaibigan? Magugustuhan niya ba ako? Tanging panlulumo lang ang nararamdaman ni Junjun sa tuwing iniisip niya ito. Para sa kanya, huli na ang lahat para sa kanilang dalawa. Buhay at kamatayan ang pumapagitan sa kanila at wala silang magagawa dito. Bilang lang ang oras nila. Ang isa ay kailangang tumawid papunta sa kabilang-buhay, at ang matitira ay kailangang ipagpatuloy ang buhay. Mabubuhay si Kyle kahit na wala si Junjun. Pero hindi makakatawid sa kabilang-buhay si Junjun kung wala si Kyle. Naramdaman naman ng mga kaibigang multo ni Junjun ang pagbabago sa mood nito. May pagsang-ayon sa isa't-isa silang nagkatinginan na para bang nagpa-plano sila gamit ang kanilang isip. Si Junjun 2 naman ay sinasampal ang sarili sa isip nito. Nagbibiro lang naman siya tungkol sa mga gusto-gusto na yan. Tanging panunukso lang ang intensyon niya pero hindi niya inaasahan na iba ang magiging reaksyon ni Junjun dito. "Well, well, well." biglang pumalakpak si Junjun 2 na siya naman ikinabalik ni Junjun sa kasalukuyan. "Naiintriga ako dito sa Kyle na 'to ha. Ipakita mo sa amin ang lalaking ito at nang mahusgahan na namin." Curious lang talaga siya sa taong tutulong kay Junjun 8 makatawid sa kabilang-buhay. "Oo nga. Patingin niyang Kyle na yan. Pag hindi yan pasado para sa bunso namin, ako ang bahalang magturo ng leksyon." pinatunog ni Junjun 1 ang mga kamao nito na para bang naghahanap ng away. Halos mapasapo naman sa noo sina Junjun 2 at Junjun 7 dahil sa walang kwentang komento ni Junjun 1. Hindi niya ramdam na mas pinapalala niya ang sitwasyon. "Okay. I think he's in the 4th floor right now." Sa kakakwento niya ay tila nasabik ding makita ni Junjun si Kyle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD