Chapter 16

1459 Words
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── "Naku, ang gwapo naman pala nito ni Kyle. Parang malalaglag ang panty ko sis!" Lingid sa kaalaman ni Kyle ay pinalilibutan siya ngayon ng mga multo. Nakaupo ang binata sa station nito at seryosong nagttrabaho. May suot pa itong anti-rad glasses dahil minsan ay sumasakit ang mga mata nito sa mahabang pagtitig sa computer. Nakaupo naman sa gilid ng desk ni Kyle si Junjun at tahimik lang siyang pinagmamasdan. Halos malaglag pa nga ang panga nito dahil first time niyang makita ang kaibigan na nakasalamin. Mabuti na lang ay pinili niyang wag magpakita sa binata ngayon, kung hindi ay hindi niya malayang matititigan ito. Paminsan-minsan ay may kakayahan siyang huwag magpakita kay Kyle. Na kahit nasa tabi niya lang ito ay hindi niya mararamdaman o makikita ang kanyang presensya. Per hindi naman palaging nasa tabi niya ito, minsan ay naglilibot-libot si Junjun mag-isa at nag-iisip-isip sa mga bagay. Patuloy pa rin ang kinikilig na pagtili ni Junjun 2 na ngayon ay parang bumalik sa pagka-teenager. Ilang beses pa itong umikot sa walang muang na si Kyle para masilayan ang kabuuan nito. "Friend ha, to be fair, ang gwapo. Pakak yung muscles oh." pinindot pindot ni Junjun 2 ang braso ni Kyle kahit na hindi niya ito nahahawakan. "Mukhang daks si kuya." Hinampas ni Junjun 7 si Junjun 2, "Tumigil ka na nga. Napakamanyak mo talaga." Kinuha nito ang kamay ng babae at inilayo kay Kyle na kasalukuyang may kausap na customer. "Che! Wag mo nga ako pakialamanan. Saka wala naman siyang pake no." inirapan ni Junjun 2 si Junjun 7. Tahimik na tumawa si Junjun sa gilid habang pinapanood magbangayan ang dalawang kaibigang multo. Nabaling naman ang atensyon niya kay Kyle na medyo iritable na ang boses habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Hinilot-hilot nito ang pagitan ng kilay at saka muling tinipa ang keyboard habang nagsasalita. Lalong humanga si Junjun kay Kyle habang pinagmamasdan niya itong magtrabaho. Ang ganda ng boses nito habang nagsasalita ng english. Yung tipong mapapa-'yes sir' ka na lang sa lahat ng sasabihin niya. Kahit siguro utasan siya nito na tumalon sa bangin, malugod niya tong gagawin. Ang sexy din ng dating nito, medyo mababa ang boses at husky na para bang nang-aakit. Pilit naman niyang iniisip kung bakit ngayon lang sila nagtagpo sa loob ng building. Kahit na bago pa lang si Kyle sa kompanya na yon, imposibleng hindi mag-krus ang landas nila dahil pagala-gala lang si Junjun sa building na iyon. Halos lahat ng sulok na ata ng lugar na 'yon ay napasok na niya. Maliban siguro sa ibang area na sa di maipaliwanag na dahilan ay di niya magawang mapuntahan kagaya ng 10th floor. Maya-maya pa ay tinanggal ni Kyle ang suot na headset at pinatong ito sa desk niya. Kinuha nito ang black na tumbler at saka tumayo. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya na nasa tabi niya lang si Junjun. Yung ibang multo naman ay nagsi-alisan na dahil may kanya-kanya pa itong pinagkakaabalahan. Ilang hakbang ang ginawa nila nang marating nila ang water dispenser sa sulok. Bahagyang yumuko si Kyle para punuin ng malamig na tubig ang tumbler niya. Pagtalikod niya, di sinasadyang natabig niya yung taong kasunod na gagamit ng water dispenser. "Ah-sorry!" "Sorry." Magkasabay na-nagsorry si Kyle at yung babae na natabig niya. "Oh, Kyle. Nandito ka na pala!" Napatingin si Kyle sa babae at dito niya lang na-realize na kakilala niya pala ito. Si Jacky, isa sa mga ka-wave niya noong training. Magkaiba ang team na napuntahan nilang dalawa kaya naman bibihira lang silang magkita. "Jacky. Kamusta?" ang bati niya sa babae. "Ito, stress na ang lola mo. Ikaw? Balita ko ang tagal mong naka PTO ah." Bakas sa boses ng babae ang pagiging palabiro nito. Si Kyle naman ay medyo naiilang dahil hindi naman sila gaanong close ni Jacky. Tanging tanguan lang ang batian nila sa tuwing nagkakasalubong sila sa hallway. "Haha. Na-enjoy ko naman ang pahinga. Nakauwi din sa probinsya." Hinihiling ni Kyle na sana hindi awkward ang dating ng boses niya. Gusto na niyang umalis doon pero parang gusto pa makipag-usap ni Jacky. "Wow. Taray naman pala. Sino kasama mo magbakasyon?" usisa ng babae. Pinilit ni Kyle na huwag ngumiti sa tuwing naaalala niya yung pagluwas nila ni Junjun. Nagtagumpay naman siya dahil halos poker face pa rin ito kung makipag-usap. "Kasama ko yung kaibigan ko." Sobrang lawak ng ngiti ni Junjun nang marinig niya ang sagot ni Kyle. Gusto niya itong yakapin sa sobrang tuwa pero pinili niya na huwag na lang at baka maramdaman siya ng binata. Pwedeng sabihin ni Kyle na wala siyang kasama dahil sa mata ng mga tao, siya lang mag-isa ang lumuwas at hindi naman nila alam na may nakabuntot na Junjun sa tabi niya. Pero sa di maipaliwanag na dahilan, gusto niyang sabihin na may kasama siyang kaibigan. Kaibigan ang turing sa kanya ni Kyle. "Swerte talaga. O siya, mauna na ako. Baka ma-overbreak ako e." ang paalam ni Jacky. Naghiwalay na ang dalawang empleyado papunta sa kani-kanilang desk. Pero di pa nakakalayo, ay may isang babae pa ang humarang kay Kyle. "Hii Kyle~" Medyo iba ang tonong gamit nito. Marahang hinawi nito ang ilang pirasong buhok niya sa likod ng tenga niya. Kakaiba rin ang tingin na binibigay nito kay Kyle. "Hello po." ang magalang na pagbati ng binata. Kaharap niya ngayon ang OM ng cluster nila at siya yung nag-approve ng PTO niya. Nagpapasalamat naman si Kyle dahil dito pero di niya alam kung bakit mas naiilang siyang kausapin ito. Mas gugustuhin pa niya sigurong kausapin na lang si Jacky. Hindi alam ng binata kung saan titingin dahil medyo revealing ang suot ng OM nila. Mababa ang neckline nito at medyo sumisilip ang malulusog na dibdib mula sa itim niyang blouse. Hapit na hapit din ang damit nito at mababakas ang hubog ng katawan. Pinili na lang ni Kyle na tumingin sa paanan niya sa kagustuhang huwag madako ang mata nito sa imahe ng babae. Dati pa man ay medyo iba na ang pakikitungo ng OM nila sa kanya at medyo clingy rin ito minsan kaya siya na ang lumalayo dito. Si Junjun naman ay nakahalukip at naka taas ang kilay habang nakatingin sa tagpo sa harap niya. Hindi niya gusto ang hilatsa ng pagmumukha ng babae. Kakaiba rin ang kinikilos nito na para bang... para bang... nagpapapansin kay Kyle! "Kamusta ang bakasyon, iho? Nag-enjoy ka ba?" Gustong hambalusin ni Junjun ang babae dahil halata namang nilalandi niya si Kyle. "Yes po. Thank you po sa pag-approve ng PTO ko." Magalang ang pagsagot ni Kyle at mabilis lang siyang sumulyap sa mukha ng babae bago muling pinako ang paningin sa paa nito. Kating-kati na siyang umalis at bumalik sa station niya. Ayaw naman niyang maging bastos dahil mas nakatataas ito sa kanya. At saka wala naman talagang ginagawang masama sa kanya ang babae. Iba lang talaga ang pakiramdam niya. "Don't mention it." May landi ang boses ng babae na siyang ikinatayo ng balahibo ni Kyle. Lumapit pa ito sa kanya at bumulong: "If you need anything else... just, anything... you know where to find me. Bukas lagi ang office ko para sa'yo." Labis na nagpapasalamat si Kyle dahil walang masyadong tao sa parte kung nasaan sila ngayon. Napakabilis kasi kumalat ng tsismis sa opisina nila at ayaw niyang masangkot sa mga ito. "Sige po, salamat." Lumayo si Kyle at nagpaalam na babalik sa station. Sa kabilang banda na hindi nakikita ng mga normal na mata, hindi maipinta ang mukha ni Junjun. Obvious naman na nilalandi nung babae si Kyle. Nakakuyom ang kamao nito at nag-uumapaw ang kagustuhan na turuan ng leksyon ang haliparot na ginang. Bilang isang kaluluwa, may pribilehiyo siya na gawin ang kahit na anong gusto niya dahil wala namang makakakita at pipigil sa kanya. Nang masiguro ni Junjun na malayo na si Kyle, sinundan niya ang babae. Hindi niya mahahawakan ng babae pero kung itutuon niya ang kanyang atensyon sa sapatos nito, magagawa niya itong mahawakan ng ilang segundo. Sinadya niyang sipain ang paa nito kaya naman natapilok ang ginang. Tumapon tuloy ang hawak niyang mug na may lamang kape. Nagsisisigaw ang babae na siyang tumawag sa atensyon ng ibang ahente at tinulungan nila itong makatayo. Tawa naman ng tawa ang kaluluwa na si Junjun habang nakaupo sa isang desk di kalayuan mula sa kumosyon. Naririnig pa niya na nagmumura-mura sa galit ang babae habang nililinis ang natapong kape. "Serves you right, b*tch."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD