Chapter 6

3639 Words
Malakas ang hangin at ulan sa labas animo'y may bagyo. Sa bawat patak ng butil ng ulan sa malaking salamin ng sliding window ng kwarto ni Rannasha, ay walang tigil rin ang pagpatak ng luha niya. Labis niyang dinamdam ang mga salitang binitawan ni Khaki. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganon na lang ang pakikitungo sa kanya ng binata. "It hurts!" Mahinang usal ni Rannasha habang pinapanood ang bawat pagdausdos ng tilamsik ng ulan sa salamin ng sliding window. Nahiga si Rannasha sa mahabang couch sofa malapit sa bintana at patuloy pinanood ang ulan sa labas. Hanggang sa makatulog si Rannasha ay tumutulo ang kanyang luha. "Iha, gising na may pasok ka pa." Marahang inaalog ni nanay Lily ang balikat ni Rannasha. Mahimbing ang tulog ng dalaga sa mahabang couch sofa. "Susme na bata ka. Bakit naman diyan ka natulog sa sofa. Hindi ka ba nangangalay nakabaluktot kapa. Hay naku." Mahinang usal ng matanda habang inaayos ang school uniform ni Rannasha. "Bumangon kana diyan at baka ma-late ka. Nariyan na rin ang papa mo, kanina pa naghihintay sa'yo." Muling usal ng ginang. Walang ganang bumangon si Rannasha nakasimangot ang mukha nito at halatang wala sa mood. "Good morning yaya." Bati ni Rannasha sa matanda. Kinuha niya ang puting tuwalya at dumeretso sa banyo. "Mukhang masama ang gising ng alaga ko." Umi-iling-iling na sabi ni nanay Lily. Lunch break habang nag lalakad sa pasilyo si Rannasha patungo sa canteen ay nagbubulungan ang ibang estudyante, at siya ang topic ng mga ito. Biglang nairita si Rannasha, siya talaga ay napupuno na sa mga tsismosa sa paligid niya. Hindi ba talaga siya titigilan ng mga ito. Nilapitan ni Rannasha ang tatlong babaeng grade ten. "Hoy kayo!" Nabigla naman ang tatlong babae dahil sa pagsigaw ni Rannasha. "Hindi porket mas matanda kayo sa akin ay hindi ko kayo papatulan. Kapag hindi n'yo ako tinigilan papuputulan ko kayo ng dila, dahil sa pagiging tsismosa n'yo!" Galit na sabi ni Rannasha at inirapan ang mga ito. "Bakit ang tagal mo dumating beshie. Kanina pa ako dito naghihintay mapapanis na ang pagkain natin, pati mga mata ko titirik na sa gutom." Pabirong saad ni Atarah. "Sorry beshie." Nakakunot noo na sabi ni Rannasha. "Alam mo kanina ko pa napapansin simula ng dumating ka kaninang umaga. Bad mood ka, nakasimangot, minsan nagtataray at nagsusungit. Ano bang ganap sa'yo at parang badtrip ka?" Tanong ni Atarah kay Rannasha. "Wala, sadyang masama lang ang gising ko kaninang umaga." Sagot ni Rannasha sa kaibigan. "Hindi ako naniniwala, ang mga mata mo namumugto. Akala mo ba hindi ko napansin. Ano ba nangyari Rannasha? best friend tayo, pwede ka mag kwento sa akin." Aniya ni Atarah. "Si Kuya Khaki---" "Hi, Can I sit here?" Naputol ang sasabihin ni Rannasha ng may lalaking nagsalita sa bahaging gilid niya. Bumaling siya rito ng nagtataka. Ito ang unang beses na may ibang lalaking lumapit sa kanya, maliban kay Brent. "May kailangan ka?" Masungit na tanong ni Rannasha sa lalaki. Ngumiti ang lalaki lumitaw tuloy ang mapuputing ngipin at malalim na dimples nito sa makabilang pisngi. "Masungit ka pala. Pero okay lang dahil mas lalo kang gumaganda. I'm Vance Buenaventura." Inilahad ng lalaki ang kamay nito sa harapan ni Rannasha. Matagal na tinitigan ni Rannasha ang kamay ni Vance. "Hoy beshie, tanggapin mo naman ang pakikipagkamay niya. Nakakahiya beshie nag hihintay siya oh." Saad ni Atarah. Kilala ni Rannasha si Vance, dahil isa ang lalaki sa mga sikat dito sa buong campus. Matunog ang pangalan nito sa buong campus, dahil basketball varsity player si Vance at sikat na sikat dahil lagi nito naipapanalo ang laro. Lalo na kapag dumadayo ang buong team sa ibang school. Senior highschool na itong si Vance at karamihan sa mga babae dito sa Anderson ay nagkakagusto sa lalaki. Hindi lang sa larangan ng basketball kilala si Vance, matalino din ito at ubod ng gwapo. "Hello." Alanganin na tinanggap ni Rannasha ang pakikipagkamay nito. "Akala ko uugatan na ang kamay ko. Pwede na ba akong makiupo?" Wika ng lalaki "Yeah, sure." Nakangiting sabi ni Rannasha. "Bagay kayo beshie. Pero mas bagay parin kayo ni kuya Khaki." Mahinang panunukso ni Atarah sa kaibigan at kinikilig pa. Marahang siniko ni Rannasha si Atarah. "Ssshh! Tumigil ka nga baka marinig ka niya, nakakahiya." Nang matapos ang buong klase ay nagpaalam na rin ang kanilang guro. Palabas na si Rannasha at Atarah sa pinto ng room ng makita si Vance na nakatayo sa labas ng room. "Hi Rannasha. Pwede ko ba kayong yayain mag mall wala kasi akong ibang mayaya." Nahihiyang turan ni Vance. Mag sasalita sana Rannasha ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Reydon ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot. "Papa nasa parking lot kana po ba?" [ "Sorry sweetheart. Hindi kita masusundo ngayon dahil nasa byahe ako papunta ng Italy. Gusto mo bang ipasundo kita sa mga tauhan ko?" ] "No papa it's okay po. Tatawagan ko nalang ang isa sa mga driver namin. Mag iingat ka po at bumalik ka agad papa." [ "Sure anak. Maybe next week I can come back." ] Wika ni Reydon sa linya. "Sumama kana beshie para maaliw ka naman. Gusto ko sana sumama sainyo pero uuwi kasi ako ngayon sa quiapo. Walang kasama si lola sa bahay umalis si tatay at umuwi muna sa probinsya." Saad ni Atarah. "Hindi ka ba uuwi sa bahay ni kuya Maverick?" Tanong ni Rannasha. "Hmmm wala kasi ngayon si kuya Maverick, sinamahan niya yung girlfriend niya sa France. Baka sa susunod na araw pa sila bumalik." Ayaw sana sumama ni Rannasha pero nahihiya naman siyang tanggihan si Vance mukhang mabait naman ito at mapagkakatiwalaan. "Ah sige kuya Vance, hintayin mo nalang ako sa parking lot. May kukunin lang ako sa locker ko." "Mauuna na ako sa'yo beshie ha." Nag paalam na si Atarah kay Rannasha at nag biso sa pisngi ni Rannasha bago umalis. Kinuha ni Rannasha ang ibang libro niya sa locker plano niya itong i-uwi. Nang naglalakad na siya sa pasilyo palabas ng locker room ay biglang may humarang sa dadaanan ni Rannasha. Kilala niya ang isa sa mga ito. Si Louisville Montessori. Fourth year college at sa pagkakaamalam niya malapit rin ito kay Khaki. Kasama ang mga kaibigan nito at pinsan na si Margaretta na isang senior highschool. Matangkad si Louisville kaya bahagyang tumingala si Rannasha. "May kailangan ba kayo?" Malumanay na tanong ni Rannasha. Ngumisi si Louisville at tinaasan ng kilay si Rannasha. "Kung ano ang kinahinhin ng boses mo, kabaliktaran naman ng kilos mo. Malandi, nasa loob ang kulo." Mahinang saad ni Louisville. Narinig naman ito ni Rannasha kaya bahagya siyang nairta sa babaeng kaharap. "Nagmamadali ako." Walang ganang sabi ni Rannasha. "Ikaw na bata ka. Can you stay away from my Khaki? He is my boyfriend now, and it is not good that you are always together. You are just ruining his good reputation." Nakangising sabi ni Louisville kay Rannasha. "Huwag ka po mag alala tita! Malapit na rin akong umalis kaya hindi mo na ako makikita. Iyong-iyo si kuya Khaki itago mo sa laylayan ng saya mo!" Puno ng pang-uuyam sa boses ni Rannasha. Sinadya niya talaga itong tawaging tita para asarin ito. Umalis na si Rannasha at iniwan ang mga babae sa locker room. Napasimangot ng husto si Louisville sa sinabi ni Rannasha. "Aba't, tinawag akong tita? Ano akala n'ya sa akin tiyahin n'ya? Grabe may tinatago din palang kamalditahan ang batang iyon." Hindi makapaniwalang sabi ni Louisville. "Bakit mo naman kasi sinusungitan si Rannasha? Hindi ka naman inaano nung bata." Turan ng kaibigan ni Louisville. "Wala lang boring ako eh, bakit ba." Anas ni Louisville. "Lakas ng tama mo girl. Sinabi mo pa boyfriend mo si Khaki. Bakit kayo ba ni Khaki?" Usisa ng isang kaibigan ni Louisville. "Hindi, wala naman akong pag-asa kay Khaki. At isa pa may hinihintay daw siya na babaeng mahal na mahal niya." Saad ni Louisville. "Wow! Sino naman kaya? Ang swerte naman ng babaeng iyon." Aniya pa ng isang babae. "Pasensya kana kuya Vance at napaghintay kita ng matagal." Hinging paumanhin ni Rannasha sa lalaki. Kuya ang tawag ni Rannasha kay Vance dahil mas matanda ito ng ilang taon. "Okay lang. Matiyaga naman akong maghintay, basta ikaw Rannasha." Wika ni Vance at ngumiti. Hindi pinansin ni Rannasha ang mga sinabi ni Vance, at niyaya n'ya nalamang ito pumunta ng mall. "Halikana baka gabihin tayo." Nasa luxury perfume store si Rannasha at Vance namimili ng pabango. Si Vance ay nasa men section ng mga perfume panlalaki. Si Rannasha naman ay nasa pambabae na mga pabango at namimili rin. "Rannasha, Come, smell it if it smells good." Aniya ni Vance. Dahil sa pagtawag ni Vance sa pangalan ni Rannasha ay napalingon ang isang lalaking nasa likuran ni Vance. May kasama itong babae na kulang na lang ay kumapit na parang tuko sa katawan nito. Nakayukong naglakad si Rannasha habang papunta kay Vance. Habang ang isang lalaki ay titig na titig kay Rannasha. "Sige nga paamoy kung mabango." Wika ni Rannasha. Tinuro ni Vance ang leeg niya kung saan siya nag spray ng perfume. Tumingkayad si Rannasha at inamoy ano leeg ni Vance. Mariin napakuyom ng kamao ang lalaking nakatayo sa bandang likuran ni Vance. "Mabango naman, pero masyadong matapang masakit na sa ilong. Hmmm... Ako nalang mamimili ng pabango para sa'yo." Turan ni Rannasha at namili ng pabango para kay Vance. "Siguro ito mabango." Binuksan ni Rannasha ang isang sample ng pabango at ni-spray sa kanyang palapulsuhan at inamoy. "Hmmm... This, it smells good on you. Mabango siya at hindi masakit sa ilong." "Really?" Nakangiting tanong ni Vance. Tumango lang si Rannasha at hindi sinasadyang napatingin siya sa likuran ni Vance. Nanlaki ang mga mata ni Rannasha ng makita si Khaki. Kinabahan siya ng husto dahil ang talim ng tingin nito sa kanya at pati kay Vance. Matatakot sana siya pero ng maalala niya yung mga sinabi sa kanya ni Khaki ay biglang uminit ang ulo niya. Dumapo ang mata ni Rannasha doon sa babaeng kasama ni Khaki. Napakunot ang noo niya, dahil ibang babae ang kasama ni Khaki. "Sabi ni Louisville ay boyfriend niya si kuya Khaki. Bakit ibang babae kasama ni kuya Khaki?" Wika ni Rannasha sa isipan n'ya. Hindi alam ni Rannasha kung bakit nakakaramdam siya ng inis, dahil sa paraan ng pag-yapos ng babae kay Khaki. Nagtataka si Vance kung sino ang tinitingnan ni Rannasha mula sa kanyang likuran, kaya lumingon din ito. Agad umiwas ng tingin si Rannasha at tinuon ang atensiyon sa kasama n'ya. "Ah, kuya Vance. Pwede bang tulungan mo rin akong pumili ng pabango. Hindi ko kasi alam kung anong pipiliin ko." Saad ni Rannasha. "Ako, ako ang piliin mo Rannasha." Seryosong sabi ni Vance. Natulala naman si Rannasha dahil sa binigkas ni Vance. "Joke lang. Ito naman tulala ka agad d'yan. Biro lang yun, pero totoo." Mahinang sabi ni Vance pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Khaki. "Biro? Pero totoo? Ang gulo mo din kuya Vance." Wika ni Rannasha. "Alam mo bang karamihan sa joke, is totoo. Kaya kapag biniro kitang gusto kita, ibig sabihin totoo iyon." Saad pa ni Vance. "Damn this f*****g jerk! I'm gonna kick this fetus! Eh, kung pabiro ko din kaya siyang suntokin." Mariing usal ni Khaki. Nagtungo si Rannasha at si Vance sa pabango pambabae. Si Khaki naman ay masama ang tingin kay Vance lalo ng umakbay ito kay Rannasha. "Babe, kukunin mo ba itong perfume? Mabango siya at ang lakas ng dating. Bagay na bagay sa'yo ang amoy nito." Wika ng babaeng kasama ni Khaki. Pasimpleng tumingin si Rannasha sa pabango na hawak ng babae. Katulad ito ng pabangong pinili n'ya para kay Vance. "No, I don't like the smell. It smells old." Inis na sabi ni Khaki sa babae. "Ganun... Ang bango kaya." Nakasimangot na wika ng babae. "Huwag ka sumimangot babe. Because... I like your smell better. Than this perfume, babe." Malanding sabi ni Khaki at hinalikan sa pisngi ang babae pero ang mga mata nito ay nakatitig kay Rannasha. Napa-ismid ng labi si Rannasha at mahinang nagsalita. "Ang arte, amoy gurang ka rin naman. Ang harot!" "What Rannasha? Are you saying something?" Tanong ni Vance. "Ah... Wala sabi ko parang mabango ito." Kinuha ni Rannasha ang isang sample ng perfume at ni-spray sa kanyang leeg. "Ano kuya Vance, mabango ba?" Nakangiting tanong ni Rannasha sa lalaki. Bahagyang yumuko si Vance at inamoy ang leeg ni Rannasha. Nabigla si Rannasha sa ginawa ni Vance pero huli na para iwasan pa ang lalaki. Hindi sinasadyang dumampi ang labi ni Vance sa balat ng leeg ni Rannasha. Nakita ito ni Khaki kaya kumuha siya ng isang pabango. Then, he dropped the perfume on the floor. Tumiim ang labi at bagang ni Khaki dahil sa galit. Napasinghap lahat ng mga customer sa loob ng store. Kahit si Rannasha at Vance ay nagulat at napalingon sa dereksiyon ni Khaki. "Naku naman yung pinakamahal pa na pabango ang nabasag!" Reklamo ng sales lady. "Don't worry, I will pay for that." Saad ni Khaki pero ang mga mata nito ay nakatuon kay Rannasha. "Come on, Rita, let's leave this place. The smell here is horrible!" Matigas na turan ni Khaki at nagtungo sa counter. Pagkatapos bayaran ni Khaki ang kanyang nabasag ay umalis na siya ng store. "Hey! Babe wait for me, ang bilis mo naman maglakad." Reklamo ni Rita. "What is his problem? He was obviously jealous." Nakangising sabi ni Vance. "Hindi yun nagseselos, bakit mo naman nasabing nagseselos yun? Kaya nagkakaganon iyon kasi galit siya sa akin. Dahil ayaw niya akong makita." Wika ni Rannasha. "Talaga ba? That's not what I see in his eyes." Anas ni Vance. "Tsk! Malabo yata ang mga mata mo kuya Vance. Parang pamangkin lang ang turing sa akin ni kuya Khaki. At isa pa may girlfriend na siya, kaya huwag ka malisyoso diyan." Aniya ni Rannasha kay Vance. Hindi naman kasi siniseryoso ni Rannasha ang mga sinabi noon ni Khaki na pakakasalan siya nito. Baka nga binibiro lang siya nito. Lalo na ngayon na aalis siya at magkakalayo silang dalawa. "You are not related by blood. You, do you like him?" "No, i don't like him." Deretsong sagot ni Rannasha. "Bata pa ako kuya Vance para sa ganyang bagay, pag-aaral ang priority ko ngayon. Iyon ang ipinangako kay Mommy at daddy. Lalo na sa papa ko, ayoko masira ang expectation nila sa akin. Mataas ang pangarap nila para sa'kin, at gusto ko maabot iyon." Dagdag pa ni Rannasha. Napangisi si Vance sa sinabi ni Rannasha. "So, may pag-asa pala ako sa'yo." Nakangiting saad ni Vance. "Hay naku kuya Vance wala ka din pag-asa sa akin. Gurang na ako babalik dito sa pilipinas." Pabirong wika ni Rannasha. "Ouch! Hindi pa ako nanliligaw sa'yo pero basted na agad ako. Saka huwag mo nga ako tinatawag na kuya, masakit sa feelings." Usal ni Vance. "But I'll still wait for you. Choose wisely, my Rannasha." Seryosong sabi ni Vance. "Nakaka-pressure ka kuya Vance." Bigkas ni Rannasha. "Oh come on, Rannasha. Stop calling me kuya. Vance na lang." Usal ni Vance. "Kuya parin ang itatawag ko sa'yo dahil mas matanda ka parin sa akin, po." May pang-aasar na sabi ni Rannasha. Sumimangot ng husto si Vance. Matapos mag libot-libot ni Rannasha at Vance, ay naisipan nilang kumain sa isang restaurant dito sa loob ng mall. "What do you want to eat, Rannasha?" Sinulyapan ni Vance si Rannasha habang namimili ng kanilang kakainin. "Hmmm... Kahit ano, basta yung masarap at mabubusog ako." "Okay, I'll pick you some delicious food." Nang dumating ang pagkain na kanilang ni-order ay masayang kumain ang dalawa. Pero hindi alam ni Rannasha na may matang nakamasid sa kanila ni Vance. Si Khaki ay nakapwesto mula sa kabilang table, sa bandang gilid nila Rannasha. Matalas ang pagkakatitid ni Khaki sa lalaking kasama ni Rannasha. Gusto niyang lamutakin ang pagmumukha ng lalaki. Nagngingitngit ang kalooban ni Khaki gusto niyang lapitan si Rannasha at yakapin pero, siya mismo ang lumayo at nagtaboy sa dalaga. Kaya niya kayang panindigan ang lahat ng sinabi niya. Lalo na ngayon na may ibang kasama si Rannasha. Gusto niya magwala at manuntok ng tao. "Kuya Vance, punta lang ako ng restroom." Paalam ni Rannasha kay Vance na abala sa cellphone nito. Nag angat ng tingin si Vance at ngumiti kay Rannasha at muling bumalik sa pagkakalikot sa cellphone niya. Tumayo si Rannasha at nagpunta sa restroom, dito din sa loob ng restaurant kung saan sila kumain. Pumasok si Rannasha sa restroom apat ang toilet cubicle sa loob at lahat may tao. Ilang minuto siyang naghintay bago may lumabas na babae sa isang cubicle. Agad pumasok si Rannasha sa loob. Habang siya ay naka-upo sa toilet bowl ay narinig niya ang sabay na pagbukas-sarado ng magkabilaan na pinto ng cubicle. Siguro ay tapos na gumamit kung sinuman ang taong galing roon. Maya-maya ay muli siyang nakarinig ng pagbukas-sarado ng isang pinto. Pero hindi ito nagmula sa cubicle, galing ito sa main door ng restroom. Nang matapos siya ay agad siyang lumabas ng cubicle. "Ay punyeta ka!" Hindi napigilan ni Rannasha ang sarili na makapagmura dahil sa gulat. Sa pinto ng restroom ay nakasandal si Khaki nakahalukipkip ito. Ang mapupungay na mga mata nito ay nakatitig sa mukha niya. "Mali ka yata ng napasukan na restroom. " Wika ni Rannasha ng hindi nag abalang tingnan muli si Khaki. Naghugas ng kamay si Rannasha at nag ayos ng sarili sa harap ng salamin. Pinapanood lang ni Khaki ang bawat kilos ni Rannasha. "Who is he?" Seryosong tanong ni Khaki pero hindi manlang siya sinagot ng dalaga. Nagpatuloy lang ito sa pagsusuklay ng kanyang buhok. "God-dammit! Rannasha! Tell me, who is he?!" Galit na sigaw ni Khaki at doon lamang napatingin si Rannasha kay Khaki. "Pwede po ba huwag kang sumigaw, kuya Khaki!" Sarkastikong sabi ni Rannasha. Mabilis naglakad palapit si Khaki kay Rannasha at mahigpit na hinawakan ang magkabilang braso ng dalaga. "Stop calling me kuya! I'm not your f*****g brother. We are not related by blood! So, answer me. Who is the man with you!" Mariing wika ni Khaki. "Babe? Are you there inside?" Boses ni Rita sa labas ng pinto ng restroom. "Babe! Open this door. I know you are there." Muling kinatok ng babae ang pinto ng restroom. Narinig ni Khaki na parang may kinakausap si Rita sa labas ng pinto, kaya agad niyang hinila si Rannasha papasok sa loob ng isa sa mga cubicle. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. "Ma'am wala naman ho na tao dito." Boses ng isang lalaki. "But I heard someone talking, at dito ko siya nakitang pumasok." Pakikipag-argumento ni Rita sa lalaki. "Kuya---" Hindi natuloy ang sasabihin ni Rannasha ng takpan ni Khaki ang bibig niya gamit ang isang palad ni Khaki. "Ssshh.... When you make noise. I will kiss your lips." Bulong ni Khaki sa tainga ni Rannasha. Malakas pa sa tambol ang ang t***k ng puso ni Rannasha ng tumama ang mainit na hininga ni Khaki sa tainga niya. Lahat yata ng balahibo niya sa katawan ay nagtayuan. "Baka nasa men's room siya ma'am." Usal ng lalaki sa labas. "Tsk! But I saw him. He---, grrr! Kairata! Saan ba siya nagpunta!" Galit na wika ni Rita at padabog na lumabas ng restroom, nakasalubong pa nito si Vance sa hallway. Tinapik ni Rannasha ang kamay ni Khaki. "Sa palagay ko umalis na siya." Aniya ni Rannasha sabay iwas ng tingin kay Khaki. "Please Rannasha don't fall in love with someone else." Dahan-dahan tumingala si Rannasha kay Khaki. Bahagya pang naka-awang ang labi ni Rannasha. "Please.... Baby girl. Please, you are mine only." Malamyos na sabi ni Khaki. "Diba sabi mo ayaw mo na akong makita. Pinagtabuyan mo nga ako eh. At isa pa hindi mo hawak ang puso ko. Eh ano naman sayo kung mainlove ako sa iba. Hindi mo pwede kontrolin ang buhay ko, dahil hindi naman kita kuya!" Malakas na tinulak ni Rannasha si Khaki, pero dahil malaki ito ay hindi manlang ito natinag sa kinatatayuan. Sumeryoso ang mukha ni Khaki at binigyan si Rannasha ng isang nakakatunaw na titig. Parang biglang nawalan ng lakas si Rannasha, nanghihina ang kanyang mga tuhod. Pakiramdam tuloy ni Rannasha ay naubos ng titig ni Khaki ang lahat ng kanyang lakas. "Don't give me a problem. Rannasha!" Mariin na wika ni Khaki. "Anong problema ang binibigay ko sa'yo? Kaya nga lumalayo na ako para wala kang problema! Ikaw itong lumalapit sa akin!" Galit na saad ni Rannasha. "Layuan mo ang lalaking iyon! Or else, Rannasha." "Or else ano? Bubogbogin mo? Iyon naman talaga gawian mo diba kuya Khaki? Ang harasin ang mga lalaking kaibigan ko. Hindi kita tatay para sundin ang mga sinasabi mo. Hindi ko lalayuan si kuya Vance, dahil kaibigan ko siya. Sino ka ba para diktahan ako? Sa'yo na nga nanggaling ang salitang, we are not related by blood. Kaya huwag mo akong pakialaman!" Muling tinulak ni Rannasha si Khaki sa pagkakataon na iyon ay napalakas ang pagtulak ni Rannasha sa lalaki. Kaya nakawala si Rannasha mula sa pagkaka-corner ni Khaki. Mabilis na binuksan ni Rannasha ang pinto ng cubicle. Nagulat si Rannasha ng pagbukas niya ng pinto ay naroon si Vance. Nakatayo ito sa labas ng cubicle. Nakipag tagisan ng titig si Vance kay Khaki. Hindi naman nagpatalo si Khaki kay Vance at nakipagtitigan din ito. "Kuya Vance." Usal ni Rannasha. Umakbay si Vance kay Rannasha at ngumisi kay Khaki. "Let's go my precious. Ihahatid na kita sainyo. Nagtext na sa akin si tito Styles, ihatid na daw kita." Vance said and he grinned at Khaki. "Bullshit! f**k! Dammit! That jerk! Ugh!" Malakas na sinuntok ni Khaki ang dingding ng restroom. Sa inis niya ay sinipa ni Khaki ang stainless steel trash bin. Nayupi ito sa lakas ng pagkakasipa ni Khaki. Nagpakawala ng malalim na hininga si Khaki at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. "You can't be with someone else, Rannasha. You are mine!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD