"Bati na tayo ha." Usal ni Khaki.
Tumingala si Rannasha at ngumiti. "Hmmm..." Tanging sagot ni Rannasha at tumango.
Pinunasan ni Khaki ang natuyong luha sa mukha ni Rannasha. "Please baby girl, be a good girl. Ayokong nag-aaway tayong dalawa." Wika ni Khaki.
"Mabait naman ako ah, ikaw itong laging galit sa'kin." Sagot ni Rannasha.
"Hindi ako nagagalit sayo Rannasha. I just want to protect you from people who want to hurt you. And please, can you stay away from Brent?" Aniya ni Khaki.
"Bakit naman po? Brent is my friend. Saka mag ka-klase kami lagi kami magkikita sa room, sa iisang school kami nag aaral. Paano ko siya iiwasan kung lagi ko siya nakikita araw-araw. At isa pa kahit nag away kami ay kaibigan ko parin siya, mabait naman si Brent."
"Mabait? Eh gusto ka nga niyang ipahamak. Dammit! Kasalan ko iyon, hindi ko na-control ang sarili ko. Dapat hindi kita hinalikan. Ako dapat ang sisihin at wala ng iba. Hindi ako naging maingat, dahil sa akin ay malalagay ka pa sa alanganin na sitwasyon." Saad ni Khaki.
"Kuya Khaki huwag mo ng isipin iyon. Ang isipin natin ngayon kung paano natin mai-enjoy ang araw na ito marami pa tayong pwedeng gawin. Excited na rin akong sumakay ng Jet ski. Pwede na ba tayong sumakay ng Jet ski?"
"Alright, but before that, put on this long sleeves. Next time, don't wear something like that. Okay, lalo na kapag hindi mo ako kasama." Ani ni Khaki.
"Okay po kuya Khaki." Sagot naman ni Rannasha.
Hapon ng linggo ay bumyahe na si Khaki at Rannasha pabalik ng manila.
Tahimik si Rannasha habang binabaybay nila ang kahabaan ng Expressway. Nakahinto sila ngayon sa sa toll gate, papasok ng manila. Kanina pa napapansin ni Khaki ang pagiging tahimik ng dalaga, simula pa kasi pag-alis nila sa resort ay tahimik na ito. Hindi alam ni Khaki kung ano ang nasa isip ng dalaga o kung ano ba ang iniisip nito.
Dahil linggo ngayon ay mahaba ang pila sa toll gate, mag aalas-syete na rin ng gabi.
"Rannasha, are you okay?"
Tanong ni Khaki at hinawakan ang isang kamay ni Rannasha. Bumaling si Rannasha sa kanya at ngumiti.
"Opo kuya Khaki, may iniisip lang po ako." Sagot ng dalaga at muling bumaling sa labas ng bintana.
"What are you thinking?" Tanong muli ni Khaki.
"Hmmm.... Nothing." Sagot ni Rannasha.
Nag pakawala ng malalim na hininga si Khaki at nag umpisa muling mag maneho.
Dumaan muna sila sa isang restaurant at kumain ng dinner, nanatiling tahimik si Rannasha. Hindi ito kumikibo at tahimik lang na kumakain. Si Khaki naman ay nakatitig lang kay Rannasha halos hindi niya ginagalaw ang pagkain.
Nag taas ng tingin si Rannasha nagtagpo ang kanilang mga mata. Unang umiwas si Rannasha dahil hindi niya talaga kaya makipag eye contact kay Khaki. Itinuon ni Rannasha ang atensiyon sa pagkain ni Khaki.
"Kuya Khaki bakit hindi ka po kumakain? Wala ka bang gana?" Tanong na lamang ni Rannasha sa lalaki.
Bahagyang ngumisi si Khaki bago mag salita. "Paano ako gaganahan kumain, kung hindi mo ako pinapansin. Ang tahimik mo masyado hindi ako sanay. Hindi ko alam kung ano ang nasa-isip mo. Galit ka ba sa'kin?" Wika ni Khaki.
"Naku hindi po kuya Khaki. Sadyang may iniisip lang po talaga ako." Maagap na sagot ni Rannasha.
"Kasama ba ako sa iniisip mo?" Malumanay na tanong ni Khaki. Yumuko si Rannasha at kinagat ang ibabang labi.
"Whatever you think, you can tell me." Usal ni Khaki.
"Kasi po iniisip ko. Pagbalik ko kaya dito mula sa america ay, ganito parin ba tayo. Magbabago po kaya ang pakikitungo mo sa'kin. Baka po kasi pagbalik ko, hindi na ako ang baby girl mo. Baka may bago kana." Malungkot na sabi ni Rannasha.
"That won't happen. You are still my baby girl. I will wait for you, Rannasha. I will not replace you." Malumanay na sabi ni Khaki.
Ngumiti lamang si Rannasha at muling kumain. "Kain kana kuya Khaki, baka mapanis iyang pagkain mo." Biro ni Rannasha.
Inihatid ni Khaki si Rannasha sa mansion ng Kingston. Hindi na nag abala pang ipasok ni Khaki ang kanyang sasakyan sa loob garahe.
Bago bumaba si Rannasha ay may kinuha siya sa loob ng kanyang school bag. Dalawang bracelet na siya mismo ang gumawa. May pangalan ito ni Rannasha. Kinuha ni Rannasha ang kaliwang kamay ni Khaki at isinuot niya ang bracelet sa kamay ng binata.
"Para hindi mo po ako makalimutan." Wika ni Rannasha at isinuot din ang isa pang bracelet sa kanang kamay niya, may pangalan din ito ni Khaki.
"Diba ang cute." Nakangiting sabi ni Rannasha. Pinagsalikop ni Rannasha ang kanilang mga daliri. Marahang pinisil ni Khaki ang kamay ni Rannasha.
"Thank you baby girl. I promise I will always wear it." Saad ni Khaki.
"Thank you din kuya Khaki, sa two days vacation, super nag enjoy ako. And syempre sobrang saya ko dahil nakasama kita."
Mahigpit na yumakap si Rannasha kay Khaki, at ganun din ang ginawa ni Khaki. Pinatakan ng pinong halik ni Khaki sa ulo si Rannasha.
Hindi pa man umaalis ang dalaga ay labis na siyang nalulungkot. Paano pa kaya kapag umalis na ito, baka mabaliw na siya sa kalungkutan.
"Bye kuya Khaki ingat ka po sa pagmamaneho." Humalik si Rannasha sa pisngi ni Khaki bago tuluyan bumaba ng kotse.
This is the last time na ihahatid niya si Rannasha. Ayaw niya man gawin ito pero may usapan sila ni Xyrish at ayaw niyang baliin ito. Bata pa si Rannasha para sa mga ganitong bagay, tama lang na iwasan niya muna ang dalaga. Baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at itanan niya ito. Kaya naman niya itong buhayin dahil may pera at may sarili na siyang negosyo. Pero iniisip niya din ang kinabukasan at mga pangarap ng dalaga, ayaw niyang maging hadlang sa pangarap na gustong abutin ni Rannasha.
"I'm sorry baby girl. But this is the right thing to do." Mahinang anas ni Khaki.
Nang makapasok si Rannasha sa loob ng mansion ay nadatnan niyang nag uusap si Styles at Xyrish sa malawak na sala. Bahagyang kumunot ang noo ni Rannasha dahil may isang lalaki ang nakaupo sa single couch. Hindi ito pamilyar sa kanya ngayon niya lang ito nakita.
Simpleng ngumiti ang lalaki kay Rannasha at muling bumaling kay Styles at Xyrish. "Siya ba ang anak namin ni Annastasha?" Tanong ng lalaki kay Styles at Xyrish.
Tumango lang si Styles at tumingin kay Rannasha at ngumiti.
"Ranna, come here." Tawag ni Styles sa dalaga.
Nag lakad si Rannasha papalapit sa puwesto nila Styles. Napatingin siya doon sa lalaki. Medyo moreno ito pero magandang lalaki. Biglang lumakas ang t***k ng puso ni Rannasha, hindi niya alam kung bakit.
"Rannasha, this is Reydon Scherrer, your father." Pakilala ni Styles sa lalaki.
"Pinsan siya ni tito Kole mo." Dagdag pa ni Styles.
Nangilid ang luha ni Rannasha nag babadya na itong tumulo.
"Ibibigay n'yo po ba ako sakanya? Mommy, daddy?" Tanong ni Rannasha sa dalawa.
Tumayo si Styles at Xyrish. "Iwan muna namin kayo para makapag usap kayo ng maayos." Saad ni Xyrish at hinaplos ang pisngi ni Rannasha.
"Don't worry Rannasha, hindi kita ilalayo kay Styles at Xyrish. Nais lang kitang makilala. Gustuhin man kitang kunin, ngunit masyadong magulo ang mundong ginagalawan ko. Ayoko na madamay ka pa. Masaya na akong makilala ka at malaman na may pag-mamanahan ako ng lahat ng mga ari-arian ko. I'm sorry anak, kung iniwan ko kayo ng mama mo noon, naging duwag ako ng mga oras na iyon. Sana mapatawad mo ako anak." Umiiyak na sabi ng lalaki.
Lumapit si Rannasha sa lalaki at hinawakan niya ang balikat nito. "Huwag na ho kayong umiyak. Anuman ang dahilan kung bakit mo kami iniwan no'on ni inay, ay naiintindihan ko po. Hindi siya galit sayo at lalong hindi ako galit sa iyo. Nagtatampo, oo pero wala naman akong karapatan para sumbatan ka." Mahabang litaniya ni Rannasha.
"Manang-mana ka sa nanay mo napaka-bait mo." Tumayo si Reydon at niyakap si Rannasha.
Mahigpit na niyakap ni Rannasha si Reydon. "Papa, gusto ko lang humingi ng pabor sayo." Aniya ni Rannasha.
"Ano iyon anak?" Tanong naman ni Reydon.
"Pwede mo ba ako ihatid-sundo mula sa school. Kahit minsan lang po, kapag may free time ka." Saad ni Rannasha.
"Of course anak."
Matagal ang naging pag-uusap ni Rannasha at ng totoong ama nito. Bago mag paalam ang lalaki ay kinausap niya muli si Styles at Xyrish.
"Maraming salamat Xyrish at Styles sa pag-aalaga sa anak ko. Tatanawin ko na malaking utang na loob ito sainyong dalawa. Gusto ko man siyang makasama, pero hindi maaari. Mas maigi na nandito siya sa puder n'yo, malayo sa gulo. Ayoko malaman ng mga kaaway ko sa negosyo na may anak ako." Wika ni Reydon sa mag asawa. Hindi na rin ito nag tagal at nag paalam na kay Rannasha.
"Darling, okay ka lang?" Tanong ni Xyrish kay Rannasha.
"Opo mommy, masaya ako pero may halong lungkot, dahil hindi ko pwedeng makasama ang totoong tatay ko." Saad ni Rannasha.
"Naririto naman kami ng daddy Styles mo e, mahal na mahal ka din namin. Kamusta nga pala ang dalawang araw na bakasyon mo? Naging masaya ka ba kasama si Kuya Khaki mo?" Nakangising tanong ni Xyrish kay Rannasha.
"About that, mag-usap tayo Rannasha. Doon sa opisina ko." Ma-awtoridad na saad ni Styles.
"Opo Daddy." Sagot na lamang ni Rannasha.
Wala naman ibang sinabi si Styles kay Rannasha. Pinag-usapan lang nila ang tungkol sa pagpunta at pag-aaral niya sa america, sa susunod na pasukan. Isang buwan nalang din naman ay magtatapos na si Rannasha sa first year highschool.
Buong gabi umiyak si Rannasha nalulungkot siya dahil malalayo siya sa dalawang taong tinuring niyang magulang. Saka nalulungkot din siya kasi matagal niyang hindi makakasama si Atarah ang best friend nya. Lalo pa siyang kinakain ng kalungkutan sa tuwing naiisip niya si Khaki. Ayaw nya suwayin ang gusto ni Styles at Xyrish para sa kanya. Alam niyang para din ito sa ikabubuti niya.
Kinabukasan. Habang kumakain si Rannasha ng almusal ay panay ang tingin niya sa wrist watch na suot nya.
Malapit na mag alas-syete pero wala pa si Khaki. Dati naman ay alas-sais treinta ay nandito na iyon.
"Iha nariyan si Reydon, siya daw maghahatid sayo." Sambit ni nanay Lily.
Napangiti si Rannasha sa kanyang narinig. Hindi niya ito inaasahan pero labi siyang natutuwa. Dahil tinupad ng kanyang ama ang hiling niya. Mabilis tinapos ni Rannasha ang kanyang kinakain at kinuha ang bag niya. Patakbo siyang lumabas ng dining room nakasalubong niya si Styles at Xyrish, na pawang nakasuot ng pang opisina.
"Bye mommy, daddy." Humalik siya sa pisngi ng mga ito at tumakbo na palabas ng pinto ng mansion.
"May sundo ba siya ngayon?" Tanong ni Styles kay Xyrish.
"I don't know, imposible na si Khaki dahil nag usap na kaming dalawa." Saad ni Xyrish.
"Si Reydon ang sundo niya." Aniya ni nanay Lily.
"That's good, so she can get to know her father better." Saad ni Styles.
Hanggang sa loob ng parking lot ng Anderson University inihatid si Rannasha ng kanyang ama.
Pagbaba ni Rannasha sa magarang kotse ay labis naagaw ni Rannasha ang atensiyon ng lahat ng estudyante na naroon.
Bumaba rin si Reydon sa kotse at lumapit sa anak. "Famous ka ba dito? Pinagtitinginan ka ng mga estudyante." Tanong ni Reydon kay Rannasha.
Napansin ni Rannasha ang kaka-ibang mga titig ng ibang estudyante, lalo na ang mga babae. Nagbubulungan ang mga ito at sabay tingin sa kanya.
"I think they are talking about you." Turan ni Reydon.
"Huwag mo nalang silang pansinin papa. Ganito po talaga dito." Bigkas ni Rannasha.
"Saan ang room mo? Ihahatid na kita."
Inihatid ni Reydon si Rannasha hanggang labas ng room. "My god sino na naman kaya iyang kasama niya? Hindi rin halata na mahilig siya sa mas matanda sa kanya. After he kissed Khaki Montenegro. Now, another man is with her. Flirty!" Boses ng isang babaeng college student.
"Alam kaya nila Mr. And Mrs. Kingston ang ginagawa ng ampon nila. Ang bata bata pa malandi na." Sigunda naman ng isang babae na may hawak na cellphone.
"Panoorin mo kung paano niya hinalikan si Khaki." Sabi pa ng babae at inabot sa isang kasamang babae ang cellphone.
Napakunot ang noo ni Rannasha dahil sa narinig mula sa mga ito.
"Stay here." Wika ni Reydon at nag lakad papalapit sa apat na babae.
Hinablot ni Reydon ang cellphone at tiningnan kung ano ang pinapanood ng mga babae.
Kumunot ang noo niya at binalingan si Rannasha. Napasinghap ang mga babae ng bitawan at apakan ni Reydon ang cellphone.
"What the heck! Bakit mo binasag ang cellphone ko! Anong problema mo! Who f*****g are you?!" Sigaw ng babae kay Reydon.
"I'm her father! Don't try to bully my daughter! Or else!" May pagbabanta sa boses ni Reydon. Ilang beses napalunok ang babae nakaramdam ito ng takot.
"If anyone has a copy of this video. Delete it if you would rather not have a miserable life!" Seryosong sabi ni Reydon.
"Sige na anak, pumasok kana sa loob. Ako na ang bahala." Wika ni Reydon kay Rannasha.
Nakayukong naglalakad si Rannasha papasok ng room nila. Ang kaninang luhang pinipigilan niya, ay tuluyan ng bumagsak.
Agad naman siyang dinaluhan ng kaibigan na si Atarah at niyakap. Nang makaalis ang kanyang ama ay mas lalo siyang pinag-usapan sa loob ng room nila. May ibang hinugusan si Rannasha, may iba naman na pinagtanggol siya.
Buong mag hapon ay si Rannasha ang topic sa buong campus. Kalat na kasi ang video nila ni Khaki doon sa resort, kung saan hinalikan siya ni Khaki. Kaya naman kahit kumain ng tanghalian, ay doon sila ni Atarah kumain sa garden na madalas nilang tambayan. Hindi niya kayang pakinggan ang masasakit na salitang binabato sa kanya ng ibang estudyante.
Nang mag class dismissed ay pinatawag siya ni Xyndrix sa opisina nito upang kausapin. Pagkapasok niya sa loob ay naroon si Brent at ang apat na babae. Matalim na tinitigan ni Rannasha si Khaki alam niya na ito ang nagpakalat ng video.
"Rannasha i'm sorry!" Sinalubong siya ni Brent pero iniwasan niya ito.
"It's not right that you spread the video Brent. Because of what you did you ruin Rannasha's reputation. All the students here at the university are judging her." Seryosong wika ni Xyndrix.
"I did not spread that video. Why don't you believe?" Giit ni Brent.
"How can I believe you? Now, explain to me. You own this cell phone. The video is from your phone, only you have a copy of it. It won't spread if you don't share it with others. Why did you do this to Rannasha? Brent!" Matigas na sabi ni Xyndrix at hinampas ang table gamit ang palad nito.
"I have only one policy here at the university. Bullying is not allowed here. You and Rannasha are friends, why did you do this to her? You should protect her. But you are the one who destroys her. What happened to you, Brent?!" Sigaw ni Xyndrix.
"I will expel you from this school, Brent." Dagdag pa ni Xyndrix.
"I'm sorry.... Rannasha please for give me!" Nagmamakaawa si Brent kay Rannasha pero inirapan lang ito ng dalaga.
"At kayong apat!" Isa-isang tinuro ni Xyndrix ang apat na babae. Sisiguraduhin kong hindi kayo makaka-graduate ng kolehiyo ngayong taon. Yan ang parusa niyo!"
"What the hell? You can't do this to us, Mr. Anderson. We pay a lot of money for our tuition here at your university. Then, just like this, we can't graduate? This is can't be!" Protesta ng isang estudyante.
"I will report this university. " Dagdag pa ng babae.
"Then, do it! Miss Dela Peña. And I will call your parents today, and I will tell them that you will not be able to graduate because of your bullying."
Natameme ang babae dahil sa sinabi ni Xyndrix. "Rannasha please.... Sorry, tulungan mo kami. I need to graduate this year. Patawarin mo na kami hindi na namin uulitin." Nagmamakaawa na sabi ni Amy. Biglang naawa si Rannasha sa babae mababakas sa mga mata ni Amy na sincere ito sa paghingi ng tawad.
"Tito Xyndrix okay lang po ako. Hayaan na po natin sila. Ang dapat parusahan dito ay, yung totoong nagpakalat ng video." Saad ni Rannasha.
"Fine, palalampasin ko itong ginawa niyo. Pero kapag maulit ito muli, may kalalagyan kayo sa akin. Get out of my office now!" Bulyaw ni Xyndrix.
Mabilis nagtayuan ang lima at nag uunahan lumabas ng pinto ng opisina. Naiwan si Rannasha sa loob si Xyndrix ay matamang nakatitig kay Rannasha.
"Ikaw nga ay umamin sa akin Rannasha. May namamagitan ba sainyo ni Khaki?" Malumanay na tanong ni Xyndrix kay Rannasha. Matagal bago nakasagot ang dalaga.
"Wala po tito Xyndrix."
"But he kissed you, Rannasha."
"Aksidente lang po iyon at hindi sinasadya tito Xyndrix. Kasalanan ko naman po."
"I hope your daddy and mommy don't find out about this. I won't tell them. But next time be careful Rannasha."
"Yes po tito, Thank you."
Pagkalabas ni Rannasha sa pinto ng opisina ni Xyndrix ay nakaabang na si Atarah. Naroon din si Brent kasama nito ang kakambal na si Kent.
"Halikana Atarah." Hinila na ni Rannasha ang kaibigan.
"Rannasha please.... Kausapin mo naman ako!" Sigaw ni Brent.
"Bakit hindi mo siya kausapin Rannasha." Wika ni Atarah.
"Sinira niya ang tiwala ko. Tapos na ang pagiging magkaibigan namin ni Brent." Saad ni Rannasha at hindi manlang nilingon ang binata.
Nasa meeting si Khaki ng tumunog ang cellphone niya. Si Styles ang tumatawag. Nakakunot ang noo niya ng sagutin niya ito. Hindi pa man siya nakakapag salita malutong na mura agad ang sumalubong sa kanya, mula sa kabilang linya.
[ "P-tangina ka pumunta ka ngayon dito sa mansion!" ] Halata sa boses ni Styles na galit ito.
"Ano kaya ang problema ng isang iyon kung kailan busy ako saka tatawag. Tsk!" Inis na wika Khaki.
"Nariyan na ang sundo mo Rannasha." Wika ni Atarah. "Huwag ka ng umiyak, tama na." Pilit na pinapatahan ni Atarah ang kaibigan.
"Rannasha let's go." Anang ni Reydon.
"Bye, Atarah." Humalik si Rannasha sa pisngi at niyakap ito.
"Bye ingat kayo beshie." Pahabol ni Atarah.
Sa kotse ay tahimik si Rannasha katabi ng kanyang ama sa backseat.
"Anak, kung anuman ang nararamdaman mo ay pwede mo sabihin sa akin." Malumanay na sabi ni Reydon sa anak.
Lumingon si Rannasha sa ama habang umiiyak. "Papa, sorry po. Galit ka po ba sa akin?"
"No I'm not angry at you. Rannasha sometimes in our life we do wrong.
You are too young for that kiss, you have a lot to learn. I don't judge you, I understand you, anak. But for now, focus your attention on studying. Love can wait." Aniya ni Reydon.
"Love can wait? Pero wala naman po kaming relasyon ni kuya Khaki." Saad ni Rannasha.
"I know, but I know you like him. Don't deny it." Usal ng kanyang ama.
Nagpunta si Khaki sa mansion ni Styles pagkapasok niya pa lang sa pinto ng mansion ay suntok sa mukha ang natanggap niya mula kay Styles.
"Styles!" Sigaw ni Xyrish at inawat ang asawa.
"Tarantado ka! Bata pa si Rannasha bakit mo siya hinalikan! Inaabuso mo ang pagiging inosente nung bata. Ginagamit mo ang kahinaan niya para gawin ang gusto mo! Animal ka!" Sigaw ni Styles halos mag litid ang ugat nito sa leeg.
"Hindi mo na kami nirespeto!" Muling sigaw ni Styles.
"What do you mean? Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Nagtatakang wika ni Khaki habang pinupunasahan ang dugo sa gilid ng labi niya.
Huwag ka ng magkaila! Ayan panoorin mo." Hinagis ni Styles ang cellphone nito kay Khaki.
Pinanood ito ni Khaki ang nasabing video kumuyom ang kamao niya. Ito yung gabing hinalikan niya sa Rannasha. "That f*****g jerk!" Mariing mura ni Khaki sa kanyang isipan.
"I love her." Matapang na sabi ni Khaki.
"If you really love her. Stay away from Rannasha, her life will be ruined because of you!" Dinuro ni Styles sa mukha si Khaki.
"Paano kung ayaw ko?!" Seryosong sabi ni Khaki.
"Don't try my patience, Khaki." Pagbabanta ni Styles.
"Please Khaki, iwasan mo muna si Rannasha. Alam mo bang kumalat sa buong Anderson ang video niyo. Tumawag kanina sa akin ang dean ng university. Binu-bully ng ibang estudyante si Rannasha. Sa palagay mo makakatulong ito sa kanya? Bata pa si Rannasha para makaranas ng ganitong problema. Ipinagkatiwala namin sa'yo si Rannasha simula noong bata pa siya. I'm so very disappointed in you Khaki." Puno ng pagkadismaya sa boses ni Xyrish.
"I'm so sorry ate Rish." Frustrated na napahilamos sa mukha si Khaki.
"Umalis kana Khaki bago pa dumating si Rannasha. Ayokong makita ka pa niya dito." Sambit ni Styles.
Lumabas ng pinto ng mansion si Khaki saktong kabababa lang ni Rannasha sa kotse. "Kuya Khaki!" Bulalas ni Rannasha mula sa garahe ng makita si Khaki.
Tumigil sa paghakbang si Khaki at tumingin kay Rannasha. Dumapo ang mga mata ni Khaki doon sa lalaking nasa likuran ni Rannasha. Matalim niyang itong tinitigan bago nag patuloy sa paglalakad.
"Kuya Khaki sandali." Tumakbo si Rannasha upang sundan si Khaki.
Naabutan niya ito at hinawakan ang braso ni Khaki.
"Kuya Khaki anong nangyari sa labi mo, bakit may sugat?" Nag-aalalang tanong ni Rannasha.
Tinapik ni Khaki ang kamay ni Rannasha na nakahawak sa braso niya. Matalim niyang tinitigan ang dalaga. "Simula ngayon kalimutan mo na ako. Huwag na huwag kana lalapit sa akin. Ayaw na kita makita!"
Salitang sumaksak sa puso ni Rannasha at pinakamasakit na salitang natanggap niya mula kay Khaki. Namuo ang mga luha sa mga mata ni Rannasha. Napansin ito ni Khaki kaya agad siya umiwas ng tingin. "May nagawa po ba akong mali kuya Khaki? Kaya nagagalit ka sa akin ngayon?" Umiiyak na wika ni Rannasha.
"Meron! Lagi mo nalang ako binibigyan ng problema. So please, stay away from me. I don't want to see you! Nagsasawa na akong kasama ka!" Matigas na sabi ni Khaki.
"Kuya Khaki.... Sorry po kung anuman ang nagawa ko. Please, huwag kana magalit sa akin." Biglang niyakap ni Rannasha si Khaki at humagulgol ng iyak. Mariin napapikit si Khaki at pilit na inaalis ang mga braso ni Rannasha.
"Ano ba! Bingi ka ba. Ayoko na sa'yo! Bakit ba ang kulit mo!" Sigaw ni Khaki at pwersahan inalis ang dalawang braso ni Rannasha na nakayakap sa baywang niya. Medyo napalakas ang pagtulak ni Khaki kay Rannasha kaya napasalampak ang dalaga sa bermuda grass.
Tumalikod na si Khaki at mabilis na naglakad paalis. Agad naman nilapitan ni Reydon ang anak at inalalayan tumayo. "Kuya Khaki." Mahinang usal ni Rannasha sa pangalan ng binata.
"Hayaan mo muna siya anak. Halikana pumasok na tayo sa loob." Inakay ni Reydon ang anak papasok ng mansion.