"Ang laki ng bahay mo, ha? Saan ang kuwarto?" nakangiting saad ni Mindy sa bagong prospect. Dire-diretso siya sa sofa at naupo. Ngumuya-nguya pa ng bubble gum at ngumisi. Nakangiti namang lumapit sa kaniya ang lalaki. May edad na ito at balo. Mahilig mag-pick up ng mga babaeng bayaran. Napansin niya si Mindy na nakatayo at naninigarilyo sa loob mismo ng subdivision na iyon. Agad niyang hinintuan ang babae dahil talagang nagandahan siya at naseksihan dito. Isa pa, mukhang game naman sa gusto niyang mangyari. At hindi nga siya nagkamali. Jackpot! "Masiyado ka namang atat, darating tayo roon. Anyway, baka gusto mong kumain muna... hmmm." Hinalikhalikan pa ng lalaki ang buhok niya. Tumawa naman ng mahina si Mindy. "Tapusin na natin ito. Ikaw lang ba ang narito?" Nakangiting tanong niya s

