Hindi maikilos ni Mindy ang kaniyang mga kamay at paa. Kahit anong pilit ang kaniyang gawin ay hindi siya makawala sa pagkakatali. Nakaupo siya sa gitna nang madilim na silid na iyon, nakasandal sa dingding. Masakit din ang kaniyang ulo. Napapikit siya nang masilaw sa liwanag na dala nang bumukas na ilaw. "O, gising ka na pala." Napamulat siyang bigla nang marinig ang tinig ng babaeng akala niya ang tutulong sa kaniya. "Hayop ka! Bakit mo ako tinali?!" nagsisigaw na saad niya. Pero tumawa lang ang babae. Lumapit ito at isang malakas na sampal ang ibinigay sa kaniya. "Ikaw ang hayop! Kulang pa ang lahat nang naranasan mo ngayon para sa paghihiganti ko!" mabilis na pinusan nito ang mga luhang tumulo sa pisngi. Natutulalang napatingin si Mindy sa babae. "Anong sinasabi mo? E, hindi nga

