Dinala sa ospital si Janice para mapatingnan ang sugat niya. Tawa naman nang tawa si Mira nang makita ang nangyari kay Janice. Nag-uumpisa pa lang siya. Nalaman niya kasi dahil na rin sa kapipilit niya sa katulong na nagbenta, na ang dating may-ari pala ng kama ay isang sadista. Iba't ibang babae ang dinadala nito sa kuwarto at kung ano-anong kasamaan ang ginagawa para lang sa sariling kasiyahan. At ngayon, mangyayari ang lahat sa mag-asawa ng hindi nila namamalayan. "Bel, ah may pinapasabi..." natigilan si Julia dahil sa pabiglang bukas ng pinto ay makitang halos gumulong na si Bel sa katatawa. Nang mapansin siya nito, bumangon at pinunasan pa ang luhang tumulo gawa nang sobrang tawa. "May...may napanood kasi akong... nakakatawa. May kailangan ka ba?" Nakangiti pang sabi ni Mira kay

