"Yaya! Yaya! Hurry naman pupunta pa tayo sa park!" Nakasimangot ang alaga nang madatnan niya sa sala, bitbit ang paborito nitong manika. Sa ilang buwan nilang magkasama, napansin niyang medyo masama ang ugali nito. Siguro sa pagpapalaki na rin ng mga nakagisnan nitong magulang. Aakayin na sana niya ang bata nang mauna na itong maglakad. Nagkibit-balikat na lang si Mira. At least, lagi niyang kasama ang anak. Paglabas ng gate, nadatnan niyang may inaaway ang alaga sa katapat na bahay. At bago pa man niya masaway ito, tinabig na ni Anika ang manikang dala ng bata. Mabilis siyang lumapit para humingi ng paumanhin, subalit nakapasok na sa loob ng bahay ang bata at ang dalagitang kasama nito ay naiwan sa labas. Dito na lang siya humingi nang tawad. "Anika, bakit mo ginawa 'yon? Masama ang

