Nakangiting ibinaba ni Mira ang kaniyang cellphone. Kakausap lang niya sa kaniyang lola. Tinuruan siya nito ng dapat gawin kung gagamit ng itim na mahika. Matagal na niyang alam ito, hindi niya lang sinusubukan dahil natatakot siya sa maaaring kahinatnatan. Gaya na lang ng nangyari sa kaniyang lola, nabulag ito matapos gamitin ang black magic. Pero ngayong wala na ang anak, wala na siyang pakialam mamatay man siya, basta makapaghiganti siya sa lahat. Nailibing na si Anika matapos ang tatlong araw. Makalipas ang babang-luksa, umuwi muna ng probinsiya ang mag-asawa para kahit paano ay makalimot. Ibinilin nito ang kaso sa pinsan ni Janice Pero si Mira, siya mismo ang gagawa nang paraan para maghiganti. Tamang-tama dahil solo nila ni Julia ang bahay. Magagawa niya ang naisin nang walang sag

