Walang patid ang tawa ni Mira. Sobrang saya niya dahil sa wakas, nabigyan na rin ng katarungan ang anak. Makalipas kasi ang ilang araw, sinusubaybayan niya ang mga nangyayari sa katapat na bahay. At nabalitaan nga niya ang nangyaring pagkahulog ng batang si Shammy. Hindi man niya nais na makasakit ng bata, pero umayon ito sa nais mangyari ni Anika. Dahil nasasaktan si Sheila. At isang umaga, nagkagulo sa tapat. Umamin na si Sheila sa kasalanan na ginawa sa kaniyang anak. At totoo ngang siya ang naka-hit and run kay Anika. At hindi lang iyon, nabaliw rin ito. Kaya hangga't hindi pa ito gumagaling sa mental muna ito maninirahan para pagbayaran ang kaniyang kasalanan. Umuwi saglit ang mag-asawa para sa kaso at babalik din ng probinsiya. Nagpaalam na rin siya na uuwi muna ng probinsiya dah

