Chapter 1

2284 Words
***********          "Welcome sir!"            Tumango si Voltaire at tinanggap ang pakikipagkamay ni Diego Salazar, ang director ng NBI  Cybercrime Unit NCR nang hapong iyon. Kakarating lang niya ng bansa kahapon mula China. Dala-dala niya ang kaniyang mga gamit sa trabaho dahil alam niyang iilang buwan rin siyang pipirmi ng Pilipinas. Humiling kasi ang Department of Defense ng Pilipinas ng tulong mula sa kanilang ahensiya upang macontrol o masugpo ang mas lumalalang human trafficking sa bansa sa pamamagitan ng Internet kasama na dito ang p**n sites na nagbebenta ng mga batang biktima.     Nang makapasok sa conference room ng NBI ay kaagad  na pinaupo si Voltaire sa head table. Pagdaan ng ilang minuto ay nagsimula na ang short program bilang pag-welcome sa mga Interpol na mangunguna sa operasyon.   Naunang nagsalita si G. Salazar sa harapan ng iilang opisyal ng NBI. Naglalaman ang kaniyang mensahe ng maikling overview tungkol sa dinaranas ng bansa at ang rank ng Pilipinas pagdating sa source ng p**********a sa Internet.     "At this juncture, let us hear words of wisdom from our guest in this endeavor fresh from China, the Unit Head of  International Intelligence Service-Cybercrime Division based in Beijing, China. He's one of the hot and gorgeous colonel in the line, no other than Mr. Voltaire G. Mondragon." Tumayo siya mula sa kinauupuan.     Nakangiting inabot ng binata ang microphone na  nilahad ng emcee.  He stood after the rostrum with pride and honor. Ngunit simpleng polo shirt at pantalon lang ang suot niya.     "Thank you emcee. Good morning everyone. Excuse me." he cleared his throat.       Then, he continued.     "I've been working as an international police almost  seven years already. Patawad at hindi ako nakapaglingkod sa ating bansa sa loob ng mga taon na yon. Akala ko talaga ang p**********n over the internet ay talamak lang sa Western country kasi yon naman kadalasan ang nakikita ko sa pornhub. Hahaha Joke! Joke lang! Wag tayong masyadong seryoso. Anyway, jokes are half meant."      Voltaire laughed and the other personnel too.     "Seriously, it's very alarming here in our country seeing the statistics presented earlier by Sir Salazar showing human trafficking records in the past ten years. Ang mas lalong nakakaproblema pa dito ay pabata ng pabata ang mga involve sa p*********y. Actually, this problem is not new to me anymore kasi most Asian countries dealt the same problem. During old the old times, s*****y yung main theme ng human trafficking pero ngayon it's about s****l exploitation. Do you know what's the real culprit why our fellowmen engaged in these commerce? Walang iba kundi kahirapan. Out of poverty many forms of crime arise.   Tayong mga alagad ng batas, hindi tayo immortal na hindi tatablan ng bala tuwing may entrapment operation. Sana katulad tayo ng mga Marvel Heroes, may supernatural powers. However, eventhough we are just human too, it doesn't mean that we can do nothing and all we can do is to neglect and watch the scenario. Hindi man natin masusulusyonan ang problema but we can make it a little bit lighter, a little bit bad but not worst. Paano? Paano nga ba? Simple lang...by doing our job honestly and earnestly. No bribes, no cover and no corruption. The persons behind the drug trade all over the world are the same persons behind this human trafficking because whether you agree or not, drugs and s*x are compliment with each other. Let us be brave, true to our oath and most of all be a man of honor. Maging isang alagad ka ng batas na hindi mabibili ng pera. Bakit? Bakit kailangan nating maging ganito? Because we have women to protect. We have mothers, we have sisters, we have wives and girlfriends and most of all we have children...You have children." He chuckled.     "I'm still single kaya wala pa akong wife at children. Anyway, I think matagal na akong nagsasalita. Yon lang. More power sa ating lahat."      Pagkatapos ng speech ay muling kinamayan ni Mr. Salazar si Voltaire. Pabalik na rin ang binata sa kaniyang kinauupuan.       "Thank you sir." ani G. Salazar.       "Welcome sir."       "Hindi talaga ako makapaniwala na wala ka pa palang asawa sa gwapo mong yan." biro ng may katandaan.       Voltaire chuckled.       "Wala pang nagkamali sir." natatawang sabi niya.       "By the way, kapatid mo ba yung si Arizton, Demitry at Augustus?"      ."Opo."      "I've met your brother Arizton almost ten years ago. How about Augustus? Matagal na akong walang balita sa kaniya."      "Si Kuya Arizton nagretiro na po. Si Augustus at  Demitry on call pa rin paminsan-minsan. They're actually planning to retire and build a security agency here in the country.August got married last year at may anak na rin siya."      "Ikaw na lang pala talaga ang naiwang binata."      "Oo nga eh. Hahaha naaawa na nga ako sa sarili ko. Baka tatandang binata ako nito."      Tumawa si G. Salazar.      Pagkaraan ng isa pang panauhin ay natapos rin ang programa at nagkaroon ng konting salu-salo sa bulwagan ng tanggapan.    ------------------------        "Joan, kumusta ang papel natin?" humihingal na tanong ni Zarah sa kaklase at kapares niya sa ginagawang thesis. Natraffick siya kaya late siya ng dating sa paaralan. Pawisan ang kaniyang noo dahil sa katatakbo sa pathway para lang makahabol. Ngayong araw kasi nila isinumite sa kanilang adviser ang last revision na kanilang ginawa. Ang totoo'y ilang gabi na silang puyat kaka-edit ng mga corrections nila noong nakaraang linggo. Dagdagan pa na nagloko ang laptop niya kaya mas lalong silang nahirapan.      "Teka nga, huminga ka muna. Heto uminom ka!" natatawang wika ni Joan habang hawak-hawak ang kanilang manuscript. Inabutan siya nito ng maliit na mineral water.      Mabilis iyong sinunggaban ni Zarah at nilagok lahat.      "Ano bang nangyari sayo? Wala kang panuklay ah?" nakangiwi ang mukha nito nang mapansin ang buhok niyang gulong-gulo na ipinusod kahit walang panuklay.     "Late na akong nagising. Alas dos ng madaling araw na kasi ako nakatulog."     "Diba sinabi ko naman sayo bago ako umuwi sa bahay kagabi na bukas na natin ipagpatuloy? Tinapos mo talaga. Nasorpresa na lang ako kinaumagahan nagsend ka na pala ng file tapos minandohan mo akong iprint kaagad."   "Okay lang, teka , kumusta na? Marami pa bang corrections?" Gumuhit na naman sa kaniyang mukha ang pag-aalala.    Ngumiti ng malapad si Joan bago nagsalita.     "Ano na!"     "Finally, okay na.Hahahha!"     "Talaga?"   Biglang sumigla ang mukha ng  dalaga.     "Ahuh!"      "YES!! YES! Sa wakas natapos rin ang sakit sa ulo na to."      "Sabi ni prof, magready na daw tayo for hard bounding."       "Sure! ...Hay! sa wakas, Joan..natapos rin natin."       "Ang talino mo kasi. Napakaswerte ko at partner kita. Hmm alam mo ba ang latest chika?"      "Alin?Anong chika?" Kumunot ang kaniyang noo.      "Asus...hindi mo alam? Running ka yata for Summa c*m Laude. OMG! You're really perfect Maria Zarah, sana ambunan mo naman ako ng katalinuhan at kagandahan mo. Kahit limos na lang o abuloy."     Nagkibit-balikat lang siya sa narinig. Alam niyang wala pa yung kasiguraduhan.     "Hoy anu ba! Hindi ka ba natuwa?" nakataas ang kilay na bulyaw ni Joan.     "Ay naku! Hindi yan totoo. Tumigil ka nga! Halika, i-celebrate natin itong accomplishment natin. Kumain tayo sa Jollibee. Ililibre kita ng float. Dumating na kasi ang allowance ko mula sa CHED." kinikilig niyang wika.     "Float lang?"     "Hala ang demanding naman nito. Dapat ako nga ang ilibre mo dahil ako ang nagpuyat ng manuscript na yan kagabi."     "Hala si ate ....sige ililibre kita. Pinakonsensiya pa ako nito...diyan lang kita sa isawan sa kanto malilibre."      Tumawa si Zarah.     "Ewan ko sayo. Halika na." ikinawit ni Zarah ang kamay sa braso ni Joan at nagmartsa sila palabas ng campus. Habang nasa pathway ay nakasalubong nila ang gwapong team captain ng basketball varsity. Hindi lingid sa kaalaman ng buong campus na isa ito sa masugid na nanliligaw sa dalaga.    "Hello, beautiful..."bati ni Zachary sa kanilang dalawa. Pawisan ito at nakasuot ng shorts at jersey. Galing yata ito sa praktis.    "Hello, handsome.." si Joan ang gumanti na halatang nabato-balani sa biceps ng binata. Ngumiti lang ng simple si Zarah. Hindi naman siya feeler at antipatika. Tanyag siya bilang virtuous woman sa campus. Kaya nga Guidance counseling ang kurso niya diba. Isa pa, worship leader siya ng isang campus ministry. Kaya wala talaga sa genes niya ang magpacute at makipaglandian sa mga lalaking nagkakainteres sa kaniya.    "Zang...wala ba talagang chance?" he called her in her known nickname.     Hinarap niya ang binata.    "Zachary...how many times do I need to tell you? Magboboyfriend lang ako kung ready na akong mag-asawa. Ayokong papalit-palit ng lalaki, gusto ko isa lang---"     "Doon rin naman----"     "Zach, you're a good friend to me. I don't want to hurt you. Isa pa, bata ka pa. You're just twenty years old. Ako, magtwenty-six na ako. Para lang kitang nakababatang kapatid. Siguro kung hindi lang ako nahinto ng limang taon sa pag-aaral noon, hindi tayo magku-krus."      "Pero ipinakita ko naman sayo na ikaw lang talaga ang nakakapagpapabago sa----"     "Zach, matanda na ako. I don't need a boyfriend. Sa edad kong to, alam mo kung anong hinahanap ko? Asawa so please tigil-tigilan mo ako. Excuse us."     Hinila kaagad ni Zarah si Joan na napapantastikuhan sa nasaksihan niya. First time kasi niyang nakita ang kaibigan na nambasted ng harap-harapan at sa isa pang certified guwapo.      "Hey ate...ilang lalaki na ba ang binasted mo ng ganyan? Grabe ha"      "Joan...wag mo na ngang banggitin ang mga bagay na yan. Naiinis ako. Pagpatulan ko ang mga yan, corrupting fetus yan. Isa pa, by looking at them, natatawa lang ako. Masyadong baby...halatang...pang-daisy ang drama. Haler! tayong mga older than them ,wag na tayong mag participate sa ganyan no."    "Hey! Hey! Hindi pa naman ako kasing tanda mo teh..."      Tumawa si Zarah.      "Matanda ka pa rin compared sa batch natin. I'm twenty six, ikaw twenty three. Sila? nineteen or twenty pa."      Pagkaraan ilang minuto ay papalabas na sila ng main gate nang kinuha ni Zarah ang kaniyang cellphone mula sa bulsa. Di niya namalayan sumabit ang ID niya sa suot ba relo at nahulog iyon sa pathway.      Pagkalabas nila ng gate ay kaagad silang sumakay ng jeep at nagpahatid sa pinakamalapit na Jollibee na madadaanan.      "Hala, yung ID ko.." kukuha sana siya ng barya para pamasahe ngunit napansin niyang wala na doon ang kaniyang ID. Nagmadali kasi siya kaninang umaga kaya di na niya naisuot.     "What??? Nawala yung ID mo?"     "Oo.." kinakabahang wika niya. Hinagip niya ang backpack na suot at hinalungkat ang laman non. Wala talaga ang hinahanap.      "Manong, para!" sigaw ni Zarah.      "Bababa ka?"      "Oo, mauna ka na. Susunod rin ako kaagad...baka nalaglag sa pathway. I'm sure nakita yun ng guards."     "Pero samahan na lang kita."      "Huwag na. Tatakbuhin ko na lang. Malapit pa naman tayo sa university. Manong para!"     Tumabi ang jeep at mabilis na umibis si Zarah. Kinawayan na lang niya si Joan pagkuway tumakbo na pabalik.      Makalipas ang halos sampung minuto ay nakarating na rin siya sa gate ng paaralan. Kaagad niyang binagtas ang dinaanan nila kanina ni Joan pero bigo siyang matagpuan doon ang hinahanap. Ilang ulit niyang ginawa yon at sinilip pa ang mga trash bins na naroon. Pero wala talaga. Tumakbo siya sa guard house at nagtanong. Wala din daw nakita ang mga ito. Naiinis na sumakay na lang ulit ng jeep si Zarah at nagpahatid sa fastfood chain na pupuntahan. --------------------        Pasado alas sais ng gabi nang tumabi sa labas ng university ang isang pulang Ford Eco sport. Kaagad iyong nilapitan ng isang guard na panggabi ang duty.      "Excuse me sir, ano pong sa atin?" kakatok sana ang guard sa salamin ngunit kusa iyong bumaba.      "Bagong parokyano..." anang ng lalaki na hindi maaninag ang mukha sa loob dahil madilim.     "Teka lang po sir...kunin ko lang muna yung mga ID na iniwan sa akin ngayon."    Tumakbo ang guwardiya sa guard house at kinuha doon ang mahigit sampu na ID.Babalik na sana siya sa lalaking customer ngunit napansin niya ang isang ID na nahulog sa lagayan. Kaagad niya yong pinulot.       "Heto po sir...may 500 po, 1000 at 1500 po dyan. Yan lang po ang available sa ngayon."       Lumabas ang isang kamay ng lalaki mula sa bintana ng kotse at kinuha ang mga ID.      "Mamimili muna ako." anito.    "Sige po."      Sumara ulit ang bintana.     Mabilis na kinuha ni Voltaire ang kaniyang cellphone at isa-isang kinunan ng larawan ang mga ID. Maya-maya ay kumatok ulit ang guard.     Muli niyang ibinaba ang bintana.     "Sir, may isa pa pala. Medyo mahal nga lang to. 3000 po."    "Bakit mahal to?" tanong niya nang iniabot sa kaniyang palad ang ID.   .."Matalino yan sir. Sobrang ganda rin, makinis, maputi at higit sa lahat, first time niya  po."     "Virgin?"     "Opo."     "Okay, titingnan ko."     Muling sumara ang bintana at ini-switch niyang muli ang maliit na flashlight. Una niyang tiningnan ang mukha ng babae. Lumang larawan iyon. Hindi tulad nung unang mga IDs na latest picture yata ang nakalagay.     "Virgin huh...teka" His brows furrowed. Napakaganda nga pero parang pamilyar sa kaniya ang nasa larawan.      He read her name.      MARIA ZARAH L. BARRAMEDA      He stopped. He closed his eyes in a minute to scan his memory.      Napamulat siya bigla nang maalala kung sino ang ito.      "This woman. I'm certain that she's not a virgin."      He smirked. Curiosity arose in his mind.      He never thought that the girl became a slut after so many years.      What did she look like now? Dalaga na siguro ang neneng na yon. Baka naman puwede akong makahirit sa kaniya...Anyway, hindi naman niya alam na ako yun. Huh! First romance, first sex...muling ibalik.      Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at pinicturan ang ID pati ang contact info nito sa likod. Kumuha siya ng tatlong libo at iniabot sa guard. Isinauli rin niya ang iba pang IDs pagkatapos ay humarurot na.     Habang nasa daan ay dinayal niya ang numero ng babae. Napangisi niya kaagad nang marinig na nagring iyon.       "Hello..." her voice was natural but sweet.       "Where can I pick you up tonight baby?"            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD