
Siya si Shein Spiritu Samonte, namasukang katulong sa pamilya ng mga Airways.
Noong una akala nila ay naninibago lang ito sa mga tao sa kanilang mansyon kaya hindi ito kumikibo pero iba siya sa lahat. Bihira itong umimik, ngunit madalas makita siyang bumubulong-bulong mag-isa. Gagawin lang nito ang kung ano mang trabaho na kailangan niyang trabahuin, sasagot kung ano ang iyong tatanungin. Weird, yan ang unang impresyon sa kanya ng maski sinong nagagawi sa pamamahay nila. Madalas din siyang magkamali, pero mapapansin ang pagiging matalino nito. Tanga-tanga iyon ang akala ng lahat sa kanya.
Sa kabilang banda, aware din ang dalaga sa kung ano ang tingin sa kanya ng mga kasama niya sa loob ng bahay pero hindi niya ito pinapansin. Madami naman silang kasambahay ngunit hindi niya binigyan ang sarili ng karapatang makipagpalagayan ng loob sa maski kanino. Mas nanaisin pa niyang maikulong sa mundong binuo niya mag-isa at magmukhang tanga sa harap nila maprotektahan lang niya ang kaniyang sarili.
Ano nga ba ang rason kung bakit ganon nalang ang takot niyang magpapasok ng kahit kanino sa kanyang buhay? Mababago kaya ito ng isang Dashiel Airways? Ano nga ba ang kinatatakutan niya na kailangan niyang magmukhang wirdo at katawa-tawa?
