I Paano nga ba dapat sagutin ni Theresa ang sinabi ni Rom kanina? Na hindi pa talaga siya nagbabalik kay Rom, dahil ang balak niya ay bumalik sa kumbento at hanapin sa kung ano talaga ang nakatalaga para sa kanya? Pero naisip ni Theresa na kung ganito ang isinagot nya kay Rom kanina, malamang sa malamang babagsak na naman ang mundo nito at babalik ang panglaw sa mga mata nito. Kaya ang naisagot ni Theresa ay, “Basta, wala kang dahilan para magpakalasing Rom.” Hanggang sa paghiga sa kama niya kinagabihan ay nasa isip ni Theresa si Romouldo. Isang linggo na lang, babalik na siya sa kumbento. Malakas na naman ang kanyang ama at na-train niya na ang mayordoma nila sa tamang pagpapainom ng gamot nito. Uuwi naman siya kada sabado at linggo hanggang sa tuluyang malakas na malakas na a

