I Makalipas ang ilang araw ay tuluyan ng lumakas si Don Pacifico, pati na din si Romouldo. Naunang nakauwi ng bahay si Romouldo at makailang araw ay naiuwi na din si Don Pacifico. Medyo gumaan na ang pakiramdam ni Theresa. Panahon na din siguro para mag-usap sila ng masinsinan ni Rom. Si Theresa na mismo ang kusang pumunta sa bahay nila Rom kinabukasan after iuwi sa bahay nila ang kaniyang Papa. Nataranta si Aling Flor ng ang mapagbuksan ng gate ng mansion nila Rom ay si Theresa na nakangiti sa kanya. “Aba’y Senyorita Theresa, pasok po kayo.” Nagmamadaling pinagbuksan ni Aling Flor ang dalaga. Ngiting-ngiti ang kasambahay nila Rom. Botong-boto kasi ito na ang mapangasawa ng kanyang Senyorito Rom ay si Theresa. Nakangiti namang pumasok si Theresa sa kabahayan nila Don Sosim

