I Napatanga at awang pa ang labi na nakatanaw si Rom kay Theresa na nakatayo ngayon sa may gilid ng batis, suot ang manipis nitong kamison na aninaw na aninaw ang mga itinatago nitong kagandahan. Napapalunok na ng laway niya si Rom habang naghihintay sa susunod na gagawing hakbang ni Theresa. Nang lumusong si Theresa sa tubig at dahan-dahang naglakad papunta kay Rom ay di na maipaliwanag ni Rom ang kaba at the same time excitement na nararamdaman. “May gusto kayang mangyari si Theresa?” naibulong pa ni Rom, na di mapuknat ang mata sa aninag na dibdib ni Theresa. Hanggang makalapit si Theresa sa tabi niya ay di makagalaw si Rom. “Mahal, ba… bakit ganyan suot mo?” nautal pa si Rom ng magtanong. Hindi niya alam bakit yun ang nahagilap niyang itanong kay Theresa. Napakunot-noo

