I Bumuhos ang luha ni Theresa na parang bukal na walang katapusan. Ni Hindi siya nakapanghali at di rin niya sinasagot lahat ng mga messages niya. Di niya actually tinitignan ang mga nagmemessage sa kanya. Hanggang sa nakatulog siya sa kakaiyak. Hapon na ng magising si Theresa. Binuksan niya ang cellphone niya at nagulat siya sa dami ng missed calls niya from Rom. Marami ding messages, twenty messages mahigit ata. Meron ding message si Maxima. “Theresa, okay ka lang ba? Sino itong Denice na itinag pa si Rom sa kissing scene nila. Gusto ko makabawi sayo Theresa, ako ang lalampa sa Denice na yan!” Ani ng message ni Maxima na ikinagulat ni Theresa. Anong post ba ang sinasabi ni Maxima? Bigla ay kinabahan na naman si Theresa. Inopen ni Theresa ang f*******: account niya at hin

