I Inabot ni Rom ang roba ng kasintahan at isinuot ito dito. “Hindi ka pwedeng maglakad papunta sa swimming pool ng nakaswimsuit lang mahal, baka mapatay ko lahat ng lalaking titingin at pagnanasaan ka.” Kinilig bigla si Theresa sa sinabi ng kasintahan. “Sus, as if naman maglalakad ako ng nakaswimsuit lang. Hindi uy.” Nakalabing sabi ni Theresa na ibinuhol na sa harap ang roba niya. Magkahawak kamay na bumalik sa may swimming pool sila Theresa at Romouldo. Si Denice naman ng mga oras na yun ay nasa kwarto niya na, gigil na nagshoshower. All her plans in mind bago pumunta kina Romouldo ay nawawalan ng saysay ng dahil kay Theresa. Masaya namang nagtatampisaw sa swimming pool sila Theresa. “Totoo ba Mahal yung sinabi mo na first time mo magswimsuit ngayon?” Nakatawa si Ro

