I Nagulat si Theresa at napalingon. Sinino ang tumawag. Dumilim kapagdaka ang mukha ng dalaga ng makilala kung sino ang tumawag sa kanya. "Maxima, what do you want?" Walang kangiti-ngiting tanong ni Theresa sa tumawag sa kanya. “Theresa pwede ba kitang makausap? Gusto ko sana humingi ng tawad Theresa, alam ko kung gaano kalaki ang pagkakamaling ginawa ko. Pero nagmamakaawa ako Theresa, please huwag niyo sana akong ipakulong. Nakikiusap ako Theresa at nangangakong di ko na kayo gagambalain pa ni Rom.” Namamalisbis ang luha ay tulot-tuloy si Maxima sa pagsasalita at paghingi ng tawad kay Theresa. Tinangka nitong hawakan ang kamay ni Theresa pero pumiksi ang huli. “Sana naisip mo yung magiging consequence ng ginawa mo noong pinagpaplanuhan mo pa lang na ipahiya ako a

