C3

962 Words
Hapon na ng makauwi kami ni Papa Magnus, at naabutan namin si Eros sa doorway, salubong ang kilay habang humihithit ng sigarilyo. "Son! it's nice to see you again!" masayang bati ni Papa Magnus at agad na niyakap si Eros, pero ang mata ni Eros, matalim na nakatingin sakin. "Pasok" maotoridad nitong utos, habang titig na titig sakin. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Papa Magnus. "Hey! kausapin mo ng maayos ang asawa mo!" pigil na galit na sabi ni Papa Magnus. "Umuwi ka ba para diktahan ako kung paano ko kakausapin ang asawa ko? kung paano ko siya tratuhin? " inis na sagot ni Eros. "Eros ano ba! papa mo 'yang kausap mo!" sita ko sakaniya. "So?" sagot nito at ngumisi. "Sa susunod, wag mong dinadala dala sa kung san san 'tong babaeng 'to. She is not allowed to go outside of this mansion." litanya ni Eros. "Don't be so arrogant, Eros. I can take all what you have. Remember that." Banta ni Papa Magnus, na nagpatahimik kay Eros... "Whatever!" inis na sabi nito at naglakad papasok. "Is this how he treat you. Eve?" tanong ni Papa Magnus, halong pag aalala at inis sa mukha niya. Hindi na ako kumibo pa bagkus ay nakayuko lang akong pumasok at umakyat patungo sa kuwarto ko. Agad akong humilata sa kama pag pasok na pagpasok ko. Huminga ako ng malalim dahil sobrang bigat bigla ng pakiramdam ko. Kanina lang habang nasa mall kami ni Papa Magnus sobrang gaan sa pakiramdam, tapos ngayon na nakaharap ko si Eros at ganon ang pinakita niya sa papa niya ay parang may kung ano nanamang nakadag-an sa dibdib kong mabigat. Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko namalayan na maghahapunan na kung hindi lang ako tinawag ni Tesa. "Ma'am Eve, kakain na po." tawag nito mula sa labas ng pinto. Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga, at matamlay na naglakad patungo sa pinto. "Oh, si Eros ayain mo na rin, palabasin mo na rin" nakangiting bungad sakin ni Papa Magnus habang sumisipat sipat sa loob ng kuwarto, maging si Tesa ay nagulat na nasa likuran na pala niya ito. Magsasalita na sana ako para magdahilan kay Papa Magnus pero lahat kami napatigil at napatingin kay Eros na kalalabas lang sa kuwarto nito. "What?" tanong niya at patuloy lang sa paglalakad pababa. "Sumunod ka agad, mag uusap usap tayo!" galit na sabi ni Papa Magnus at mabilis na bumaba upang sundan si Eros. Nagkatitigan lang kami ni Tesa at mabilis naring kumilos, naglakad papunta sa dining, hindi pa man kami nangangalahati sa hagdan ay nadinig na agad namin ang sigaw ni Eros. "Pwede ba! umalis ka nalang dito! tutal jan ka naman magaling e! tapos ngayon uuwi ka at makikialam samin ng asawa ko!" sigaw ni Eros, napahinto kami ni Tesa sa paglalakad dahil narin sa tensyon sa baba. "Hindi ko kayo pinapakialaman! tinatanong kita kung bakit ganyan mo kung tratuhin ang asawa mo!" sigaw rin ni Papa Magnus. "E ano bang pakialam mo?! kahit alilain ko siya wala kang pakialam!" sigaw ulit ni Eros. Bigla akong napakapit sa kamay ni Tesa dahil sa sinabing iyon ni Eros, habang si Tesa naman ay marahang hinahaplos ang likod ko. "Gago kaba Eros ha?! nakita mo ba kung paano ko pahalagahan ang mama mo noong nabubuhay pa siya?! kung ayaw mo dyan sa asawa mo isauli mo sa pamilya niya! kesa sa pinapahirapan mo dito!" sigaw pa ulit ni Papa Magnus. "E ulila na nga 'yan siya e! saan ko pala siya isasauli?! naawa nalang ako sakaniya kaya ko yan siya pinakasalan! hindi ko nga alam kung bakit yun pa naisipan kong gawin e, nakakapagsisi!" litanya ni Eros halata sa boses niya ang pagkadismaya. "You're unbelievable Eros! unbelievable!" galit na sigaw ni Papa Magnus. Hindi ko na hinintay pang magsalita ulit si Eros dahil sapat na lahat ng mga narinig ko para madurog ako ngayong gabi. Bumaba kami ni Tesa at peke akong ngumiti sa mag ama. "A-ayos lang po ba kayo?" kunwari'y tanong ko. "Obvious ba?! syempre hin—" "Don't worry hija, we're fine." putol ni Papa Magnus kay Eros at sinamaan ito ng tingin, tsaka na naglakad patungo sa dining at naupo. "Let's eat." saad nito ng makaupo kami ni Eros. "Fix yourself Eros." parang bantang sabi ni Papa Magnus kay Eros. "Hindi tama ang ginagawa mo" saad pa nito at dinig ko ang pagbuntong hininga ni Eros. Naging tahimik lang kami sa hapag, hanggang sa matapos kami at tatayo na sana, ng marahang tinapik tapik ni Papa Magnus ang mesa. "Answer all my questions." panimula nito. "Bakit magkahiwalay kayo ng kuwarto?" tanong nito, nagkatinginan lang kami ni Eros habang siya ay minamatahan ako, sign na magsinungaling ako sa harap ng father niya. "Ahh... h-hindi po kasi ako sanay na may katabi..." palusot ko. "Then why you marry my son? paano kayo makakabuo kung magkahiwalay ang kuwarto ninyo" may inis sa boses ni Papa Magnus. "Lahat nalang talaga nakikita mo, i can f**k her kahit magkahiwalay kami ng kuwarto! pakadaling bagay e." inis naman na bwelta ni Eros. "And you think maniniwala ako?" saad naman ni Papa Magnus. "If you want, i can f**k her in front of you, para maniwala k—" "EROS!" halos dumagundong sa loob ng mansyon matapos mapatayo ni Papa Magnus at sumigaw. "Wala ka na ba sa katinuan?! how can you say that right in front of your wife?! right in front of my face!" gigil na sigaw ni Papa Magnus. Hindi na maiwasan ang tensyon sa pagitan nila habang ako ay nakayuko lang at pilit pinapakalma ang kamay kong kanina pa nanginginig. Ngayon lang may nagtanggol sakin, akala ko matutuwa ako pero mas lalo akong nasasaktan ngayon, naiinis sa sarili ko dahil... dahil sakin nagkakainitan ang mag ama..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD