C2

1280 Words
Mabilis na lumipas ang araw at ngayong araw ang dating ng papa ni Eros. Hindi ako mapakali, kanina pa pag-gising, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil ngayon ko lamang makikilala o mamemeet ang papa ni Eros. Maagang umalis si Eros kanina, wala raw siyang time na salubungin ang pag-uwi ng papa niya, kaya heto ako ngayon hindi mapakali lalo na't hindi ko pa alam ang ugali ng papa niya. Abala ako sa pagdidilig ng mga tanim kong bulalak sa garden ng may humintong itim na van sa labas ng gate, at ng makapasok ito at huminto ay lumabas ang isang middle aged na lalaki, may iilang gray na sa buhok nito, pero ang tindig ng katawan niya ay hindi angkop sa edad niya dahil matipuno parin siya. Halata sa tangkad at tikas ng balikat niya, naghihimutok rin ang mga biceps at chest niya sa suot niyang light blue polo. Pinagpagan ko ang sarili ko at bahagyang inayos ang buhok tsaka ako naglakad palapit sakaniya kasabay si Ate Judith. "Good morning Sir, masaya po kaming makita kayo ulit" bati ni Ate Judith. "It's good to see you too again, Judith" sagot nito, grabe boses palang nakakatakot na, hanggang sa bumaling siya sakin. "And you?" tanong nito. Hindi ako agad nakasagot, hindi ko alam pero bigla nalang akong natahimik at nanginginig ang kamay kong kumapit sa laylayan ng suot kong damit. "Ahh, siya po ang asawa ni Sir Eros." sabad ni Ate Judith, at tinignan ako na para bang dismayado. Napako ako sa kinatatayuan ko ng tignan ako ng papa ni Eros mula ulo hanggang paa, hindi lang ako ang natahimik, pati na ang buong paligid. "So you're my daughter in-law?" saad nito. Napatitig lang ako sakaniya, at kita ko sa mukha niya na parang hindi siya makapaniwala na ako nga ang napangasawa ng anak niya. "Hindi mo man lang ako babatiin?" saad nito at bahagyang ngumiti, napakurap ako at hindi alam kung ngingiti rin, lalapit na sana ako pero nauna na siyang lumapit sakin at niyakap ako. Para akong binawian saglit ng hininga, hindi ko inasahan na yayakapin ako nito. "It's good to meet you, my daughter in-law." nakangiti nitong sabi. Kinuha ng iilan ang gamit ng papa ni Eros, habang nakaalalay namn kami ni Ate Judith sakaniya. "Madam buti pa ipagtimpla mo ng tsaa si Sir Magnus" utos ni Ate Judith, napansin ko ang pagkunot ng noo ng papa ni Eros na tumingin kay Ate Judith, habang si Ate Judith naman ay nakatingin lang sakin. "Hey! is this how you treat her? how can you assign her for making me a tea, when you're the one who supposed to do that?" inis na sabi ng papa ni Eros na ikinagulat ko. "Ah—sir... Sorry po, namalikmata lang po ako, akala ko po 'yung bagong kasambahay" palusot ni Ate Judith. Pero nginisian lang siya ng matanda. "I heard you call her madam... apologies to her!" galit na sabi nito kaya napapitlag ako. "Ah— S-sir a-ayos lang po—" "Sir?" putol nito sakin, nakangiwing nakatingin sakin at bahagyang ngumisi. "Your husband is my son... Call me Dad or what makes you comfortable. Just don't call me ‘sir’ we're family here!" saad nito kaya yumuko nalang ako para mag sorry. "And you Judith, i need to talk with you in front of Eros." galit na sabi nito habang si ate Judith ay nakayuko lang na nakatayo sa gilid. "I'm sorry Sir Magnus, hindi na po mauulit." sambit nito, at umalis na. "Sit here hija" anang papa ni Eros habang tinapik ang couch sa tabi niya. Agad akong umupo sa tabi niya at may kung ano siyang inabot sakin. "This is from Eros mom, she insisted na kapag nakapangasawa ako ulit ay ibigay ko raw ito sa mapapangasawa ko, but— wala na akong balak mag asawa, so why not i give it to you? besides, soon you'll be carrying a child with my son." Saad nito at binuksan ang parihabang kahon na hawak niya. Lulan no'n ang isang silver neck lace na may purple diamond na pendant. "S-sakin na po ito?" tanong ko, nakangiti lang siyang tumango sakin. "T-thankyou po si—Pa... Papa" nakangiti kong sabi at hinaplos nito ang ulo ko. "I have a question hija..." panimula nito kaya napatingin ako sakaniya at marahan na munang inilapas sa center table ang box. "Did my Eros, treat you well?" tanong nito na tila bumiyak sa puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko, iniisip ko kung isasagot kong hindi, baka hindi siya maniwala... Kung sasabihin ko namang oo, paano ko patutunayan? "You're supposed to wear fancy dresses! not that kind of clothes." singhal nito habang sinusuri ang buong katawan ko. "Did he not spoil you?" tanong pa nito. "No po, Pa. Hindi lang po talaga ako sanay sa mga mamahaling gamit o damit..." nakangiti kong sabi. "Kahit pa!" may inis sa tono nito. "Go on and get dress, sumama ka sakin, now na." utos niya, kaya naman tumayo ako mula sa pagkakaupo at agad na umakyat sa kuwarto ko at nagbihis. Pagbaba ko at naabutan ko si Papa Magnus sa ibaba sa dulo ng hagdan. "You look so innocent, how old are you again?" tanong nito sakin matapos pasadahan ng tingin ang suot kong simpleng white dress. "26 po Pa." s**o ko. "Ohh, you're so conservative " mahinang sabi nito kaya mapangiti ako. Nang makalabas kami mansyon ay nakaready na agad ang itim na SUV sa labas at sumakay kami agad roon. "Sa mall tayo, i need to teat my daughter in-law." utos ni Papa Magnus sa drivier at bahagyang kumindat sakin. Hindi ko akalain na sobrang bait niya pala, akala ko ay tulad ni Eros ay ganoon rin ang ugali niya... San kaya nagmana si Eros, imposibleng sa mama niya, e mukha namang mabait ang namayapa niyang mama base sa kwento ni Papa Magnus. Nang marating namin ang mall ay inalalayan pa akong bumaba ni Papa Magnus. "Careful" bulong nito. At ng makababa kami ay agad kaming pumasok sa mall. Dinala niya agad ako sa mga mamahaling damit, dress at iba pa pati mga sapatos lahat ng napali niya para sakin ay pinabitbit niya lahat sa driver na kasama namin. "Pa, tama na po... ang dami nyo na pong naipamili" mahinahon kong sabi, pero ngumiti lang ito at tinapik ang balikat ko. "No it's okay, kailangan palagi kang maganda sa harap ni Eros, para mas lalo pa siyang mainlove sayo" saad nito at napunta naman kami sa mga perfume at make ups. Ako na ang pumili this time, kakaunti lang ang mga pinili ko dahil narin sa dami na ng bitbit ng driver namin. "Pa okay na po lahat 'to." saad ko ng nakangiti. "Okay if you insist, kumain na muna tayo! ah Renon pakisakay mo na muna 'yang mga pinamili natin sa sasakyan at sumunod ka rito, kakain tayo." utos ni Papa Magnus sa driver at agad namang kumilos ito. Naupo kami sa isang cuisine sa loob ng mall, amoy na amoy ang cinnamon sa loob nito, at ang brewed coffee. Agad na nag order si Papa Magnus at ng makaupo kami ay kinausap agad ako nito. "Make sure you wear all of those, everyday. I don't want to see you again wearing those clothes, gusto ko na magka apo agad." biglang sabi nito kaya parang binalot ako bigla ng kaba at lungkot. Kung alam lang niya na hindi asawa ang trato sakin ni Eros, kung alam lang niya na magkahiwalay kami ng kuwarto at kung alam lang niya.... madalang lang kaming mag mag-sèx ni Eros, at hindi man lang niya pinuputok sa loob. At kung malaman man niya, ano kaya ang gagawin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD