EVELINE'S POV
UMAGA nanaman, at maaga akong gumusing dahil maaga ang alis ngayon ng asawa kong si Eros. Ganito n ang routine ko sa mansion, ang pagsilbihan siya.
Oo, hindi asawa ang tingin sakin ng asawa ko. Ang gusto lang niya ay dito lang ako sa mansyon at pagsilbihan lang siy kahit pa may mga maids naman, tila masaya siyang nakikita akong nahihirapan. Hindi ko alam kung anong nangyari sakaniya, dahil hindi naman siya ganito simula ng magkasintahan palang kami.
Ilang taon kami naging magkasintahan bago kami tuluyang ikasal. Akala ko pag naikasal na kami ay mas magiging matatag pa ang samahan namin, mas maipaparamdam namin kung gaano namin kamahal ang isa't isa, pero mali ako.
Dahil anim na buwan palang matapos kaming ikasal ay unti unti ng lumilitaw ang ugali ni Eros, na hindi ko nakita sakaniya no'ng nakaraang tatlong taon na magkasintahan pa lamang kami.
Siguro nga tama ang kasabihan na, malalaman mo lang ang ugali ng isang tao kapag nakasama mo na ito sa isang bubong, at oo... totoo, dahil ngayon ko nakilala ang totoong ugali ng asawa ko.
“Ma'am ako na ho ang magluto, hindi pa naman po lumalabas si Sir e.” kanina pa nagpupumilit si Tesa na kunin ang sandok na hawak ko pero pilit ko siyang tinatanggihan.
"Ayos lang ako Tesa, gusto mo bang maulit yung araw na ikaw ang nagluto... ayos lang sana kung ako lang ang saktan niya pero ang pati ikaw? hindi kaya ng kunsensya ko." saad ko sakaniya at ngumiti.
Bata pa si Tesa, 19 pa lamang siya at heto nandito siya sa mansyon para mamasukan bilang katulong para matustusan ang pag aaral ng dalawa niyang kapatid sa probinsya nila. Kaya hindi ako papayag na saktan siya ni Eros at paalisin siya rito... Wala na akong mapaglalabasan ng sama ng loob pag nagkataon.
Ang dalawa pa kasing kasambahay rito sa mansyon, ay hindi ako kinikilala bilang amo, dahil gano'n ang pinapakitang trato sakin ni Eros, kaya pakiramdam nila ay ayos lang na itrato nila akong parang mababa pa sakanila.
Mas matanda sila sakin, kaya siguro ay wala rin silang balak narespetuhin ako bilang asawa ng amo nila, hinhayaan ko nalang. Sa edad kong 26 ayoko nalang magpapapatol sa mga nangungurenta na.
"Hoy Tesa! buti pa gawin mo magwalis ka do'n sa garden at pag nakita ni Sir Eros 'yon ay nako! ikaw ang palilintikan ko!" sigaw ni Ate Judith, ang number 1 na feeling tagapagmana ng mansion.
"O anong tinitingin tingin mo madam?" nakapamewang nitong sabi sakin at inirapan ako.
"Ate Judith naman! asawa parin ni Sir si Ma'am, konting respeto naman!" suway ni Tesa rito pero humagalpak lang ng tawa ang babae..
"Hoy Tesa! nakikita mo ba kung pa'no tratuhin ng amo natin yan? aba! e mas maayos pa trato satin na katulong kesa dyan sa asawang sinasabi mo!" pang iinsulto pa nito.
Magsasalita pa sana si Tesa pero agad ko na siyang hinawakan sa braso upang pigilan ito.
"What's that noise! ang aga aga!" galit na boses mula sa hagdan, lahat kami natahimik ng marinig ang malakas na boses ni Eros.
Sina Tesa at Ate Judith ay nakayukong nakaharap kay Eros habang ako ay itinuloy nalang ang pagluluto ko.
"Hindi mo ba kayang bawalan 'tong mga 'to?! kaya di ka nila nirerespeto e!" bulyaw sakin ni Eros, napapikit nalang ako upag magpigil at hindi na lang siya kinibo.
"Iready mo ang susuotin ko pagtapos mo riyan!" bulyaw pa nito. "Ate Judith, itimpla mo nga ako ng kape" utos nito, mahinahon lang kaya naman minataha ako ni Ate Judith at nginisian.
"Ayos ka lang po ba ma'am?" tanong sakin ni Tesa. "Ayos lang ako, sige na pumunta ka na sa garden" utos ko sakaniya at mabilis na nagtungo sa garden.
Mabilis kong tinapos ang pagluluto ng adobong atay ng manok, at umayat patungo sa kuwarto niya, oo... Hiwalay kami ng kuwarto, pupunta lang sya sa kuwarto ko kapag lasing siya at gusto lang niya makipagsex tapos wala na.
Habang inaayos ko ang isusuot niya ay napapabuntong hininga ako, bakit ba ako nagtitiis rito? bakit ba umaasa parin akong babalik pa ang dating Eros na minahal ko...
Niladlad ko ang white polo at suit niya sa kama, pati na ang slack niya, sapatos, relo at neck tie. Nang makita kong maayos na, na perfect na ay huminga ako ng malalim at akma na sanang lalabas ng biglang tumunog ang phone niya.
Lumapit ako sa bedside table at tinignan kung sino ang mag message sakaniya.
| Hey son! it's been a long time since i saw you. Nabalitaan ko na ikinasal ka na, hindi mo man lang sinabi sakin. I want to see your wife, see you on the next 2 days! |
Napakunot ang noo ko ng mabasa iyon, alam kong nasa ibang bansa ang papa ni Eros, pero ang sabi niya sakin ay may ibang pamilya na ito roon, totoo kaya?
"Get out, i'm taking shower" napapitlag ako ng biglang magsalita si Eros mula a likod ko kata pasimple ko nalang kunwari'y inayos ang baso na nasa tabi ng phone niya.
"Wait..." sambit niya kaya napatigil ako, at napaharap sakaniya. "Are you checking my phone? " galit na tanong nito, mabilis akong umiling pero agad siyang naglakad palapit at kinuha ang phone niya.
"What's wrong with this old man!" singhal niya, at biglang napatingin sakin. "Bingi ka ba? i said get out!" bulalas nito kaya mabilis na akong lumabas ng kuwarto niya.
Nang makalabas ako at bumaba ay napaisip ako bigla, may galit ba siya sa papa niya? dapat nga masaya siya ngayon dahil finally uuwi ang papa niya para makasama siya, kami...
Ano kayang ugali ng papa niya? kahit matagal na kaming magkarelasyon ni Eros never ko pa na meet kahit sa video call lang ang papa niya. Kinakabahan tuloy ako dahil baka sa papa niya nakuha ang ugali niya, baka hindi ko na talaga kayanin kung pati ang papa niya ay apihin rin ako gaya ng ginagawa ni Eros sakin.