Chapter 4: Lady Ryna

545 Words
I made face when Ma'am Lilia turned her back on me. Hindi ko alam kung bakit ang sungit n'ya sakin. Unang kita palang namin ay ang sungit na n'ya. Hindi na ko magtataka kung malalaman ko na matandang dalaga s'ya. Tinuloy ko na ang ginagawa ko. Para kasi akong executive assistant ng executive assistant ng executive secretary to the president. In short ako ay isang alalay to the third power. Maghapon ay wala akong ginawa kundi ang mag-ayos ng mga papel, mag-scan, at mag-encode. Nawala na nga ang poise ko dahil hindi na ko maka-straight body. Abala pa ako sa pag-make face at strecthing ng nangangalay kong likod nang may lumapit sa akin.  "Hi, nasa loob ba si Papa?" tanong ng isang malambing na boses na tila nahihiya pa. Napaangat ako ng tingin mula sa filing cabinet na inaayos ko. Nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay kasing-edad ko lang pero ang pananamit ay pang edad na ni Miss Lilia. May nerd glasses s'ya at braided ang buhok n'ya. "Lady Ryna," Miss Lilia recognized her. Wala na ang masungit na expression n'ya at mataray na tono. Biglang parang ibang tao na ang mabagsik na si Madam Lilia. Pero Miss Lilia aside, napakunot ang noo ko dahil sa pamilyar na pangalan n'ya. Parang narinig ko na. "Miss Lilia, Ryna nalang po," the girl timidly said. "Si Papa nga po pala?" nakangiting tanong n'ya pero nakayuko naman.  "Nasa loob. Sige pumasok ka na," malambing na sabi ni Miss Lilia. Tumalikod na ang babae at pumasok na ng opisina. Napasunod na lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa maisara na n'ya ang pinto matapos n'yang pumasok.  Hindi nawala ang pagkakunot ng noo ko kahit nang bumalik na ako sa ginagawa ko. Iniisip ko pa rin kung saan ko s'ya nakita. Saan ba tumatambay ang mga gan'ong nerd ang dating? Sa library lang naman or sa laboratory. Then it hits me! Sa library ko s'ya nakita. "Alam ko na! Sa library ko s'ya nakita!" Hindi ko namalayan na naibulalas ko iyon. Tinaasan ako ng kilay ni Miss Lilia. "Oo sa isang university lang kayo nag-aaral ni lady Ryna. Sa sobrang ambisyosa mo kasi, pinili mo ang eskwela na kapareho ng sa anak ng may ari nitong kompanya," mataray na sabi n'ya. Sinamahan n'ya pa 'yon ng irap. Nang hindi na s'ya nakatingin ay inirapan ko rin s'ya. Hindi ko pinigilan ang sarili ko na mag make face. "Hindi ko naman po sinasayang ang oportunidad na binigay ng kompanya sakin. At sana po inilagay n'yo sa description ng scholarship na limited lang sa state universities ang offer n'yo at hindi any chosen school, para hindi ako pumili ng hindi kayang i-afford ng Nanay ko kahit makuba pa s'ya sa kakatrabaho. Sorry po ha?" I sarcastically said. I know na dapat igalang ko s'ya, pero sobra na kasi s'ya. Lalo na s'ya kung sa kanya pa galing ang pampaaral sakin. "Ang mga ganyang ugali, hindi uunlad 'yan!" nanggagalaiti na sabi n'ya. Nag-kibit-balikat nalang ako at saka mapang-asar na ngumiti sa kanya. Bumalik nalang ako sa ginagawa ko. Kung ako ambisyosa, s'ya ay inggitera. At hindi ko nalang s'ya papansinin dahil hindi ko naman 'yon ikayayaman. Ayokong inisin ang sarili ko sa mga walang kwentang tao at bagay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD