"I'm sorry I can't make it tonight," I dramatically said while we're having our lunch.
As usual, libre na naman ang lunch. Shaira paid this time. Dinala n'ya pa kami sa mamahaling restaurant. Nakakalula lang ang luho nila. Isang tanghalian lang naming apat ay kaya nang magpakain ng sampung pamilya sa loob ng isang linggo.
Hindi ko pa maintindihan ang menu. Sunud-sunod ang mga consonants na magkakatabi kaya wala akong maintindihan. French yata or what dahil nang sambitin ni Antonia ay tunog sosyal. Mabuti nalang at mabilis ang pick-up ko kaya nagaya ko nang mahusay ang sinabi ni Antonia.
Nakakawindang pa ang dami ng mga utensils sa lamesa. Tila ba may sampung pares ng kamay at sampung bibig ang kakain sa dami ng mga kutsara at tinidor, may kutsilyo pa. Mabuti nalang at na-review ko na sa YouTube ang tamang paggamit ng set ng utensils. Kundi ay mapapahiya ako dito.
Nang dumating ang finger dipper ay inakala ko pa na soup. Buti nalang at hindi ako naging mahadera. Kukuhanin ko palang ang kutsara para sa soup nang makita ko si Shaira na sinawsaw ang mga kamay n'ya doon. Nakigaya nalang ako. Iba talaga ang mga sosyal. May rose petals pa ang hugasan ng kamay.
"But why? We're so excited for tonight. We're hoping that we can go together. What happened?" Cindy asked with a raised brow.
Maingat na pinahid ko ang mga kamay ko sa bimpo na naka-abang. Kung titignan ang server dito, mas mukha pa s'yang may pera kaysa sa totoong ako. Kung walang uniform ang school namin, malamang na mukha akong pulubi dito dahil wala akong sosyal na dress na babagay sa lugar na 'to. At kung hindi libre ang kakainin ko, hinding-hindi ako magsusunog ng blue bills para lang sa tanghalian.
"I have an important matter with my mother," I simply said.
Bukod sa ayokong mag-mukhang kawawa sa acquaintance ball mamayang gabi dahil wala akong sosyal na evening gown at wala akong budget para sa hair and makeup, talagang may mahalaga kaming gagawin ni Nanay mamayang gabi. Magtatatak kami ng mga t-shirts na order sa kanya. Sakto na walang pasok sa school bukas at hapon pa ang schedule ko sa kompanya kaya pwede akong magpuyat at gumising ng tanghali.
"Oh! Baka tungkol sa negosyo. We can relate to that," Antonia said. "My Dad wants me to have an early training. As a sole heiress, I have to learn how to handle our business, but I refused. I can't imagine myself being confined in the four corners of his office. I'll rather marry a guy who can run our company for me. He's actually looking for a guy I can marry."
"Don't you want to marry someone you love?" Shaira asked.
Antonia rolled her eyes. "I don't believe in love. And why would I look for I man I can love when my Dad found a man who can make my life so much easier? Isa pa, maybe I'll fall with someone who'll just use me. I mean, I am super rich. Mahirap maghanap ng lalaki na mas mayaman sakin at hindi pera ang magiging dahilan ng pagpapakasal sakin. And I trust my Dad that he'll find the best man."
Ikinubli ko ang buntong-hininga ko. Medyo nakaramdam ako ng awa kay Antonia. Ang hirap din pala maging mayaman. Hindi mo alam kung sino talaga ang nagmamahal sa'yo. O kung mayroon man, hindi mo alam kung ikaw ba ang mahal o ang pera mo.
"Me? I won't date a man who's not richer than my family. Para if ever na ma-in love ako sa kanya, money won't be an issue." Shaira flipped her hair.
"You can't choose who you'll love," Cindy said. "What do you think, Kim?"
Sabay-sabay na bumaling sila sakin.
Ngumiti ako sa kanila. "Love is a mental conditioning. Kapag may rason ka para magustuhan ang isang tao, at sa tingin mo deserving s'ya na mahalin, you'll eventually develop the idea that you're in love. It's not really what your heart feels, but it's what your brain wants you to feel. You'll only think that you're in love when you feel the security or comfort that man can guarantee. Or in some cases, when you enjoy the thrills it can give you. For example, it's exciting to defy the world so you'll choose a forbidden love."
Antonia gave me a slow clap. "As expected, Kim, you made sense."
Ngumiti lang ako. That's my ideology. Kaya ako, pipiliin ko ang lalaki na makakapag-ahon sakin sa hirap at makapag-bibigay sakin ng maganda at masarap na buhay. Hindi ko kailangan ng lalaki na pagmamahal lang ang kayang ibigay sakin. I'll always choose diamonds rather than sweet words that won't be able to feed my tummy.
Nang i-serve na ang meals nang sunud-sunod, sinikap ko na hindi magkamali sa dadamputing kutsara at tinidor. At kahit nasasarapan ako sa mga pagkain, pinaalalahanan ko na mas sosyal kung magtitira ng pagkain sa plato. Hindi dapat ubusin para hindi magmukhang patay-gutom.
Bakit kaya ang mga pagkaing sosyal ay kakapiranggot lang? Ang laki ng plato pero ang laman ay nasa gitna lang. Panay desenyo lang na hindi naman nakakain. Palagay ko talaga ay nagsasayang lang ng pera ang mayayaman sa mga ganitong pagkain. Pero dahil ito nga ang sosyal, keri lang. At saka libre naman kaya dapat ay wala na akong reklamo.
"Will you go with us on Tagaytay next weekend?" Shaira asked while we're having our main course.
Ibinaba ko ang knife at fork nang sobrang ingat at dinampot ko ang towel para mapahid ang bibig ko. Poise kung poise dapat. Kahit nakakangalay sa likod ay hindi ako humilig sa sandalan at straight body lang dapat.
Sinalubong ko ang tingin n'ya at saka ngumiti "Let's see. I'm not sure if my schedule will let me."
Dapat kasi ay palagi akong busy. Ang mamayamang tao kasi ay palaging abala. Kung hindi sa pagpaparami lalo ng mga pera nila, sa pagwawaldas naman sila abala.
At isa pa, hindi ako sigurado kung kaya kong makipagsabayan sa kasosyalan nila kapag nag out of town kami.
"Wow. You're always busy," Cindy said with lot of sarcasm.
"I'm working for a company," wala sa sarili na sagot ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Cindy. "Your family's company?"
"Nope. I'm working for an advertising company. It's part of my training. Mas maganda kung sa ibang company para unbiased ang treatment sakin. Mas matututo ako," proud na sabi ko. Partly true naman 'yon.
"You're really witty, Kim. Kaya friend tayo e," Antonia smirked.
Hindi ko alam pero bahagya akong kinabahan. Pakiramdam ko ay may alam s'ya sakin.
"Do you like your steak?" Tanong bigla ni Shaira.
Saka lang ako nakabalik sa wisyo ko. Medyo natakot kasi ako na alam ni Antonia ang tunay na pagkatao ko.
"Okay lang," tipid na sagot ko kay Shaira.
Sa totoo lang ay medyo nagsisi ako sa order ko. May dugo pa ang steak na kinakain ko. Nililiitan ko na nga lang ang hiwa at nilulunok ko nalang. Parang bampira ang feeling ko kapag naiisip ko na kumakain ako ng dugo.
"We better hurry girls, may next class pa tayo," sabi Antonia.
Pinili ko nalang na manahimik hanggang sa matapos kami sa madugong tanghalian. Sabay-sabay kaming bumalik sa school sakay ng SUV ni Shaira.
"May I take a look on your gallery?" Sabi ni Cindy at nilahad ang kamay n'ya sa harap ko.
"Why?" medyo defensive na sagot ko. Medyo humigpit pa ang hawak ko sa iPhone ko na hindi naman sumisindi.
"You said you went to Sri Lanka recently. I'm planning to visit the place next month, I want to see where you went so I can check it out as well," she smirked.
I frowned. "I am not sharing it with you," may kabang bumundol sa dibdib ko.
"And why is that?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Cindy.
"I'm with someone I don't want you to see. I'm keeping him a secret so I am not allowing anyone to borrow my phone," I tried to sound calm. But damn, I'm nervous.
Mukhang nainis naman s'ya. "Fine! I'll just take it from you!"
I gasped when she tried to snatch my phone. Nakipag-agawan s'ya sakin hanggang sa malaglag sa sahig ang phone. I purposely stepped on it pero pinagmukha kong accidentally.
"Oh my god!" I gasped.
"Ikaw kasi! Ang damot mo," maktol ni Cindy.
"Kasalanan ko pa?" mataray na sabi ko. Medyo na-relieved ako.
"I'll just buy you a new one nalang. Don't be mad na. It's not even the latest model," maarteng sabi ni Cindy at bumalik na sa upuan n'ya.
And with that, I got the latest model of iPhone. Thanks to Cindy, the bratty heiress.