Chapter 2: The Great Pretender

1000 Words
Nang magsimula na ang pasukan ay pinagbuti ko talaga. Syempre nakakahiya naman sa VVI kung masasayang ang pera na binabayad nila dito sa gintong eskwelahan. "Girl, I like your blouse. Where did you buy that?" maarteng tanong ni Shaira sakin. Isa s'ya sa mga sosyalera kong kaklase. Medyo mahirap silang pakisamahan pero tinitiis ko nalang. Madalas kasi nagtatalo sila kung sino ang magbabayad ng mga pagkain namin. Lahat sila, gusto magpasikat at magtapon ng pera nila. Pabor naman iyon sakin dahil palaging libre ang pagkain ko. Ang laking tipid dahil may sangkap na ginto yata ang mga pagkain dito sa cafeteria dahil sobrang mahal. Ngumiti na muna ako sa kanya at dahan-dahang uminom sa baso ko. Slow motion na nagpunas din muna ako ng bibig dahil iniisip ko pa ang sasabihin ko. "Sa Zara, girl" nakangiting sagot ko sa kanya. Partly true naman 'yon. H&M ang tatak ng blouse na suot ko pero hindi ko d'on binili. Nakita ko lang 'to sa ukay-ukay. Sa halagang singkwenta pesos, may sosyal at magandang blouse na ko. "We just went there yesterday," sabi naman ni Antonia. "Wala akong nakitang ganyan," nakataas ang isang kilay na sabi n'ya. I giggled. "Limited edition, girl," pagsisinungaling ko pa. "Oh," she just picked her phone from the table then busied herself with that. I sighed. Grabe! Ang hirap makisama rito sa mga babae na walang alam gawin kundi ang magpaganda, magyabang, at lumustay ng pera. Nang matapos kaming kumain ay deretso na agad sa powder room. Panay pa ang mirror selfie nila. Hindi na ako nakisali dahil wala naman camera ang cellphone ko! May palagi lang akong hawak na pekeng iPhone na nabili ko sa Greenhills. Hindi na gumagana at parang pang model nalang ng unit kaya binigay na sakin ng tindera ng three hundred pesos. Pinigilan ko na magbuntong-hininga habang nagpapayabangan sila ng mga bags nila. Nalulula talaga ako kapag sinasabi na nila ang presyo. Isang bag lang nila, sweldo na ng isang construction worker sa loob ng kalahating taon! Masyadong maluho ang mga babaeng 'to. Nakakaloka! "Kim, feel na feel mo naman 'yang bag mo," nakangiwing sabi ni Cindy habang tinitignan ang bag na nakasabit sa kamay ko. Pinigilan ko na paikutin ang mga mata ko. Ngumiti nalang ako sa kanya. "I love flaunting my creativity." Ang bag kasi na gamit ko ay lumang pantalon na tinahi ko para maging bag. Nilagyan ko nalang ng mga diamond studs at kung ano pang kulerete. "Oh, yeah! Not everyone can do that," sabi naman ni Shaira. Mas matagal pa kami sa loob ng powder room kaysa sa pagkain namin. Nang sa wakas ay matapos na sila, naglakad na kami papunta sa susunod na classroom namin. Nagkataon na malapit lang sa cafeteria ang building namin kaya hindi na nila kailangan magtalo kung kaninong driver ang tatawagan para ihatid kami. "Inactive pa rin ang social accounts mo?" tanong sakin ni Cindy habang nag-iintay kami ng prof. "Yes," I answered in a way how Shaira would answer. "I'm still not in the mood for the secret admirer." Nagsinungaling kasi ako sa kanila noon na may secret admirer ako na nangungulit sakin kaya dine-activate ko na muna ang social accounts ko. Ano naman kasi ang makikita nila d'on? Mga ka-jejemonan ko sa buhay? For sure lalaitin lang nila ako. Nang matapos ang last class namin ay humiwalay na ako sa kanila. Idinahilan ko na magbabasa pa ako sa library. Pero ang totoo, ayoko lang na makita nila na sasakay ako sa jeep at walang driver na magsusundo sakin. Tinotoo ko nalang ang pagpunta ko sa library. Nag-advance reading na ako at tinapos ko na ang lahat ng assignments ko kahit na next week pa naman 'yon ipapasa. Kapag kasama ko kasi sila Shaira, hindi naman ako nakakapag-aral. Nang palabas na ako ng library ay may nakabangga akong babae. "Sorry, miss," hinging paumanhin ko at tinulungan ko s'ya sa pagpulot ng mga nalaglag n'yang libro. "S-Sorry," mahinang sabi n'ya habang nagpupulot din ng mga libro n'ya. Medyo madami ang dala n'ya at may kaliitan s'ya kaya tinulungan ko na s'yang magdala ng mga gamit n'ya hanggang sa pinakamalapit na lamesa. "Hi, I'm Kim," nakangiting pakilala ko sa kanya. Mukha s'yang typical girl na nabu-bully. "R-Ryna," mahinang sabi n'ya. Napahagikgik ako. "Konti nalang reyna na," sabi ko. Ang cute ng pangalan n'ya. Ray-na. "Nice to meet you, Ryna." Nagyuko lang s'ya ng ulo kaya iniwan ko na s'ya. Medyo malayo ang library sa may gate kung saan dumadaan ang mga jeep. Mahabang lakaran na naman. Iniisip ko nalang na exercise ang ginagawa kong paglakad ng pagkalayu-layo araw-araw. Nang makauwi ako sa bahay ay handa na ang hapunan. The best talaga si Nanay. Matapos ang hapunan ay nag-kwentuhan pa kami ni Nanay tungkol sa mga pangayayari sa buhay-buhay ng mga kapit-bahay at mga artista. Medyo tsismosa kasi kami. Konti lang naman. "Matulog ka na. Maaga ka pa bukas," sabi n'ya at pinatay na ang TV. Tumayo na ako at yumakap at humalik sa kanya. "Goog night, Nanay," malambing na sabi ko bago ako pumasok ng kwarto ko at humiga na sa kama ko. Dahil wala akong pasok bukas sa university, kailangan kong mag-report sa VVI. Gan'on kasi ang nasa kontrata. Kapag wala akong pasok sa eskwela ay doon ako papasok. Parang OJT. Para daw maagang ma-expose sa kompanya. Okay lang naman sakin dahil may allowance naman. At madami akong natututunan. Natulog na ako para hindi ako antukin sa opisina bukas. Medyo boring kasi d'on at napaka-pormal ng mga tao. Kapag mas mataas yata ang posisyon, mas tipid magsalita. Mabuti pa n'ong nag-summer job ako dati sa munisipyo. Na-assign ako sa Mayor's Office at nakakatuwang ka-trabaho ang mga tao d'on. Palaging masaya at madaming kwento. Pero kailangan ko nang masanay ngayon palang sa VVI. Dahil kapag nakatapos ako, d'on din naman ako mag-ta-trabaho. Ako si Kimberly Agatha Magno, at wala akong inaatrasan o sinusukuan. Ambisyosa ako, pero wala akong tinatapakang tao. At higit sa lahat... beauty and brain ako. Rare na ang mga katulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD