Chapter 1: Vision and Veracity

1192 Words
Isang malalim na hininga pa ang hinugot ko at inensayo ko ang isang mabining ngiti sa aking mga labi. Sa isip ko ay paulit-ulit kong binabalikan ang mga dapat kong sabihin at iakto. Pilit na iwinawaglit ko ang kabang namumuo sa dibdib ko pero hindi ko maiwasan. Namamawis na ang mga kamay ko at hindi ko maiwasan na itapik ang paa ko sa sahig. Ngayon ay nandito ako at naghihintay na matawag para sa interview ko para sa scholarship na ina-apply-an ko. "Kimberly Agatha Magno" tawag sa pangalan ko ng isang babae na pormal na pormal ang itsura at mukhang istrikto. Naaalala ko sa kanya ang masungit na librarian na palaging sumasaway sakin noong high school ako. Bahagyang napatalon ako patayo mula sa kinauupuan ko. Tinaasan naman n'ya ako ng kilay at inirapan bago ako talikuran. "Follow me" masungit na sabi n'ya. Hindi ko naman naiwasan na mag-make face habang sinusundan s'ya. Nang nilingon n'ya ako ay matamis na ngumiti lang ako sa kanya. Isang matalim na tingin naman ang sinukli n'ya sakin. Hindi ko nalang s'ya pinansin. Marahil ay matandang dalaga ang isang 'to at insecure sa beauty ko. Napangisi nalang ako sa naisip. Minsan talaga, gandang-ganda ako sa sarili ko. Tumigil s'ya sa harap ng isang pintong kahoy at matalim na tinignan pa ako bago n'ya binuksan ang pinto. Humakbang s'ya papasok at sumunod naman ako sa kanya. Magalang na yumukod s'ya at saka iniwan na ako sa loob ng opisina. Namamanghang ginala ko ang tingin ko sa loob ng opisina. Simple at kaonti lang ang mga kasangkapan. Ganito pala ang itsura ng opisina ng may-ari ng isa sa pinakamalaking advertising company ng bansa. Nang mapadako ang tingin ko sa matandang lalaki na nakaupo sa trono n'ya sa likod ng malaking kahoy na lamesa ay halos batukan ko ang sarili ko. Nakangiti s'ya sakin at mukhang kanina n'ya pa ako pinagmamasdan habang nakagala ang paningin ko sa opisina n'ya. "G-Good morning po," nahihiyang bati ko. "Sir," pahabol ko pa. Naku naman! Umpisa palang ay puro kapalpakan na ako. Nahihiyang nagyuko nalang ako ng ulo. "I heard so much about you," sabi n'ya sa tono na mukhang naaaliw. Nabuhayan naman ako ng loob. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at malapad na ngumiti. Umupo na din ako sa upuan sa harap ng lamesa n'ya. Tumaas naman ang mga kilay n'ya. Nanlaki ang mga mata ko at napakagat sa labi. Agad na tumayo ako at yumukod. "Pasensya na po, Mr. CEO," hinging paumanhin ko. Todo yuko pa ako sa kanya. "Mr. President, kinakabahan lang po ako. Sorry po talaga," nahihiyang sabi ko. Narinig ko ang pag-tawa n'ya. "Sige na, maupo ka na," anyaya n'ya sakin. Dahan-dahang umupo ako. Sinigurado ko pa na maayos ang palda ko. "I'll be honest with you, Miss Magno. I am very satisfied with the result of you written exams. And the HR manager highly recommended you for the scholarship," sabi n'ya sa pormal na pormal na tinig. Nakaka-intimidate nga s'ya. Syempre, alam ko na ang yaman-yaman n'ya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang malaking ngisi ko. Nararamdaman ko na ang tagumpay! Madami pa s'yang mga sinasabi na hindi ko na masyadong naiintindi dahil sa sobrang kaligayahan ko. Alam ko naman na formality nalang 'tong nangyayari ngayon. Alam ko naman na kuhang-kuha ko na ang minimithi ko. At sobrang saya ko! Namalayan ko nalang na inaabot na n'ya sakin ang kanang kamay n'ya. Nakangiting tinanggap ko 'yon. "Welcome to the Vision and Veracity," he said with a wide smile. "Thank you so very much, Sir," maligayang sabi ko. Shocks, masyado na akong masaya na okay lang kahit redundant na ang pinagsasasabi ko. Understandable naman siguro 'yon dahil bata pa naman ako. Masaya akong umuwi sa bahay matapos kami magpirmahan ng kontrata. "'Nay! 'Nay!" malakas na tawag ko pagpasok palang ng pinto namin. Lumabas si Nanay mula sa kusina. Agad na nag-mano ako sa kanya at yumakap nang mahigpit. "Kumusta naman ang naging lakad mo, Kim?" tanong n'ya at hinila ako paupo sa plastic na mahabang upuan sa sala namin. Malawak na ngumiti ako. "Good news po! Napili ako ni Mr. Dela Croix" proud na sabi ko. Maluha-luha si Nanay na niyakap ako. "Salamat naman sa Diyos" Hindi maampat ang kasiyahan namin ni Nanay. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa kung mabibigyan ka ng pagkakataon na mag-aral sa kahit anong kolehiyo nang libre at may allowance pa. At kapag nakatapos ka na ay may siguradong magandang kompanya ka nang papasukan. Tuwing Marso ng taon ay naghahanap ang Vision and Veracity Industries ng isang maswerteng scholar nila. Sa dami ng nag-a-apply, isa lang ang napagkakalooban ng pagkakataon. At ngayong taon, ako ang maswerteng tao. Kaya naman hindi ko sasayangin ang pagkakataon na 'to. Ito na ang unang pinto na bumukas sakin para sa magandang kinabukasan ko. Ilang linggo pa ang nilaan ko para sa pag-asikaso ng mga kailangan para sa pag-e-enroll ko. Pabalik-balik ako sa kompanya at sa university na napili ko. Dahil libre naman ang lahat sa pag-aaral ko, pinili ko na i-enroll ang sarili ko sa pinakamahal na university sa Pilipinas. Hindi naman malulugi ang kompanya dahil alam ko naman na matalino ako at masipag mag-aral. At balang araw, magiging asset ako ng Vison and Veracity Industries. Nang matapos ko na ang lahat ng kailangan kong asikasuhin sa university ay nilaan ko ang mga natitirang oras ng bakasyon ko sa pagtulong kay Nanay sa munti n'yang negosyo. Printing shop ang kinakabuhay namin. Kailan lang, naisipan na din ni Nanay na mag-benta ng mga t-shirt na may design ng kung ano ang uso. Kung ako ang tatanungin, nababaduyan ako sa mga t-shirt na may mukha ng kung sinu-sino, lalo na ng mga asrtista. Pero syempre, iba-iba naman ang paningin ng mga tao. Mabenta ang mga tinda ni Nanay kaya ibig sabihin ay madami ang nagagandahan sa gan'on. Kaming dalawa lang ni Nanay. Wala akong tatay. Ang alam ko ay nabuntis lang si Nanay ng isang unknown na lalaki. Ang sabi n'ya sakin, napogian lang s'ya kaya ibinuka na n'ya ang mga hita n'ya. Hindi n'ya alam na may asawa pala si unknown. Nang malaman n'ya na buntis na s'ya at sasabihin n'ya sana, saka n'ya lang nakita na may asawa na pala. Natakot naman s'ya na makasuhan ng adultery kaya nanahimik nalang s'ya. Ulila na din si Nanay kaya wala akong Lolo at Lola. Ang mga kapatid naman n'ya ay nasa Mindanao at kahit kailan ay hindi ko pa nakilala. Sabi nga ni Nanay, baka nasabugan na daw ng granada sa mga panggugulo ng mga terorista. Simple lang ang buhay namin ni Nanay. Pero masaya naman kami. Hindi naman totally squatter's area ang tinitirahan namin. May tax declaration naman 'to na nasa pangalan ni Nanay. Gawa rin sa bato ang bahay namin at hindi barong-barong na isang ihip lang ng bagyo ay liliparin na. Medyo luma na ang bubong namin pero hindi pa naman namin nararanasan ang swimming pool sa loob ng bahay kapag umuulan. Magaling dumiskarte sa buhay si Nanay kaya kahit kalian ay hindi pa kami nakaranas ng gutom. At alam ko na balang araw ay maiaalis ko kaming mag-ina sa ganitong buhay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD