Angelica Lyre Cuevas Nawala na ako sa bilang, hindi ko na alam kung ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Crust, nuon ay nakakapagtext o tawag pa sya sa akin kahit two times a week. Ngayon ay tuluyan nang hindi, pero kumakapit ako sa sinabi nya na ako lang ang mahal nya. Ayoko kasing mag isip nang kung anu ano, I hate overthinking. Maayos ang naging pag-uusap namin nuong umalis sya, he even warned me about sa mga gawain ng Trigger kaya nagtitiwala akong walang nagbago sa kanya, baka sa sitwasyon meron. Baka mas hinigpitan sya o kung anupaman, basta alam kong mahal nya pa din ako dahil iyon ang sinabi nya. Napatingin ako sa aking telepono nang marinig iyong tumunog gawa ng tawag, I picked it up at sinipat upang makita ang caller. Beshiewap "Kay," hindi ko maitago ang lungkot na nararam

