bc

There's No Easy Way

book_age18+
736
FOLLOW
5.2K
READ
HE
badboy
powerful
bxg
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
friends with benefits
actor
like
intro-logo
Blurb

Angelica Lyre Cuevas is a happy and jolly girl. Lumaki sa probinsya, nagsikap makapagtapos ng pag-aaral at lumuwas sa Maynila upang makapagtrabaho. She was raised with a loving family. Hindi ang katulad nya ang magpapaapi. Palaban ngunit nasa katwiran.

Tinulungan nyang makapasok sa pinagtatrabahuan ang matalik na kaibigan ngunit kasama ng pakikipagmabutihan nito sa boss nila ay ang umpisa ng pag-gulo ng tahimik at malaya nyang pamumuhay.

Carlson Rusty Ysrael Rodriguez o mas kilala sa mundo ng showbiz bilang Crust Ysrael. Isa itong sikat na hearthrob. He didn't stop pestering her. Ang unang hindi magandang pagtatagpo ay nasundan pa ng maraming beses na mas hindi magandang tagpo. She's been mean to him. Sa hindi nya malamang dahilan ay asar sya sa lalaki kahit wala naman itong masamang ginagawa sa kanya. Until she get used to him. At iyon sana ang ayaw nyang mangyari, ang masanay sa presensya ng lalaki. She knows it's hard to be inlove. Saksi sya sa pinagdaanan ng kaibigan at natatakot syang maranasan iyon.

Si Crust Ysrael na nga ba ang magpapalambot ng kanyang puso? Ang lalaki na nga ba ang magpapatikom sa maingay nyang bibig. Masasanay ba sya na maraming kaagaw sa lalaking sabik sa kanyang atensyon? Is she she willing to be hidden?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"HR Department, good morning." bungad ni Lira pagkasagot ng telepono sa kanyang mesa. Abala silang lahat sa trabaho. Walang nakapagtataka, lunes ngayon at nakabinbin ang mga gawain na dapat tapusin. "Yes, Ma'am. Nag-rest room lang po sya. Sasabihin ko po pagdting nya.", iyon lang at marahang ibinaba ni Lira ang tawag. "Dyusme! Kayong mga inlab wag kayong istorbo sa mga single ah!! " kunwa'y sigaw ni Lira. Sakto namang dating ng kaopisina at matalik na kaibigan nya na si Dimple Erycka o Kay kung tawagin nila. "Besh!, namimiss ka na ng jowabels mo! Umakyat ka daw sa opisina nya. Magchukchakan daw kayo!", walanghiyang bungad nya sa kararating lamang na si Kay. Nanlaki ang mata nito at tinakbo sya upang hilahin ang kanyang buhok ngunit mabilis syang nakailag. "Subukan mo!! Subukan mo!!", nagsusuntok sya sa hangin na animo'y nakikipagboksing. "Lira yang bunganga mo nga!" reklamo ng kanyang kaibigan "I know I'm kissable", inusli pa nya ang nguso upang mas asarin pa ito. Muling umupo si Lira at tiningala si Kay "Kayo na?", dirediretsong tanong ni Lira sa kaibigan. Umiling ito. "Sasagutin mo?", dagdag tanong nya. Nagkibit balikat lang si Kay. "Pipi ka?", pagkuwa'y tanong muli. Inambahan sya ni Kay ng palo at napapikit na lamang sya at hinintay na tamaan nito. Matagal na syang nakapikit nang walang maglanding na palad sa kanyang mukha. Pagdilat nya ng mga mata ay palabas na ng opisina si Kay. "Luh! paasa!", kunwa'y simangot nya ngunit tumawa din. "Lakas mo talaga mang-asar, sweetie.", sabad ni Louie. "Ganyan pag walang love life. Pinapasaya ang sarili.", sabi ng isa nilang kasama na si Nica. "Yay, nakikisali. Walang kalaro. ", nakalabi pang sabi ni Lira na pang-aasar sa katrabaho. Napuno ng tawanan ang opisina. Ganyan ang papel ni Lira sa kanilang Department, ang mag-ingay at tumawa, at syempre ang mang-asar. Naging abala si Lira sa kanyang trabaho, sinadya nya ito upang makauwi agad after ng shift nya. Six thirty kasi ng hapon ang inaabangan nyang tv series. Bida doon ang bago nyang idol na si Crust Ysrael. Hindi naman sya ganuon kabaliw dito gaya ng ibang babae. Saktong idol lang, hindi nya lang pinapalampas ang tv series nito. Pero hindi naman sya yung tipo na , aabangan kung saan saan ang aktor at magtititili na animo'y baliw na ngayon lang nakakita ng gwapo. "Sweetie, coffee break tayo?", yaya ni Louie nang makitang pasado alas tres na ng hapon. "Libre mo?", nakangising tanong ni Lira. "Ofcourse sweetie.", sagot ni Louie. Lumabas sila ng opisina at nagpasyang sa cafeteria nalang pumunta dahil fifteen minutes lang naman ang coffee break nila. "Ay ano yan Louie?", tanong Lira at dinutdot pa ang daliri sa mainit na kape ng kaibigan. Natatawa nalang si Louie sa ginagawang iyon ni Lira. "Ayos ah, literal na coffee break.", anito at humalakhak. "Lira anong nakakatawa?", saad ni Louie. Sinasabayan din nito ang pang-aalaska ng dalaga. "Yang mukha mo", at humalakhak pang muli. "Saya mo ah.", ani Louie at ngumisi. Maya maya ay napansin ni Louie ang mga empleyado na nagkukumpulan sa may pinto ng cafeteria, ang iba'y humahaba ang leeg sa may glass window. Nanghaba din ang leeg ni Louie pilit na sinisipat kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga iyon. "Baka nakita na naman ng mga yan na HHWW si Sir Vince at Kay.", balewalang sabi ni Lira at mabilis na sumubo ng kanin. Hindi sya sanay na patinatinapay o kape lang. Kahit gaano pa kalimitado ang oras nya ay nagagawa nya parin kumain ng kanin. "Sasama ka ba sa Team Building?", pagkuwa'y tanong ni Lira kay Louie. Nagtaka sya kung bakit hindi ito sumagot, nang tingnan nya'y kandahaba padin ang leeg nito sa pagsipat. "Bakit hindi ka nalang kaya lumapit don? Marites na to." "Anong meron don, bakit may komosyon?", biglang tanong ni Louie sa babaeng dumaan na nagtatrabaho din sa naturang kompanya. Napailing si Lira. "Ah, yung mga barkada ni Sir Vince dumaan. Ang gugwapo." anito na nanginginig pa ang katawan sa sobrang kilig. "Oh tapos nagkapera naman kayo nung nakita nyo?", biglang singit ni Lira. Umismid ang babae atsaka umalis. Napalabi nalang si Louie dahil sa narinig, aklala naman nya kung ano na. "Ikaw, ang kj mo. Malay mo naman gwapo talaga", nang-aasar na wika ni Louie "Gwapong bobo.", anito at muling humalakhak. "Grabe sya", sinabayan din ni Louie ang pahtawa ng dalaga. "Ano nga? Sasama ka?", ulit ng dalaga sa tanong nya kanina. "Hindi sweetie, nataon na kasal ng ate ko." pahayag ng lalake. "Ahh. Naol.", sabay sabi ni Lira. "Edi pakasal ka na din." pang aasar ni Louie. "Jowa nga wala, papakasal pa." "Edi mag-jowa ka.", simpleng sagot ni Louie. "Di na uy." "Allergy sa commitment.", ani Louie sabay tawa. "Hindi. Allergy ako sa mga lalakeng kala mo kinagwapo nila yung pagpapaiyak ng babae. Eeww, kasuka that. ", aniya na pinalukot pa ang mukha. Tinawanan lamang sya ng lalaki. Mabilis natapos ang coffee break nina Lira. Ang kaibigan nitong Kay ay hindi padin bumababa nang ipatawag ng amo. Alam naman nya ang namamagitan sa dalawa, ang hindi nya lang alam ay kung opisyal na ba ang mga ito. Masaya sya para sa bestfriend nya dahil alam na alam nya ang pinagdadaanan nito mula sa dating nobyo. Sa kabila ng pagmamahal at pag-aalaga na binigay ng kaibigan ay nagawa parin itong pagtaksilan. Kaya sya ay hindi sumusugal sa pag-ibig na iyan. Ang mga kakilala nya ay halos madurog ang pagkatao matapos mabigo sa pag-ibig. Ang kanyang ina, ang kanyang kapatid at ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi nya kailangan ng lalake para sumaya at para may mag-alaga sa kanya. She can do it on her own. Mabilis natapos ang araw na iyon. Si Kay ay sa amo nila sumabay. Si Louie naman ay umuwi kaagad dahil may aasikasuhin pa daw ito. Nasa elevator na si Lira nang maisipan nyang itext si Kay, itatanong nya kung nakauwi naba ito ng maayos. Tumunog ang lift tanda na nasa ground floor na sya, she was the last one na lumabas ang atensyon nya ay nasa bag at hinahanap ang kanyang cellphone. Biglang nakaramdam si Lira na parang may nakatingin sa kanya. Nagtaas sya ng tingin at luminga linga, at nahagip ng kanyang mga mata na parang may pumasok sa private elevator ng amo na si Vince Delas Nueres. Mabilis nyang tinakbo iyon upang icheck. Ngunit huli na dahil sumara na ang elevator nang marating nya. "Potek, may multo yata dito." kinikilabutang sabi nya. Mabilis syang tumakbo at inunahan ang ibang empleyado na kakaunti nalang. "May multo!!!", malakas na sigaw nya habang tumatakbo, nagtinginan sa kanya ang mga ito at ang ibang nahuhuli'y tumakbo nadin. "Char! practice lang", aniya at biglang nag-peace sign. Tuloy tuloy syang naglakad palabas, may ibang natawa sa ginawa nya may iba ding mabuwisit. "Ay walangjo.", wika ni Lira nang makitang malakas ang ulan sa labas. Hindi muna sya tuluyang lumabas sa kalsada upang mag-abang ng masasakyan. Tumambay muna sya sa may exit kung saan nakakasilong sya. Ang kanyang paningin ay nakabaling sa kanan kung saan manggagaling ang jeep na sasakyan. Konti nalang ang mga taong lumalabas sa Delas Nueres Building. Nakakita sya ng jeep na paparating, sa paningin nya ay maluwag pa sa loob. Pinara nya ang jeep mula sa kanyang pwesto, nakikita nyang dahan dahang tumitigil iyon nang makita sya. At dahil umuulan, madaming sasakyan sa daan. Hinintay muna ni Lira makalampas ang isang kotse bago sya tumakbo papunta sa pwesto ng jeep. Nagmamadali sya dahil medyo malakas pa ang ulan. Ngunit ganon nalang ang gulat nya nang biglang may sumulpot na isang Ferrari sa kanyang harapan. Gahibla nalang ang layo nito mula sa kanyang katawan, nasilaw pa sya sa ilaw nito. Abot abot ang kaba ni Lira. Mabilis na bumaba ang driver ng kotse. Mula sa pagkaaninaw ni Lira, nakita nyang matangkad na lalaki ito at may kalakihan ang katawan. He is wearing a black mask and cap. Hindi rin masigurado ni Lira kung ang kaputiang nakikita nya ay dulot ng ilaw o kulay talaga ng lalaki. "Can you move?! Stupid!", biglang bulyaw ng driver sa kanya. Mabilis umakyat ang dugo ni Lira at tinangkang puntahan ang driver. "At ikaw pa ang galit! Hiyang hiya naman ako pagmumukha mo!", galit na bulyaw ni Lira ngunit hindi pa sya nakakalapit ay bigla na itong muling pumasok at binalibag pasara ang driver's seat. Halos mabingi si Lira sa tunog nito. "Bastos tong hayop na to!", pagmumura ng dalaga. At sisipain pa sana ang kotse ngunit mabilis na itong nakalayo. Taas baba ang dibdib nya sa galit. Nabasa na din sya ng ulan. "Ineng, sumakay ka na at nababasa ka na.", sigaw sa kanya ng driver ng jeep. "Sana all nababasa!", sigaw ni Lira at mabilis na sumakay ng jeep. Hanggang sa pag-uwi sa bahay ay nadala nya ang kabwisitan. Mabuti nalang at nakaabot sya sa inaabangan nyang tv series. Matapos manood ay medyo gumaan na ang kanyang pakiramdam.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook