CHAPTER 2

1453 Words
Angelica Lyre Cuevas "Oy! Kaltok gusto mo? pumila ko don sa likod. Kulang ka sa aruga ah", inis na singhal ko sa sumingit sa pila namin nila Kay at Louie. Andito kami sa cafeteria. Napag-alaman namin na libre daw ang mga pagkain dito. Free lunch from the CEO. Nays! Beri maganda naman kasi itong kaibigan kong ito. Napaligaya yata ng husto ang boss namin kaya may pakain. "Te, itodo mo na yung sakin. Ayoko nang paulit ulit te. Masakit.", saad ko sabay tawa ng malakas. Boses ko lang yata ang naririnig sa buong cafeteria, and so? "Ate kong maganda, pengeng suka. Nakasimangot yung tortang dilis ko oh, gustong mabasa.", pang-uungot ko ng sawsawan sa crew ng kainan. Mabilis naman syang tumugon at binigyan ako ng isang maliit na mangkok na puno ng timpladong suka. Jusme! naglalaway na ako. Kinuha ko din ang mainit na sabaw ng nilagang baka. ""Oh tabe!! Kung ayaw nyong mamuti ng wala sa oras!", sigaw ko sa mga pasalubong sa akin. Pumuwesto kami sa mesa malapit sa counter para mabilis bumalik. Paraparaan lang yan. ""Maganda pala kapag masaya si Sir Vince eh, nakakalibre ng pagkain ang lahat ng empleyado.", sabi ni Louie na ngayon ay kumakain nadin. Magkatabi ang inuupuan nila ni Kay, ako ay nasa tapat nila. Walang tumabi sa akin, mga walang utang na loob. Beef steak ang napiling orderin ni Louie at si Kay ay pritong tilapia at chopsuey ang naibigan. "Pasayahin mo si Sir Vince araw araw girl, para tipid tayong lahat. Diba?", suhestyon ko habang humihigop ng sabaw, tumingin ako kay Louie. Syempre dapat may back up tayo palagi. "Baliw!", tanging turan ng kaibigan ko. Ipinagpatuloy namin ang pagkain, mukhang mabubusog talaga kami sa pangnghalian dahil unlimited ang pagkuha ng pagkain. Tuloy tuloy din ang pagluluto ng mga staffs sa cafeteria nila. "But you know what Kay. Mukhang tinamaan talaga sayo si Sir.", biglang wika ni Louie sa gitna ng pagkain nito. Ngumunguya pa ito habang nagsasalita. "I've been in this company for 7 or 8 years, ngayon ko lang nabalitaan na nagkainteres si Sir sa employee nya. At never ko din syang nakita na nagdala ng babae sa office.", tuloy tuloy na wika ng lalaki. Ako'y tuloy tuloy sa pagkain, kailangan makarami habang libre. "And the fact na hindi nya tinatago sa lahat ang interes nya sayo is something. Para sa katulad nyang may ari ng isang kompanya, syempre iingatan nya ang pangalan nya. Because his personality is also his business. Mukhang seryoso nga sya sayo, sweetie.", mahabang pahayag pa nito. Daldal hindi nalang lumamon. Pero may point naman sya kaya agree ako. "Mmm..", gusto kong magsalita pero may laman pa ang bibig ko. Wait lang. "Wait..", dugtong ko at uminom muna ng tubig. "Yes girl! I second the motion." saad ko. "Imagine, ang daming magagandang babae sa mundo nilang mayayaman. I am not saying na pangit ka, mas maganda lang talaga ko sayo.", biro ko pa. "Syempre, tayo mga simpleng babae lang. The fact na pine-pursue ka nya, masasabing he's not into playing around. Gusto nga nyang malaman ng mga taga-dito na he is interested in you, parang warning na sa mga lalaki dito na you're off limits. Ganun! Na pagmamay-ari ka na ng isang Vince Delas Nueres! Yay! taray! Palmolive ba shampoo mo girl?! Haba ng hair", pang aasar ko kay Kay at ipinagpatuloy ang aking pagkain. Habang sige ang kain ko ay napansin kong pangiti ngiti ang malandi kong bestfriend. "Girl, mukhang in love ka na din kay Sir ah.", sita ko sa kanya sa seryosong mukha. Tumikhim ako at mas lalo pang sumeryoso, ibinaba ko ang hawak na kutsara at hinarap sya. "Support kita besh, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo sa pwet ni Sir Vince, pe--", naputol ang sasabihin ko nang tampalin ni Kay ang kabilang pisngi ko. Nabigla ako sa ginawa ni Kay. "Sorry, lintek naman kasi Lira! Anong pwet ni Vince?!!", galit na usal ni Kay sa pabulong na paraan. Bahagya pa nitong inilapit ang sarili at dinukwang ako. "Parang tanga to oh, bigla bigla nalang nananampal. Sipsipin ko yang mata mo eh!", sigaw ko di alintana ang mga nakakarinig. Nakakapagtampo tong bruhang to. "Pretty but gross!", wika ng isang lalaki na nagpalingon sa akin. Nagpanting ang aking tainga sa narinig ko. Alam kong maganda ako, pero dinugtungan pa talaga. "Ikaw ba yon?", tanong ko at hinarap ang nagsalita. Nabungaran ko ang isang may katangkaran at makisig na lalaki. Bagsak ang buhok nito bahagyang tumatabing sa mga mata, hindi ko alam kung natural ba ang pagka-brown ng buhok nito o artipisyal lamang. Mayroon syang mapupulang mga labi at pisngi. Literally, he is glowing. Mahihiya ang kahit sino dito sa cafeteria na tumabi sa kaharap nya dahil para itong ilaw na sumisinag. Hindi naman ganuon kaputi pero napakaaliwalas ng kulay ng balat. Edi wow sa kinis ng balat. Namukhaan ko ito agad. Ito ang palagi kong inaabangan sa tv tuwing alas sais y medya ng hapon. Hindi ko na namalayan na napapatagal na ang titig ko sa kanya. Naramdaman ko na lamang na pinupunasan nito ang ibabang bahagi ng mga labi ko gamit ang daliri nito. "You're drooling, Miss.", nakangising sabi ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at pinahid ang sariling labi. Parang puputok na ang ulo ko sa galit at pagkapahiya. Kinuha ko ang tinidor na nasa plato at inumang sa lalaking kaharap. "Hoy, lalakeng pinaglihi sa labanos! Hindi porke't idol kita eh tutulo na ang laway ko sayo?", galit na saad ko. Napakayabang ng damuhong to. Kilala ko si Crust Ysrael. Idol ko sya, gwapo at nakakakilig. Pero dahil sa pag uugali nito ngayon. Wala na. Finish na. Ayawan na. Patuloy kong inumang ang hawak na tinidor kay Crust. Ang lalake naman ay nakangisi lang at pinapanood ako, parang tanga. Saksakin ko kaya talaga ito. "Eh ano ngayon sayo kung sipsipin ko ang mata ng kaibigan ko?! Kaibigan ko naman yan! Mas gross kung yung sayo ang sisipsipin ko!", patuloy na sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit mas lumapad ang nakakalokong ngiti nya. May sayad ba to? Sayang ang kagwapuhan. "I think it won't be gross, kung yung sakin ang sisipsipin mo.", nakangisi nitong saad at mas lalapit pa sana sa akin. Ngunit napigilan ko din agad nang bahagya kong itulak sa dibdib. "Yun ang gross! At bakit ko naman sisipsin ang mata mo?! Yuck!", bulalas ko. "Oh! my bad. Mata pala. Akala ko kasi...", binitin nito ang huling sasabihin at lalong lumapit sa akin. Hinawakan ang kamay ko na may hawak na tinidor at ibinaba iyon. Sa tagpong iyon ay bigla akong kinabahan, parang lalabas na ang puso ko. Pisti yan. Tila hindi umeepekto ang tapang tapangan ko sa mokong na to. Suminghot ako nang palihim, shemay! Ang bango! Sayang naman, minsan na nga lang makabangga ng artista, masama pa ang ugali. Malas. "Watch your words woman, think before you speak.", napatanga ako sa sinabi nyang iyon. Ano? Parang gago ah. Iniwan nya akong tulala at nanginginig ang tuhod. Kinailangan ko pang humawak sa sandalan ng upuan na parang duon ako kumukuha ng lakas "Girl, okay ka lang?", nag aalalang tanong ni Kay. Ito kasi, ang slow eh. Nakita kong may mga lumapit kay Kay at bumati. I'm sure na mga kaibigan ito ni Sir Vince. So, kaibigan ng amo namin ang mayabang na artistang iyon? "Sesh, ayos kalang?", biglang tanong sa akin ni Kay. "Inom ka munang tubig sesh", akma nyang kukunin ang baso nang magsalita ako. "Bwisit na yun! Apakapangit ng ugali. Hindi ko na sya idol. Kasuklam suklam. Eeeww.", galit na sambit ko. Natawa pa ang bruha. "Ano ba kasing ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?", muling ungkat ni Kay nang hindi parin nya magets ang sinabi ko. "Eh kasi naman ang slow mo besh! pwet ni Sir Vince, si Ken!", walang gatol na sabi ko. Ang hindi natuloy na pagkuha ni Kay ng isang basong tubig kanina ay nagawa nya ng mabilis at mabilis din iyong tinungga. "Pwet lang ni Sir Vince yong ex mo!", sigaw ko dito nang makabawi na ako sa mga pangyayari. Nakabalik kami sa opisina sa tamang oras. Si Kay ay nagmamadaling umakyat sa opisina ng jowa nya dahil kanina pa pala hinahanap. Oh diba, wala pa yatang kalahating araw hindi nagkikita may mga pa-ganun na agad. Ang kokorni. Bigla'y pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kanina. "Kagabi pa ako minamalas." mahinang bulong ko sa sarili. "Sweetie, baliw ka na?", biglang sabi ni Louie, napalakas yata ang pagsasalita ko. "Mama mo baliw.", seryosong saad ko dito. Pero nang-aasar talaga ako. "Raulo.", ganting pang-aasar ni Louie. "Thanks.", at ang kumag ay malakas na tumawa. Ano kayang kalalabasan ng opisina na to kung wala ako. Baka mapanisan ng laway ang mga tao dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD