Nang masiguradong tulog na si Crust ay marahang tumayo si Lira upang matulog na rin sa kwarto nito. Dahan dahan ang patingkayad nyang paglalakad nang tunguhin nya ang banyo, maglilinis sya ng katawan bago matulog, hindi nya ugaling maligo bago matulog kapag kasi malinis na sya ay madali syang antukin kaya dapat ay tuyo ang buhok nya. Mabilis lang si Lira sa ginawa nya kaya madali syang natapos, habang naglalakad patungo sa silid ni Crust ay sinilip nya pa ang couch kung saan ito nakahiga, kandahaba ang kanyang leeg, hindi nya ito makita mula sa pwesto. "Hmm, baka nag-iba ng pwesto.", hindi na sya nag-abala pang puntahan si Crust dahil baka maistorbo pa. Pinatay nya ang ila sa kusina kaya nagdilim ang paligid, tanging lamp shade na nasa side table ng couch ni Crust ang nagbibigay liwanag s

