BELLA'S POV'
*krrrriiiiingggggg*
"Ah! Awww." Napahawak naman ako sa bewang ko ng bigla akong mahulog sa higaan. Grabe! Ang laki laki ng kama ko nahulog pako ng lagay na yon?
Aray ah.
Time check, 2:02AM.
Pagkatapos ko ayusin ang kama ko kumuha na ako ng damit saka naligo at mag ayos. Light makeup lang ako lagi since hindi naman ako ang sasayaw sa stage diba? Haha.
"Grabe. Can't believe talaga sa mga ganap ngayon. Hayyy Bella. This is it! This is the time na makikita ko na naman siya." Napasimangot naman ako.
Hindi ko alam.
I feel excited yet, sad at the same time.
What if ipahiya niya ako? What if siraan niya ko sa members. Hayyyy kung ano ano pumapasok sa isip ko.
Napailing iling nalang ako saka ko kinuha ang bag ko at maleta. Mag tataxi ako papuntang company. Sana hindi ko muna sila makasalubong. Ugh!
Dali dali akong lumabas ng apartment ko ng bigla akong may makabungguan.
"Ah!"
"Oh. Sorry." Agad naman kaming nagkatinginan nito.
O__0
J-Jungkook???!!
"Hey, you okay?" Tanong nito.
"S-sorry." Agad naman akong tumakbo palayo palabas ng building saka ako napahawak sa puso ko.
Hiningal ako don bes.
I can't believe nakasalubong ko si Jungkook!!! Teh Jungkook teh!
"Ang aga naman nagising nun." Ay sabagay 4am nga pala calltime sa company.
Pumara naman ako ng taxi na kakadaan lang saka ako pumunta sa company.
JUNGKOOK'S POV'
She looks familiar.
Very familiar. Can't put my finger on it.
Bakit ganon, hindi ko maalala kung saan ko siya nakita?
Pumasok naman ako sa apartment ni Jimin at Taehyung saka ko sila naabutan nag aayos ng gamit. Nandito din ang ibang members.
"Jungkook okay ka lang?" Tanong ni Jimin.
"Ha? Oo. May nakabungguan lang kasi ako na babae sa labas. She seems familiar." Napatingin naman sila saking lahat.
"Fan?" Tanong ni Suga.
"Hindi ko alam. Hindi naman mukang fan kasi tumakbo agad ng makita ko eh." Yup, it's weird. Napaka imposible naman na hindi niya ako nakilala.
"Pano mo nasabing familiar?" Tanong ni RM.
"Hindi ko alam. Never mind. Ano okay na ba kayo lahat?" Tanong ko sa kanila. Kinuha ko na din ang bag ko.
"Maaga pa, maya maya na tayo bumaba." Reklamo ni Jin. Kumakain na naman tong mokong na to.
"Hindi pwede. Nagtext na si Manager Sejin, punta na daw don at may meeting." Napakunot noo naman ako.
"Early meeting? Tch." Lumapit naman sakin si Jhope saka ito bumulong saken kaya medyo lumayo ako.
"Jungkook, maganda ba yung nakabungguan mo? Ano itsura?" Binatukan ko naman ito.
"La ka na bang bukam bibig kundi maganda? Hindi ko alam." Sagot ko sa kanya.
But yeah, she's fine af. Very pretty.
Jungkook type.
BELLA'S POV'
Nakarating na ako sa company, dumiretso ako sa malaking dressing room kung saan nandun din ang ibang makeup artists.
"Hi!!!!" Bati nila saken.
"Hii!!" Sagot ko sa kanila.
"Grabe makeup artist ka? Bat muka kang idol? Hahaha." Tanong ng isang stylist na nag aayos ng damit ng Bangtan.
Grabe I can't believe any minute makakasama ko sila dito sa isang room. Pakisampal ako plith.
"Oo nga, hindi nako magtataka kung magugustuhan ka ng isa sa mga members ng Bangtan." Saka sila kinilig.
Ang cucute nulaaaa.
"Hindi ah." Sagot ko naman.
"Asuuus pa humble! Sino ba bias mo? Fan ka ba?"
"H-ha? Bias?" Tumango naman sila.
"Si Taehyung." Sagot ko kaya nagkatinginan sila.
Hindi ko din alam kung bakit si Taehyung ang nasabi kong pangalan, si Jimin ang bias ko. Huhuhu!
"Jimin ako."
"Ako si Jungkook."
Hindi ko na narinig ang ibang usapan nila dahil lumayo na din sila saken. Nag umpisa nakong mag ayos ng gamit at nilagay sa harapan ng vanity. Napatingin ako sa mga pangalan na nakalagay sa likod ng upuan.
Jimin.
TAEHYUNG??? You mean? Katabi ni Jimin si Taehyung? Agad ko namang kinuha ang black mask ko na nasa bag saka ko ito sinuot.
This. This is safe.
It's been 4 years, hindi naman na siguro ako makikilala ni Taehyung. Maiksi buhok ko dati nung kami pa kaya napakalabo makilala pa ako non.
"Andyan na daw sila sa baba sabi ni Sejin Oppa, ayos na ba gamit niyo?" Sigaw nung isang staff.
"Opo." Sabay sabay nilang sigaw.
Mamaya pa naman daw sila aayusan, mag papractice muna sila saka palang aayusan.
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang sasabog.
Hindi ako mapakali, bakit ba kasi Bella?
Moved on ka na diba?
Kinalma ko naman ang sarili ko saka ko nalang kinuha ang phone ko at nagpanggap na may katext ng biglang bumukas ang pinto.
*gulp*
"Good Morning!" Sigaw ni Jhope kaya napangiti ako.
Agad ko namang pinigil ang pag ngiti ko. Ugh! Bella! Kumalma ka pleasseee..
Gusto ko silang tingnan kaya lang natatakot ako baka magkatinginan kami ni Taehyung.
"Huy teh okay ka lang?" Mahina akong siniko sa gilid ng katabi kong makeup artist ni Jungkook.
"H-hmm?? Hahahaha o-oo naman. Bakit naman hindi? Hahaha." Mahina kong tawa na dahilan ng pagdako ng tingin ko sa Bangtan na ngayon ay nakatingin naman saken.
Omg!!!!
Nadako ang tingin ko kay Jungkook na nakakunot noo habang nakatingin saaken saka naman nadako ang tingin ko kay V.
O___O
Nakatingin siya saken!!! Ayoko na uwian na!!!
Nakilala ba niya ako???!! Hindi ko mabasa ang reaksyon sa muka niya. Nakatitig siya saken pero walang reaksyon.
"Oh?!" Tinuro ako ni Jungkook kaya napayuko ako.
Eto na nga po.
"Ikaw yung kanina sa apartment diba?" Napatingin naman ako kay Jungkook saka ko siya nginitian ng onti. Yun nga lang naka mask ako hindi niya makikita.
"A-annyeong haseyo." Saka ako nag bow dito. Pinilit kong ibahin ang boses ko kaya napako na naman ang tingin ko kay Taehyung na nakatingin pa din saakin.
Nag iwas naman ako agad ng tingin saka tumalikod.
Napunta naman ang lahat ng atensyon kay Sejin Oppa ng bigla ito pumasok.
"Bella? Are you here?" Nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla akong tawagin ni Sejin Oppa.
Huhuhu Oppa bakit mo tinawag pangalan ko lalo tuloy nakunot ang noo ni V.
"A-andito po ako." Saka ko bahagyang tinaas ang kamay ko.
"I need you to come with me. BTS sunod." Napabuntong hininga naman ako saka ko kinuha ang bag ko.
Nakayuko ako habang dumaan sa Bangtan pero nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko.
No. It can't be you. Please.
"Wait." Sabi nito kaya lalong tumibok ang puso ko.
That voice. Taehyung's voice.
"Your name's Bella?" Tanong nito. Hindi pa din ako humaharap sa kanya.
"Y-yes." Mahinang sagot ko.
"Last name?" Here it comes.
"A-" Hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla ulit pumasok si Sejin Oppa.
"Bella Alvarez. Let's go." Napapikit ako. Wala na. He knows.
He definitely knows.
Unti unting bumitaw saken si V kaya naman dali dali akong sumunod kay Sejin Oppa.
Rinig ko ang mga yapak ng paa nila sa likod ko kaya lalo akong kinabahan.
"Are you okay Bella?" Tanong sakin ni Sejin Oppa kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Um.. Y-yes po." Ngumiti naman ito saakin saka niya binuksan ang pinto ng meeting room nila.
"Come in." Bakit ganun, sobra akong kabado. Jusko Bella hindi ka ganito bakit ikaw ang nahihiya? Hindi naman ikaw ang nakipag hiwalay diba? Bakit parang ikaw pa ang naiilang?
Medyo natauhan naman ako kaya inayos ko ang buhok ko at sarili ko saka ako umupo sa tapat ng Bangtan saka ko binasa ang labi ko.
"E-ehem. Manager ano pong meron? Sino po siya?" Tanong ni RM.
"Jimin, meet Bella Alvarez, your new makeup artist." Tumaas naman ang isang kilay ni Jimin kaya naman tinanggal ko ang face mask ko saka ko binasa ang labi ko.
"Annyeong Haseyo, nice to meet you Jimin." Napatingin naman ako agad kay Taehyung na nanlalaki ang mga mata kaya agad naman akong umiwas ng tingin. Magpanggap kaya akong may amnesia? Hayy.
"Hi, nice to meet you too." Sagot naman ni Jimin. Waaaaa! Ang gwapo! Jusko bakit ba hindi nalang si Jimin ang naging jowa ko? Pero syempre joke lang yon.
"Wait." Napatigil ako ng biglang sumabat si Taehyung. "What are you doing here?" Tanong nito na ikinagulat ko. Wait! Don't tell me ipapaalam pa niya dito. No way! Ayokong matanggal sa trabaho.
"W-what?" Napatingin naman ako kela Sejin Oppa na nakakunot ang noo.
"Taehyung, you know her?" Tanong ni Sejin Oppa kaya napatingin naman ako agad kay Taehyung. Magsasalita na sana si Taehyung ng bigla akong sumabat.
"N-no Sejin Oppa, hahaha. A-ano po palang pag uusapan?" Pag iiba ko ng topic saka ko inayos ang damit ko. Hindi ko na binalak tingnan si Taehyung dahil kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam kong nakatitig siya sakin. Taehyung please umayos ka!
"O-okay. I thought you know each other." Nagsimula ng magsalita si Sejin Oppa tungkol sa company policy at pinakilala din ako nito sa kanilang lahat. Hindi ko pa din magawang tingnan si Taehyung dahil hanggang ngayon hindi pa din nito inaalis ang tingin saakin.
May inabot na laptop saakin si Sejin Oppa, company laptop din daw ito. Grabe daig ko pa may sugar daddy sa sobrang dami kong branded na gadgets. Nandito daw sa laptop lahat ng schedules ng BTS. Bigla namang tumunog ang phone ko kaya napatingin ako dito sa company phone ko.
TAEHYUNG: We need to talk.
TAEHYUNG? MAY NUMBER NIYA AKO?! PAANO? Napatingin naman ako kay Taehyung na nag aayos ng buhok niya habang hawak ang phone.
ME: Bakit? Para saan?
Isesend ko na sana ng biglang may kagagahan na pumasok sa isip ko.
ME: Bakit? Para saan? Kilala mo ba ako?
Napapikit muna ako bago ko ito sinend. Unti unti akong tumingin kay Taehyung na ngayon ay nakakunot ang noo saka ito tumingin sakin kaya napaiwas agad ako ng tingin. Hindi na siya nagreply kaya nilagay ko na sa bag ang cellphone ko. Wew!
"Okay, you may go back to the makeup room." Agad naman akong tumayo. Kailangan kong mauna don at baka mamaya bigla nalang akong hilahi---.
"Come with me." Eto na nga ba sinasabe ko. Kahit kailan hilig niya manghila.
"Taehyung!"
"Hyung!"
"San kayo pupunta?!"
Rinig ko ang pagtawag sa kanya ng Bangtan habang hinihila ako ni Taehyung papunta sa practice room nila. Omg! Ang lakiiii!!
Wait nga! Bella umayos ka! Hinila ka ni Taehyung!
"Tae-V! Bakit? M-may kailangan ka ba sakin? Kilala mo ba ako?" Tanong ko sa kanya habang nakaiwas ng tingin.
"Really? Talagang tutuloy mo yang pagpapanggap mo na hindi mo ako kilala? What are you doing here? Diba nasa Pilipinas ka?" Sunod sunod na tanong niya kaya agad naman akong tumingin sa kanya. Hindi ko pwede ipahalata na galit ako sa kanya.
"P-pano mong nalaman na taga Pilipinas ako? T-teka naguguluhan ako."
He smirked. His famous smirk. Ugh!
"You really want to play dumb huh? Well it's not gonna work for me Bella." Taehyung saying my name made me shiver. Grabe! Siya lang ang natatanging lalake na nakakapag patayo ng balahibo ko kapag sinasabe ang pangalan ko.
"Hindi ko talaga alam ang sinasabe mo V. I'm sorry but I have to go, hinihintay ako ni Ji--"
"No. I won't let you talk to them." Tumaas naman ang isa kong kilay sa kanya.
"Huh? Bakit?"
"Go home Bella."
"Look Kim Taehyung kung sino man yung Bella na kilala mo, hindi ako 'yun okay? I'm a big fan of your group but if you will do this to me, I won't allow it. I'm sorry." Saka ko tinanggal ang kamay niya sa braso ko saka ako lumabas ng practice room para pumunta sa makeup room.
Ugh! First day of work ipapahamak mo ako Taehyung! Nang makapasok ako sa makeup room agad kong pinuntahan si Jimin na nakaupo na sa pwesto niya habang nag cecellphone.
"Oh, I was about to text you. What happened? Bakit hinila ka ni Taehyung? Magkakilala ba kayo?" Tanong ni Jimin.
"H-ha? Hindi. Napagkamalan lang niya ako." Saka ko siya nginitan. Ngumiti naman siya sakin pabalik.
"Good to know." Sagot niya.
"Hindi ba magpapractice muna dapat kayo?" Tanong ko sa kanya. Umayos naman siya ng upo.
"Yeah. Pero we need to film our dance practice now kaya kailangan kaming ayusan kahit simple lang muna." Ngumiti siya sakin ulit kaya napaiwas ako ng tingin. Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto at alam kong si Taehyung 'yun kaya hindi ko nalang ito pinansin saka ko kinuha ang foundation.
"Taehyung, san ka ba galing?" Tanong ng makeup artist niya.
"None of your business." Tss. Kahit kelan talaga napakasungit ng alien na 'to! Napakalayo ng ugali on cam.
"Oh-okay." Sagot ng makeup artist niya.
"By the way Bella, fan ka namin diba? So, who's your fave?" Tumingin naman sakin si Jimin sa malaking salamin sa harap niya habang nakatingin saakin.
"Ha? I-ikaw." Bigla kong sagot kaya napapikit nalang ako bigla.
"Really? Good to hear haha." Natawa nalang din ako.
*blag* Napataas ang dalawa kong balikat ng biglang may bumagsak at nagulat ako ng biglang ibato ni Taehyung ang cellphone niya sa may patungan ng mga makeup. Napatingin naman ako kay Jimin ng bigla itong ngumisi saka nag cellphone ulit kaya sinimulan ko nalang ang pag makeup sa kanya.
Holding Jimin's face is like a dream come true. Grabe! Ikaw kaya maging fan since debut nila ewan ko nalang kung di ka kiligin. "Are you okay? Nanginginig ka." Sabi ni Jimin saka nito hinawakan ang kamay ko.
Ramdam ko ang titig ni Taehyung saamin ni Jimin pero hindi ko nalang 'yun pinansin.
"Hindi, nilalamig lang siguro ako." Sabi ko dito saka ko inalis ang kamay ko. Nang matapos ko ang makeup ni Jimin nagpaalam ako sa kanya pumunta sa powder room. I need to calm myself. Sobrang daming ganap 5am palang. Ugh!
Palabas na ako ng powder room ng bigla nalang akong harangin ni Taehyung.
Eto na naman po kami. Bakit ba ayaw mokong tigilan Taehyung?
"Bella." Napakahina ng boses niya pero parang may lungkot.
"What?" Malamig na tanong ko sa kanya. Gusto ko maramdaman niya na hindi ako komportable kausap siya.
"It's just I'm wondering bakit pag kausap mo si Jimin parang okay lang, but when I talk to you, you're so cold and parang umiiwas ka?"
"Hindi ako umiiwas V. Ayoko lang ng g**o, ayokong mag isip ang mga staff dito na kausap kita ng tayong dalawa lang."
"Do I need to drag Jimin here so that you could talk to me?" Bakit dinadamay pa niya si Jimin dito?
"Ano bang kailangan natin pag usapan? Okay makikinig ako." Yumuko naman siya saka niya nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa at umiling.
"Nothing. If you insist na hindi ikaw yung Bella na kakilala ko then it's good to know." Good to know? "I have a girlfriend now, so I don't want any trouble too." Naiwan akong nakatayo sa labas ng powder room na tulala habang naglalakad siya palayo saakin.
Hindi ko namalayan, bigla nalang tumulo ang mga luha ko.
Bakit Bella? Moved on ka na diba? Bakit ako umiiyak?!
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. It's been 4 years Bella, bakit nasasaktan ka pa din? Napayuko nalang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
JIMIN: You look stupid, why are you crying?
Tumingin tingin naman ako sa paligid wala naman siya. Pano niya nalaman na umiiyak ako?
ME: Hindi ako umiiyak.
JIMIN: If you say so. Come here at practice room, nandito na kaming lahat.
ME: Arraseo.
Agad ko namang pinunasan ang luha ko saka ako naglakad papunta sa practice room. Kaya ko pa bang harapin si Taehyung?
May girlfriend na siya? Kaya ba niya ako iniwan?
Hindi ko alam pero bigla akong na curious kung sino ang gf niya. Bakit kailangan niya pang sabihin sakin 'yun kung alam niya naman kung sino ako? Bakit ba lagi mo nalang ako sinasaktan Taehyung? Ano bang ginawa ko sayo para saktan mo ako ng ganito?