BELLA'S POV'
"Bes, paabot naman nung phone ko." Inabot naman agad ni Criselda ang phone ko na sunod sunod ang tunog ng chat notifications sa messenger ko.
"Yung totoo Bella? I silent mo pa yan." Inirapan ko nalang siya saka ko binuksan ang messenger ko. Hindi ko alam bigla bigla nalang kasing may nagsasali saakin sa gc ng BTS Fan Clubs at kung ano anong fan clubs.
"Wala bang settings dito na need approval muna bago ako mapasak sa gc?" Tanong ko sa kanya.
"Waley. Kaya mag silent ka nalang or mute notif mo."
It's been 4 years..
4 years na kaming hiwalay ni Kim Taehyung na member ng pinakasikat na Kpop Group sa buong mundo walang iba kundi ang BTS.
"Ano na naman iniisip mo?" Magkasama kami sa bahay ni Criselda. Actually house for rent to. Lumipat kami dito agad pagka graduate namin habang nag hahanap kami ng trabaho.
"Gaga. Wala." We live in Seoul, South Korea. Simula ng nag break kami ni Taehyung hindi na ako nakapunta sa mga music shows, concerts at meet and greet nila. Maybe way ko na din yun para tuluyan ng maka move on.
And yes, moved on nako sa kanya. Siguro mga 99% hahaha.
"Huy may bagong comeback na naman ex mo oh." May pinlay siyang video sa phone niya saka niya ito hinarap saakin kaya napatingin naman ako agad.
"80's vibe?" Tanong ko sa kanya.
"Oo yata. Ganda nga eh." Napatango naman ako.
Hindi naman ako ganun ka bitter. I still support him by watching their music videos, dance practice and mga ibang videos nila. Hindi lang talaga ako pumupunta sa mga music shows and such. Baka kasi hindi ko kayanin kapag nakita ko na naman siya.
"Bagay ka sa kanya." Walang reaksyon kong sabi.
"Yiiiiii! Inlababo na naman kay alien. Hahahaha!"
"Tanga. Nagsasabi lang ako ng totoo. Di naman ako ganun ka bitter no." Saka ko siya inirapan.
Refresh ako ng refresh sa messenger ko kakaantay sa reply ni Mommy. Hiningi kasi niya resume ko kaninang madaling araw. Wala lang, naeexcite lang ako. Knowing my Mom, laging pasabog yun kapag mag surprise. Feeling ko may kakilala siya na pwede akong ipasok sa work.
"Tulog na yata si Mommy. Di nagrereply eh."
"Antay mo lang beb, baka naman inaantay din reply nung pinagpasahan niya." Initsa ko nalang ang phone ko sa gilid ng kama saka ako tumayo para maghanda ng umagahan.
Nagluto ako ng oatmeal at pancake saka ako gumawa ng paborito kong avocado shake. May pasok na din mamayang 9am si Criselda sa banko kaya maaga din siya nagising.
Ako naman? Wala early riser lang talaga ako saka nakatambay sa Youtube. Tamang nood lang ng mga kpop videos.
"Late ako makakauwi maya beb, diretso ako dun sa bahay ng workmate ko, shot daw tsaka samgyup." Naol diba?
"Sige sige. Sana ol may work." Binatukan naman ako ni Criselda kaya natawa nalang din ako.
"Maka sana ol ka dyan mamaya mas maganda pa trabaho mo kesa saken. Mag vlog ka na kasi! Arte arte pa eh. Magaling ka naman na makeup artist." Matagal ko na din pinag iisipang mag makeup vlog kaya lang hindi ako sanay sa camera. Hindi ko alam kung muka bakong bloated sa camera oh ano. Baka ma bash pako.
Pagkatapos naming kumain, naligo na si Criselda at umalis. Ako naman naglinis ng bahay saka humiga sa kama at nanood ng Youtube.
*My Sexy Mommy sent you a message*
Napaupo naman ako agad sa kama saka ko agad binuksan ang message ni Mommy.
"Prepare yourself, bring your documents and go to this address. Now." Agad ko naman akong nag screenshot sa sinend ni mommy na address saka ako tumayo para maligo at mag ayos.
Nang makarating ako sa address na binigay ni Mommy ko, napatigil ako bigla. Tama ba tong pinuntahan ko? Binuksan ko ulit ang message ni mommy saka nanlaki ang mga mata ko ng mabasa iyon.
Tae! Bakit ngayon ko lang napansin? Bakit hindi ko nahalata kanina?!
BIG HIT ENTERTAINMENT!!! BAKIT NAWALA SA LOOB KO?!
Agad ko namang kinuha ang salamin ko sa bag saka ko tiningnan muna ang sarili ko bago pumasok. Grabe di ko akalain na nagsimula sa close to bankruptcy na ngayon ay ganito kalaki na ang magiging itsura ng office nila.
"Bella. Kaya mo to. Trabaho lang, trabaho trabaho trabaho." Inayos ko ang buhok ko saka ako pumasok sa loob.
Woooow! Grabe! Para akong nasa museum sa ibang bansa sa sobrang elegante ng lobby.
"Yes? May appointment po sila?" Tanong sakin ng armadong security guard.
"A-ah y-yes, actually I'm here to meet the manager of Bangtan Sonyeondan?" Inabot ko naman dito ang phone ko para ipakita ang message na natanggap ko mula sa Big Hit.
May tinawag naman siyang staff ng Big Hit saka nito ako tinuro.
"This way Mam." Nakarating kami sa napakalaking opisina kung saan nandun daw ang manager ng Bangtan. I remember this place sa mga videos nila. Grabe I can't believe na nandito ako.
Kung panaginip to sana hindi nalang ako magising. Grabe!
"Hi Bella Alvarez. I'm Sejin Bangtan's manager. You look fine in person." Kinamayan ko naman siya agad. Omgggg Sejin Oppa!
"S-salamat po. Di pa din ako makapaniwala na nasa loob ako ng Big Hit ngayon at kinakausap kayo." Natawa naman ito.
"Well, you're lucky. And good thing I'm a friend of your Mom. We knew each other when she traveled here." Daebak. You're so cool Mom. Kinuha niya ang folder sa may loob ng drawer. "So tell me, are you a fan of BTS?"
May alam kaya siya about samin ni Taehyung?
"U-uh, yes po. I'm a fan of BTS, TXT and SEVENTEEN tsaka GFRIEND, ITZY at BLACKPINK po." Napataas naman ang dalawang kilay neto saka napangiti.
"I see. That's a good thing. Here is the contract and pen. You can sign it once you finished reading." May tinawagan siya sa intercom kaya sinimulan ko ng basahin ang kontrata.
Grabe. 900,000 won a month? That's huge!
"Hahahaha, any problems Bella?" Napatingin naman ako agad kay Sejin Oppa.
"900,000 won?? Totoo ba to?"
"Yup! You see Jimin is likely our face of the group now, madaming fans ang nahuhumaling sa mukha niya kapag sumasayaw kaya you should focus and be unique sa makeup niya. They have different styles in makeup so I suggest you make a research or if you have any ideas in your mind that will help Jimin to be more noticeable, that would be great."
Sa sobrang adik ko ba naman sa Kpop, andaming ideas na ang pumapasok sa isip ko no.
"No problem Sejin Oppa." Napangiti naman ito.
Maya maya ay may pumasok na staff saka nito binaba ang bitbit na coffee sa lamesa at inabot ito saakin. May pumasok din na isa pang staff at inabot ang malaking maleta.
"Ano po ito?"
"Well, as Jimin's personal makeup artist you need to be close to him 24/7. Ang laman ng maleta na yan ay ang makeups and kung ano ano pa. Brand new lahat yan, si Jimin ang pinaka maselan sa lahat when it comes to makeup. Kailangan every day bago ang brushes that he will use. Try to remember that, and he doesn't like setting spray." Grabe.
Bakit ganon? Hindi pa din talaga ako makapaniwala. I'm Jimin's personal makeup artist?
"Here's your business phone. BTS and ako lang ang naka save na contact numbers dyan." Iphone 12 for business phone? Golly.
Agad ko namang tiningnan ang contacts. Kim Taehyung, do I really have your number? Napasimangot naman ako.
"Is there any problem Bella? Why do you look sad?"
"P-po? Wala po." Ngumiti naman ako kay Sejin Oppa saka ko nilagay ang phone sa bag ko.
"And lastly here's they key to your apartment. Beside your apartment is Jimin and Taehyung's apartment." And that made me froze.
I'm living next to him.
Next to my ex boyfriend.
"Thank you Sejin Oppa. When do I start po?"
"You can start tomorrow. Be here at exactly 3am. Okay? Bangtan will be here also at 4am. Makeup artist should arrive early in order for you to set everything. May shooting sila para sa show bukas."
"So are you ready to face them Bella?" Tanong ni Sejin Oppa kaya napatitig ako sa kanya.
Am I ready to face him? No.
Am I ready to do this? I don't know.
Pero para sa nanay ko, yes I will.
Sabi ko nga trabaho lang, walang personalan.
I already moved on so wala naman na sigurong awkwardness, and bitterness.
But the question is, is Taehyung ready to face me?
Baka magalit lang siya at paalisin ako. I don't want Sejin Oppa to know na may past kami ni V. I don't want to affect my work sa past namin. Ayokong mapahiya si Mommy.
"I'm ready." Saka ko kinuha ang pen at pinirmahan ang kontrata.
Nang makalabas ako sa Big Hit, isang napakagandang kotse ang tumigil sa harap ko saka ako nito pinasakay.
"San po tayo pupunta?" Tanong ko sa driver.
"Sa apartment mo po." Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Agad????"
"Yes Miss Bella, we were informed na sa apartment ka po idiretso, once hired ka na po sa company you're not allowed to go anywhere without the company's approval." Ay shet oo nga pala nasa kontrata yun.
Pero akala ko ba, bukas ko pa makikita ang Bangtan?
Alam ko na, hindi nalang ako magpapakita sa kanila. I need to call Criselda mamaya.
"Nandito na po tayo Miss Bella."
Grabe. 15 mins drive? Andito na agad. Sinuot ko naman agad ang mask ko, saka ako bumaba.
TAEHYUNG'S POV'
"Tingin mo maganda kaya yung bago mong makeup artist?" Tanong ni Jhope kay Jimin.
"Why are you asking me that? Who cares." Sagot naman nito. "As long as she's better than the previous makeup artist, walang magiging problema."
"She better be." Sagot ko naman.
Pababa na kami ng apartment. We're going to the company para mag practice. May music show kami bukas and we need to practice up to 8pm.
Malapit na kami sa exit ng lobby ng apartment ng mapahinto ako.
A girl that looks so familiar.
"No. It can't be. She's in the Philippines."
"Taehyung, are you okay?" Tanong ni RM hyung sakin.
"E-eo." Sagot ko naman dito. Naka mask siya, pero napaka familiar talaga.
Napailing iling naman ako. Wake up Taehyung, napakalabo maging siya. Malabo.
"Hyung!" Sigaw naman sakin ni Jungkook. Kaya nagising ang diwa ko.
"E-eo???"
"Sakay na!"
It can't be you Bella.
We arrived at our company, still hindi pa din nag poprocess sa utak ko yung babae na nakita ko sa apartment kanina. Why can't I stop thinking about that girl?
Agad kaming sinalubong ni Manager Sejin na may bitbit na folder.
"Jimin, galing kanina dito ang bagong makeup artist mo. So tomorrow, she will be here at 3am, so please guys be good to her." Hindi naman pinansin ni Jimin ang sinabe ni Manager Sejin kaya napailing nalang ito.
"Is she pretty?" Tanong ni Jhope na nakatanggap agad ng batok kay RM hyung.
"She is. Okay, no more questions. Focus on your practice. Go." Sinuot ko nalang ang earphones ko saka kami pumasok ng practice room.
BELLA'S POV'
One word. Wow! Can't believe I'll actually live here.
Kinuha ko ang phone ko saka ko tinawagan si Criselda. "Huy teh cyst!" Maingay sa kabilang linya na parang nagsisigawan.
"Anyare sayo?" Sagot niya.
"Omg sa apartment ako katabi ng Bangtan pinag stay!!! Kaloka. Pano na yan di na kita masasamahan dyan?" Napatili naman ito agad kaya nilayo ko ang phone ko sa tenga.
"Hoyyyy sama ko dyan!!!" Sigaw pa neto.
"Gaga bawal. Gusto moko masisante bawal sasaeng dito. Manyak ka pa naman." Saka ako natawa.
"Tch. Kala mo siya hindi. Damot. Joke lang yun alam ko naman bawal yun syempre papahamak ba kita?"
"Oo." Dali dali kong sagot.
"Hahahahahaha buti alam mo. Pero joke lang, cannot be din eh madami din akong errands. Kita mo nga nagbubungangaan na naman dito sa bahay pano kapatid ko nag skip class na naman, sige na. Chat chat maya update moko pag nameet mo na sila."
"Okay byeeee,"
"Byeeee!!!"
Saka ko binaba ang call at hinagis ang phone ko sa kama. Sinimulan kong halungkatin ang maleta na binigay sakin ni Sejin Oppa.
O____O
Grabe! Puro branded. Lalo tuloy ako ginanahan mag make up.
Wala ako ginawa magdamag kundi mag research at mag experiment ng makeup na gagawin ko para kay Jimin. I watched Dynamite over and over again para mabagayan ang makeup na gagawin ko.
So light lang dapat. Hmmm...
"Ready na ba talaga ako makaharap ka Taehyung?" Hayyy. Napabuntong hininga naman ako.
Napatingin ako sa relo sa may bedside table ko.
O___O 12am.
Nakabalik na kaya ang Bangtan? O sa company na sila mag stay? Wala kasi akong narinig na ingay samantalang katabi ko lang sila.
Ay baka naman sound proof kasi hahaha.
Nag set ako ng alarm for 2am saka ako natulog.
Goodluck talaga bukas.
Ugh!!!