Maaliwalas ang kapaligiran at may mga ibong nag liliparan sa bughaw na kalangitan habang naglalakad ang dalawang magkaibigan. Makikita mo sa kanilang labi ang matatamis na ngiti habang sila'y nag-uusap. Naglalakad ang mga ito papasok sa kanilang eskwelahan nang napahiyaw sila sa gulat dahil may isang napakabilis na motor ang dumaan sa tabi nila na halos tumaas ang suot nilang mga palda.
"Ang luwang-luwang na nga ng daan tapos sa tabi ka pa namin talaga dadaan?!" galit na sigaw ng isang babae sa nagmamaneho ng motor na dumaan sa tabi nila.
Hinawakan naman ng kasama niya ang kamay nito para pakalmahin. "Relax, Astraea ang aga-aga nagagalit ka na naman." sabi ng kaibigan nitong si Mya.
"Paanong hindi ako magagalit e, sa tabi natin siya dumaan! Ang luwang kaya ng daan, o!" sigaw nito at tinuro ang daan na pwede namang daanan ng mga naka-motor at sasakyan.
Pinagpatuloy naman nila ang paglalakad nila hanggang sa makarating sila sa kanilang eskwelahan. Nang papasok sila sa gate ay nakita ng kaibigan nitong si Mya ang may ari ng motor na dumaan sa tabi nila kanina.
"Frenny," tawag nito sa kaibigan na nauna nang maglakad. "tignan mo kung sino iyong dumaan sa tabi natin kanina." habol nito kay Astraea.
Tumigil naman sa paglalakad si Astraea at hinarap siya. "Sino iyang hampas lupang muntikan na tayong sagasahan kanina?" naka-taas ang isang kilay nitong nakatingin sa kaibigan niya.
"Iyong boyfriend mo." sagot nito at tinuro ang isang lalaking kakababa lang ng motor at nagmamadaling pumasok sa gate ng eskwelahan.
Nang marinig ni Astraea ang salitang 'boyfriend' ay halos matawa siya. Halos dalawang buwan niya rin kasi na hindi nakita ang 'boyfriend' daw niya na sinasabi ni Mya.
"Boyfriend?" mapakla itong tumawa. "baka EX-BOYFRIEND kamo?" saad nito at inirapan ang kaibigan niya bago siya ulit naglakad papasok sa gate.
"Hindi pa naman kayo nag break 'di ba?" habol sa kanya ng kaibigan niya at nilingkis nito ang kamay niya sa braso ni Astraea. "kasi wala namang naganap na break-up noong mama-"
Hindi natuloy ni Mya ang sasabihin niya nang lingunin siya ni Astraea. Hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin dahil natakot siya sa mga mata ni Astraea na naka-tingin sa kanya. Walang emosyon at napakalamig. Kung naka-mamatay lang siguro ang pagtingin kanina pa siguro siya nakahiga sa sahig ngayon at walang buhay.
"Sorry, frenny hindi ko sinasadya." mahinang tugon ni Mya.
Tumango lang naman si Astraea bago sila tuluyang pumasok sa school gate.
Nang makapasok ang magkaibigan ay halos wala ng mga estudyanteng nagkalat sa paligid dahil malapit na rin na magsimula ang klase. Ang makikita mo na lang ngayon ay ang mga estudyanteng kasabay nilang naglalakad kanina na papasok din sa eskwelahan at iyong guard na nag-iikot-ikot sa bawat classroom.
Nagpaalam ang dalawang magkaibigan sa isa't-isa dahil pupunta na sila sa kani-kanilang klase. Si Mya ay tinungo ang kaliwang bahagi ng Building dahil doon ang classroom ng mga Junior High samantalang si Astraea naman ay nagtungo sa kanang bahagi ng Building dahil isa siyang Senior High.
Habang naglalakad si Astraea sa pasilyo ng paaralan ay may isang kamay ang humawak sa pulsuan nito mula sa kanyang likuran kaya napatigil ito sa paglalakad at hinarap ang kung sino man ang pumigil sa kanya.
Napataas ang isang kilay nito nang isang hindi kilalang lalaki ang pumigil sa kanya.
"S-sorry," nahihiyang tinanggal ng lalaki ang kamay nitong naka-hawak kay Astraea nang mapansin nito na masama ang tingin sa kanya ng dalaga.
"Anong kailangan mo?" masungit na tanong sa kanya ng dalaga at saka ito humalukipkip.
"I'm Nyx." sagot nito at abot tenga ang ngiti nito kay Astraea.
Kumunot naman ang noo ni Astraea sa sinagot ng kaharap nito. "Tinatanong ko kung anong kailangan mo, hindi ko tinatanong kung anong pangalan mo." masungit na saad ni Astraea sa kaharap nitong binata.
Napa-kamot naman siya sa batok nito bago niya sinagot si Astraea. "Nagpakilala lang naman ako, ate."
Napataas muli ang isang kilay ni Astraea nang marinig nitong nag-ate sa kanya ang kaharap nito. Sa isip nito ay halos mag kasing-edad lang sila kaya, nagulat siya nang mag ate sa kanya ang lalaking kaharap nito.
"Ano ba kasing kailangan mo, bata?" naiinip na tanong sa kanya ni Astraea. "alam mo ba iyong kasabihan nilang, TIME IS GOLD? kung wala kang sasabihin na makabuluhan baka pwedeng mauna na ako sa'yo dahil late na ako sa klase ko." masungit na saad ni Astraea sa kanya.
"Hinahanap ko po kasi si kuya Apollo, may ibibigay po kasi ako sa kanya." sagot ng kaharap nito.
Para siyang tinuod nang marinig nito ang pangalang binanggit ng kaharap niya. Halos ilang buwan niya ring hindi narinig ang pangalan na iyon. Sa halos dalawang buwan niyang hindi pagpasok sa eskwelahan dahil sa insidenteng nangyari ay ngayon na naman niya muling narinig ang pangalan ng kanyang kasintahan. Pero, para kay Astraea ay hindi na kasintahan ang turing nito kay Apollo kundi isa na lamang ordinaryong ka-klase dahil sa nangyari dalawang buwan na ang nakakalipas.
"Ate," tawag sa kanya ng lalaking kaharap nito kaya na pabalik siya sa realidad.
"S-si Apollo Zapata?" nauutal na tanong nito.
Tumango lang naman si Nyx.
"Ka-klase ko siya, bakit mo siya hinahanap?" tanong nito sa kaharap niya.
"Mabuti po kung ganun, may ipinapabigay kasi iyong ate ko sa kanya," saad nito at may kinuha siyang kahon sa backpack nito. "pakibigay na lang po sa kaya ito, ate pag nagkita kayo," pagkasabi iyon ni Nyx ay kinuha nito ang kamay ni Astraea at nilagay nito ang hawak niyang kahon na kinuha nito sa bag niya.
"Teka-" hindi natuloy ni Astraea ang sasabihin niya nang tumakbo na palayo si Nyx sa kanya. "ano pa nga bang magagawa ko ngayon?" tanong nito sa sarili niya habang naka-tingin siya sa hawak niyang kahon na ibinigay ni Nyx sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya bago muli itong naglakad papunta sa classroom niya. Habang naglalakad ito papunta sa classroom niya ay hindi maalis sa isip niya kung paano niya ibibigay ang hawak nitong kahon.
"Ang daming estudyante ng paaralan na ito, bakit ako pa ang pwedeng makita ng Nyx na iyon para ibigay sa kanya itong kahon na 'to?" inis na saad ni Astraea.
Nang makarating siya sa harap ng classroom ay kinalma na muna niya ang sarili niya bago niya binuksan ang pinto at saka ito pumasok. Pagpasok nito ay naka-upo lahat ang mga ka-klase niya at nagkwe-kwentuhan dahil wala pa ang kanilang guro. Parang siyang hangin na pumasok sa klase dahil wala man lang naka-pansin sa kanya nang pumasok siya.
Nang magsimula na itong maglakad papunta sa upuan niya ay may nahagip ang kanyang mga mata. Ang anim na magkakaibigan sa likod na maingay na nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan.
Napa-irap na lamang siya.
"Hindi pa rin sila nagbabago." umiiling na bulong nito at saka napatingin sa hawak niyang kahon na kailangan niyang ibigay kay Apollo.
Gustuhin niya mang huwag nang ibigay kay Apollo iyong kahon ay kinakailangan dahil may nagpapabigay sa kanya ito. Kahit ayaw ng kalooban niyang lapitan si Apollo ay ginawa niya pa rin dahil lamang sa kahon na hawak-hawak niya ngayon.
Mabibigat ang bawat hakbang ni Astraea papalapit sa kinaroroonan ni Apollo at ang mga kaibigan nito. Hindi nito alam kung paano niya iaabot kay Apollo ang kahon na hawak niya. Ilang hakbang na lang at malapit na siya sa kinaroroonan ni Apollo. Hindi siya makahinga ng maayos at halos mangatog ang mga tuhod nito.
Tumikhim naman siya nang makalapit siya sa kinaroroonan ng magkakaibigan kaya napahinto sila at napalingon sa kanya.
"Astraea?" hindi makapaniwalang sambit ni Achilles.
"Ikaw ba talaga iyan?" lapit sa kanya ni Khaos at hinawakan siya sa magkabilang balikat nito. "Almost two months ka rin na hindi pumasok! Buti naman pumasok ka na?" Hindi makapaniwalang saad nito at niyakap niya si Astraea.
Napalayo naman si Khaos sa pagkakayakap niya kay Astraea nang itulak siya nito palayo.
"O!" bato nito sa hawak niyang kahon sa direksiyon ni Apollo.
"Ano naman iyang laman ng kahon Astraea?" naka-ngiting tanong sa kanya ni Triton pero inirapan niya lang ito.
"Akala ko ba magka-away kayo ni Apollo dahil sa nangyari-Ano ba!" galit na tinulak ni Hector si Zeus nang takpan nito bigla ang bunganga niya.
"Napag-utusan lang akong ibigay iyan sa'yo, as if naman gusto ko pang makita iyang pagmumukha mo kasama iyang mga kaibigan mo matapos ang nangyari sa kapatid ko." walang ka-emo-emosyon na saad ni Astraea bago ito naglakad paalis sa harap ng magkakaibigan at pumunta ito sa kanyang upuan.