Mabilis ang pagmamaneho ni Apollo sa kanyang motor papasok sa eskwelahan noong mga araw na iyon kaya naman hindi nito napansin ang dalawang babae na naglalakad sa kalye na muntikan na niyang masagasahan.
"Ang luwang-luwang na nga ng daan tapos sa tabi ka pa namin talaga dadaan?!" rinig nitong sigaw ng isang babae na muntikan na niyang masagasahan.
Umiling na lamang siya at pinaharurot ang sakay nitong motor papunta sa eskwelahan nito dahil kanina pa siya tinatawagan ng pinsan niyang si Nyx dahil may ibibigay daw ito sa kanya.
Nang makarating siya sa eskwelahan ay malapit ng magsimula ang klase kaya naman dumeretso na agad siya sa classroom niya at ti-next na lamang si Nyx na mamaya na lamang sila magkita dahil baka pagalitan na naman siya ng guro nila pag late na naman siyang pumasok.
Halos pabagsak na binuksan nito ang pintuan ng classroom nila pagpasok niya dahil sa pagmamadali dahil baka meron na ang guro nila.
"Kumusta ang marathon?" biro sa kanya ng kaibigan niyang si Triton.
"f**k you!"
Nagtawanan lang ang mga kaibigan nito na naka-upo sa likod. Naglakad naman siya papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya at pabagsak na umupo doon.
"Bakit late ka na naman, Zapata?" natatawang tanong sa kanya ni Achilles.
"Nanood na naman siguro siya ng porn!" malakas na saad ni Hector at humagalpak ng tawa kaya naman napatingin sa kanila ang ibang mga ka-klase nila.
Tinaas lang naman ni Apollo ang middle finger nito kay Hector dahilan para tumawa na naman sila.
"Napanaginipan ko na naman iyong kapatid ni Astraea." tumahik naman silang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Apollo.
Hindi nila alam kung anong sasabihin nila sa kaibigan nila. Saksi kasi ang mga ito sa nangyari dalawang buwan na ang nakakalipas. Alam nila ang pinagdaanan ni Apollo at ang pamilya ni Astraea. Saksi rin ang mga ito kung paano nasira ang relasyon nila Apollo at Astraea dahil sa insidenteng iyon.
"Hanggang ngayon ba sinisisi ka pa rin niya?" napatingin naman si Apollo kay Zeus.
Nagkibit balikat lang naman ito. "Ilang buwan na rin na hindi ko siya naka-kausap. Tuwing pumupunta naman ako sa bahay nila hindi siya lumalabas sa kwarto niya. Hindi ko nga alam kung may balak pa siyang pumasok." mahinang saad nito na silang anim lang ang makakarinig.
Naiba naman ang usapan nila nang maalala ni Apollo iyong dalawang babaeng muntikan na niyang masagasahan dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito kanina. Halos matawa ang mga kaibigan nito habang nagkwe-kwento siya.
"Buti hindi ka nakipagsagutan? Baka sa mga oras na ito siguro nandoon ka pa rin at umuusok na iyang ilong mo dahil sa galit." natatawang komento ni Khaos.
Napa-iling na lamang siya. "Alam niyo bang kaboses nung kamuntikan ko nang masagasahan si Astraea?" Hindi makapaniwalang saad nito.
Nagkatinginan naman ang mga kaibigan nito at nagtawanan.
"Hay naku, Zapata na-mi-miss mo lang iyong jowa mo e!" pabirong sinuntok ni Zeus ang balikat nito.
"Sobrang miss mo na ba talaga siya at pati boses niya ay naririnig mo kung saan—" napahinto sa pagsasalita si Hector nang may tumikhim sa likod nito kaya lahat sila ay natahimik at napalingon sa kanya.
Para silang naka-kita ng multo nang makita nila na nasa harapan nila at nakatayo ngayon ang babaeng pinag-uusapan nila.
"Astraea?" naka-kunot ang noo nito at hindi makapaniwalang sambit ni Achilles.
"Ikaw ba talaga iyan?" lapit sa kanya ni Khaos at hinawakan siya sa magkabilang balikat nito. "Almost two months ka rin na hindi pumasok! Buti naman pumasok ka na?" Hindi makapaniwalang saad nito at saka niya niyakap si Astraea.
Si Apollo naman ay nakatingin lang sa kanya at para bang hindi makapaniwala na nasa harap niya ngayon si Astraea. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o namamalikta mata lang pero hindi dahil biglang nagsalita si Astraea at may ibinato sa kanya.
Mabuti na lang at mabilis siya kaya agad nitong nasalo ang kahon na ibinato sa kanya ni Astraea. Nagtataka naman siyang napatingin sa dalaga.
Gusto niyang tanungin kung anong ibig sabihin nung kahon na ibinigay nito pero na unahan siya ni Triton.
"Ano naman iyang laman ng kahon Astraea?" nanunudyong tanong sa kanya ni Triton pero isang irap lang ang nakuha nitong sagot.
"Akala ko ba magka-away kayo ni Apollo dahil sa nangyari—Ano ba!" napatingin naman lahat sila sa gawi ni Hector na ngayon ay naka-takip ang kamay ni Zeus sa bunganga nito.
"Napag-utusan lang akong ibigay iyan sa'yo, as if naman gusto ko pang makita iyang pagmumukha mo kasama iyang mga kaibigan mo matapos ang nangyari sa kapatid ko." walang emosyon ang makikita mo ngayon sa mga mata ng dalaga habang nakatingin siya kay Apollo. Hindi mawari ni Apollo kung anong ibig sabihin ng mga tingin niyang iyon. Kung galit ba, pagka-inis o ano man.
Napatingin naman ang binata sa papalayong pigura ni Astraea at saka siya napatingin sa hawak nitong kahon.
"Sino naman kaya ang magbibigay sa akin nito?" tanong nito sa sarili.
Napa-ayos naman silang lahat ng upo nang pumasok na ang guro nila para sa unang subject.
Habang abala sa pagtuturo ang guro nila at nakikinig naman ang mga ka-klase ni Apollo ay siya naman ay abalang nakatingin sa isang tao na matagal na niyang gustong makita at maka-usap. Hindi siya makapaniwalang pumasok na ang dalaga. Hindi niya lubos akalain na ngayong araw na ito mismo ay magkikita sila ng kasintahan niya. Buong klase ay nakatitig lang siya rito at walang pake-alam sa anumang sinasabi ng guro na nasa harapan nila ngayon. Basta ang nasa isip niya ngayon ay gusto niyang maka-usap ang dalaga.
"See you on, Wednesday." paalam ng guro nila at saka lumabas ng classroom pero, bago pa siya makalabas ay may sinabi muna ito. "nga pala, may activity din tayo sa Wednesday kaya mag review kayo ng mabuti." sabi nito at tuluyan na siyang lumabas ng klase.
"Zapata, tara na sa canteen!" tawag sa kanya ng kaibigan niyang si Triton kasama ang ibang kaibigan nila na ngayon ay nakatayo na malapit sa pintuan ng classroom.
Tumango lang naman siya sa mga ito at saka nilingon muli ang dalagang kanina niya pa pinagmamasdan kanina bago siya tuluyang lumabas ng classroom kasama ang mga kaibigan nito.
Habang naglalakad ang mga ito papunta sa canteen ay pinag-uusapan nila ang biglaang pagbabalik ni Astraea.
"Grabe, nakakatakot iyong tingin ni Astraea sa akin kanina!" saad ni Achilles habang yakap-yakap ang sarili. "pakiramdam ko nagyeyelo na ako kanina sa sobrang lamig ng mga mata nitong nakatingin sa akin."
"Ang OA mo Achilles, mas malala ka pa sa babae." masungit na saad ni Zeus sa kanya.
Habang nagkwe-kwentuhan ang mga kaibigan ni Apollo sa biglaang pagbabalik ni Astraea ay siya naman ay iniisip kung paano niya makaka-usap ang dalaga na silang dalawa lang.
"Kuya, Apollo!" napatigil naman sila sa paglalakad ng may tumawag kay Apollo. "kuya, nakuha mo ba iyong gift sa'yo ni ate?" tanong sa kanya ni Nyx nang makalapit siya sa kanila.
"Anong regalo?"
"Hindi pa ba binigay sa'yo ni ate Ganda?" pabalik na tanong nito. "sabi niya kasi kanina sa akin magka-klase kayo kaya naman ibinigay ko na lang sa kanya iyong gift sa'yo ni ate Hera. Pupuntahan sana kita sa klase mo pero nakasalubong ko si ate Ganda at ibinigay na lang sa kanya iyong gift sa'yo ni ate Hera."
Napapatango na lamang si Apollo. Ibig sabihin galing pala iyong kahon na binigay sa kanya ni Astraea sa kapatid ni Nyx na si Hera.
"Paki-sabi na lang kay, Hera salamat sa regalo."nakangiting saad nito.
"Sure, kuya Apollo, sige balik na ako sa table ko." nakangiting paalam niyo. "Happy birthday ulit!" masayang sambit nito at tuluyan na siyang bumalik sa upuan nito.
Napalingon naman si Apollo nang tapikin siya ni Triton sa balikat. "Alam niya kayang birthday mo ngayon?" ang tinutukoy ni Triton ay ang kasintahan nitong si Astraea.
Hindi nagsalita si Apollo at nagkibit-balikat na lamang at nauna na itong umupo sa dati nilang inuupuan.
Nagkatinginan naman silang lima. Si Triton, Achilles, Hector, Khaos at Zeus.
"Magkaka-ayos pa kaya sila ni Astraea?" mahinang tanong sa kanila ni Khaos.
"Hindi natin alam, ayaw ngang kausapin ni Astraea si Apollo 'di ba?" saad naman ni Hector. "kaya napaka-imposibleng magka-ayos pa ang dalawang iyon."
"E, paano kung gumawa tayo ng paraan para magka-usap sila?" suwestiyon naman ni Zeus sa kanila.
"Tama-tama!" pagsang-ayon naman ni Achilles. "paano kung iyon na lang ang birthday gift natin kay Apollo? ang magka-usap at magka-ayos sila ni Astraea?"
"Pwede," sagot naman ni Khaos. "pero paano natin makukumbinsi si Astraea na mag-usap silang dalawa kung pati tayong lima e, ayaw niyang makita at maka-usap man lang?" tanong sa kanila ni Khaos.
"May naisip ako." saad ni Zeus habang naka-ngisi na para bang may masama itong plina-plano.
Nang matapos silang mag meryendeng anim sa canteen ay sabay-sabay silang bumalik sa classroom nila at heto na naman sila at nagkwe-kwentuhan.
"Apollo, saan tayo mamaya?" tanong sa kanya ni Zeus. Ang tinatanong nito ay kung saan ang handaan mamaya para i-celebrate ang birthday nito.
"Hindi ako mag-se-celebrate ngayon." sagot naman nito habang diretso ang tingin nito sa harapan.
"E, anong balak mo ngayon?" tanong naman sa kanya ni Triton.
"Wala." diretsong sagot nito at nilingon ang mga kaibigan nito at tinignan niya isa-isa ang mga ito. "paano ako mag-se-celebrate kung alam kong ngayon din ang ika-tatlong buwan na pagkamatay ng kapatid ni Astraea?" Hindi nakasagot ang mga ito. Kaya pala kanina pa hindi umiimik si Apollo sa canteen tuwing tinatanong siya ng mga kaibigan nito kung ano ang handa nito at kung magpapa-swimming na naman ba ulit siya gaya ng kina-ugalian na nila tuwing birthday niya.
"Paano kung pumunta tayo sa lugar na iyon?" lahat naman ng mata ay napatingin sa gawi ni Zeus. "paano kung doon mo i-celebrate ang birthday mo, Apollo?" tanong sa kanya ni Zeus.
Kumunot naman lahat ang noo nila sa sinabi ni Zeus.
"May sama ka ba ng loob kay, Apollo?" inis na tanong sa kanya ni Triton. "alam mo na ngang sinisisi siya ni Astraea sa pagkamatay ng kapatid nito tapos, aayain mo siya na doon para mag-celebrateng birthday niya? Nababaliw ka na ba Zeus?"
"Anong masama doon?" inosenteng tanong nito pero sa isip-isip niya ay sana pumayag si Apollo dahil alam nitong laging doon nagpupunta si Astraea noong mga panahon na hindi siya pumapasok kaya sana pumayag si Apollo para makapag-usap na silang dalawa.
"Sige, pumunta tayong anim mamaya doon." halos mamilog ang mga mata ng kaibigan ni Apollo sa narinig nila pero si Zeus ay napapatango na lamang dahil sa iniisip nitong plano.
"Seryoso ka ba, Zapata?" tanong sa kanya ni Achilles nang magsimula na itong maglakad pabalik sa classroom nila. "naiintindihan naman namin kung ayaw mong mag-celebrate ng birthday mo ngayon at saka huwag mong papakinggan iyong mga sinasabi ni Zeus." pagkasabi iyon ni Achilles ay nilingon niya si Zeus at pinandilatan ng mata na para bang sinasabi nito na ANO NA NAMAN ANG BALAK MONG SPERM KA-LOOK.
Si Zeus naman ay hindi maalis-alis ang malaking ngiti nito sa labi dahil sa wakas gumagana na ang plano nito para mapag-usap ang dalawa.
Nang matapos ang klase ay nakatingin lang si Apollo sa bakanteng upuan malapit sa bintana kung saan doon naka-upo si Astraea kanina. Nang matapos kasi nilang mag meryenda ay wala na si Astraea pagbalik nila sa classroom nila. Tinanong nila iyong ibang estudyante kung nakita nila ito pero umiling lang ang mga ito at sinabing hindi nila alam na bumalik na pala si Astraea.
"Apollo," Napalingon naman si Apollo nang marinig niya ang boses ni Triton sa tabi niya. "tara na?"
Tumango lang naman siya sa kaibigan nito at saka muli nitong nilingon ang upuan ni Astraea bago siya tumayo at lumabas ng classroom para pumunta sa lugar na iyon.