AP 3

1872 Words
Habang palabas ng kanilang eskwelahan ang anim na magkakaibigan para pumunta sa lugar kung saan i-se-celebrate ni Apollo ang kanyang kaarawan ay may isang dalaga naman na halos apat na oras nang naka-upo sa batuhan at nakatingin sa malawak na kulay kristal na ilog habang papalubog ang araw. Habang nakatingin siya sa kulay kahel at mapulang kalangitan kung saan may mga mangilan-ngilan na mga ibon na nag liliparan ay naalala naman nito ang masaya at naka-ngiting mukha ng kanyang bunsong kapatid na si Dwight. Si Dwight ay ang bunsong kapatid ni Astraea na walong taong gulang na namatay dalawang buwan na ang nakakalipas. Namatay ang kapatid niya dahil sa pagkalunod sa lugar kung nasaan siya ngayon. Habang hawak-hawak ni Astraea ang isang laruang sasakyan at isang puting rosas sa mga kamay niya at naka-tingin sa ilog ay may anim na pares naman ng mga mata ang nakatingin sa kanya sa hindi kalayuan. "Si Astraea, ba iyon?" tanong ni Khaos sa mga kasama niya nang makababa sila sa kani-kanilang motor. "Oo, tara na!" saad naman ni Zeus at nauna nang maglakad papunta sa direksiyon ni Astraea. Hindi pa nakakatatlong hakbang si Zeus ay hinigit na siya pabalik ni Triton kaya naman naka-kunot ang noo nitong napalingon kay Triton. "Ito ba iyong planong sinasabi mo?" bulong na tanong sa kanya ni Triton pero makikita mo sa mga mata nito ang inis. Sa isip ni Triton ay sana pala hindi na nila pinagkatiwalaan pa si Zeus sa plano niya dahil lahat ng planong ginagawa nito ay panget ang kinalabasan. Agad namang binawi ni Zeus ang kamay niyang hawak ni Triton at tumayo ito ng maayos at tinignan ang mga kaibigan nito. "Pumayag naman kayo sa plano kong ito ah?" galit na saad nito. "Gusto ko lang naman tulungang magka-ayos sina Apollo at Astraea kaya, huwag niyo nga akong tignan ng ganyan na para bang may ginawa akong masama." Napabuntong hininga naman si Khaos sa sinabi ni Zeus. "Zeus," saad nito at humakbang palapit sa kinatatayuan ng kaibigan. "alam naman natin kung gaano kalaki ang galit ni Astraea kay Apollo at sa atin. Hindi ito iyong nasa isip namin na plano mo. Ang alam namin, pag-uusapin mo sila ng maayos sa isang disenteng lugar. Hindi iyong ganito na pagtatagpuin mo sila sa lugar kung saan namatay ang kapatid ni Astraea." mahinahong komento ni Khaos. Nahuling nakarating naman si Apollo sa lugar kung saan gusto niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kaya, naman pagdating niya doon ay nadatnan niya ang lima niyang mga kaibigan na nagbabangayan. "Anong problema?" tanong nito nang malapitan niya ang lima niyang kaibigan. "nag-a-away-away ba kayo? Birthday ko na nga lang, mag-a-away-away pa kayo." saad nito at nagsimula na sa itong maglakad papunta sa ilog na nasa likuran nila nang pigilan siya ni Achilles. "Apollo, sandali!" sigaw nito at pumunta siya sa harapan ni Apollo para pigilan ito. "mas mabuti siguro kung sa bahay niyo na lang tayo mag-celebrate ng birthday mo?" pinagpapawisan na saad ni Achilles at napa-palingon sa likod nito kung nasaan si Astraea na pilit niyang tinatag para hindi makita ni Apollo. Kumunot naman ang noo ni Apollo sa sinabi ng kaibigan. "Okay ka lang ba?" natatawang saad ni Apollo at hinawakan niya ang noo nito na nagsisimula nang pagpawisan ng malamig dahil sa sobrang kaba. "O-oo, okay lang ako! Tara na—" hihilain na sana ni Achilles si Apollo palayo sa lugar na iyon nang mapatigil si Apollo at napatingin sa isang dalagang nakatayo malapit sa ilog. "Astraea?" saad nito habang nakatingin siya sa nakatalikod na rebulto ng dalaga. "Huh? Astraea? Wala si Astraea dito! Halika na, sa bahay niyo na lang tayo mag-celebrate ng birthday mo!" hila ulit sa kanya ni Achilles pero hindi ito nagpatinag at tinanggal nito ang pagkakahawak sa kanya ni Achilles at naglakad ito papunta sa direksiyon ng dalaga kaya naman wala nang nagawa pa si Achilles kundi pabayaan na lamang siya. Habang dahan-dahang naglalakad si Apollo papunta sa direksiyon ni Astraea ay hindi maiwasang sumunod ang lima nitong mga kaibigan sa kanya. "Kita mo na!" singhal ni Triton kay Zeus habang naka-sunod sila kay Apollo. "anong gagawin mo ngayon kung nag-away na naman iyang mga iyan mamaya? Maaawat mo ba sila ha?" Marahas naman na bumuntong hininga si Zeus at sinagot si Triton. "Pwede ba, Salvador mamaya ka na mag-komento kung nag-aaway na sila! Hindi pa nga sila nag-uusap pero heto ka't away-away ang nasa isip mo!" saad nito at saka niya inirapan si Triton. "Pwede ba, magtigil na kayo diyan! Para kayong mga bata!" singhal ni Hector sa kanila kaya napatigil naman ang dalawa. "Ssshhhh, hanggang dito na lang tayo." napatingin naman silang apat kay Achilles na nagtatago sa malaking puno ng balete malapit kina Apollo at Astraea. "Huwag kayong maingay diyan at pakinggan natin iyong usapan nila." Napa-iling na lang silang apat. Pagdating talaga sa mga chismis nangunguna talaga sa kanila si Achilles. Kung babae siguro ito lagi siyang nakikipag-away dahil sa sobrang ka-chismosahan niya. Habang nakatingin sa mala-kristal na tubig ng ilog si Astraea ay napa-kunot ang noo nito nang may maramdaman ito sa kanyang likuran na naglalakad papunta sa direksiyon niya kaya hindi nito maiwasang mapalingon. Lalong gumuhit ang isang linya sa mga noo nito nang makita niya kung sino ang nasa likuran niya. "Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong nito sa binatang nakatayo sa harapan niya. "Balak ko sanang mag-celebrate ng birthday ko dito." sagot ng binata sa kanya dahilan para mapa-irap siya. "Birthday? Celebrate? Dito?" mapaklang napatawa si Astraea. "ang kapal naman talaga ng mukha mo para dito pa ipagdiwang ang birthday mo. Wala na ba talagang natitirang kahihiyan sa katawan mo? Mag-se-celebrate ka ng birthday mo sa lugar na ito kung saan mo pinatay ang kapatid ko?!" sigaw sa kanya ni Astraea. Makikita mo sa mga mata nito ang nag-a-apoy na galit at pagka-ini habang nakatingin ito kay Apollo. "Astraea," tawag sa kanya ni Apollo at humakbang ito palapit sa kanya para hawakan siya pero umatras ang dalaga. Ayaw niyang magpahawak sa lalaking pumatay sa kapatid nito. "Huwag mo akong hahawakan." matigas na saad nito at nakipagtitigan siya kay Apollo. "Dahil sa'yo namatay si Dwight. Pinatay mo ang kapatid ko." Napayuko na lamang si Apollo sa sinabi ng dalaga sa kanya. Ang lima naman nitong mga kaibigan na nakatago sa isang malaking puno ay nagkatinginan sa sinabi ni Astraea. "Ibig sabihin galit pa rin siya kay Apollo?" bulog ni Achilles sa mga kaibigan nito na nasa likuran niya. Agad naman siyang binatukan ni Hector sa tanong nito. "May utak ka ba o sadyang bobo ka lang? Syempre, galit pa rin si Astraea! Sinong hindi magagalit pag nalaman mong ang taong mahal mo ay pinatay ang kapatid mo?" inis na saad ni Hector sa kanya. Napatingin naman lahat kay Triton nang magsalita ito. "Hindi naman pinatay ni Apollo ang kapatid ni Astraea. Isang aksidente lamang ang nangyari." Halos malukot ang mga mukha nila sa narinig nila mula kay Triton. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Zeus sa kanya. "Kaya nga, Triton." dagdag naman ni Khaos. "Kung aksidente ang nangyari bakit sinisisi pa rin ni Astraea si Apollo sa pagkamatay ng kapatid niya?" tanong sa kanya ni Achilles. Sa kanilang lima kasi, si Triton lamang ang naka-kaalam kung ano ba ang tunay na nangyari two months ago kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Astraea sa kaibigan nitong si Apollo. Si Triton ay ang malapit na kaibigan ni Apollo sa grupo kaya sa kanya lamang siya nag-o-open ng problema niya. Ang buong akala kasi ng grupo ay pinatay ni Apollo ang kapatid ni Astraea pero, ang totoo ay hindi. Malayong-malayo sa alam nila ang tunay na nangyari. Si Apollo at Triton lang ang nakaka-alam kung ano ba ang nangyari noong araw na iyon. "Umalis ka na!" Napatingin naman silang lima sa direksiyon nila Apollo at Astraea nang marinig nilang sumigaw ang dalaga. "mamamatay tao ka! Pinatay mo ang kapatid ko!" galit na sigaw ni Astraea kay Apollo. Naka-yuko lamang ang binata habang tinatanggap ang mga masasakit na salitang binibitawan ni Astraea. Sa hindi kalayuan naman ay isang kaibigan ni Apollo ang kanina pang nagtitimpi dahil sa mga nakikita nito at sa mga sinasabi ng dalaga sa kanyang kaibigan. Dahil siguro nadala siya sa kanyang emosyon ay hindi na nito napigilan ang sarili na lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. Nagulat ang mga kaibigan nila nang makita nila siyang naglakad papunta sa direksiyon nila Apollo at Astraea kaya naman sinundan nila ito para pigilan. "Hoy, saan ka pupunta?" habol sa kanya ni Triton. "bumalik ka dito!" habol nito sa kaibigan. Napasabunot naman sa buhok niya si Hector. "Dapat kasi hindi na tayo pumunta e! Problema na naman ito panigurado!" inis nito at saka sumunod sa mga kaibigan nito. "Hindi ka talaga aalis sa harapan—" Hindi natuloy ni Astraea ang sasabihin nito ng may tumulak sa kanyang balikat dahilan para mahulog ang mga hawak nitong laruan at puting rosas sa batuhan. "Hoy," malamig na saad nito at saka muli nitong tinulak si Astraea kaya napa-atras ito. Nagulat si Apollo kasama ang ibang kaibigan nito sa ginawa ni Zeus kay Astraea. "Dalawang buwan na ang naka-kalipas pero heto ka't hindi pa rin naka-move-on sa pagkamatay ng kapatid mo?" inis na tanong sa kanya ni Zeus. "Hindi naman sinasadya ni Apollo iyong pagkamatay ng kapatid mo, a! Kaya bakit siya ang sinisisi mo? Kung magsalita ka sa kanya parang hindi mo siya boyfriend!" tumataas-baba ang dibdib ni Zeus nang bitawan niya ang mga salitang iyon kay Astraea. Hindi alam ni Zeus kung magagalit ba siya o maiinis dahil wala man lang reaksiyon ang kaharap nito maski ang mga mata nito ay hindi mo mabasa dahil nakatitig lang ito sa kanya na para bang sinusuri siya ng dalaga. Nagulat lahat sila nang marinig nilang tumawa si Astraea. Isang tawa na may halong sakit, lungkot at paghihinagpis. Nang huminto ito ay tinignan niya ang anim na lalaki sa harapan niya bago ito nagsalita. "Move-on? Paano ako makaka-move-on kung iyong taong pumatay sa kapatid ko ay lagi kong nakikita? Everytime I see him," nanlilisik ang mga mata nitong napatingin kay Apollo. "bumabalik lahat iyong ala-alang nangyari two months ago. Nandoon pa rin iyong sakit kaya, sabihin niyo nga sa akin kung paano ako makaka-move-on kung isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ay siyang pumatay sa kapatid ko?!" nagtatagis sa galit si Astraea habang nakatingin sa mga ito. "Don't blame him, Astraea!" sigaw naman ni Triton kaya nasa kanya na ang atensiyon ngayon. "we know the truth! Kaya bakit kay Apollo mo sinisisi ang pagkamatay ng kapatid mo?" galit na rin ngayon si Triton. "Bakit hindi?" galit na rin si Astraea sa mga oras na ito. "siya lang naman iyong taong kasama ng kapatid ko noong araw na namatay si Dwight!" nagtataas-baba ang dibdib nito dahil sa pagsigaw niya. "Mahal, let me explain," mahinang saad ni Apollo kaya napatingin sa kanya ang dalaga. "Explain? For what? For what have you done to my brother? At anong sinabi mo? Mahal?" tumawa ito ng mahina at tinitigan ni Astraea ng mabuti si Apollo sa mga mata nito. "simula noong araw na nalaman kong pinatay mo ang kapatid ko kinalimutan na kita kaya, don't call me 'mahal' because two months ago, I've forgotten you as my boyfriend. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD