7

1385 Words
Isang subject lang ang pasok ko ngayon dahil may long exam kami doon. Kakatapos lang namin at buti nalang hindi naman ako gaanong nahirapan sa exam kaya umuwi na rin ako muna pagkatapos dahil may pasok pa si Den hanggang hapon. Pagdating ko sa underground parking ng condo namin, may nakita akong pamilyar na lalaki na kakababa lang ng sasakyan niya. Dinahan dahan ko ang kotse ko habang papalapit doon at napagtanto ko na yun pala yung lalaking tumulong sa akin nung isang araw nung nasiraan ako ng sasakyan. Ano kayang ginagawa niya dito? Baka may kakilala siya na tagarito. Grabe, what a coincidence. Nakasuot siya ng white shirt at jersey shorts. Mukhang kakagaling lang niya sa paglalaro dahil may kinuha rin siyang basketball shoes sa trunk ng sasakyan niya. Pagpark ko ng kotse ko, napatingin siya sakin nang maglakad ako papalapit sa kanya. Mukhang hindi man lang siya nasorpresa nang makita ako. Baka di na ako naalala. "Hello! Do you remember me?" Englishan nanaman ang labanan. Nilingon niya lang ako saglit habang may mga kinukuha pa siya sa loob ng kotse niya. "Are you following me?" aniya naman. Luh ang kapal ng mukha. Ba't ko naman siya susundan? Kahit pogi pa siya, di naman ako ganun ka-stalker noh! Feeling din ng isang to. Napaturo ako sa sarili ko at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "M-me?" tumango naman siya at nilabas ang pamilyar na school uniform na nakahanger sa loob ng sasakyan. "Who else?" dugtong niya pa. Suplado, tss. "FYI, I live here, okay? And wait...you're from the same university?!" napansin niya ang pagtingin ko sa uniform na hawak niya kaya tinignan niya rin yun. "I guess?" sabi niya naman. Napansin ko rin ang nakalagay na level badge sa polo niya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang grade 12 palang pala siya. "What---you're just in 12th grade?!" di makapaniwalang sabi ko. Hindi kasi talaga halata, mukha kasi siyang mga kabatch na ni Mico or older. Nagkasalubong naman ang kilay niya at marahang tumango, parang naweweirdohan na sa'kin. "Why? What about you? I guess you're from junior high school, right? Hmm...maybe from the 10th grade?" umakto siya na parang nag iisip. Wow ah. Di ko alam kung matutuwa ba ako o maooffend. Di pa nga talaga bagay sakin ang college. Kahit ako naman, mag aagree sa kanya na hindi ako mukhang college, pero di naman ibig sabihin na baby face ako noh, how I wish. Humalukipkip naman ako at bumuntong hininga. Napansin ko naman ang paglipat ng tingin niya sa badge ko and for the very first time, nagbago na rin ang expression niya! Napa-'o' ang bibig niya at parang natatawa pa siya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. "What now?" tanong ko. "Sorry, sorry. I just can't believe what I saw." natatawa pa siya habang umiiling. "College student." tumango-tango siya sabay kagat ng pang-ibabang labi. "What's your name, miss?" biglaang tanong niya pa. Infairness ah, nakakapagsalita naman pala ang isang to. Nung unang beses kaming nagkita eh napakasuplado. At least ngayon, tumatawa na siya kahit di ko alam kung goods ba yon o hindi. "Finally! You're smiling. You look handsome when you smile, you know. You should try doing it more often, just a piece of advice." pang-aasar ko sa kanya. Dahil doon, mas lumawak pa ang ngiti niya pero pilit na tinatago iyon sa pamamagitan ng pagkagat ng pang-ibabang labi. Pogi talaga niya, kaso di ko type. "I'm Jeo, and you are?" pagpapakilala niya. "I'm your future ex," pagbibiro ko naman. Di pa rin matanggal ang ngiti niya at napailing siya. "College joker," mahina lang ang pagkakasabi niya pero dinig ko iyon. "Joke only, I'm Keira." sabi ko naman sabay bow sa kanya. "Nice to meet you, P'Keira." pang-aasar niya naman. Pag sa mga Thai kasi, usually ginagamit ang P' sa mga taong mas matanda sayo. "Don't call me P! I'm just a year older than you." pagsaway ko naman. Natapos lang ang pag-uusap namin nang may tumawag sa kanya sa phone. Dinig kong may laro daw sila mamaya versus college students. Baka manood ako, susunduin ko naman si Den mamaya at wala naman akong ibang gagawin. Nagpahinga muna ako sa kwarto at maya-maya ay may nareceive naman akong message mula kay Mico. From: Miguel Cortez May klase ka mayang 3? Received. Nireplyan ko naman siya agad dahil wala naman akong ginagawa. Nakahilata lang ako dito sa higaan at nanonood ng Netflix series. To: Miguel Cortez Wala, kanina pa tapos class. Umaga lang pasok ko bakit? Sent. Ibababa ko palang ang cellphone ko, nagreply na siya agad. Fast hands yan? From: Miguel Cortez May game kami vs shs varsity, nood ka Received. So sila pala ang makakalaban nina Jeo mamaya! Hmm...exciting to. To: Miguel Cortez Oks Sent. Pagtingin ko sa orasan, 2pm na kaya naghilamos na ako at nagbihis. Naka-itim na tank top ako, white shorts, at white shoes. Nagpony tail lang rin ako at sinaklay na ang tote bag bago umalis. Pagdating ko sa univ, maaga pa naman kaya nagwawarm up palang sila. Konti palang rin ang tao. Feeling ko, wala naman masyadong manonood dahil tune up lang naman to. Nakita ko agad si Mico na nagpapractice ng dribbling niya. Pagtingin ko naman sa kabilang side ng court, nakita ko rin si Jeo doon, nagpapractice naman ng lay ups niya. Siguro magkasingtangkad lang sila ni Mico. Feeling ko mga nasa 6'2" siguro? Pero mas payat si Jeo kay Mico. Pumwesto ako sa usual spot, sa pinakataas ng bleachers. Halos ako lang rin ang nandoon. May iilan lang akong kasamang mga estudyante na may kanya-kanya ring ginagawa. Nag scroll muna ako sa phone ko habang naghihintay. 5pm pa rin naman ang uwian ni Den, sakto dito muna ko tatambay. Marami akong nakikitang posts sa Twitter tungkol sa game ngayon so mali ako, baka madami nga ang manonood mamaya. Napakunot naman ang noo ko nang magpop up ang message ni Mico doon. Binuksan ko iyon at nakitang picture ko iyon kung nasaan ako ngayon, kaya tumingala ako at tumingin sa may bench nina Mico. Nakita ko siya, nakatayo na doon habang hawak ang phone niya. Pagkakita niya sa'kin, kumaway siya at ngumiti. Kumaway rin ako sa kanya at nagthumbs up as a way of saying goodluck. Grabe, nakita niya ako agad dito. Talas talaga ng mga mata nito. Napansin ng mga teammates ni Mico ang interaction namin kaya naman inasar asar siya ng mga ito. Tumingin rin sa akin ang ibang mga nakaupo dito sa malapit kaya yumuko nalang ako. Nakakahiya, ayoko ng attention. At hindi nga ako nagkamali, dumami na rin ang mga tao habang tumatagal. Marami rin ang nagchecheer kay Mico at Jeo. Daming fans ni Jeo ah, parang artista lang. Sa kalagitnaan ng laban, may pamilyar na babaeng lumapit at tumabi sa akin. "Hi Keira! Why are you alone? Let me sit with you," si Kamila pala. "Hello, sure! You watch basketball?" tanong ko. "Yes, I'm a fan! And you?" Finally! May friend na akong makakarelate sa pagiging fan girl ko sa basketball. Di kasi mahilig si Den sa sports, kdrama lang talaga buhay niya. "OMG, me too! Let's watch games together soon." sagot ko naman sabay apir sa kanya. As usual, si Mico pa rin ang top scorer ng team nila and unexpectedly, si Jeo naman ang sa kabila. Ang galing rin pala niya, kaya rin siguro marami siyang tagahanga dito. Pagkatapos ng game, nakita kong nagkukulitan sina Mico at Jeo pagkatapos ng handshakes sa magkabilang team. Magkakilala rin pala sila? Bumaba na kami ni Kamila pagkatapos. Kita agad ako ni Mico kaya lumapit siya sa'min. "Congrats!" pagbati ko naman sabay apir sa kanya. Pabiro naman siyang nag bow na parang prinsipe. Lakas ng amats talaga. Nagpaalam na rin si Kamila pagkatapos kaya naiwan ako kay Mico. 4:30pm palang naman. "At dahil panalo kayo....tara libre kita!" hinila ko siya palabas ng gym. "San tayo pupunta?" natatawang sabi niya habang tumatakbo kami. Dinala ko siya sa kabilang kanto kung saan may nakita akong nagbebenta ng street food kanina. Gusto ko rin kasing matry ang mga street food dito sa Thailand. "Yun! Sakto, di nako nakakakain ng ganito!" mukhang masaya si Mico pagdating namin doon, kaya bumili na kami at kumain doon. "Kilala mo pala si Jeo?" tinanong ko siya nang maalala bigla yung interaction nila kanina. "Jowa ko,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD