6

1190 Words
Di rin nagtagal at pumasok na ulit si Mico sa tent. Nang makita niya yung babae, nanlaki ang mga mata niya at yumakap dito. Nag-usap sila pero di ko naman maintindihan dahil Thai language nga iyon. Nag-usap pa sila doon at umalis na din muna si Love dahil scene na nila ni Tu ang susunod na ishoshoot. Naiwan naman ako doon sa may vanity table kaya tinignan ko nalang kung ano ang mga naroon. Grabe, expensive. Lumipas ang ilan pang minuto, siguro mga 30 minutes na at hindi pa tapos mag usap sina Mico at yung babae. Siguro yun yung dinedate niya ngayon. Maganda eh tsaka matangkad. Nakakahiya siguro kung magsstay pa'ko dito, baka magalit sakin yung babae. Naghahanap lang ako ng tyempo para makaalis pero tinawag na ulit si Mico dahil scene na niya. Pumasok rin si Drake sa tent kaya sa kanya na lang ako nakisuyo na sabihin kay Mico na umalis na'ko. "Okay. Take care, see you again soon." sabi naman niya sabay ngiti kaya umalis na ako. Dinaanan ko yung babaeng kausap ni Mico pero di ko rin nilingon. Mukhang di rin naman niya ako napansin dahil busy siya sa phone niya. Pagdating ko sa parking, papaandarin ko na sana ang sasakyan ko kaso ayaw niyang umandar. Tinignan ko ang mga gulong pero maayos naman, ano naman kaya'ng problema nito? Ngayon pa talaga ah. Wala pa naman akong alam na pwedeng tawagan. Sinubukan ko rin tawagan si Dennise pero di siya sumasagot. Baka nakasilent nanaman ang cellphone nun. Hay! Paano na to? Iiwan ko na lang muna ang sasakyan dito at maghahanap muna ko ng taga-ayos na shop. Lumingon ulit ako sa sasakyan para isara na ang hood non pero nagulat ako nang may makitang nag-aayos doon. Dahan-dahan akong lumapit at sinilip siya roon. Baka mamaya niyan, kung ano na ginagawa niya eh. "Excuse me, d-do you know how--" pero hindi niya ako pinansin at naglakad siya papunta sa kotse na nakapark sa katabi ng sasakyan ko. Mukhang sa kanya ata iyon dahil may kinukuha siya sa trunk. Pagbalik niya, may dala na siyang mga tools at kung ano pang oil ba yun. Wala kasi akong alam masyado sa mga parts ng sasakyan o sa mga tools. Doon ko palang rin nakita ang mukha niya. Ang pogi! Ang tangkad pa. Artistahin ang itsura. Suplado nga lang. Di na lang rin ako nagsalita dahil di ko rin naman alam kung ano sasabihin dun. Baka di lang rin naman ako sagutin. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang focused at alam na alam niya ang gagawin sa sasakyan ko. Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na rin siya kaya nilapitan ko pagkatapos niyang isara ang hood ng sasakyan. Nagsimula siyang magsalita ng Thai. "I'm sorry but I don't speak Thai, can you please speak in English?" nahihiyang sabi ko pa. Baka magalit eh. Nagkasalubong naman ang kilay niya at napatilt ng konti ang ulo. "Oh. But you look like Thai," sabi niya sabay kibit balikat at lagay ng gamit sa trunk ng sasakyan niya. "Ah no, I'm Filipino. Thank you for helping me, how much do I need to pay--" kukunin ko na sana ang wallet ko sa bag pero sumabat siya kaya napatigil ako. "No need to pay. I just helped because you needed help," sabi niya naman at naglakad na papasok ng building, may dalang mga damit. Hahabulin ko pa sana siya kaso mukhang nagmamadali kaya nagpahabol na lang ako ng sigaw dahil medyo nakalayo na siya. Ang bilis maglakad eh. "Thank you!!!" pero hindi na siya lumingon at dumiretso na. Kahit suplado siya, sobrang thankful pa rin ako dahil tinulungan niya ko. Pumasok na ulit ako sa sasakyan at nang subukang paandarin iyon, gumana na siya kaya umalis na rin ako at umuwi na. Pag uwi ko, naabutan kong tulog na tulog at humihilik pa si Dennise kaya hinayaan ko na lang muna siya at nagbihis na. Di rin nagtagal at may message akong natanggap mula kay Mico kaya binuksan ko naman iyon. From: Miguel Cortez Bakit umalis ka na? Di ka nagsabi Received. Bumuntong hininga muna ako bago magreply. Ayoko naman sabihing umalis ako dahil naiilang ako dun sa babaeng kausap niya, baka isipin pa niya na nagseselos ako dun kahit totoo naman ng slight. Pero wala akong karapatang magselos dahil fan lang naman niya ko! To: Miguel Cortez Ah tinawag kasi ako ni Den, may inasikaso lang. Di na kita nasabihan dahil nasa shoot ka na nun, sorry. Sent. Pagkatapos kong isend ang message na yun, saktong nagising na rin si Dennise na kinikusot pa ang mga mata. "Oh ang aga mo naman ata nakauwi," sabi niya sabay hikab. Umupo naman ako sa tabi niya at naisipaing ikwento ang mga nangyari kanina. "Ang babait nilang lahat, nagulat nga ako dahil kilala na nila ko agad kahit hindi pa ko nagpapakilala," Kumunot naman ang noo ni Den. "Ha? Paano naman nangyari yun?" "Ewan ko rin, sabi nila nakkwento raw ako ni Mico minsan. Akala ko nga masasama yung mga sinabi niya, compliments naman pala," Napatakip naman ng bibig si Den at inalog alog ako. "OMG! Ibang level ka na talaga, Kei! Isipin mo, kinukuwento ka ng isang artista sa kapwa niya artista. Grabe," umiling iling pa siya na para bang hindi makapaniwala. Kahit ako, hindi rin naman makapaniwala. Dati, panaginip ko lang naman to eh. Pero ngayon, nandito na ko mismo sa Thailand at may mga nakilala pang sikat na tao. "Eh ba't ang aga mo umuwi? Ineexpect ko gagabihin ka," tanong naman ni Dennise. "May dumating kasing babae dun kanina....mukhang yun ata ang dinedate ni Mico ngayon tingin ko, nakakahiya naman kung magstay pa ko dun diba, baka magalit sakin yung babae." pagpapaliwanag ko naman. Pagdating kay Den, di naman ako nagdadalawang isip mag kwento palagi kaya alam niya lagi ang mga nangyayari sa buhay ko. "Huh? Sino namang babae yun? Anong sabi ni Mico nung nagpaalam ka? At teka......nagpaalam ka nga ba, ha?" sunod-sunod na tanong niya. "Di ko rin kilala eh. Pero ang ganda niya, tsaka matangkad. Para siyang model o beauty queen palagay ko. Di na ako nakapagpaalam kay Mico dahil nagshoshoot na siya noon, pero pinasabi ko naman kay Drake." naalala ko nanaman bigla yung kung paano sila mag usap kanina. Parang ang saya ni Mico pag kasama niya yung babae tsaka bagay sila. Tumango-tango naman si Den at hinaplos ang likod ko. "Okay lang yan noh, wag ka nang magselos. Ang mahalaga nakakausap mo si Mico, diba? Pangarap lang ng iba yun!" tama siya. Sobra sobra naman siguro kung hihiling pa ako ng sobra pa doon. Kontento nako sa kung anong meron ako ngayon. Nagreply naman si Mico sa message kk kaya tinignan ko muna ulit iyon. From: Miguel Cortez Ganun ba, sorry di kita napuntahan kaninang break. Di ko rin inasahang pupunta si Chloe dun. Kitakits nalang bukas, bawi ako:) Received. So Chloe pala yung pangalan niya. Tsaka bakit kailangan niya bumawi, ako dapat yun dahil umalis ako ng di nagpapaalam. Si Mico ay isang idol ko lang, at ako naman ay isa lang sa milyon-milyong fans niya. Tandaan mo yan, Keira kung ayaw mong masaktan sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD