5

1401 Words
Today is d day! Di pa rin ako makapaniwala na makakanood ako ng LIVE shooting ng mga idols ko. Kung panaginip man to, wag niyo muna akong gisingin! Maaga palang, tinext na sa'kin ni Mico ang location ng lugar kung saan sila magshoshoot. Sinabi niya rin ang oras at kung saan kami magkikita. Di rin naman kasi ako papapasukin pag ako lang ang didiretso doon. Naligo na rin ako agad dahil kailangan ko na umalis before lunch. Sabay raw kami Mico kakain kaya naghanda na rin ako. Nagpaalam na rin muna ako kay Den at umalis na pagkatapos. Casual lang ang suot ko dahil makikinood lang naman ako noh, ayoko namang magbida bida na akala mo kasali ako sa cast HAHA. Pagdating ko sa venue na sinend ni Mico, natanaw ko na agad siya sa labas pa lang ng resto. Nakasuot siya ng black na hoodie at shorts habang busy sa phone. Naglalaro siguro, focused na focused eh. Tumingin agad siya pagbukas ko palang nung pinto. Tinago niya agad ang phone at umayos ng upo. "Uy, kanina ka pa? Sorry, medyo traffic kasi papunta dito." sabi ko sabay upo sa upuan sa harap niya. "Di, okay lang. May 1 hour break kami sa shoot." sumenyas naman siya sa waiter kaya lumapit naman ito dala ang menu. Nasa kabilang kanto lang pala ang tent nina Mico sa shoot kaya mabilis lang naman siyang makakabalik doon. Naka cap lang rin siya ngayon para walang makapansin masyado sa kanya. Pagkatapos kumain, tumawid na kami papunta sa dressing tent ni Mico. Pinakilala niya naman ako agad sa stylist at PA niya. Mukha rin silang mabait dahil todo ngiti rin sila sa'kin, pinaupo ako at binigyan pa ng bottled drink. Dahil madali nang magresume ang shoot nila, nagsimula nang ayusan si Mico. Vinivideohan ko naman siya dahil nakakaaliw siya habang minemake up-an. "Mamaya, ipapakilala kita sa iba. Excited na yan oh," pang aasar niya naman habang nagvivideo ako. Tama naman siya, excited naman talaga ako noh. Medyo kinakabahan nga lang dahil baka ayaw nila na may mga fans na nanonood. Maya-maya pa't may pumasok sa tent. Nilingon ko naman iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Drake iyon. Grabeee, ang tangkad at ang pogi niya lalo sa personal! "Hey bro," dire-diretso lang siya papunta kay Mico habang nanatili akong tulala sa kanya. Star struck yan?! Naka school uniform pa naman ang outfit nila ngayon at sobrang bagay talaga sa kanila iyon. Rinig ko naman ang ngisi ni Mico kaya biglang nawala ang pagkatulala ko. Bumaling naman ako sa kanya habang magkasalubong ang kilay. "Tss. Ganun ba siya kapogi para tumulala ka ng ganyan?" tinaasan niya naman ako ng kilay. Nagpabalik-balik naman ang tingin ni Drake sa aming dalawa ni Mico kaya binigyan ko siya ng awkward smile. Napailing naman si Mico habang natatawa. "Who---your new PA?" tanong ni Drake kay Mico sabay turo sa akin. Awit sa PA. Grabe ka naman, Drake! Sa bagay, magmumukha talaga akong PA kung ganito kapogi ang kasama ko. "No, she's my schoolmate." sagot naman ni Mico. Agad namang napatakip ng bibig si Drake at nag-wai sa akin. May mga sinabi siyang Thai na salita pero di ko naman naintindihan dahil di pa ako gaano karunong. Napatingin naman ako kay Mico. "Ang sabi niya, sorry daw at nice to meet you. Oh wag ka masyadong kiligin," pagbabanta niya sa'kin. Parang tanga amp. May sinabi rin siya kay Drake pero Thai language kaya di ko rin naintindihan. Baka kung ano na'ng sinasabi niya jan! Bumaling at tumuro naman sa akin si Drake. "Ohh! You're Filipino. Sorry, I thought you're Thai. Nice to meet you, and I am sorry for earlier." Woah, ang fluent talaga mag English nitong si Drake. Nag-wai naman ako sa kanya. "Hi Drake! It's so great to finally meet you, I'm Keira." sinusubukan ko talagang itago ang excitement ko dahil baka mapalayas ako dito. Agad ko namang binigay ang cellphone ko kay Mico kaya binigyan niya naman ako ng nagtatakang tingin. "Picture. Picture mo kami," pagsenyas ko sa kanya. "Can I have a photo with you?" pagpaalam ko rin kay Drake. G na g naman agad siya kaya pumwesto ako sa katabi niya. Umakbay pa nga siya kaya mas nakakakilig talaga! "Thank you, thank you!" nag bow ako kay Drake at ganoon rin siya. "No problem." sabi niya naman. Pagkatapos noon, may isang staff na tumawag na sa kanila para magpatuloy sa shoot. Siyempre sumabay ako sa kanila pero sa may labas lang ng tent. Grabe, ang rami ring nanonood sa paligid. Parang ako yung nappressure para kina Mico. Sa scene na iyon, kasama niya na sina Nanon at Chimon. Nandoon rin sina Love at Tu! Grabe ang ganda nilang dalawa! Panay ang video ko doon at post sa ig stories ko. Siyempre, minsan lang to mangyari kaya sulitin na natin. Nang matapos sina Mico sa dalawang scene, pinakilala naman niya sa'kin sina Nanon at Chimon. Iyon rin kasi yung time na magpapalit naman sila ng outfit kaya sabay-sabay ulit silang inayusan pagkatapos. Grabe, ang bait rin nung dalawa. Sobrang approachable, di ka makakaramdam ng pagiging uncomfy sa kanila. Sobrang open nila at sila pa mismo ang nag initiate na makipag-usap sa akin. "Is she Keira? The one that you always tell us about," sambit ni Nanon. Ha? Kinukwento ba 'ko nito ni Mico sa kanila? Baka kung ano-ano na sinasabi niya tungkol sakin! Nakakahiya! Nang lumipat naman ang tingin ko kay Mico, parang nataranta siya at may sinabi siya kay Nanon gamit ang Thai language kaya napatakip ng bibig si Nanon. Napakunot ang noo ko dahil baka kung ano nanaman ang sinabi niya doon. "A-ah, guys, she's Keira, my schoolmate." sabi naman ni Mico. Nagkatinginan naman sina Nanon at Chimon sabay tango ng marahan sa isa't isa. Anong meron? "Sawasdee krap, Keira. I guess you don't speak Thai, right?" sabi naman ni Chimon. Grabe, ang popogi at ang tatangkad talaga nila. Di pa rin ako makapaniwalang nasa harap ko na sila ngayon. Nagbow rin ako sa kanya agad. "Sawasdee kha! I'm Keira. I'm still learning how to speak Thai," at nginitian ko silang dalawa. "That's good! Nice to meet you, Keira. I'm Nanon, and this is Chimon." nahihiya na ako dahil talagang pinipilit nilang magsalita ng English kahit parang di pa sila gaanong sanay, pero at the same time nakakatuwa rin dahil ang bait nila. Maya-maya naman, pumasok sina Love at Tu sa tent! Ang gaganda at kikinis ng mga to grabe, nakakahiyang tumabi. Nagulat nga ako dahil bigla silang tumakbo papunta sakin. Nakatayo na sila ngayon sa magkabilang gilid ko. "Hi! Keira right?" panimula ni Love. Bakit parang kilala na nila 'ko dito? Eto talagang si Mico, baka kung ano-ano na sinasabi tungkol sa'kin. Tumango naman ako sabay ngiti ng malaki sa kanilang dalawa ni Tu. Mukhang excited na excited sila ah. Medyo naweweirdan na tuloy ako. Lagot ka talaga sakin Mico! "I'm Tu. She's Love. It's so nice to finally meet you! Mico always---" naputol ang pagsasalita ni Tu nang biglang tumikhim ng malakas si Mico kaya napatingin kaming lahat sa kanila. "Back to shoot, back to shoot." sabi niya sabay tayo na. Scene niya na kasama sina Nanon, Chimon, at Tu kaya naman naiwan ako sa tent kasama si Love. Ngumiti naman siya at tumabi sa'kin. Sobrang bait talaga ng itsura nito ni Love kaya isa rin siya sa mga favorite kong babaeng artists dito sa Thailand. Ang pretty niya pa. Nagkwentuhan muna kami tungkol sa mga shoot nila, at parang komportable na rin agad sa'kin si Love dahil madami na siyang nakkwento lalo na tungkol sa mga sinasabi ni Mico tungkol sa'kin. "Mico always tell us that you are very good at writing whenever we read our scripts, and how you get so cute when you're shy around him. He's right, you are very cute in person!" tuwang tuwa siya sabay alog ng braso ko. Wow ah, nasobrahan naman ata sa compliments si Mico. Pero bakit niya naman niya ako itotopic kahit nasa trabaho siya? Baka mamaya niyan idol niya na rin ako, joke. Di ko rin naman alam kung paano sasagot dahil di naman ako sanay na kinocompliment ako. Nadistract na rin ang pag-uusap namin nang may isang matangkad at magandang babae ang pumasok sa tent. Lumapit naman agad si Love doon at bumati. Sino kaya yun? Mukhang di naman ata siya artist pero para siyang model o beauty queen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD