Nandito ako sa pinakataas ng bleachers. Ang raming tao, mas okay na dito lang ako para di masyadong magulo at walang makakapansin. Ganito rin ang gawain ko noon nung nasa Pinas pa ako. Tuwing nanonood ako ng game, palaging nasa taas lang ng bleachers.
Pagdating ko, nagsisimula na ang game. Lamang agad sina Mico ng 4 points. Nakakita rin ako ng mga pamilyar na mukha sa laro at di rin nagtagal nang marealize ko na naglalaro rin pala sina Nanon, Drake, at Chimon.
WAAAAAH nandito rin pala sila! Grabe, siyempre kasali sila sa idols list ko. Imbes na makapagfocus tuloy sa game, sa kanila ako nakatingin. Di ko kasi agad naabsorb na nasa same place ako kung asan sila! Ang tatangkad pala nila sa personal at siyempre ang popogi rin, expensive.
Nang matauhan na, balik ang panonood ko sa game at dikit na ang laban. Si Mico yung napapansin kong nakakascore ng marami sa team niya. Ang galing niya rin pala maglaro, 3 points pa madalas yung tinitira niya kaya pala yun yung nakita kong pinagpapraktisan niya nung training.
Makulit at very energetic na Mico pa rin ang nakikita ko. Parang kahit saan yata, di siya nauubusan ng energy ah. Nakikipagtrashtalk rin siya kay Drake na halatang pabiro. Ang cute nga nila eh!
Magagaling rin yung tatlo. Si Chimon yung kakampi ni Mico habang sina Nanon at Drake naman yung nasa kalaban nila. Di gaya ni Drake, seryoso sina Nanon at Chimon sa paglalaro. Yung walang barka-barkada ganun. Pag laro, laro lang ang focus.
Maya-maya ay tumawag sakin ulit si Den at tinanong ako kung nasaan ako kaya pinapunta ko na rin muna siya dito sa gym. Gusto rin daw kasi niyang manood.
Panay ang hiyaw ni Den pagkarating at chinecheer niya si Mico. Halos lahat naman ng nandito actually, sumisigaw pag nakakascore siya. Inisip ko nga na baka nandito lang naman sila para makita mga crush nila eh, hindi naman para manood ng mismong game.
Nang matapos ang laro, nanalo sina Mico. Marami agad ang lumapit sa kanya para magpapicture. Ganun rin kina Nanon. Di niya naman tinanggihan ang mga ito kaya mas dumadami yung nagkukumpulan doon.
"Oh Kei, sumali ka na dun! Tignan mo oh nagkukumpulan mga fangirls ni Mico mo!" inasar naman ako ni Den.
"Pinagsasasabi mo, tara na nga magdidilim na." sabi ko naman at nauna nang bumaba sa bleachers.
Nang malapit na kami sa may parking, may pamilyar na boses na tumawag sakin. "Keira!" si Mico!
Tumigil muna kami sa paglalakad at nilingon siya. Ganoon pa rin ang suot niya at pawis na pawis pa. May towel rin siya sa balikat at nagpunas punas muna ng mukha pagkatigil niya sa harap namin.
"Oh! Galing niyo ah, congrats!" binati ko siya sabay palakpak.
"Nanood ka pala, di kita nakita hinahanap kita dun," nagulat ako sa sagot niya at siniko naman ako ni Dennise. Bakit niya naman ako hahanapin? Pinapakilig naman ako ni Mico, pero siyempre bawal pahalata.
Tumikhim muna ako bago magsalita. "Bakit?"
Nakapamewang naman siya at nagpout. Takte Mico wag kang ganyan! Baka iuwi kita ng wala sa oras. "Hmm wala lang. Teka hintayin mo na'ko. Dinner tayo. Sama mo na rin si....Dennise,right?" tumuro naman siya kay Den.
Teka ano? Dinner? Bakit naman niya kami gusto kasabay magdinner?
Di ko na lang siya ulit tinanong kung bakit dahil wala naman siyang matinong isasagot. "Ah, okay" marahan naman akong tumango. Again, sayang ng opportunity. Miguel Cortez yan eh, sinong makakatanggi?
Bigla namang nagsalita si Den. "Ay ano! Naalala ko, may due pala kaming assignment pag 8pm di ko pa nagagawa! Kayo na lang magdinner, uuwi na 'ko. Akin na susi, Kei." Binigyan ko naman siya agad ng nagtatanong na tingin. Assignment?
Dahil di ako agad kumilos, siya na ang kumuha ng susi na nakasabit sa keychain sa pantalon ko. "Salamat! Mico, ihatid mo si Keira pauwi ah, dadalhin ko na muna tong kotse mo. Gabi na kasi, nakakatakot magcommute. Bye!"
"Hoy tek---" at agad na nga siyang umalis bago ko pa mapigilan.
Binigyan ko naman ng awkward smile si Mico. Nakakahiya! Baka kung ano pang sabihin ng mga makakakita sa'min. Pwede pa ba ko magbackout?
Magsasalita na sana ako pero naunahan nako ni Mico. "Let's go?" at nagsimula na maglakad.
"Ahh..wait!" teka paano ko ba sasabihin? Ayoko rin naman maging rude pero di ko alam kung paano dapat sabihin.
Nilingon niya naman ako at nagsalita. "Wag ka mag-alala, ihahatid naman kita pauwi. Magpapalit lang rin muna ko ng damit. Kunin ko muna sa kotse, pwede namang dun mo na ko hintayin sa sasakyan."
Di na niya ako hinintay makapagsalita at dumiretso na sa paglalakad kaya sinundan ko nalang rin siya. Hays bahala na.
Nang makarating na kami sa isang puting Honda Civic pinatunog na ni Mico ang key alarm at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat. Nag bow nalang ako sa kanya bilang pasasalamat. Di naman niya kailangan gawin yun, pero ang gentleman naman.
Kinuha niya lang ang mga extra niyang damit sa likod at nag CR muna para makapagpalit. Naiwan muna ako sa sasakyan kaya naisipan kong obserbahan muna ang interior nito. Isa rin kasi ang Honda Civic sa mga dream cars ko, ang angas kasi.
Grabe, ang bango at ang linis ng sasakyan niya. Halatang alagang-alaga. Nakita ko rin na lagi siyang may dalang alcohol doon tsaka tissue. May iilang tshirt rin na nakasabit sa may bintana sa likod.
Pagbalik ni Mico, dumiretso na kami sa kakainan namin. Tinanong niya ako kung anong gusto ko pero sabi ko kahit ano naman okay lang. Nakakahiya namang magdemand sa isang Miguel Cortez! Kaya ito, hindi ko alam kung saan na kami pupunta.
Tumigil siya sa isang restaurant na walang masyadong tao. "Dabest ang pagkain dito, konti lang rin ang tao. Promise, magugustuhan mo dito." ngumiti siya sa akin pakatapos alisin ang seatbelt.
Mukhang mamahalin ang restaurant. Pang mayaman. "Good evening sir Mico!" Mukhang madalas rin si Mico dito dahil kilala na siya ng mga staff. "Good evening," binati niya rin sila at nginitian.
Umorder na lang ako ng kung ano rin ang kay Mico dahil di ko rin naman alam kung ano ang masarap dito. Parang lahat naman eh. Kaya since sanay na si Mico dito, pinili ko na lang rin yung order niya.
"Sa Saturday, may shoot ako. Gusto mo sumama?" biglaang tanong niya. Ako? Isasama niya sa shoot niya? Hala gusto ko!
Nanlaki naman ang mga mata ko sabay turo sa sarili. "Talaga ba? Pwede? Baka pagalitan ako dun ah," sagot ko naman.
"Hindi yannn. Mababait sila, promise. Tsaka diba gusto mong makilala mga idols mo? Nandun yung iba." sabi niya naman sabay taas ng dalawang kilay.
Dahil dun, mas lalo akong nabuhayan at naging interesado. "Talaga? Sino? Teka...Kasama mo ba sina Nanon? Nakita ko sila nung game, sayang nga di ako nakapagpapicture."
Tumango naman siya. "Oo kasama ko siya, pati sina Chimon at Drake."
"Hala! Sige, sama ako ah. Kakapalan ko na mukha ko. Idol ko kasi talaga sila! Halos lahat naman actually kayo gusto ko talaga mameet." ngayon lang kumapal mukha ko sa kanya ah.
"Talaga ba, gusto moko mameet?" binigyan niya naman ako ng nang-aasar na tingin. Bigla tuloy ako nahiya at napayuko.
"O-oo, kayo nina Nanon..." tumikhim naman ako pagkatapos. "grabe ang tangkad pala nila tsaka ang popogi noh," dugtong ko pa para di maging awkward.
Nanliit naman ang mga mata ni Mico at pinatagilid ng konti yung ulo. "Mas pogi ako sa kanila," pagyayabang niya naman.
Ikaw naman talaga pinakapogi duh, ikaw yung crush ko eh.
Inirapan ko nalang siya para maitago ang kilig. "Bahala ka kung anong gusto mo isipin. Basta ah, sama ko sa Saturday. Walang bawian,"
Ngumiti naman siya ng todo at tumango-tango. "Nicee, sure. Ayos."