1

2020 Words
"Mag-iingat kayo dun, Kei ha? Tumawag agad pagdating. Nakahanda na ang kotse niyo dun sa condo na papasukan niyo, pinahatid na ng papa mo sa tito mo." Nasa airport na kami ngayon papuntang Thailand. Kasama ko ang best friend ko na si Dennise, doon na kasi kami mag-aaral ngayong college. Hinatid lang kami ng mga magulang namin. Grabe. dream come true ito. Noon, nag-iimagine lang ako na nag-aaral ako sa Thailand. Dulot na rin siguro ito ng pagkahilig ko sa pagnood ng mga Thai series. Pero ngayon, magkakatotoo na ang pangarap na iyon kaya sobrang laking pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil sinuportahan nila ako sa pangarap na 'to. "Opo ma, pa. Ingat kayo dito ah, vc vc nalang." yumakap na ako sa kanila at pumasok na kami ni Den. Kung pwede nga lang na isama ko ang buong pamilya ko sa Thailand, ginawa ko na. Alam kong mahirap mahiwalay sa pamilya lalo na kung nasanay ka na sa buong buhay mo, kasama mo sila sa iisang bahay. Aalis pa nga lang kami, parang namimiss ko na agad ang bahay namin. Para maiwasan ang lungkot na namumuo sa akin, nagpatuloy na lang kaming mag-aral ng Thai language habang nasa flight dahil importanteng may alam kami doon lalo na't medyo matagal kaming magsstay dun. Kaso, mahirap talaga siya kaya basic words at phrases lang talaga ang matandaan ko. Okay lang rin naman yun sa ngayon dahil halos English naman ang main language doon sa university na papasukan namin. Iniisip ko palang na makakatapak na ako sa Bangkok, napalitan ang namumuong lungkot ng tuwa. "Sawadee kha, Dennise." pagbati ko kay Den na ang ibig sabihin ay hello or hi. Nagsave kasi ako ng mga videos na nagtuturo ng basic Thai. Tinulugan nga lang ako ni Dennise, hindi man lang to nagpractice kahit konti. Tss. Di rin naman masyadong matagal ang byahe dahil nasa Asia lang rin naman ang Thailand. Sobrang naeexcite talaga ako dahil pangarap kong makapunta dito, imagine, dito pa pala ako magcocollege at kasama ko pa ang best friend ko! Pero ang totoo, mas nakakaexcite kapag naiimagine ko na may mamemeet ako na mga idols ko dito. Paniguradong bibisita kami sa building nila pag may oras. Isang araw bago magpasukan, pinuntahan namin ang university na papasukan namin para mafamiliarize na rin kami kahit papaano at para na rin di kami malate sa klase bukas. Malaki ang university na iyon at sa pagkakaalam ko, isa rin ito sa mga university kung saan maraming nag-aaral na mga artista. Yun talaga ang inaabangan ko dahil isa akong fan ng mga Thai series, lalo na BL. Malay mo, may kaklase akong sikat diba. Malay mo lang naman. Pero di malabong mangyari yun no. Di naman mahirap matandaan ang daan dito sa university. Parang Pilipinas lang rin ang atmosphere dito kaya mukhang di rin naman kami mahihirapan mag adjust. Pakiramdam ko nga parang nasa Pinas lang ako dahil mga mukhang Pinoy rin naman ang mga tao dito pati mga kalsada at buildings. Parang lahat nga eh. Ang pinagkaiba lang siguro, maraming mga temples dito dahil Buddhism ata yung main religion nila halos. --- BS Biology ang course na kinuha ko habang BS Economics naman ang kay Dennise. Ngayon na nga ang first day namin at medyo kinakabahan ako dahil di ko na kasama si Den sa klase. First time ko pa namang lumipat ng school, sa ibang bansa pa nga. "Kaya mo yan! Sige na, mauna ka na pumasok. Oh basta sabay tayo maglunch ah, kita nalang tayo dito." sabi ni Den at hinintay akong makapasok sa room ko. Sobrang kaba ko talaga pero buti nalang naikalma ko naman ang sarili ko nang makitang mukhang okay naman ang mga kaklase ko. May mga foreign students rin pala akong kaklase kaya medyo gumaan rin ang pakiramdam ko. Marami sila, actually. Pansin ko ring walang gaanong pakialamanan ang mga tao at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Napabuntong hininga ako pag upo ko sa bakanteng upuan sa likod para mabawasan ang kaba. Mas okay na dito ako para walang masyadong makapansin sakin. Ayoko pa naman ng masyadong napapansin ng mga tao. Nagsimula na ang klase namin at napansin kong napakafluent na rin mag English ng prof na iyon. Nagtuturo na siya nang may babaeng tumakbo papasok ng classroom namin. Kaklase ko siya. Late na siya at mukhang tumakbo talaga papunta dito dahil magulo na ang buhok niya at nalaglag na rin ang strap ng tote bag niya sa balikat. Hingal na hingal pa siya pakapasok. Pinagtinginan naman siya ng mga kaklase namin at bumati naman siya sa prof. Buti na lang at di siya napagalitan kaya dumiretso na siya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Tahimik lang akong nakikinig sa prof nang may kumalabit sa'kin. Nilingon ko naman yung babaeng late kanina. "Uh saaa...was...dee kap? I'm Kamila. Sorry, I don't speak Thai." naglahad siya ng kamay pagkatapos. Nginitian ko naman siya at tinanggap ang pakikipagkamay. "Hello! It's okay. I am not Thai either. I'm Keira." Mas gumaan ang pakiramdam ko nang malaman na hindi rin pala siya gaano karunong magsalita ng Thai. Natawa naman siya at napailing. "Oh, right. Sorry, you look like you're from here. Where are you from?" tanong niya. Di ko rin naman siya masisisi dahil parang mga Pinoy lang rin ang itsura ng mga Thai. "I'm from the Philippines. How about you?" siyet. Mukhang mapapasubo talaga English skills ko dito. "Really?! I love your country! I've been there for like 3 times I think. I would always love to go back. I'm from Indonesia." sabi niya naman. Wow, Keira. First time ata to ah. First day of school, may kaibigan ka na agad! New school, new country, new life na ba to? Usually kasi, matagal pa bago ako magkaroon ng kaibigan dahil hindi ako ang unang lumalapit sa kanila. Kung sino lang ang mag approach sa'kin, sila lang din ang pinapansin ko kaya madalas akong sinasabihang snob sa school ko dati. Eh ano bang magagawa ko? Di ko naman alam kung paano sila lalapitan at kung ano'ng sasabihin sa kanila. Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko para kaibiganin lang sila no. Ano sila, gold? Joke lang. Pagkatapos ng mga klase ko ngayon, nagkaroon kami ng club hopping kaya naman naging abala kami ni Den sa paghahanap ng papasukan naming club. Di ako gaanong nagpaparticipate sa mga org pero mukhang required ata iyon dito. Sa huli, sa journalism club kami napunta. Pumasa kasi kami doon pagkatapos magpasa ng sample article kanina. Nag audition kasi kami dahil feeling namin dun lang ang kaya namin. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil may club na kami. Kung di kami nakuha dito, di ko na alam kung saan ako mapupunta eh. Writer rin kasi ako noong senior high kaya may experience na rin ako sa mga ganito. Ganoon rin naman si Dennise. Oh diba, lagi ko siyang kasama sa lahat ng mga kaganapan ko sa buhay. Kaya ngayon tuloy, nahihirapan akong mag adjust sa independent life. Nagpakilala kami isa-isa pagdating ng club hours. Ayoko talaga ng mga ganitong introduce yourself dahil allergic ako sa public speaking! Kailangan pa talagang sa harap kami magsasalita. Kabadong-kabado nanaman tuloy ako habang naghihintay ng turn ko. Kahit less than 1 minute lang naman iyon, pakiramdam ko sobrang tagal na yun. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita pagdating sa harap, pero bago pa man ako magsalita, may dumating na estudyante sa back door na ikinagulat ko naman dahil si Mico iyon. Siya lang naman ang isa sa mga crush kong Thai actor. Kaswal lang siyang pumasok at umupo sa pinakalikod. Wala lang ring reaksyon ang mga tao nang pumasok siya. Parang normal na lang sa kanilang makakita ng ganito ka-gwapong nilalang. Sinasabi ko na nga ba eh. May makikita talaga akong artista dito! At sa swerte ko ba naman, si Miguel Cortez pa. Isa sa mga pinakacrush kong Thai actors. Teka.....wag mo sabihing.....Nasa journalism club rin siya?! Sa sobrang distracted ko, di ko na namalayan na hindi pa pala ako nakakapagsalita kaya nataranta ako't nagmadali lang sa pagpapakilala. Naconscious ako bigla eh! Nakatingin pa naman siya ng diretso sa'kin habang nagsasalita ako. Nginig na nginig naman ang mga tuhod ko. Totoo ba talaga to? Hindi lang schoolmate, kundi clubmate ko rin ang isang Miguel Cortez?! Di ko maisip na sa journalism club siya sasali. If ever man, inisip ko baka sa acting club o sports club siya sasali. Pag-upo ko, pasimple ko siyang tinuro kay Den habang tinatago ko ang kilig ko. Malamang sa ngayon, sobrang pula nanaman ng mukha ko. Ang tangkad at pogi niya lalo sa personal! Pero siyempre kailangan act normal ako dahil magmumukha naman akong crazy obsessed fan girl na pumunta lang dito sa Thailand para makakita ng mga pogi. "Alin jan, yung nakabukas ang butones?" tanong ni Den. Wala kasi siyang masyadong kilala sa mga Thai actors. More on kdrama kasi ang pinapanood niya. Nanonood rin naman ako ng kdrama pero mas marami na akong napanood na Thai series. Nagsimula iyon nung nirecommend ng isa ko pang kaibigan sa Pinas ang isang BL Thai series, kaya simula noon, nagustohan ko na ang mga Thai series lalo na pag BL. Kinurot ko naman siya sa siko dahil napapalakas nanaman ang boses niya. Di pa naman ni Den kayang manahimik madalas. Delikado na kahit alam kong wala namang makakaintindi samin dito pero malay mo meron diba? Pasiguro lang naman. "Aray!" pabulong na sigaw ni Den pakakurot ko. "Gaga ampogi naman nun, di mo man lang ako sinabihan na may mga pogi rin dito," bulong niya pa. Ayaw kasi maniwala eh. Akala niya mga normal na Pinoy lang ang mga itsura ng mga Thai people. Karamihan nga sa mga artista kanila ay mukhang mga Koreans din eh. May pinagawa sa aming activity na kung saan bubunot kami ng papel mula sa lalagyan at kung sino ang kapareha ng nabunot namin, yun ang magiging partner namin. Heto nanaman tayo sa mga paganitong activity! Sino naman kaya ang makakapareha ko dito? Number 8 ang nabunot ko at tinanong ko agad si Den kung ano ang sa kanya kahit na malabong magkakapareha kami. Meant to be na kami kung ganon. Bigla naman akong nanlumo nang makitang number 5 yung kanya. Sayang. Hahanapin ko muna tong kapartner ko o kung hindi, baka naman siya ang makahanap sa akin. Napatigil ako nang may marinig na sigaw mula sa harap. "number 8!" pamilyar ang boses na yun ah. Napatingin ulit ako sa hawak kong papel at 8 nga talaga ang nakalagay doon. Dahan-dahan naman akong napaharap doon at nakita ko si Mico na winawagayway ang kamay niya doon, hawak ang papel na may nakasulat na 8. Di ko alam kung matutuwa ako o ano. Nakakahiya! Parang gusto ko nalang makipagpalitan ng papel pero siyempre sayang naman ng opportunity! Sa 40 students na narito sa classroom, siya pa talaga ang makakapareho ko? Pinaglalaruan nanaman siguro ako ng tadhana. Pinag-iisipan ko kung ako ang unang lalapit sa kanya pero naisip ko na dapat lang! Nakakahiya naman kung siya pa ang unang lalapit sa akin. Ang special ko naman kung ganon kaya lumapit na ako sa kanya pero malayo ang tingin niya kaya pinakita ko ang hawak na papel sa kanya. Nakuha ko naman ang atensyon niya at mula sa seryosong mukha, napalitan ito ng ngiti na natatakpan nanaman ang mga mata niya. Di ko kaya! Nanginginig nanaman ang mga tuhod ko. Ba't naman ganyan, Mico? Nag-wai (wai is a sign of respect or greeting sa Thailand) sa akin si Mico at nagpakilala kahit kilala ko naman na siya. Nagpakilala rin ako pagkatapos pero nakakainis dahil utal-utal ako magsalita! "He-hi, I-I mean...S-sawa..sawadee, I'm..." naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita siya. "Keira. You are Keira, right?" Bumilis nanaman ang t***k ng puso ko! Teka pano niya nalaman ang pangalan ko?? Nakakakilig naman mabanggit ang pangalan ng isang Miguel Cortez! Naalala niya siguro noong nagpakilala ako kanina sa harap. Grabe! Inalala pa talaga niya pangalan ko. Feeling ko special nako. "Ch-chai.(Chai means yes in Thailand) N-nice to m-meet y-you, Mi...Mico.." tumikhim ako matapos sabihin ang pangalan niya dahil pakiramdam ko, wala akong karapatang tawagin siya ng Mico lang! Ano ba to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD