2

1764 Words
Excused kami ngayon for 3 days dahil magsusulat kami ng articles para sa school paper. Buti na lang at kasama ko si Dennise para di naman ako magmukhang loner at medyo matagal na rin kaming hindi nagkakasama dito sa univ dahil busy na rin kami sa kanya-kanyang schoolworks lalo na't magkaiba kami ng course. Madalas, tuwing hapon na lang kami nagkikita pag sinusundo ko siya sa univ pero minsan naman, ako ang sinusundo niya. Naghihiraman lang kami ng sasakyan. Pag may free time naman, sabay naman kaming kumakain ng lunch. Sa isang table dito sa library, kami lang ang ni Denden ang naroon dahil bago palang nga kami at wala pang masyadong kilala sa org na to. Halos mga close na rin ata sila dito pero okay lang naman, baka soon makasundo na rin namin sila. Sa ngayon, abala muna kami ni Den sa pagsusulat ng articles na inassign sa'min. English naman iyon kaya walang problema. Mas okay na rin ito na kami lang ang nandito sa table para mas makapagfocus kami sa ginagawa namin. Tahimik lang rin ang lahat at kung may mag-uusap man, mahina lang ang boses nila dahil nasa library nga kami. "Mico is here, mico is here!" rinig kong bulung-bulungan ng mga nasa katabi naming table kaya napalingon ako sa pinto at nakitang kakapasok lang ni Mico doon, saklay ang itim na duffle bag sa isang balikat niya. Yung puso ko nagiging abnormal nanaman! From kalmadong puso to nagpaparty party na puso. Nagcecelebrate siguro yung puso ko dahil nakita si Mico. Dumiretso naman siya sa table ng dalawang lalaki na busy sa mga laptop nila. Sila siguro ang editors ng org dahil napansin ko sa mga badge nila na mga seniors na sila. Umupo si Mico doon at sumandal sa upuan habang nagsstretch ng mga arms niya. Biglaan naman siyang napatingin sa gawi ko kaya binalik ko agad ang tingin ko sa ginagawa ko. Naramdaman ko naman agad na may naglalakad papunta sa may likod ko at tumigil ito sa harap ko. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa table namin kaya tiningala ko siya. Alam ko na agad na si Mico iyon. Mga ugat pa lang ng braso, alam kong siya na yon. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Den at naramdaman ko namang sinipa niya ako sa ilalim ng table kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. Kilig na kilig naman siya pero di naman ni Mico nakikita dahil nakatalikod siya sa kanya. "Hi Keira! Uupo ako ah," nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko siyang magTagalog. Marunong siya magTagalog???! Di agad ako nakasagot dahil nabigla sa narinig, pero umupo pa rin naman siya. What the hell is this? Totoo ba 'to? Nandito na nga siya sa table namin, kinausap pa niya ako, tapos Tagalog pa! "NakakapagTagalog ka?" bigla namang nagsalita si Den habang nakaturo kay Mico. Nagsitinginan tuloy ang mga kasamahan namin sa kanya dahil nanaman sa lakas ng boses niya. Konting ingay pa talaga Dennise, baka makick out ka na sa org na to. Buti nga at hindi naman siya napagsabihan kaya napatakip na lang siya ng bibig at yumuko. Tumango naman si Mico at sumagot. "Oo, half Filipino ako tsaka inaral ko to ng 2 years eh. Fluent na ko oh, " ngumiti siya kay Den at nilipat naman sa akin ang tingin pagkatapos. Ang weird namang marinig siyang nagTatagalog! Naiimagine ko tuloy yung mga nagdudub ng lines nila pag pinapalabas yung mga series nila sa Philippine TV. "A-a..G..gal..." parang hinihintay niya ako magsalita pero sobrang nanginginig talaga ako ngayon at hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kanya! Nakakahiya nanaman tuloy. Pero ang galing naman talaga. Sa lahat ng pwede niyang araling language, Filipino pa talaga ang isa sa mga inaral niya. Hays, parang inaral niya talaga para sa'kin eh no. Joke lang, ang feeling ko naman. Siyempre aaralin niya iyon dahil half Pinoy siya noh. Bobo lang, Keira? "A-ayos..." yun na lang ang sinabi ko sabay ng pilit na tawa bago bumalik sa ginagawa ko kahit di ko na rin alam kung anong mga pinaglalagay ko dun. Kahit gusto ko man siyang kausapin, hindi nakikisama ang braincells at bibig ko dahil biglang nawawala sila pag nasa harap ko na si Mico. Parang nagiging invisible, ganoon. Mas lalo naman niyang nilapit ang upuan sa tabi ko at tinignan ang ginagawa ko. Napatigil ako at di talaga ako makagalaw dahil sa ginawa niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Di ko rin naman magawang lingunin siya dahil ang lapit ng mukha niya sakin. Ang lamig na ng mga kamay ko at malamang, sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Ba't ba kasi siya nandito? Pero grabe, ang bango bango niya. Amoy expensive na halatang di mapapa sa'kin. Tumikhim muna ako bago magsalita. "A-anong k-kailangan m-mo?" sinabi ko iyon habang nakatingin lang sa screen ng laptop, kunware busy. Siyempre hindi ko kayang iharap ang mukha ko sa kanya sa sobrang lapit na noon. Ang awkward naman kung haharap ako sa kanya. Sana lang wag niyang isipin na masungit at snob ako kahit ganoon ang dating sa akin ng pinapakita ko ngayon. "Hmm...wala naman. Tinitignan ko lang. Ang galing mo palang magsulat ng articles," tumango-tango naman siya na para bang jinujudge yung gawa ko. Pero grabe, di talaga ako sanay na nagtaTagalog siya. Di ko maimagine, pero totoo talaga siya. At isa pa....did he just compliment my work? Lord, di ako makakafocus pag nandito siya! Ang kulit rin pala ni Mico, paano ko naman sasabihin sa kanya na di ako makapag focus pag nanjan siya? Sa pinapakita niya ngayon, baka asarin lang ako nun eh. Ganun kasi yung itsura niya ngayon, parang ready mang-asar anytime. Dahil na rin siguro napansin niya na hindi ako gaanong makatingin sa kanya tapos nauutal pa ako pag kinakausap siya. May pumasok namang lalaki dito sa library, nakasuot ng pangbasketball. Isa yata ito sa mga varsity players ng university basketball team. Nagtama ang tingin nila ni Mico at tinawag niya naman ito. "Mico! Coach is looking for you." sabi niya. Wag! Wag mo muna siyang kunin. De joke lang, mas mabuti na nga iyon para matapos ko na tong ginagawa ko. Baka pagalitan pa ako ng coordinator namin pag di ko to natapos ngayon. Bumaling ulit si Mico sa'kin pagkatapos siyang sabihan nung lalaki. "Go Keira!" pagcheer niya na may kasama pang hand signals. Nagsitinginan nanaman ang mga tao at imbes na kay Mico tumingin, sa akin sila nakatingin! Tumayo na siya pagkatapos at kinuha na ang duffle bag niya. Lumabas na rin siya at sumunod doon sa lalaki. Anong trip nun? Pakaalis niya, nakahinga na ako ng maluwag-luwag. Grabe, hinabol ko talaga yung paghinga ko. Tumabi naman agad sakin si Den para ikwento yung kilig niya raw sa amin kanina. "Para kayong magjowa, promise! Ang bagay niyo besh!" inaalog alog pa niya ako. Luh, oo jowa ko siya pero sa isip ko lang yun at ako lang ang nakakaalam nun. Umiling iling lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa ginagawa ko. Crush ko si Mico pero hanggang dun lang naman yun. Idol ko nga eh. "Pero teka....ibig sabihin ba non, basketball varsity rin siya?" dugtong pa ni Den. Dahil doon, napaisip rin ako. Oo nga noh, pinapatawag raw siya nung coach, edi ibig sabihin coach niya rin yon. So parte rin pala siya ng university basketball team. Ang galing naman. Artista na, journalist at basketball player pa. Napakaversatile talaga ni Mico kahit di halata. Ang simple lang rin kasi niyang tignan tsaka napakahumble rin. Hindi mo nga siya mapagkakamalang artista pag andito sa university dahil estudyanteng-estudyante ang dating niya dito. Buong araw kaming nagsulat at naginterview ng ilang school personnel kaya sobrang pagod namin ni Den pagkatapos. Mukhang nagpatuloy pa nga ang journalism career namin dito sa Thailand, pero okay na rin yun dahil malaking percent daw sa grade namin ang mga extra curricular activities, lalo na kung parte ka ng isang org or varsity ka ng isang team. Paglabas namin ng library, wala na rin masyadong estudyante kaya tahimik na sa hallway. "Kei, magsi-cr muna ko. Hintayin mo na lang ako doon sa may parking." sabi ni Den kaya naman nauna na akong maglakad papunta sa parking lot. Pag mga ganitong oras na wala nang masyadong estudyante, sobrang naaappreciate ko yung atmosphere ng school. Sobrang chill lang dito tapos mahangin pa dahil marami ring mga puno at halaman. Lakas maka Thai series vibes. Pag daan ko sa may gym, naririnig ko ang tunog ng mga bola at sapatos kaya napaisip ako kung nagttraining ba sina Mico doon. Dahil curious ako, pumasok ako sa gym pero sa likod ako dumaan para hindi halata. Tama nga ako, nakita ko rin agad si Mico na nagpapractice sa 3-point shooting niya. Nakasuot siya ng black jersey at white jersey shorts. Nakaneon green na headband rin siya. Ang gwapo niya tignan, ibang version nanaman ni Mico ang nakikita ko ngayon. Siya ngayon si MJ. Miguel Jordan. Di ko namalayang nakatulala na pala ako doon kaya nakita ako ni Mico. Paano ba naman kasi, ang galing at ang effortless lang ng ginagawa niya kaya mapapatitig talaga ako. Pero, huli na bago ako makaalis dahil tinawag niya ako. "Keira!" napapikit naman ako habang nakatalikod dahil sa katangahan ko. Ang talas rin pala ng mga mata nitong si Mico. Spotted agad ako sa liit kong to, samantalang ang tangkad tangkad niya. Huminga muna ako ng malalim bago lumingon. Paglingon ko, tumatakbo na siya palapit sa'kin. Di niya naman kailangan gawin iyon, baka mapagalitan pa siya ng coach nila. "Uwi ka na? Sino kasama mo?" tanong niya. Medyo weird nga lang at tinatanong niya ako ng ganyan ngayon. Tinanguan ko naman siya. "H-hinihintay ko lang s-si...Dennise. N-nag CR lang." I gave him an awkward smile. "Ah s-sige ano...u-una na'ko," tumalikod na ako agad at binilisan ang paglalakad. Yung makita palang niya akong andun eh malaking kahihiyan na, pano pa kaya yung pautal-utal kong boses na parang laging kinakabahan pag kausap siya. Rinig ko pa ang sigaw niya nang di pa ako nakakalayo. "Ingat! Take care!" ayoko namang maging rude kaya nilingon ko pa rin siya saglit at kumaway bago tuluyang umalis. Nagmadali akong pumunta sa parking lot at sumandal sa kotse namin. Hinahabol ko nanaman ang paghinga ko dahil bukod sa pag-uusap namin ni Mico, hiningal rin ako sa paglalakad ng mabilis. Saktong dumating na rin si Den pagkatapos at nakita niya akong hingal na hingal doon. "Uy Kei, okay ka lang? Anyare sayo?" tanong niya. "Wala...Tara na," pumasok na ako sa driver's seat at pumasok na rin si Den sa kabila. Delikado na 'to, Miguel Cortez!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD