Chapter Two
Pinulupot na ni Brandall ang mga kamay sa baywang ko at walang kahirap-hirap na binaba ako sa lamesa. Nagpasalamat ako at natawa nang makita ang kalat sa sahig.
"If you're secretary will get in... Malalaman niya kung anong ginawa natin." I playfully said to him. Tumawa siya. My heart skipped a beat. How I always love to hear his laughter.
"Damn mademoiselle... You really driving me out of my control. Didn't you know I was so f*****g strict when it comes to office rules?" naaaliw na sabi niya.
Tumawa ako at niyakap ang kamay sa likod ng uluhan niya. Hinaplos ko ang likod ng collar niya. "Talaga? Parang hindi naman..." natutuwang sabi ko.
Hindi ito ang unang beses na pumunta ako sa opisina niya para dalhan siya ng lunch. Wala akong ibang ginagawa kaya iyon ang pinagkakaabalahan ko. Kapag ganoon... Nag-uusap lang kami o kaya naman maghihintay lang ako kasi lagi siyang may meeting.
Natutuwa ang puso ko na ganito siya. I know he is a dominant and strict dahil ganoon ang laging sinasabi ng mga nakakasalamuha kong empleyado niya. Ako lang ang bukod tanging nakakapasok sa opisina niya ng walang appointment. I feel special because of that. Kilalang-kilala na nga ako ng sekretarya niya at ng ibang mga empleyado niya eh.
Tumango siya at ngumiti. Naroon ang amusement sa mga mata niya at panunuyo sa mga iyon. My heart melt. "I don't want anyone inside my office if you don't have an appointment with me." sabi niya. Napangiti ako.
"So I am an exception?" tukso ko. Wala akong appointment sa kanya pero pinapasok niya ko sa opisina niya nang malaman niyang nandito ako. Noong una ngang punta ko rito ay ayaw ako papasukin ng sekretarya niya dahil wala raw akong appointment pero sabi ko roon sa sekretarya niya ay sabihin ang pangalan ko alam na ni Brandall iyon. Kaya ganoon ang ginawa niya.
"Of course you are. And... I don't do flirting specially making out in my own office. I guess... I really forgot my own rules when I'm with you. I really forget how to control when you are here. And damn... You're driving me nuts." bulong niya at malambing na hinalikan ako.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. How I love to hear my effects on him. How I made him forgot his rules when he's with me. I kissed him back twice. Humiwalay na ko sa kanya at bahagya siyang tinulak. "Sige na. Ayusin na natin ang opisina mo bago ako umalis." sabi ko sa kanya dahil baka saan na naman mapunta ang halikan namin. Napangiti ako dahil doon at nagsimula nang magpulot ng mga papel sa sahig. Kasalanan ko kung bakit sila nagkalat. Ang kulit kasi ni Brand. Napangiti ako.
Nagpulot na rin si Brand ng mga nagkalat na papel. Napangiti ako dahil ang isang CEO ng isang kilalang kumpanya ay nagpupulot ng mga papel sa sahig. Ang isang matayog at matipunong lalaki na dominante ay yumuyuko para tulungan akong damputin ang mga papel. My heart felt so happy and special seeing my dominant CEO doing this with me...
"This is really crazy." naaaliw na sabi niya. Hindi ko na napigilan ang tawa ko. "I know it does." sabi ko. Ngumiti ako sa kanya. "I can't imagine, you're really doing this." sabi ko sa kanya.
Tumawa siya. Hinawakan niya ang isa kong kamay at marahan akong hinila para mahalikan kahit nagpupulot pa rin kami sa sahig. "I'll do everything for you, my lady." he smiled. Natawa ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa. "Thank you, Sir." I teased him. Tumawa lang siya. Ang sarap talaga sa pandinig ng tawa niya.
Nang maayos na namin ang mga kalat ay inayos ko ang tie niya at pinasadahan ng kamay ang coat niyang bahagyang nagulo. Napangiti ako dahil doon. Dinampot niya rin ang blazer ko. Bahagya pa kong natawa roon at namula ang pisngi. Sinuot naman niya sakin ang blazer ko.
"Ihahatid na kita sa baba." sabi niya nang hawakan ako sa likod para ihatid ako sa labas. Agad akong umiling. Ayoko ng makaabala pa sa kanya. "I can handle." ngiti ko. Ngumuso siya.
Bakit ba napakagwapo ni Brandall? Akala ko noon... Si Lucian at ang mga pinsan na niya ang pinakagwapong nakilala ko pero hindi ko akalain na may Brandall pa palang darating.
"Good luck sa meeting, Brand." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Kitang-kita ko ang pagngiti niya nang humiwalay ako sa kanya. "Kumain ka ng inihanda ko para saiyo." sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at tumango. Alam naming pareho na binili ko lang ang binigay ko sa kanya. I don't know how to cook. Saming dalawa... Siya ang madalas na ipagluto ako. Wala akong alam sa gawaing may kinalaman sa bahay kaya natutuwa ako kapag si Brandall pa ang gumagawa ng dapat ay ako ang gumagawa. Napangiti ako dahil doon. He's a husband material!
"Una na ko." paalam ko. Hinalikan niya ko sa noo. "Take care please. Text me when you get home." masuyong sabi niya.
Kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi at ginawa niya. Home. He told me home kahit alam niyang sa condo niya ang tuloy ko. Talagang sinasabi na rin niyang bahay ko ang bahay niya. Pakiramdam ko nga bahay ko na rin ang bahay niya eh. Nakakatuwa. I feel like I am not alone. That he is home.
Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi bago na tumalikod para makaalis na.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho." habol niya. I am driving with my own. Ayaw nga niya na nagda-drive ako mag-isa eh. Nilingon ko ulit siya at ngumiti. "Yes, Sir." I smiled to him and salute at him.
He looks amused but he's eyes told me he's serious. Kumaway siya. "I'm serious, Mademoiselle." sabi niya in a serious tone. Napangiti ako. How I love when he called me with that. Siya lang ang tumatawag sakin niyan.
He keeps calling me mademoiselle, my lady and sweet.
Lumuwag ang ngiti ko. "I know. Don't worry you will see me in your condo kicking." I winked at him. He groaned. "I'm really serious Lucila Anika..."
And oh! That too! My whole name!
Natawa na ko. Kapag tinawag na niya ko sa buo kong pangalan... seryoso na siya niyan. "Kumain ka, Brand. I'll see you later." I smiled at lumabas na bago pa magbago isip ko.
Nang makalabas ay parang doon lang kumalma ang puso kong kung makatibok ay grabe.
"Ingat po kayo, Ma'am!" paalam nung sekretarya niya. Mabait ang secretary ni Brandall. Gusto ko siya. I smiled to her.
"Thank you, Aya." pasasalamat ko sa kanya at ngumiti sa kanya.
Dumiretso na ko sa elevator. At bawat madadaanan ko ay nagpapaalam sakin at sinasabihan akong mag-iingat. I just smiled to them. Mababait ang mga taong nagtatrabaho para kay Brandall. Para kay Daddy lang din.
Nang nasa elevator na ko ay hindi ko maiwasang mapaisip...
Ang bilis ng mga pangyayari... Malapit na kong aalis... Natatakot ako na baka hindi ko na maiwan si Brandall. Pero alam kong... kailangan...
Napabuntong-hininga ako. Ayokong malungkot o masaktan pero hindi ko maiwasan.
Sa totoo lang... Napakaswerte ko na nakilala siya. Parang napakaimposible na nangyaring nakilala ko siya. Very successful at young age samantalang ako... Ang alam lang ay gumastos at magtravel around the world. Masyado siyang sikat at magaling kaya nakakapagtaka na nagawa niya kong pagtiyagaan. Kilala siya sa larangan ng food production. Sila ang supplier ng mga goods. Ang alam ko... Sa Casa Dela Torre talaga ang pinaka main branch nila. May sarili silang farm para sa mga pagkaing inaangkat nila para ibenta at magproduce ng mga bagong pagkain.
They owned malls. As in mall with s. He's already a billionaire at the age of 28. Samantalang ako... Walang trabaho. Binibigyan ng allowance ng mga magulang para gastusin lang sa mga bagay na gusto ko o naisip ko lang bilhin. Lahat ng luho ko ay naibibigay ng mga magulang ko without any questions. I don't work. My parents treated me like their princess.
At isa pa I am the only daughter of a businessman. Mayaman ang pamilya namin at hindi kailanman natalo sa larangan ng hotel at restaurant.
Nakatanggap ako ng text ni Brandall habang nasa elevator ako. Napangiti ako.
Brandall:
Please take care, my lady. I'll see you later, babe.
Tumunog ang lift. Napangiti ako at lumabas na ko at dumiretso sa sasakyan. Pinaandar ko na iyon papunta sa condo ni Brandall malapit sa opisina niya.
Nakatanggap na naman ako ng text mula sa kanya pagkarating ko sa condo niya. Napangiti ako at binasa iyon.
Brandall:
Are you home safe?
Napangiti ako and I texted him back. Napaka thoughtful niya at sweet.
Ako:
Yup :) For you I made sure I will :) See you later, babe :) I won't disturb you but later I will, so better finish your work early, Sir :)
Naupo muna ko sa sofa at pinahinga ang paa. Napagod ako bigla. Naghanap pa kasi ako ng pwede niyang kainin pero wala naman akong napili kaya naisipan ko na magluto na lang.
Ano kayang lulutuin ko?
Napatingin akong muli sa cellphone ko nang tumunog iyon para sa text.
Akala ko si Brandall iyon pero nagkamali ako. Nakita ko ang pangalan niya...
Pangalan ng lalaking minamahal ko dahilan para makilala ko si Brandall at makasama siya ngayon.
Si Lucian.
May kirot ang bawat pagtibok ng puso ko. Napakagat ako sa labi at nanginginig ang kamay na tinignan ang text niya.
Lucian:
Where are you? Wala ka sa condo mo.
Napangiti ako at naexcite bigla. Ibig sabihin... Nasa Manila siya? At sa condo ko siya tumuloy! May access din kasi siya sa condo ko! Siya ang unang lalaking nakaalam ng password ko. Sila lang naman ni Brandall at Caiden ang nakakaalam. Caiden is one of my closest.
Agad akong nagreply.
Ako:
You're in Manila? Oh my gosh! I'll go to your unit!
Napakagat ako sa labi nang mapagtanto na masyado akong excited na makita siya. Paano kasing hindi? Matagal na rin kaming hindi nagkita at miss na miss ko na siya! Lagi ko naman siyang namimiss!
Pero bigla akong natigilan nang may maalala.
Lucian:
Saan ka? I'll fetch you.
Napangiti ako sa text niya.
Ako:
Hindi na. Ako na pupunta diyan. See you :)
Kinuha ko na ang bag ko at sinara ang condo ni Brandall. Nakatanggap ulit ako ng text ni Lucian.
Lucian:
See you :) Ingat sa pagmamaneho :)
Hindi ko napigilan ang manghina. Nakatanggap ulit ako ng isa pang text.
Brandall:
See you, honey. Take care.
Napamura ako. s**t! Nakalimutan ko na ang tungkol kay Brandall dahil kay Lucian. Anong gagawin ko? Nasabihan ko na nga pala si Brandall na magluluto ako para sa kanya pero paano si Lucian?
Shit!
I was torn between the two.
Napangiti ako ng mapait. Bakit ba kailangang mangyari ito?
I am Lucila Anika Sandoval...
I am torn between the man I loved which is Lucian and the other man is Brandall... Who's trying to make me forget about my love for Lucian.
Si Lucian ang lalaking pinakamamahal ko... Lalaking kahit kailan hindi ako nagawang mahalin ng higit pa sa kaibigan o kapatid.
At si Brandall... Ang lalaking tumutulong sakin ngayon para makalimutan ko ang pagmamahal ko kay Lucian.
Pero mahirap pala...
Kahit alam kong ginagamit ko lang si Brandall para kalimutan si Lucian... Hindi ko pa rin pala magawa ng tuluyan... Hindi sapat para kalimutan ang halos sampung taon kong pagmamahal kay Lucian.
Nagtipa ako ng reply kay Brandall habang ginagawa iyon ay sumasakit ang puso ko.
Ako:
Brand... May biglaan akong emergency pero okay lang ako. Wag ka mag-alala. May kailangan lang akong puntahan... Hindi na kita maipagluluto. Please eat. I'm sorry. Babawi na lang ako saiyo. Sorry.
Guilt creep in my chest as I sent my message to him. Parang bumigat ang puso ko. I am so guilty and torn. Napakagat ako sa labi.
I'm sorry, Brandall... Pero kailangan ako ni Lucian at hindi ko kayang hindi siya puntahan.
Masakit ang pusong binuksan ko ang sasakyan para makasakay at makapunta na kay Lucian.
Habang nasa daan ay nakatanggap ako ng text kay Brandall. Hindi ko pa tuluyang nababasa pero sobrang sakit na nang pakiramdam ko.
Brandall:
Take care.
Napakagat ako ng labi para pigilan ang mas lalong masaktan. Iyon lang ang text niya pero bakit nasasaktan ako? He didn't call me with our endearment. Alam kong alam niya kung anong emergency ang sinasabi ko kaya mas lalong sumakit ang puso ko. Napakagat akong muli saking labi.
I'm sorry, Brandall but Lucian needs me... and I need him too. Damn. I'm sorry.
***
Waaahhh! Ayan po! Finally nakapag-update din si Owtor! Yehet! Sorry po kung ito ay maikli lamang. Sa susunod na update na lang po:) Sana po nagustuhan niyo. Marami pong salamat <3 See you next update :) God bless <3 Saranghaeyo <3 I love you ~ Byiee ~