Prologue

2955 Words
Prologue *** "Lucila... Hindi ko kaya kapag nawala siya ng tuluyan sakin. Tang ina! Mas maganda na lang mamatay ako kung mawawala siya sakin. Mahal na mahal ko siya, Lucila. Hindi ko kaya kapag tuluyan siyang nawala. Para akong mababaliw, Lucila... Mahal ko siya. Mahal na mahal." Walang tigil na inubos ko ang natitirang alak sa bote na iniinom ko. Sa tuwing naaalala ko ang sinabi niyang iyon ay parang gusto ko na lang mamatay. Sa tuwing naaalala ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya ay nilalamon ng matinding guilt ang puso ko. Shit! Hindi ko sinasadya, Lucian! Patawarin mo ko, Luci. Binuksan ko ang isa pang bote ng alak at ininom iyon. Lumandas ang panibagong luha sa mga mata ko at pinunasan agad iyon pati ang bibig. Ayaw huminto ng pagbabalik ng mga alaala ko sa mga pinag-usapan namin ni Lucian. Kasalanan ko ito! Kasalanan kong lahat ng ito! "Anong gagawin ko, Lucila? Damn! It's killing me! Gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang maramdaman ulit. I miss her so bad. So f*****g bad that I want to die everytime I'm missing her. Damn it! Mahal na mahal ko siya pero bakit niya ko nagawang iwan?" nasasaktang sabi ni Lucian at lumandas ang luha sa mga mata niya. Nadurog ang puso ko kasabay ng sakit na bumalot sa buong sistema ko at pagsisisi na umaangkin sa pagkatao ko.  "Lucian... Tahan na." niyakap ko siya. "Kalimutan mo na siya..." nasasaktang sabi ko. Kalimutan mo na siya, Lucian para ako na lang. Nandito naman ako. "Paano? Kung nakatatak na siya sa buhay at pagkatao ko? Na hindi na ko mabubuhay kapag wala siya. I am so crazy madly in love with her." Hindi ko alam kung may ikawawasak pa ba ang puso ko. Hindi ko alam kung may mas isasakit pa ba ang nararamdaman ko. Tahimik na umiyak ng dugo ang puso ko kasabay ng sakit na umaangkin dito sa sinabing iyon ni Lucian. Ako rin Lucian. Mahal kita. At para akong pinapatay ngayon na harap-harapan kong naririnig kung gaano mo siya kamahal. Ang sakit, Luci. Ang sakit lang. Nandito naman ako... Bakit kailangan iba pa? "Naman, Lucian. Bakit kailangan iba pa? Bakit kailangan iba pa ang mahalin mo? Nandito naman ako ah? Nandito ako! Matagal na kitang mahal. Wala akong ibang minahal sa loob ng sampung taon kung hindi ikaw lang!" Napahagulgol ako sa sakit na nararamdaman. Naalala ko ang pag-uusap naming iyon. Iyon ang araw na umiiyak siya sakin at sinasabi kung gaano niya kamahal iyong Amanda na iyon at kung gaano siya nasasaktan. Napakaswerte naman talaga ng Amanda na iyon! s**t!  At kasalanan ko... Kung bakit naghihirap ng ganito ang minamahal ko. Dahil sa mga nagawa ko sa kanila. I am Lucila Anika Sandoval! At si Lucian Antonio Salcedo... Ang lalaking pinakamamahal ko. Matagal ko na siyang mahal. Buong buhay ko sa kanya ko ibinigay. Buong buhay ko... Siya lang ang minahal ko... Wala ng iba. At ang masakit sa lahat... Kahit gaano ko na siya katagal na minamahal... Sa huli... Ang bilis niyang nagmahal ng iba. Marami na kong ginawa. Marami na kong ginawa para lang mapansin ng lalaking minamahal ko. Marami na kong sinakripisyo para lang mahalin mo, Lucian. Pero bakit? Bakit siya pa rin? Hinagis ko ang bote at sumigaw sa sakit at galit na umaangkin sa buo kong pagkatao. Tumayo ako na para bang hinihila ng dagat. Ang malamig na simoy ng hangin at ang amoy tubig alat ng dagat ay nakakaengganyo. Nakakarelax pagmasdan ang lawak ng dagat pero bakit mas lalo akong nasasaktan? Naglakad ako papalapit sa dagat. I want to die! I want to f*****g die kung hindi lang siya mapapasakin! "You don't need to waste your life just because of a bastard." Naramdaman ko ang kamay na pumigil sa braso ko kasabay ng mga salitang iyon. Napatingin ako sa taong gumawa nun. "Do not touch me! Who are you? Leave me alone!" inis na sabi ko at pilit tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. Bakit ba kailangan niyang pakealaman ako? Halos mapapikit ako nang hilain niya ko palapit sa kanya. Parang umikot ang mundo ko sa hilo sa ginawa niya. "You're crazy..." mahinang sabi niya. Tiningala ko siya dahil sa sobrang tangkad niya na kailangan ko pang gawin iyon. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa alak na kumakalat sa sistema ko. "Oh damn it! Do not make me hila! Nahihilo ako you fool!" asik ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin at wala ng pakealam sa lapit naming dalawa. Kumurap-kurap ako para makita siya ng maayos. His sexy lips is the first thing I saw. Kumalabog ang puso ko. Why is that? He watered his lower lip using his tongue kaya mas lalo iyong pumula. Napakagat ako sa labi at napakurap. Tinignan ko siya sa mga mata. His serious eyes look at me with so much intensity. Agad ko siyang tinulak. Why is it my heart beats so f*****g fast? This is weird! Kasalanan ng alak na ininom ko! "You're suicidal... Stop making yourself drunk!" may halong iritasyon ang boses niya nang sabihin niya iyon. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya at tumawa ng sarkasmo sa kanya. "Oh well for your information Mr. Pakealamerong nilalang na  basta na lang nanghihila... Hindi ako tanga para sabihin mo pa iyan dahil iyon talaga ang gusto kong gawin." may iritasyon ding sabi ko. Yes! I want to f*****g die and this pakealamerong guy is so nakakainis para pigilan ako sa gusto kong gawin! Pagnamatay ako... Hindi ko na mararamdaman ang sakit na ito! "It's Brandall, My Lady..." Walang interes na tinignan ko siya kahit ang totoo ay nailang ako sa pagkakasabi niya ng my lady. Fudge! This is crazy! "I didn't ask because I don't care whoever you are. I want you to leave. Kung pwede lang." Humalukipkip siya. His strong arms is more defined sa ginawa niya. Napaangat ang tingin ko sa kanya. I guess tulad ni Lucian ay mahigit six footer din ang taong ito dahil nakatingala ako sa kanya ngayon. Magkasalubong ang kilay niyang nagdedepina ng misteryoso at malalalim niyang mga mata na parang isang bagyong maghahatid ng kaguluhan sa sistema mo. Ang matangos niyang ilong na tamang-tama sa manipis pero mapula niyang mga labi at ang perpektong mga panga na nagtatangis dahil sa iritasyon sakin. May tambol sa puso ko at nagsisimula nang magwala ang mga alaga ko sa tiyan. Hindi ko alam kung epekto ng lalaking ito o ng alak na nainom. I'd rather choose the latter. Napakurap ako. I can't believe na may isang taong masasabi kong papantay sa kagwapuhan ng minamahal kong si Lucian. Masasabi ko na magkapantay ng kagwapuhan at kakisigan nito ang kay Lucian ko. My gosh! Epekto ito ng alak kaya nagawa ko siyang purihin. I've been so loyal to Lucian na hindi ko nagagawang pumuri ng iba! "What are you doing here? You shouldn't be out by this hour. At isa pa... Why are you drowning yourself with alcohol? Alone." pagdidiin niya sa salitang alone. Hindi ko alam kung tama ba na may nakikita akong pag-aalala sa kanya o guni-guni ko lang kasi biglang nawala pagkurap niya. Tahimik na bumuntong-hininga ako para kalmahin at ayusin ang sarili. I am not making puri this guy in front of me! "Ano bang pakealam mo?" pagtataray ko. "I am managing this hotel and you are a guest so it's my responsibility if there's something bad happen to you." Parang may dismaya akong naramdaman dahil sa sinabi niya pero binalewala ko agad iyon the moment na naramdaman ko iyon. "Ikaw ang may-ari ng hotel na ito? Pwes. Hindi ko tinatanong. Gusto kong mapag-isa. At kung ang inaalala mo na may masamang mangyayari sakin... Huwag kang mag-alala hindi kita mumultuhin kapag namatay ako." malamig na sabi ko sa kanya. Kita ko na naging madilim ang titig niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Siguro dahil nag-aalala siya na baka masira ang pangalan ng hotel nila dahil mafo-front page ako pagnagkataon. "Why are you saying those bullshits!" galit na na sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niyang iyon at kinabahan. "Because I f*****g want to die!" sigaw ko sa kanya para ipakitang hindi ako naaapektuhan. Kita ko ang pag-igting ng panga niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sinagot ko. "You're drunk. I'll escort you to your room." sabi niya. Umiling ako at iniwas ang braso sa pagtatangka niyang paghawak ulit sakin. I don't want the feeling of him touching me! "Can you please leave me f*****g alone? I want to be alone." "No... I. Wont. Leave. And your mouth." sabi niya na pinagdiinan talaga ang I won't leave. Napairap ako. "Di ako na lang ang aalis!" inis na sabi ko sa napakapakealamerong lalaking iyon at umalis sa harap niya. Ayoko talaga sa mga taong pakealamero! Dinampot ko ang isang bote ng alak na dala-dala ko at naglakad. Kahit umiikot na ang paningin ko ay wala akong pakealam. Gusto kong magpakalasing hanggang sa hindi ko na kaya ang sarili ko. Para hindi na mag-isip ang utak ko. Para hindi na ko makaramdam ng sakit. f**k! I want to be numb by all these! I don't want to be hurt anymore! Sa bawat hakbang ko halos matumba ako. "Damn life! How could you be so miserable?" Hindi naman talaga miserable ang buhay ko dahil ipinanganak akong may gintong kutsara sa bibig. I am Lucila Anika. The princess of my parents. I am the only child kaya nakukuha ko ang mga gusto ko sa buhay. Nagagawa lahat ng gusto. I have plenty of money to spend. I have everything in my life... Except one. Except sa lalaking mahal ko. Si Lucian. At ang pagmamahal niya. Nakukuha ko lahat ng gusto ko maliban kay Lucian. Maliban sa pagmamahal niya. Napaiyak na ko nang madapa ako sa buhangin dahil hindi na tama ang bawat hakbang ko. Hindi ako umiiyak dahil sa sakit ng pagkakadapa kung hindi dahil sa nararamdamang sakit ng puso. "Are you alright, Miss? Are you hurt?" tanong sakin at hinawakan ako sa braso. Iyong lalaking pakealamero na naman! Alaka ko pa naman ay iniwan na niya ko. Ano bang ginagawa niya rito? Ano bang gusto niya sakin? s**t! Gusto ko lang mapag-isa! I want to be alone. "Umalis ka na! Sinabi ng iwan mo ko!" inis na sigaw ko at sinubukan kong tumayo. Halos madapa akong muli dahil sa hilong naramdaman. "Careful! Oh f**k!" Napatingin ako sa kanya. Inalalayan na niya ko sa mga braso ko. "Why are you, men, hurting woman's feeling? Ano bang ginawa namin sainyo para maging ganito kayo kalupit samin? Naman eh! Kayo na iyong minamahal namin, kayo pa itong nananakit! Napakagago niyo!" Hindi ko na napigilang sabihin ang mga iyon kasabay ng luhang tumulo sa mga pisngi ko. Damn! Nasasaktan ako eh! "Let's go... You need to rest." "Rest? Kahit pagod na ko, Lucian... Hindi ko magawang magpahinga. Mahal pa rin kita kahit masakit na." Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang lumalandas sa mga pisngi ko. I want Lucian. I want always to be with him. "Ang tagal na kitang minamahal... Matagal na tayong magkakilala... Bakit ang bilis mong mahalin siya? Sampung taon para sa halos limang buwan niyo lang na pagkakakilala! Naman, Lucian! Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi mo ko kayang mahalin?" Mas lalo akong napaiyak. Ako si Lucila... Hindi ako laging umiiyak... Pero si Lucian... Kaya niyang ubusin ang mga luha ko! "He doesn't deserve your tears..." "Mahal ko siya. Sampung taon na siya lang ang minahal ko. Wala akong pinaglaanan ng pagmamahal ko kung hindi siya lang. Siya lang ang deserving para sakin." Naramdaman ko ang bisig niyang pumulupot sa baywang ko at ang isa ay sa likod ng uluhan ko. Mas lalo akong naiyak. Hinampas ko siya na para bang sa ginagawa kong iyon ay naiibsan ang sakit na nararamdaman. "Its hurt... Its hurt. Nasasaktan ako!" iyak ko sa kanya at huminto sa paghampas sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang magsabi sa kanya na nasasaktan ako. Masakit sa dibdib. Halos hindi na ko makahinga sa sakit. Damn! This is my first heart break and its hurt so much. So deep I don't think I'll move on. Sa sampung taon... Kay Lucian lang ako nakaramdam ng seguridad sa isang yakap pero habang nakakulong ako ngayon sa yakap ng isang estranghero... Naramdaman kong ligtas ako at may karamay. This is my first feeling this way. "Hush... Sweet... It's okay. Everything will be okay." Sana nga... Sana tama siya... "Is it really going to be okay? I hurt him. I hurt his girl. It's so not me. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya. I was just hurt and jealous. Hindi ko dapat ginawa iyon para hindi ko nasasaktan si Lucian ng ganito. Hindi ko sinasadya." Napahagulgol ako sa dibdib niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya at ang marahang hagod sa likuran ko. Hindi ko alam pero sa unang pagkakataon... Nagawa kong umiyak sa ibang tao. Nagawa kong magsabi ng problema sa taong ni hindi ko kilala. Sa taong ngayon ko lang nakita. This is not me... Pero there is this thing in him... Na magagawa mong maging parang librong handang maging bukas para sa iba. Para malaman kung ano ba ang nararamdaman mo. "I want to forget. I want to die... Its hurt. Its hurt so much." Narinig ko ang mura niya. Kumalas siya sa yakap pero nanatili ang isang braso niya sa baywang ko at ang isa ay nakahawak sa pisngi ko. Tinitigan niya ko sa mga mata na para bang nakikiramay sa pagkabigo ko at sa sakit na nararamdaman ko. Marahang pinupunasan ng hinlalaki niya ang mga luha ko. "It's not because you are hurting ay tatapusin mo na ang buhay mo. Hindi niya magugustuhan iyon." "Pero siya ang buhay ko. Sa kanya umikot ang buhay ko. Paano ako mabubuhay ng wala siya?" Lucian is my life. Sa kanya umikot ang buhay ko. Paano na ko ngayon? Ngayong pakiramdam ko mawawala na siya sakin ng tuluyan... Lalo na kapag nalaman niya ang ginawa ko sa babaeng minamahal niya. Mas lalo akong naiyak dahil doon. "He's not your life. You control your life. Do not let anyone have it." Tinignan ko siya. He's eyes is a mystery to me but it gives comfort. "Make me forget... Make me forget. Please." Kita ko na nagulat siya sa sinabi ko. Hindi na ko nag-isip at hinalikan siya. "Make love to me..." I said between my kisses to him. Tell me I'm insane... Tell me I'm whore... But damn it! Gusto ko ng kalimutan si Lucian. Gusto ko na siyang makalimutan! "Make me forget, please. Make love to me." ulit ko habang umiiyak. Para wala na kong panghawakan. Para magsimula na kong kalimutan siya. For the past years... Inalagaan ko ang sarili ko kasi kay Lucian ko lang gustong ibigay iyon kapag kinasal kami... But knowing that he loves someone else... Gusto kong magrebelde sa sarili ko para maputol na ang pinangako ko. Ang pag-asa na balang araw magiging kami. Damn it!  "Stop... You'll regret it..." sabi niya nang bahagya akong ilayo sa kanya. Sinbukan niyang lumayo pa pero niyakap ko na ang kamay sa leeg niya. "No. I know I will not." matapang na sabi ko. Dala na rin siguro ng alak at ng sakit na umaangkin sa sistema ko kaya ko nasasabi ang mga ito. Muli ko siyang hinalikan. Nagmura siya pagkalayo niya. "Please..." halos magmakaawa ako sa kanya. Habang patuloy akong aasa... Hindi ako makakaahon. Habang may pinaghahawakan ako... Hindi ako makakabitaw... Tumulo ulit ang luha ko. "Hush sweet." masuyong sabi niya.  Parang huminto ang mundo ko at nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ko. Natigilan ako. Anong gagawin ko? Shit! Haloa hindi ako makahinga dahil hindi ko alam ang gagawin. Nice, Lucila! Ang tapang mong magsalita hindi mo naman pala alam kung paano humalik! Great! Lucian is my first kiss at ang mga halik na iyon ay mga dampi lang. Mga halik na parang hindi. And this guy is the second man who kissed me! "We will forget, honey. We will." sabi niya at niyakap ang mga braso sa baywang at likuran ko saka inatake ng nakakalasing na mga halik ang mga labi ko. Nalalasing ako sa bawat halik niyang hindi ko masabayan. Mga halik niyang gumugulo ng husto sa sistema ko. Mga halik... Na nagpapawala sa ulirat ko. I am not a good kisser. I don't know how to kiss. But damn... I need this! I kissed him back sa paraang alam ko... Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa isang kwarto. Basta naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa likuran ko at ang bigat niya sa ibabaw ko. Masyado na kong lasing sa mga halik niyang bihasa. Hindi ko alam kung tama ba ang pagsagot ko sa mga halik niya pero ginagawa ko pa ring halikan siya pabalik. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at ang kamay niya ay nagsisimula ng gumapang sa loob ng damit ko. "You really sure about this...?" Muli niyang inatake ang mga labi ko ng mga halik niya. "Lucian..." Naramdaman kong tumigil siya pero mas lalo niyang pinagbuti ang mga halik na halos magpawala sa ulirat ko. Hindi ko na alam... Pero nagpapaubaya na lang ako sa mga halik niya... Huwag ko sana pagsisihan ang bagay na ito. "Lucian..." *** Waaahhh! Ayan! Bitin alam ko po. Sorry. Ito ay prologue lang muna. Patikim para sa buong kwento :) Laging bitin haha. So anyways. Sana mahalin niyo rin po sina Lucila at Brandall baby :) See you :) Salamat po ng marami sa babasa nito :) Mahal ko kayo ~ <3 God bless <3 Good night <3 Saranghaeyo <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD