Prologue
Sebastian Villamor
“Here's all the information I gathered about the Madrigalejos family, sir.”
Habang pinagmamasdan ang asul na kalangitan mula sa aking opisina, unti-unti kong pinihit ang swivel chair at hinarap si Lorenzo. Inabot nito ang brown envelope na naglalaman ng impormasyon tungkol sa taong matagal ko nang hinahanap. Unang bumungad sa akin ang litrato ng pamilyang Madrigalejos, kung saan iba't ibang okasyon at seremonya ang dinaluhan ng mag-anak. Isa sa mga kuha ng litrato ang nakatawag sa aking pansin. Kunot-noo ko iyong pinagmasdan. At nang makilala ko ang isang bagay, napangiti ako. It was her, holding that familiar doll. Muli kong tinignan ang sumunod na litrato. She's wearing a white dress and she's beautiful.
“Maria Atasha Madrigalejos. Twenty-four years old. Eldest daughter of Mr. and Mrs. Madrigalejos. She studied abroad and graduated from Harvard University. According to my source, she's about to return here to the Philippines next month.”
I nodded twice as a response. Muli kong tinignan ang susunod at huling litrato. Napakunot ang noo ko. It was a different woman. And indeed, she is really beautiful, too.
Who's this woman wearing a red dress?
“Atasha's sibling, sir.”
I can say malaki ang pagkakaiba nilang dalawa ng kanyang kapatid. It seems like she has a strong personality—the way she smiles and the way she dresses. Unlike Atasha, she looks so innocent and pure.
“Jorjette Rose Madrigalejos. The youngest daughter of Mr. Alfredo Madrigalejos. Twenty-three years old. Fresh graduate from Mapúa University Manila and currently working in her father's company.”
“Aside from their educational background, what else?” I asked as I repeatedly stared at the photo of this woman wearing the fiercest smile.
“Ms. Atasha is one of the members of a group named Children's Savior that helps orphaned children. A consistent honor student from elementary to high school. And just last year, she earned Latin honors: Magna c*m Laude.”
“That's my girl,” I whispered.
“Ms. Jorjette Rose—a consistent honor and top student in her class from elementary to high school. But in her third year of senior high, she was allegedly kicked out of her school for beating up a fellow student. And just a few months ago, she graduated and earned the highest Latin honor: Summa c*m Laude. She also received various awards in the field of martial arts as a third-degree black belter.”
“Pretty impressive, huh? Is that all?”
“There's one more thing you need to know about Mr. Alfredo's daughters.”
My brow arched as I turned my gaze back to him. “What? Spill it.”
“The thing is... these two women have different mothers. Ms. Jorjette Rose is the daughter of the late Mrs. Irene Madrigalejos, the first and original wife of Mr. Alfredo, while Ms. Atasha is the daughter of Mr. Madrigalejos' second wife, Lorena Baltazar.”
“Didn't you say Atasha is the eldest daughter of Mr. Alfredo? How did that happen when you said Irene was the first wife?” I asked with confusion.
“Well, base sa nakalap kong impormasyon, dating mag-best friend ang mga nanay nila. Pinagsabay silang dalawa ni Mr. Alfredo. Mas naunang nagdalang-tao si Lorena, but later on, Alfredo found out na buntis din si Irene. Alfredo chose to marry Irene. Isang hamak na empleyado lamang noon si Alfredo, and I think he used Irene as an opportunity para makaahon sa hirap.”
“Madrigalejos are really interesting, huh? What about these two? Do you know if magkasundo ba sila? Ano ang lagay ng relasyon nila mula pagkabata?”
Lorenzo cleared his throat. “Well, according to my source, the reason why Atasha was sent abroad ay dahil madalas siyang bulihin ng kanyang nakababatang kapatid na si Jorjette Rose. Hindi sila magkasundo. There was a time na muntik na silang mahulog dalawa sa bangin dahil sa pambubully ni Jorjette kay Atasha.”
Naging seryoso ang titig ko sa babaeng nasa litrato at mabilis ko iyong ihinagis sa aking talahanayan.
“Tell me, have you found a way for me to enter the life of the Madrigalejos?” I asked seriously.
“Yes, sir.”
“How?”
“Mr. Alfredo is currently looking for Ms. Jorjette's new bodyguard.”
“What? Is there no other way?” nayayamot na tanong ko.
“I'm sorry, sir. Pero ito lang ang nakikita kong paraan.”
“Okay, fine. If this is the only way to be close to Atasha, then I will do it. Thank you for doing a great job. Here, take this.” Agad kong inabot ang sobre na naglalaman ng pera. I doubled it.
“Thank you, sir.”
Napangiti akong muli at tinitigan ang litrato ni Atasha. Muling bumalik sa nakaraan ang aking alaala fifteen years ago.
Fifteen years ago
“I'm sorry, Nic-Nic. Mommy told me to take care of you, pero nadumihan na ang dress mo dahil sa kanya. Don't worry, I'll ask Yaya Minda to wash your clothes, okay?”
Habang pinapagpagan ang manika, bigla itong natigilan nang may marinig na umiiyak kung saan. Dahan-dahan siyang tumayo at mahigpit na hinawakan ang manika. Maigi nitong pinakinggan kung saan nagmumula ang tunog. Nang mapagtanto niyang galing iyon sa lumang sasakyan, dali niya nitong binuksan ang pinto. Sa unang subok niya ay hindi agad nabuksan ang pinto. Ngunit sa pangalawang subok ay puwersahan nitong hinila ang pinto at tuluyan na nga itong bumukas. Bumungad sa kanya ang batang lalaki na umiiyak, pulang-pula ang mukha, at naliligo sa pawis.
Mabilis na natigil ang batang lalaki sa pag-iyak. Nginitian ito ng batang babae at inabot ang kanyang kamay. Tinulungan nitong makalabas ang batang lalaki mula sa lumang sasakyan.
“Are you okay?” tanong nito sa batang lalaki. “What are you doing there ba? Saka bakit mag-isa ka lang?”
“Eh, mag-isa ka rin naman, eh. So what are you doing here din?”
“Ako naman 'yung tumatanong sa 'yo, eh. Tapos ikaw naman ang tumatanong sa akin. Ano kaya 'yun? Don't argue with me. I'm grown up na, you know?”
“Ha? Eh ilang taon ka na ba?”
“Ako? I'm eight.”
Napangiti ang batang lalaki. “I'm nine,” sagot niya sa batang babae.
“Huh? You're nine and yet I'm taller than you?” gulat na reaksyon ng batang babae.
“Eh ano naman? Tatangkad din naman ako. Baka nga sa paglaki natin, mas matangkad pa ako kaysa sa 'yo,” sagot ng batang lalaki na nagpanguso sa batang babae.
“Hmm, okay, sige na nga. Eh ano ba kasi ang ginagawa mo inside the old car?” turo ng batang babae sa sasakyan.
“'Yung cat ko kasi, nakawala. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami dito. I thought he was inside the car, kaya binuksan ko. Kaso lang, biglang 'di ko na ma-open 'yung door. Buti na lang dumating ka. You're my savior,” saad ng batang lalaki.
“Okay, gusto mo i-help kita hanapin 'yung nawawala mong cat?”
“Yes, please.”
Sabay na naghanap ang dalawang paslit sa nawawalang pusa. Maya-maya pa'y sumigaw ang batang babae. “I found him!” Bitbit nito ang mabalahibong pusa.
Halos matulala ang batang lalaki sa ngiti ng batang babae. Agad niyang inabot ang Persian cat sa batang lalaki. Tuwang-tuwa ang batang lalaki at hindi maalis ang mga tingin sa kanya. Maya-maya pa'y 'di na napigilan ng batang lalaki at humalik ito sa pisngi ng batang babae.
“Thank you. You're so kind,” nakangiting sabi ng batang lalaki. “My name is—”
“Hay, Diyos ko kang bata ka! Nariyan ka lamang pala! Erwin, Jairus, narito ang bata!”
Nagmamadali ang mga lalaking nakaunipormeng itim na tumakbo patungo sa batang lalaki. Mabilis na binuhat ang batang lalaki paalis. Muli itong kumaway sa batang babae.
“What's your name? I am Basti!” sigaw nito.
“Wait lang! Put me down! Put me down!”
“Hindi puwede, Señorito. Kanina pa kayo hinahanap ng Señor. Halos lahat ng tao sa mansyon ay naghahanap sa 'yo. Kailangan na natin umalis at mukhang uulan na.”
“What's your name?” sigaw muli ni Basti bago makapasok sa loob ng sasakyan.
“My name is... Madrigalejos.”
Dulo na lamang ng pangalan ng batang babae ang narinig ni Basti dahil sa malakas na dagundong ng kulog at kidlat mula sa kalangitan. Tanging pagkaway na lamang ang nagawa ng batang babae nang tuluyan nang makaalis ang sinasakyang kotse ni Basti.