bc

TIE OF LOVE

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
curse
confident
heir/heiress
blue collar
bxg
serious
mystery
loser
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal?

_

Si Aleyha ay isang simpleng babae, simpleng mangarap, masayahin at higit sa lahat may maganda at maayos na trabaho.

Ngunit ng dahil sa minsan niyang pagpapanggap tila ba naging komplikado na ang lahat. Dahil sa kagustuhan niyang itago sa kanyang ama sinarili niya ang problema.

Subalit simula pa lang pala ito ng magulong buhay na nakatakda niyang harapin. Ngunit kung para sa kanyang ama handa niyang gawin ang lahat kahit pa ang magpatali sa isang kasal na walang pag-ibig at puno ng pagdurusa.

Ang galit ba maaaring maging pag-ibig?

*****

04-08-23

Story Written By: LadyGem25

chap-preview
Free preview
THE WEDDING CRASHER
CHAPTER ONE _ CAGAYAN DE ORO CITY - ISLA DEL CASTRO, HOTEL AND RESORT   “We are gathered here today in the sight of God and these witnesses to join together with Marco and Trixie in holy matrimony; which is an honorable estate, instituted of God, since the first man and the first woman walked on the earth. ‘Therefore; it is not to be entered into unadvisedly or lightly, but reverently and soberly. Into this holy estate, these two persons present come now to be joined. ‘Therefore, if anyone can show just cause why they may not be lawfully joined together, let them speak now or forever hold their peace...”   “Itigil n’yo ang kasal!”   Buong lakas at tapang kong sigaw na natitiyak ko na narinig rin ng lahat. Kung alam lang nila kung gaano ang inipon kong lakas ng loob para lang masabi ko ang mga katagang ito. Alam ko na maaaring sa mga oras na ito nakatutok na rin ang mga mata ng lahat sa akin. Dahil sa pakaantala ng kasal at sa eksenang ginagawa ko ngayon. Subalit wala rin akong panahon ngayon para pansinin pa ito. Dahil ang misyon ko lang ay ang mapigilan ang kasalang ito na hindi dapat mangyari. Kasalukuyang nasa Resort kami na pag-aari ng mga Del Castro kaanak ng Groom. Dito rin ako nagtatrabaho bilang Senior Staff ng Organizing Team. Kung alam ko lang sana hindi na ako nag-effort pa na pagandahin ang magiging resulta ng kasalang ito. Kaya hindi na ako magtataka kung wala na rin akong trabaho bukas. Magmula sa pagiging Wedding Organiser, mukhang magtatapos ako sa pagiging Wedding Crasher?! Pagkatapos kong sumigaw buong tapang akong lumakad palapit  sa harap ng Obispo at nang dalawang ikakasal. Narito na rin lang ako kaya itutuloy ko na ito.   Bahala na! Ngayon ko lang naman ito gagawin at wala na akong balak ulitin pa kahit kailan... Pangakong bulong ko sa aking sarili, hanggang sa muling magsalita ang Obispo na halatang nagulat rin at matamang tumingin sa akin. “Anak, anong ginagawa mo dito? Bakit kailangan mong pigilan ang kasal ng dalawang ito na kusang loob namang pumarito para magpakasal?” Wika ng Obispo. “P-pasensiya na father, pero h-hindi sila maaaring magpakasal!” Puno ng tapang kong saad. Kahit dumadagundong pa sa kaba ang aking dibdib. Hanggang sa dalhin ako ng aking paningin sa direksyon ng Groom na kanina lang napansin kong butil butil ang pawis nito. Ngunit ngayon tila umaliwalas na ang mukha habang ang katabi nitong Bride na todo kapit sa Groom. Bigla na lang umasim ang mukha  at tila handa na rin akong sabunutan, ngunit nagpipigil lang... Siguradong nakikilala niya ako dahil halos araw-araw kaming magkasama nitong mga huling araw. Dahil sa dami ba naman ng mga requested at demand niya sa kasal na ito. Nakaramdam ako ng bahagyang tuwa sa isang banda pala may makakakuha rin akong benefits sa ginagawa ko ngayon. “Ngayon ikaw naman ang mataranta!” Bulong ko aking sarili. Hindi naman ako gumaganti, nagkataon lang na siya ang magiging biktima sa sitwasyong ito. “Ano bang ibig sabihin nito Marco, ano bang nangyayari ha?” Naaalarma nang lumapit ang ama ng Groom na si Atty. Anton Cervantes. Lumalakas na rin kasi ang mga konotasyon sa paligid na tila mga bubuyog. This is it, ito na ‘yung pinakamahirap na ganap... Ano na ngayon ang gagawin ko? Pambihira, ano ba ang balak ng lalaking ito mag-isa ko lang ba itong gagawin? Tukoy ko kay Marco na kaharap ko na at ngani-ngani ko nang sipain. Halos mulagat na ang mga mata ko kakaparamdam ngunit tila wala yata itong balak tulungan ako. Parang gusto pa yata nitong buhatin ko ito palayo dito ah’? Nga-nga talaga! Pilit akong nag-isip ng next move. Habang nag-iisip ibinaling ko ang aking paningin sa direksyon ng mga tao sa paligid na tila ba dito ako makakakuha ng sagot. Kahit pa alam kong may mga mapanuring mga mata ang nakatingin sa akin. Pakialam ko ba?! Subalit napukaw ang aking atensyon ng lalaking kahit sa unang tingin pa lamang makikita nang angat sa karamihan. Dahil sa natatangi nitong awra, magandang kutis at pangangatawan na tiyak alaga rin sa pag-eehersisyo, halata naman sa kabila ng suot nitong modern business suit. Marahil hindi na rin nito nagawang magbihis at halatang kagagaling lang nito sa isang Business Trip. “Putik! Bakit siya narito?” Aba s’yempre naman pinsan kaya siya ni Marco! Biglang bawi  ko rin sa isip ko. Pero sa pagkakaalam ko nasa Sweden siya this past few days ah? Dahil kasi sa mga Marites sa loob ng Resort madali lang para sa’kin ang makasagap ng latest. Lalo na nga kung ang topic ay tungkol sa nag-iisang tagapagmana ng mga Del Castro. Si Rigo Del Castro ang acting CEO ng Del Castro group of companies. Dahil sa absence ng Abuelo nito, dito lang naman ipinagkakatiwala ang lahat ng mga negosyo na pag-aari ng pamilya. Kabilang na s’yempre ang Hotel and Resort na ito. Oh’ hindi ba, ang dami kong alam? Pero hindi po Marites ang pangalan ko kun’di Aleyha! Hindi kasi ito kabilang sa Entourage group kaya ang buong akala ko hindi ito darating. “Ano naman bang problema kung dumating siya o hindi? Pagsita ko sa aking sarili. Ahh, wala lang naman sumasagap lang po ako kung ano ba ang latest tsismis nothing more, nothing less! Bakit ba?” Kaya hindi ko na namalayan... Minutes after! Nagulat na lang ako ng biglang may humila sa’kin palayo. Napilitan rin tuloy akong tumakbo namalayan ko na lang na hawak na pala ni Marco ang mga kamay ko. Pambihira! Kikilos rin naman pala, pinaglakbay pa ang diwa ko. Hindi tuloy ako informed tatakbo na pala?! Oppps! Take note; ang alam ko pangarap ko ito noon pa ah? Ang hawakan ni Marco ang hugis kandila kong mga kamay. Buti na lang uso na ang Washing Machine kaya hindi nauwi sa hugis ng sampalok. “Bilisan mo nga! Baka mahuli pa tayo sa flight.” Reklamo na nito. Aba, Aba beast mode ba?! Hindi ba ako na nga ang gumawa ng paraan para lang matakasan nito ang kasal. Bulong ng isip ko pero... “Heto na nga ‘diba tumatakbo na! Halos madapa na nga ako.” Pilit pa rin akong nagpakahinahon kahit nakakainis na ang lalaking ito. “Bakit naman kasi iyan pa ang isinuot mo? P’wede namang nagrubber shoes ka na lang!” Reklamo sa akin ni Marco sa three inches stilleto shoes na suot ko. “Hello? Kasal kaya ang pinuntahan ko, natural a-awra ako no?!” Umiirap kong tugon. “Pambihira, feeling mo ba papasa kang Ninang?” “Grabe ka naman sa akin, Ninang agad hindi ba p’wedeng secondary sponsor lang muna? Hindi naman ako yayamanin para maging Ninang no!” Ito ang litanya ko habang halos kaladkarin na ako nito. Hanggang sa makarating kami kung saan nakapark ang  sasakyan nito. Subalit... “Marco tumigil ka, bumalik ka dito!” Sigaw ni Atty. Cervantes malapit na sana kami sa sasakyan ng abutan kami ng Daddy ni Marco. “Nakita mo na, ikaw kasi ang bagal mo!” Paninisi pa ni Marco sa’kin habang patuloy pa rin ito sa pagkaladkad sa akin. “Sir, pasensya na po!” Paghingi ko muna ng paumanhin sa ama ni Marco. Kahit hirap akong lingunin ito. “Halika na, bilisan mo na, sakay!” Halos itulak na rin kasi ako ni Marco sa loob ng sasakyan. Ang sarap siguro nitong sipain sa loob loob ko. Pagkatapos... “Pabayaan mo na ako Dad, alam mong hindi ko gustong magpakasal kay Trixie ikaw lang ang nagpumilit. Babalik ako kapag natanggap mo na siya!’ Sigaw ni Marco sa kanyang Ama. Dahil wala na talaga itong balak bumalik pa at magpatali sa babaing hindi nito gustong pakasalan. Habang ako tahimik na lang na sumilip sa bintana ng sasakyan. Hindi ko alam kung magi-guilty ba ako? Inisip ko na lang isang beses ko lang naman itong gagawin at hindi na mauulit pa katwiran ko. Tanaw ko pa ang nagaganap na kaguluhan sa labas, ang pag-uumpukan ng mga bisita habang nagbubulungan. Open area pa naman dahil nasa tabi kami ng dagat. Kitang kita ko rin ang pagwawala ni Trixie habang pigil ito ng sariling Ama. Bigla tuloy akong napaisip ano kaya ang pakiramdam nito ngayon, ang sama ko ba? Saglit akong natigilan ng maramdaman ko ang pagsakay ni Marco sa sasakyan at nang tuluyang paandarin ito. Subalit muli ko rin ibinalik ang tingin sa labas kaya muli ring napukaw ang aking atensyon sa lalaking sumakay sa kasunod naming sasakyan. This time sigurado ako na nakatingin ito sa amin o sa akin at ano itong nakikita ko sa kanyang mukha? Tila ba may naglalarong ngiti sa labi nito. Ano kaya ang naglalaro sa isip ni Rigo Del Castro? Saglit na naging palaisipan tuloy ito sa akin. Hanggang sa tuluyan kaming makalayo ni Marco sa Resort walang namutawing salita sa amin. Alam ko naman na iisa lang ang nasa isip nito ngayon, kaya minabuti ko na huwag na lang basagin ang katahimikan nito. Dahil wala rin naman akong maisip sabihin o hindi ko lang alam kung saan ako magsisimula? Ngunit hindi ko naiwasan na paliguan siya ng tingin saglit pa akong napabuntong hininga habang ginagawa ko ito. Actually halos pareho lang sila ni Sir Rigo angkan yata sila ng mga gwapo at maganda wala kang itutulak puro kakabigin o iibigin. Si Marco ang first love ko, para bang gusto ko tuloy mangarap ngayon? Habang patuloy kong minamasdan si Marco gusto kong mangarap... Kahit ngayon lang, tutal naman huli na ito. Gusto kong isipin na, ang lahat ng ito ay totoo at walang halong pagkukunwari. Totoong hinawakan niya ang aking kamay kanina upang isabay sa pagtakas, para iwan ang lahat. Dahil ako ang pinili niya, ang gusto niyang makasama kahit pa sa kabila ng pagtutol ng pamilya nito. Isasama kasi niya ako sa Switzerland at du’n kami magpapakasal. Bubuo ng isang pamilya at magsasama ng masaya kasama ng aming magiging mga anak. Ano kaya ang pakiramdam kapag talagang magkasama na kami? Lalo na’t alam ko na mahal na mahal niya ako parang ang sarap sa pakiramdam at isipin na may isang tao na nagmamahal sa’yo at gagawin ang lahat para lang sa’yo. At ang taong iyon din ang pinakamamahal mo at ang lahat lahat sa’yo. Ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa at ang swerte swerte ko naman talaga, kaya lang... _ Gumising ka na, Aleyhandra Soriano malapit na kayo sa Airport, ilang sandali na lang mawawala na siya sa paningin mo. Kaya tapusin mo na ang kahibangan mo ngayon pa lang... Bulong ko sa aking sarili. Dahil hindi totoo ang lahat ng ito, isa lang itong pangarap para sa’kin pangarap na hindi na matutupad pa kahit kailan! Pero hindi ba dapat ako naman talaga ang nasa posisyong ito kung hindi lang sana siya dumating, kung hindi mo lang sana siya nakilala... “Baka naman matunaw na ako n’yan, bago pa kami magkita ng Bestfriend mo! Alam ko namang gwapo talaga ako kaya lang hindi para sa’yo ang kagwapuhang ito.” Itinuro pa nito ng hinlalaking daliri ang sarili. Napasimangot tuloy akong bigla dahil sa sinabi ni Marco. Kung minsan kasi may kayabangan rin ito. Likas na yata sa kanila iyon, mukhang nasa lahi rin! Until time goes by... “Bilisan mo na ang pagbaba baka mahuli ako tiyak na naghihintay na si Marianne sa akin. P’wede mamaya ka na lang mag-ilusyon kapag nakaalis na kami.” Agad na itong nakababa at mabilis na umikot palapit sa passenger seat sabay bukas ng pinto nito sa gawi ko. Okay na sana dahil nagpaka-gentleman ito para ipagbukas ako ng pinto. Subalit.. “Bilisan mo na ang pagbaba at ilalock ko na ang kotse. Huwag ka nang sumama sa’kin sa loob ako na ang bahala sa sarili ko. Dito ka na lang bantayan mo muna ang kotse ko bago ka umalis. Kukuhanin ito ni Mang Lauro tinawagan ko na hintayin mo na lang muna. Huwag kang aalis dito ha’ hangga’t hindi dumarating si Mang Lauro maliwanag?” Hindi ko alam kung bakit napatango na lang ako, kahit pa ang totoo gusto ko nang magprotesta. Sigurado ba talaga ito na iiwan ako dito sa gitna ng alanganing lugar at alanganing init ng araw? Paano kung bawal pala ang over staying dito anong gagawin ko? Saka mukha ba akong walang pakiramdam kaya okay lang na masikatan ng araw. Buti pa ang kotse nagagawa pa nitong pag-ingatan, mas higit ba ang halaga ng kotse kaysa sa’kin? Ngunit nanatili pa ring nakabitin ang aking dila, walang tumakas na isa mang salita, kaya naman muli itong nagpatuloy... “Oh’ ito kunin mo, makakatulong sa’yo ‘yan sa paghahanap mo ng bagong trabaho, kung sakaling paalisin ka nila sa Resort.” Pilit nitong isinaksak sa kamay ko ang isang puting sobre na sigurado naman na pera ang laman. Pagkatapos nitong iabot ang sobre mabilis na itong lumayo. Ni ha, ni ho wala akong nasabi, nanatiling habol ko lang siya ng tanaw. Hanggang sa unti-unti na siyang lumiit sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang buksan at tingnan ang laman ng sobre... Naglalaman ito ng sampong-libo, hindi ko na rin alam kung tatawa ba ako o iiyak? Saglit na nakatitig lang ako sa mga ito hanggang sa manlabo ang aking paningin na hilam na sa sarili kong mga luha at ang sobre at salaping hawak ko ay unti-unti na ring nababasa. Dahil sa mga patak na nagmumula sa aking mga mata. I tend to realized that I want to cry instead of laughed. Sampong-libong piso para sa trabahong nakatakdang nang mawala sa’kin. Ang trabahong hindi naging ganu’n kadali bago pa ako natanggap. Ang trabahong inalagaan ko rin sa loob ng limang taon. Sampong-libo kapalit ng lahat nang ito na tiyak na magiging dahilan ng mga mapang-usig na tanong na ibabato sa’kin pagbalik ko sa Resort. Kailangan ba hindi na lang ako bumalik at huwag nang magpakita pa? Lalo lang lumakas ang pag-iyak ko nang hindi alintana ang paligid ko maging ang itsura ko. Bakit pa? Wala namang halaga sa akin kahit ano pa ang sabihin nila? Gaya ito nang wala ring halaga sa’kin ang perang hawak ko ngayon. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit kahit nga “thank you” lang okay na ako du’n.  Ngunit imbes na pasalamatan niya ako, bakit niya ako binigyan ng pera? Ginawa ko lang naman ito para sa Bestfriend  ko dahil gusto ko siyang maging masaya at sa isang taong minsang naging espesyal rin sa’kin. Minsan pinangarap ko na sana mahalin rin ako! Pero siya ba talaga ang minahal ko noon? “Excuse me, Miss... Kailangan mo yata ito” Bigla akong napalingon sa lalaking nagsalita sa harap ko. May hawak itong panyo na tila inaabot sa’kin. Ako ba talaga ang kausap niya? Tanong ng isip ko habang Nagpalinga-linga pa ako sa paligid sa kanan, sa kaliwa  bago ko ibinalik muli ang tingin sa kanya. “A-ako nga!” Medyo napalakas yata ang boses ko kasi narinig ko siyang bahagyang tumawa. Saka sumagot pa talaga? “Duda ka ba? Ikaw lang naman ang nakita ko dito na umiiyak sa ilalim ng sikat ng araw! Kunin mo na ito, huwag kang mag-alala malinis naman ‘yan! Okay?” Pilit nitong inilagay sa kamay ko ang panyo at saka ito mabilis na tumalikod. Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis na itong naglakad palayo. Ang bilis-bilis nitong maglakad, iba talaga ang mahaba ang biyas. Halos nasa six footer yata ang taas nito. Ang ganda rin ng balangkas ng katawan, parang kaya ako nitong ibalibag kahit saan. Hindi ko tuloy naiwasang habulin ito ng tingin. Habang naglalakad ito ng mabilis, mahigpit rin nitong hawak ang backpack na nakasabit sa kaliwa niyang balikat. Hanggang sa tuluyan na itong nawala, marahil nagmamadali rin ito pero nagawa pa rin akong pansinin.   Bakit nga ba, hindi ako magiging kapansin pansin, eh’ maganda rin naman ako ah’?       04-08-23 By: LadyGem25

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.4K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook