ELLAINA Makahulugan ang tingin sa akin ni Trixie nang dumating sa Villa si Jarred at halikan ako sa pisngi pero umismid ako. Kasalukuyan ko kasing bisita ang kaibigan ng mga sandaling iyon. "Magkaaway pa ba kayo? Or should I say inaaway mo pa rin ba si Jarred?" mahinang tanong ni Trixie. Nagkibit-balikat lang ako. Palihim na sinundan ng tingin ang lalaking dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig sa fridge. Halatang pagod ito at medyo basa ng pawis ang suot na t-shirt but still—napaka-gwapo pa rin ng asawa ko. Sayang nga lang at inis pa rin ako sa kanya kaya hindi ko malapitan. Sa gabi naman kapag katabi ko ito sa pagtulog ay hindi ako nagpapayakap dito. Tinotoyo na kung tinotoyo! "Ellaina, ano pa ba ang gusto mo? Nakuha mo na ang pera ng asawa mo'y ganyan ka pa rin sa kanya? Masyado k

