ELLAINA Pagbalik namin sa M.U. ay agad akong nagpahatid kay Raiko sa Villa. Pagdating doon ay iniwan na ako ng binata nang makita ang motor ni Jarred sa labas. Ibig sabihin ay naroon ang aking asawa. Mabilis akong umakyat sa taas ng bahay at nakita ko si Jarred sa terrace na seryoso ang mukha. Nakaupo ito sa leatherette sofa at nakahalukipkip habang matiim ang tingin sa akin. I took a deep breath para pigilin ang inis sa lalaki. Ito pa ang masamang maningin samantalang siya na nga ang naglalandi sa mga modelong iyon. Pasalamat siya at nagbago pa ang isip ko sa pag-alis ng M.U.. Teka lang. Alam kaya nito na nagtangka akong umalis? Kung alam nito ay bakit hindi man lang nainleng habulin ako? Hmmmp! Ah, baka naman pabor sa kaniya ang pag-alis ko dahil mangangahulugan lang iyon na malaya

